ALYZA's POV
@home
Nang magkita kmi ni Hendrics kinagabihan, I never confronted him...I never mentioned anything to him...Gaya ng ginagawa ko sa Bali, parang wala lng...mas lalo na ngayon, need ko to remain calm, baka mapahamak ang anak ko though it was really a heart breaking scen. But I have to bear... Imagine a husband who can't even afford to look at his wife... then may bina-bampirang iba....Bakit ganun? Magawa nga nya sa iba, bakit sa akin na asawa nya tila nandidiri sya?
Ang sakit sakit, but still with high hopes, di magtatagal matutunan din akong pahalagahan ni Hendricks, kahit di man mahalin, pahalagahan lng sapat na.
Alam ko iba ang mahal nya, di ko alam kung si Beth pa ba o yun babae na kasama nya sa Bali, o yun kabampirahan nya sa office nya. Di ko alam kung sino sa kanila...kung sinuman, alam kong hinde ako.
Masakit man I need to accept it, para sa iyo ito anak, magpapakatatag ako.... Lalaban ako...lalaban tayo anak...yes anak, we will fight without knowing how to win. Titiisin ko ang lahat, kahit naaapakan na pati ego ko, ang pagka babae ko may kilalanin ka lng na ama anak.
Naputol ang pag muni muni ko nang makitang pababa si Hendricks sa hagdanan.
"Hubby breakfast na tayo... Halika na lalamig na itong kape mo," yaya ko sa kanya.
Maya-maya nakita ko syang umupo...Laking tuwa ko, at last sabay kaming kakain.
"Hubby, pwede mo akong samahan?" sabi ko
"Saan yan?" Hendricks
"Magpapa-prenatal check up ako maya mga 10am." sabi ko
"Pre-natal check up lng man pala...busy akong tao Alyza... Wala akong panahon para dyan..." Hendricks
"Ganun ba, sige ako nlng," parang maiyak kong sagot.
"Wag kang mag inarte dyan, eto ang ATM, para yan sa panggastos dito sa bahay...pambayad ng bills, pangpasahod at personal allowance mo. Wag kang mag alala more than enough yan...Dyan mo na rin kunin pampa check up mo.." sabi nya
"Di man sa ganun hubby, may pera man ako," sabi ko
"You shut up please, let's stop this nonsense argument! Nakakawalang gana!" asik nya
"Sorry...ito ang baon mo sa lunch, dalhin mo." sabi ko
"Kakulit mo.... " sabi nya
"One more thing, pde ba kaming mamasyal maya ni doc Jenna after ng check up ko? Ibibigay ko na rin ang pasalubong ko, di pa kmi nagkikita since pagdating ko," sabi ko
"Whatever Alyza..." Irita nyang sagot sabay hablot ng packed lunch nya...
"Bye hubby....iloveyou..." Pahabol kong sabi habang sya ay nagmamadaling umalis.
HENDRICS' POV
@ office
"Ano bang klaseng babae yun si Alyza, di marunong magalit? She's getting into my nerves! Wala ng itinirang pride sa sarili? Ilang beses na nya akong nahuli, wala pa rin syang karea-reaksyon" sa isip isip ko
"She's not getting tired of me? O kinokonsensya nya ako?" sa isip ko
Kinakain ko ang lunch na pabaon nya sa akin...Infairmess, masarap... Kahit laki sya sa mayaman ring pamilya, alam nya ang mga gawaing bahay, lalo na sa pagluluto. Kahit sabihan kong ipagawa sa mga helpers, di nya matiis di tumulong lalo na sa pagluluto...
BINABASA MO ANG
Let Me Love You Forever (LCB Stories2: Raphael Mondragon Story)
Romance"Let Me Love You Forever" takes an unexpected turn as the protagonist, a young woman, Alyza deeply in love with her boyfriend, Raphael, faces the harrowing challenge of amnesia, erasing all memories of the man she once held dear. The narrative becom...