chapter 58 ( three heartbeats)

48 2 0
                                    



RAPHAEL's POV

Birthday party ng triplets, 4 years old na sila... Kindergarten na silang tatlo... nandito ang lahat ng LC family... Nagkakatuwaan na ang mga girls, at ang mga kalalakihan, tipsy na... Okay lng man sila kahit mag enjoy ng inum, dito sila matutulog sa bahay namin. Hinde na kami sa rooftop ng hospital nakatira, nagpagawa ako ng bagong bahay sa lupang nabili ko namin na magkakaibigan noon... Maganda dito kasi malawak ang front yard at backyard, isang 5-hectare compound na papatayuan naming lahat na magkakaibigan, ako ang nauna magpatayo... ako ang GenSan base. Under constructiuon na rin ang bahay ng 12 pa...Condusive sa malaking pamilya. Maluwag na takbuhan ng tatlo, bale apat sila kung nandito si Hendrei.

May birthday party sila nang umaga, children's party, mga kaklase nila at parents ng mga ito ang bisita at mga teachers sa school nla... May iba ring kaibigan ni Hendrei, nasa grade 3 na sya.  Masaya ang party, tuwang tuwa sila sa clowns at sa mga pakulo nito...

Nagkakantyawan ang lahat, magmadali na daw ang iba para makahabol sa akin, isang putok lng daw at tatlo agad...at kay Odette na nagka-twin... Twin pretty girl and pogi na boy... Anak nila ni Mirafuente...samantalang si Storm, little girl... Halos magkaka edad  sila ng triplets namin.

Sa katunayan, halos engaged na ang mga LC boys,  maraming mga trials din na pinagdaanan pero nakasurvive din ang kanilang love affairs...

Masaya kaming lahat... Nakakasali na sa aming pagtitipon ang mag pinsang Mirafuente at Sarmiento... Ninong at ninang rin kasi kami sa kambal ni Mirafuente at Odette... Ninong din si Sarmiento sa kambal. Ninong din sya ng triplets... 

Wala akong nababalitaan na ka-affair ni Sarmiento...siguro mahal pa nya si Alyza, pero bilang respeto sa amin bilang mag asawa, civil lng sya... Focus sya sa negosyo nya at sa anak nyang si Hendrei, na sa katunayan, pamangkin ko sa pinsan kong si Marcus... Maswerte si Hendrei kay Sarmiento, mahal sya nito na parang tunay na anak.  Lagi nya itong priority, kasama nya sa mga lakad nya except kung may klase.

 Sa amin nya iniiwan si Hendrei, na gustong gusto ng triplets. Malambing kasi si Hendrei, mapagbigay sa mga little brothers nya kaya ang mga ito  like talaga syang kasama. Natutuwa din ako para kay Hendrei, lumaki syang para na ring may tunay na mga kapatid.  Maganda ang pagpapalaki sa kanya ni Sarmiento, sa tulong na rin namin, lalo na ni Alyza...



Masayang natapos ang birthday party, nagsitulog na rin ang mga LC family. May pinagawa akong 12room-duplex sa tabi ng aming bahay, reserve sa kung maramihan  ang matulog sa bahay... Di pa kasi tapos ang mga bahay nila, ang kadalasan sa kanila mga single pa. Ang dalawang guestrooms sa ground floor reserve kay Sarmiento at Hendrei...pero kung wala si Sarmiento, sa kwarto ng triplets, may extra bed para kay Hendrei.  Ang isang guestroom sa ground floor  reserve kay Mirafuente at Odette.



Makalipas ang tatlong araw, nagpanic ang mga kasambahay, after lunch  sige na throw up si Alyza, at bigla itong na collapse... Dali dali kong  ginamit ang ambulance para kunin sya. Wala pa syang malay ng datnan ko kaya ginamit ko na ang oxygen na nasa ambulance para matulungan syang huminga... . Si Manong Kanor ang nag drive, habang kami ni Manang Fe naka alalay sa kanya... Naghihintay na ang stretcher sa kanya sa labas ng hospital. Nanginginig ako, si Doc Jenna ang mag asikaso sa kanya at ang iba pang resident doctors...after 30minutes nakagising na sya...Sya ring pagpasok ni Doc Jenna dala dala ang result ng mga laboratory.

"I am happy for you Doc,"

"Happy ka sa lagay na na-collapse si Alyza?"

 "Another prince o princess, pero sana princess,"

Let Me Love You Forever (LCB Stories2: Raphael Mondragon Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon