chapter 55 (precious gift)

51 2 0
                                    


RAPHAEL's POV


After 6months ng aming honeymoon sa Maldives, masaya ang aming pagsasama ni Alyza.


Kahit saan ako magpunta isinasama ko sya. Wala akong maipintas sa kanya, maalaga sya na ...malambing...mapagmahal. Kahit andyan si Manang Fe, inihahanda nya ang aming pagkain...Sya talaga ang nag-aayos ng damit ko pang-duty... Kung mapaaga ako ng punta sa clinic, tinatawagan nya ako for breakfast at kung minsan sya talaga ang baba para puntahan ako at yayaing kumain... One day ---


"Amboy kanina pa kita tinatawagan, kaya pinuntahan na kita, lunch na po doc---"


Nang sya nyang pagbukas at kitang-kita nyang hinahalikan ako... Nanlaki ang mata nya sa pagkabigla... Ako hinde rin nakagalaw...  Bigla syang tumalikod at tumakbo... Itinulak ko ang nanghalik sa akin, ilang minuto pa akong natulala bago ko sya tinakbong sinundan... I press the elevator button going up  pa rooftop, sa bahay namin...


"Manang Fe si Alyza?"


"Di kayo nagkita iho? Bumaba sya para tawagin kang mananghalian, ayan oh nakahanda na ng lunch nyo..."


"Hinde mo nakitang pumasok sa kwarto Manang Fe?" Tanong ko habang tinatakbo ang kwarto ---  wala sya... Tumakbo ako pasakay ng elevator pababa....tinatawagan ko ang phone nya pero sige lng ang ring, hinde nya sinasagot.


Nang tingnan ko ang Fortuner wala na sa parking space nito....Doon ko nasiguarado na umalis sya sakay ng Fortuner.


"Guard saang direksyon papunta ang Fortuner?"


"Hinde ko napansin Doc, ang bilis ng patakbo ni Ma'am Alyza, nagmamadali.


Dali-dali akong pumunta ng San Jose...


"Si Ma'am Alyza nyo nandito?"


"Wala Doc," sagot ng katiwala doon, halos di ko na narinig sa pagmamadaling sumakay ulit sa
sasakyan ko paalis...nagda-drive ako ng di ko alam saan pupunta...


"Saan ka na Langga?" tanong ko sa isip ko...


"Bakit ko pa kasi tinanggal ang bracelet?" Sisi ko sa sarili ko...


"Sana naka on pa ang phone nya," bulong ko sa sarili ko.


Tinawagan ko si Towers...


"Towers, brudie,  kaya mong i- track ang location ng phone ni Alyza?"


"Bakit?"


"Saka na ako mag explain, paki track,"


Maya maya nagtawag na ulit si Towers...


"Brudie, sorry off na ang phone nya,"

Let Me Love You Forever (LCB Stories2: Raphael Mondragon Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon