HENDRICK's POV
Hinde ako makatulog sa pangyayari.... Nag aalala ako kay Alyza, pero di ko maiwan iwan si Rose dahil sa buntis sya at malapit ng manganak...
Kagagawan ko ang lahat ng ito.... Kung hinde naging napakataas ng pride ko, hinde ganito kagulo ngayon...
Inom ako ng inom, gusto kong malasing...di ko na alam paano maayos ang buhay ko.
"Inom nlng ba ang aatupagin mo? Mula ng makauwi tayo, yan na kaagad yang mga alak na yan hinarap mo...Ano ba Hendricks??? Nag umaga nlng" Rose
"Alam mo nagtitimpi lng ako sa yo, dahil dyan sa kalagayan mo..." Sabi ko
"Galit ka sa akin sa ginawa ko?? Ganun?" Rose
Lumabas ako ng bahay, pinaharurot ang sasakyan ko... Kailangan ko ng katahimikan.... Napansin ko nlng nasa harap na ako ng gate ng bahay namin.... Inabutan ko si Mama na nagdidilig ng kanyang mga halaman...ilang araw pa lng silang nakauwi after ng by-pass ni papa sa Singapore.
"Oh anak, kumusta?" Mama
"Hinde ko na alam Ma kong ano ang nangyayari sa buhay ko," sabi ko
"Halika doon tayo sa cottage sa gilid ng pool... " Mama
"Ma, hinde ko na alam ang gagawin ko.... Mahal ko si Alyza Ma," Sabi ko
"Anak, ayaw kong sisihin ka... Kahit ano pa ang mangyari, anak kita....pero anak ikaw lng ang maka desisyon at si Alyza sa buhay nyo," Mama
"Gulong-gulo ako Ma," Sabi ko
"Anak, alam mo hinde ako sang ayon sa ginawa mo.... Tuwang-tuwa ako ng malaman na si Alyza ang pakakasalan mo.... Pero di ko alam, na yan ang gagawin mo" Mama
"Ma... I am sorry," Sabi ko
"Wag ka sa akin anak mag hingi ng tawad, anak kita, hinde kita tatalikuran...pero anak, ang asawa mo, labis mong sinaktan...Ang mga biyenan mo, hinde lng yan kumikibo pero galit yan sila sa yo...sino ba ang matutuwa kong ganun ang gawin sa nag iisa mong anak,"
"Ma, alam ko kasalanan ko ang lahat ng ito" Sabi ko
"Hinde mo ba anak naitanong sa sarili mo, kung bakit walang sinasabi ang mga biyenan mo? bakit nasa kay Dr. Mondragon ang anak nila" Mama
"Bakit Ma, anong kinalaman nila?"
"Anak, kinausap ako ng Mama ni Alyza, na inihabilin nila si Alyza kay Dr. Raphael.... Kasi sa sobrang sakit na dinanas nya anak... Nagka post partum depression sya... Nadatnan nlng sya ni Dr. Raphael na nakadapa sa sahig sa gazebo, yakap yakap ang urn ni baby...nanginginig at hinde magtigil sa pag iyak... Kaya isinakay nya sa chopper at dinala sa hospital nya." Mama
"Ano?"... Nabigla ako
"Oo anak, Wala kang alam. Kasi wala ka sa piling ng asawa mo...." Mama
"Kaya nagsabi ang Mama ni Alyza na ibibigay nya ang karapatan sa pangangalaga sa anak nya Kay Dr. Raphael." Mama
"Inaalis na nila ako sa buhay ng anak nila Ma!?" Sabi ko
"Hinde mo sila masisi anak, pinabayaan mo ang anak nla." Mama
"Alam ko Ma... Sising sisi ako"
"Ano ang karapatan ko anak para mag oppose, ang kalagayan ng anak nila ang pinoprotektahan nla." Mama ..."kasi kong ako ang sa kalagayan nila, ganoon din ang gagawin ko,"
BINABASA MO ANG
Let Me Love You Forever (LCB Stories2: Raphael Mondragon Story)
Romance"Let Me Love You Forever" takes an unexpected turn as the protagonist, a young woman, Alyza deeply in love with her boyfriend, Raphael, faces the harrowing challenge of amnesia, erasing all memories of the man she once held dear. The narrative becom...