chapter 39 ( bye for now)

76 1 0
                                    



RAPHAEL's POV

After breakfast, we headed towards GenSan, an hour and a half makakarating na kami....

"Bye for now... "sabi ni Alyza, pakaway kaway pa sya sa mga staffs ng beach ..

"Bye Atty, Balik po kayo," ganting sagot ng mga staffs.

Patingin tingin si Alyza sa nadadaanan namin...

"Ang ganda dito no? payak na buhay, tahimik... matagal na ba operating ang beach na ito?"

"Ang beach matagal na, bata pa ako, andyan na.... Karamihan sa pumunta kahapon, mga tauhan yun sa nyogan, ang iba sa palayan at ang iba sa maisan.... ang iba sa bakahan, manukan, babuyan at kambingan,"

"Ha? may ganun pa doon? "

"Oo, hinde ko naituro.... Ang mga baboy doon, backyard hogs raising ang tawag...ang share ng nag aalaga, pinapabili nla. Ang share ni Mama, reserve sa mga celebrations,"

"Celebrations?"

"Oo, para sa pasko, bagong taon, piyesta, birthday ni Lolo, Papa, at Mama. Kung may medical mission pang tanghalian at panghanda rin kung foundation anniversary ng school,"

"Naku andaming handaan!"

"Oo, kaya dapat may paalaga para di na bibili,"

"Ang saya kung ganun,"

"Oo, Masaya na sila sa kung ano ang maihanda para sa kanila,"

"Imbitahan mo ako kung may mga celebrations, gusto ko ma try ang mga yun,"

"No problem...Gusto mo sa beach ka na tumira, at ikaw na ang tumakbong kapitana sa Baryo. haha"

"Loko loko ka!"

"Pwera biro, you will really appreciate what you have and what you are kung kasama mo sila,"

"Kaya nga gusto ko ma experience,"

"Alam mo macaroni salad, spaghetti, buttered chicken, lalo na may pa-lechon, abot-langit na ang ligaya nla,"

"Saan sila nakatira?"

"Ang iba doon sa bundok, sa kabila ng cemented road, yung high way, paakyat sa bundok...ang iba nandoon malapit sa coastline, mga mangingisda sila,"

"Doon ang mga tao nakatira?ay sayang... sana makabalik ako doon ano? gusto ko mamasyal doon,"

"Sure.... kelan mo gusto bumalik, ngayon?"

"Ayannnnn na naman, nagsimula ka na naman,"

"Pwera biro, ang Sitio Mondragon, halos lahat yun kay Papa, namana nya sa father nya... 1950's pa sa kanila na yun...kaya may elementary school doon... bale lahat ng mga bata doon nag aaral.... si Mama ang naghahatid ng school supplies -- bag, papel, crayons, ballpens and pencils kapag school opening, at kung naka enrol na, kukuhanan nya ng sizes para sa school shoes."

"Ha? ganoon ang ginagawa ni Tita?

"Oo, nagi-guilty daw sya kasi, kaya kung mag out of country sila ni Papa, ang pang shopping nya, iniipon nya at yun ang pinapambili nya,"

"Ang galing naman,"

"Nakonsensya siguro... kasi sabi nya ang price ng isang bag nya daw hinde pa pala mauubos kung ang 350 pupils ay paglalaanan nya ng 2000each at yung teaching force doon na hinde aabot sa 15 parang may 5000 each for school supplies nila, bags at shoes"

Let Me Love You Forever (LCB Stories2: Raphael Mondragon Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon