Chapter 19
Tahimik kong pinagmamasdan ang daan kung saan man kami pupunta. Ilang oras na kaming nasa biyahe pero bukod tanging ang bundok at mga halaman lang ang nakikita ko.
"Ayos ka lang ba Eli?" Tanong ng nasa harap.
"Oo... Ayos lang ako." Nanghihina niyang sagot.
Lumingon ako sa katabi ko at doon ay nakita ko siyang namumutla na habang hawak hawak ang gilid ng kaniyang tiyan. Kumunot ang noo ko nang may makitang pulang likido sa kaniyang damit.
I sighed deeply... Kahit na ang puso ko ay nabalot ng galit ay kailangan ko pa rin gamutin ang sugat niya.
"Alisin mo ang kamay mo" malamig kong saad.
Tumingin siya sa akin, ramdam ko rin ang pagsilay ng tingin sa akin ng kasamahan niya na nagmamaneho sa harap.
"Ayos lang ako" pagdidiin niya.
"Hindi ka maayos Eli! May tama ka! Pag hindi napigilan ang pagdurugo niyan ay baka anurin na tayo rito!" Gigil na sambit ko.
Hindi ito natinag sa akin, umayos siya nang pagkakaupo at tumingin sa labas.
Muli ay huminga ako ng malalim. Marahas kong itinaas ang kaniyang damit kahit na walang pahintulot niya, nagpumiglas pa siya sa ginawa ko pero hindi na rin umalma pa nang makita ko kung ano ang naroon.
Punong puno ng dugo ang tiyan niyang nasaksak. Kinagat ko ang babang labi ko pagkatapos ay inayos ang aking saya kung saan ako kukuha ng telang malinis.
Gamit ang natitira kong lakas ay pinunit ko 'yun. Tahimik kong tinakpan ng tela ang sugat niya para patigilin ang dugo. Rinig ko ang pagdaing niya rito na binalewala ko lang.
"Hawakan mo" utos ko sa kaniya.
Sinunod niya ang sinabi ko kaya naman ay muli akong pumunit ng tela sa saya ko para ipampalit sa nilapat ko.
"Ayos pala ang kinuha mo Eli, marunong sa panggagamot. Makakatulong satin 'yan!" Ngisi ng kasamahan niya.
Nagtiim bagang ako. Muli akong naglagay ng distansiya sa aming dalawa at pumirmi sa tabi ng bintana.
"Kaso ay delikado tayo sa mga sundalong 'yon. Mukhang nobyo niya pa ang isang heneral na naroon"
Hindi umimik ang katabi ko, maski ako ay pinili nalang rin na manahimik kesa sa magsisigaw ako rito.
Pagdating ng gabi ay siya namang paghinto ng sasakyan sa isang magubat na lugar.
May mga kubo rito pero hindi tulad ng nasa kampo na hiwa-hiwalay, dito naman ay dikit-dikit.
Nakita ko kung paano naglabas ng baril ang mga nasa labas. Pumwesto sila sa tagong lugar at tinutukan ang aming sasakyan.
Mabilis na bumaba ang kasamahan niya.
"Tulong! May tama si Eli!" Sigaw niya.
Mabilis itong pumunta sa gilid ng pintuan kung nasaan si Eli at agad na binuksan 'yon.
Inalalayan niya si Eli sa pagbaba, ang mga taong may baril ay isa-isang naglabasan at dinaluhan ang dalawa.
"Anong nangyari Lupe?" Tanong ng isang matandang lalaki.
"Nadali po ng kutsilyo 'nong tumakas sa bantay niya"
"Dalihin niyo agad sa hapag at nang matahi ang sugat niya."
"Opo ka' Berting" sabay sabay nilang saad.
"Ka' Berting..." Rinig kong boses muli ni Lupe. "May sinama si Eli galing po sa kampo"
BINABASA MO ANG
Letter On Time
היסטורי בדיוניAlexandria Montemayor is a college student who currently live in the present but got a chance to sent back in the past. Without her acceptance and in confusion, she continued to live there as Alejandria Apostol. What will she do if she witness the l...