ALYZA's POV
Second-day pa lng namin sa Bali, five days more to go pa tayo my hubby... yes, one-week honeymoon package ang gift ng parents ni hubby.... sarap lang at all expense paid pero mas masarap siguro kung tweetums kami ni hubby...
"Wag masyadong demanding Alyza," sabi ko sa sarili ko....
"Malamig ang tubig at ang ganda ng pool," sambit ko habang nakatingin doon mula sa aming veranda.
"After breakfast hubby, pool tayo!!"masigla kong yaya kay hubby habang iniisip ko kung anong beach attire ang isusuot ko.
"Kung like mo, go!" bored nyang sagot sa akin.
"Samahan mo ako please hubby...", may pa puppy eyes ko pang sabi sa kanya... to my dismay, still no effect.
"Dyan ka na nga," padabog nyang sabi sabay labas sa room namin
"Hubby, breakfast tayo" medyo pasigaw ko na tawag
Di na narinig...
"sige na lng mahiga higa na lang muna ako...wait ko syang bumalik, kung hinde na breakfast, pwede na ring brunch... ganun yun okay pa rin yun..." sabi ko sa sarili ko
Di ko namalayan, nakatulog ako.
"oh my 3pm na!!" bulalas ko.
Tinignan ko ang bed, wala si Dricks, sa banyo, wala rin.... sinuri ko kung may bakas na bumalik ito, wala rin... Tiningnan ko ang cellphone ko kung may text msg from him, wala ni isang letra...
"Ganun nlng yun? basta na lng akong iwan, ni pasabi wala? saan kaya yun?" tanong ko sa sarili ko.
Wala man akong gana, nag ayos ako, pumunta sa resto para maghanap ng makain....malamnan man lng ang tyan ko, imagine walang agahan, walang tanghalian....need ko talagang kumain, may mapapahamak maliban sa akin.... okay lng kung ako lng....sobrang pagtitipid na rin kung iisipin di ba, skipping two meals.
HENDRICK's POV
"huh! makainis na babae, maka irita! kung gusto nyang mag pool, mag pool syang mag isa nya....napaka clingy!" inis kong sabi sa sarili ko.
Palakad lakad ako sa sea shore para maiwaksi sa isip ko ang babaing yun, pati pangalan nya parang ang hirap banggitin, parang mabilaukan ako. Naalibadbaran ako sa presence nya.... nang mapagod, napaupo ako sa ilalim ng punong nyog, habang nanonood sa mga nag jet jetski at iba pang water sports.
BINABASA MO ANG
Let Me Love You Forever (LCB Stories2: Raphael Mondragon Story)
Romance"Let Me Love You Forever" takes an unexpected turn as the protagonist, a young woman, Alyza deeply in love with her boyfriend, Raphael, faces the harrowing challenge of amnesia, erasing all memories of the man she once held dear. The narrative becom...