4

782 34 0
                                    



DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 4

"Ang gwapo ni sir Kevin noh?" napalingon si
Ella sa mga estudyanteng nasa likuran niya.
Mga BSBiology students.
"May girlfriend na ba siya?" Kinikilig na
tanong ng isang babae na maiksi ang buhok
pero bagay naman sa medyo pahaba nitong
mukha. Halatang mayayaman ang apat dahil
sa mga branded na damit at makikinis na
mga balat.
"Wala! Malaki pa ang pag-asa. Akitin mo
siya, gurl." Napataas ang kilay ni Ella sa
sinabi nito. Kahit nakatalikod ay pinilit
niyang pakinggan ang kanilang usapan.
"Weeeh? Sa gwapong 'yan ni sir, wala pang
girlfriend?" Halos hindi makapaniwalang
saad ng isang mahaba ang buhok na lagpas
hanggang balikat.
"Oo, kaklase siya noon ng kuya ko. Dito rin
kasi si kuya nag-aaral at itinanong ko ang
tungkol kay sir Kevin," pagmamalaki niya.
Mayaman sila kaya afford nilang mag-aral sa
school na ito.
"Talaga? Bakit kaya?"
"Ewan, hindi naman daw sila close. Iilan lang
daw ang kaibigan ni sir dahil tahimik itong
tao pero balita nila ay kasintahan niya noon
ang isa sa kaklase nila."
Napakunot ang kilay ni Ella. Hindi niya ito
alam dahil wala naman siyang pakialam sa
buhay noon ni Kevin.
"Talaga? E, baka may relasyon pa sila
hanggang ngayon?" Tsismis ng isa.
"Baka, wala na kasi siyang balita magmula
nang mag-graduate sila."
Napaisip si Ella. Wala talaga siyang narinig
na may kasintahan si Kevin. Nasa iisang
bahay lang sila kaya alam niya kung may iba
ito pero wala naman itong dinadala sa unit
dahil kung meron man, dapat alam niya.
"Gosh! Speaking of the Adonis." halos
luluwa ang mga mata ng estudyante dahil
ang presko tingnan ng binata sa suot na
white t-shirt na hapit sa katawan at makikita
ang bakas ng abs nito. Lalo na ang
malalaking muscles sa braso niya.
Napayuko si Ella nang magtama ang kanilang
mga mata.
Ipinagpatuloy na lang ng dalaga ang pagkain
pero pinapakiramdaman ang bawat kilos ni
Kevin.
Naiinis siya nang may mga narinig na
nakikipaglandian dito.
Kinuha niya ang cellphone at kunwari ay may
tinitext.
"Busy, friend?" si Vince.
"Ba't pa sulpot-sulpot ka? Saan ka galing?"
nakasimangot na tanong niya.
"Namimiss mo 'ko?" todo ngiti ng binata.
Natigilan si Ella, ngayon niya lang napansin
na may malalim na dimple pala ito sa
kanang pisngi. Gwapo ito at marami rin ang
nagkakagusto. Medyo payat nga lang pero
hindi naman ganun talaga ka payat.
"Nainlove kana sa 'kin niyan?" bumalik siya
sa reyalidad at tinaasan niya ito ng kilay.
"Asa!"
"Talagang aasa ako sayo, sanay na akong
umasa, e." Biro ni Vince.
"Pwede ba akong maupo?" napatingin sila
pareho kay Kevin na nakatayo sa harapan
nila. Hindi na hinintay ng binata na sumagot
ang dalawa at naupo na ito sa harapan ni
Ella.
"Kamusta ang klase ninyo?" casual na
tanong ni Kevin.
"Okey naman po sir, medyo mahirap lang
ang ibang subjects pero kaya naman." Ani
Vince.
"Good! Kamusta ka, Ella?" pag-angat ni Ella
ng mukha ay kumakain na si Kevin ng
biniling palabok.
"Okey naman po, sir."
"Good!" Hindi mabasa ni Ella ang mukha nito
dahil nakayuko at busy sa pagkain.
"May klase pa po ba kayo, sir?" tanong ni
Vince.
"Wala na," napasulyap siya kay Ella. Ang
totoo niyan, lihim na ipinagdarasal niya na
sana ay estudyante lang siya dahil kating-
kati na ang kamay niya para masuntok si
Vince. Kilala siya bilang mahinahin pero
pagdating kay Ella ay hindi niya mapigilan
ang sarili.
Ella, mauna muna ako ha. Nasa labas ang
ate ko," paalam ni Vince at tumayo.
"Mabuti naman," hindi napigilan ni Kevin na
magsalita.
"I mean, mabuting puntahan mo na para
hindi na siya maghintay. Alam mo naman
ang mga babae, ayaw nilang naghihintay.
Gusto nilang sila lang ang hinihintay," nang
mapansin niyang palihim na pinandilatan siya
ni Ella.
"Mabuti alam mo," bulong ni Ella na hindi
nakaligtas sa pandinig ni Kevin. Medyo
malayo na si Vince sa kanila.
"Kaya nga sinabi ko na, hindi ba?"
nakangiting sagot ni Kevin.
"Ingay mo po, sir." mahinang sagot ni Ella
dahil sila na ang pinagtitinginan ng lahat.
Minsan lang kumain si Kevin sa canteen at ni
minsan ay hindi pa ito nakipagsalamuha sa
mga estudyante kapag kumain-- Ella pa
lang.
"Tsss. Ano'ng masama? Nagsasabi lang ng
totoo Missis Villafuerte," napatigil si Ella sa
ginagawang paglalaro ng ube cake at
napasulyap kay Kevin pero nakayuko rin ang
binata habang kumakain.
"Kahit hindi ako nakatingin, nararamdaman
ko ang mga titig mo, Sweetheart."
Nakayuko pero tumingin si Kevin sa kanya at
kumindat. Mabuti na lang dahil sa
pinakadulo sila ng canteen at nakatalikod
ang binata sa mga estudyante.
"Mapapatay kita, Sweetheart mo mukha
mo!" Mahina pero may diin na sabi ni Ella.
"Sa bahay tayo magpatayan mamaya, hindi
kita uurungan."
Napahigpit ang hawak ni Ella ng tinidor sa
sobrang inis.
"Ano'ng nakain mo? Bakit ganyan ka? Kevin
naman! Nasa paaralan tayo, mahiya ka."
Pabulong na saway ni Ella. Pilit na itinatago
ang pagbuka ng bibig para hindi sila
mapansing nag-uusap.
" Nakain ko? 'yang labi mo. Walang tamang
lugar sa pagpahayag ng tunay na
nararamdaman, Sweetheart." Pang-aasar ni
Kevin na ikinatayo agad ni Ella at kinuha ang
bag.
"Maiwan na po kita, SIR! May pasok pa po
ako," tumalikod na siya sa sobrang inis at
hindi pinansin ang mga matang naiinggit at
naiinis sa kanya.
Buong klase siyang hindi maka-concentrate
sa nile-lecture ng kanilang prof dahil sa
nangyari kanina sa canteen. Kung hindi lang
ito teacher ay baka nakipagharutan pa siya
sa kasintahan pero hindi pwede dahil bawal.
Lalo na siya na lang lagi ang binubully dahil
hindi branded ang mga gamit niya. May mga
damit naman siyang binibigay ni Kevin pero
hindi niya sinusuot.
Mas pinipili niyang bumili sa mumurahin at
kung may gamit man siyang may pangalan
ay hanggang bench o natasha lang. Ayaw na
sana ni Kevin na magtrabaho siya noon pero
nag-eextra siya sa isang resto na malapit
lang sa kanilang unit kaya nakakaipon siya.
Ayaw kasi niyang maging pabigat sa binata.
Kahit hindi nito aminin ay alam niyang
medyo nahihirapan na si Kevin lalo na noong
estydyante pa lang ito. Tumigil lang siya last
month dahil nagkasakit na naman siya.
Madalas siyang mahilo at minsan ay
nanonosebleed dahik sa sobrang init ng
panahon at sa pagod na rin.
Ang sabi ng nurse sa clinic nila ay low blood
siya kaya madalas na bumibili si Kevin ng
atay ng manok o 'di kaya'y gulay basta rich
in iron.
Nagti-take na rin siya ng ferous sulfate para
hindi bumaba ang blood count niya.
Hindi niya namalayan ang oras at uwian na
pala nila.
"Hoy! Ano ang pinag-uusapan ninyo ni sir
kanina, ha?" nakapamewang na tanong ni
Leslie nang inayos niya ang mga aklat.
"Wala! Nakiupo lang siya sa table namin,"
pag-iwas ni Ella. Ataw na niyang lumaki pa
ang isyu.
"Bakit siya nakiupo? 'Wag mong sabihing,
nagpapabayad ka sa kanya?"
"Ewww! Bayaran, hindi pwede sa School ang
mga ganyan! Poor talaga!
"Quiet! Si sir girls," saway ng isang barkada
nila.
Isa-isa na silang nagsilabasan nang papasok
si Kevin.
"7/11 wait mo 'ko," bulong ng binata nang
matapat sa kanya.
"Hindi ba talaga pwedeng itext mo na lang?
Nakakabwesit ka!" Pikon na wika niya nang
pabulong. Kunwari may inaayos sa upuan
para hindi mapansing nagsasalita siya. Okey
lang dahil malayo na ang mga kaklase niya
kaya hindi sila napapansin kahit na
nakatingin sa kanila. Maingay din ang iba
kaya sila lang nakakarinig.
"Yes, Mr. Villafuerte? ba't nagpunta ka
rito?" tanong ng prof na si Mr. Legazpi.
"Iba pa rin kasi kapag personal na puntahan
kita, para malaman mo naman na seryoso
ako," malakas na sabi ni Kevin na nakatingin
sa gurong kaharap niya pero alam ni Ella na
para sa kanya ang sagot nito.
"May pinapasabi lang po kasi ang Dean, sir.
Tungkol sa retirement mo,"
Tumalikod na ang binata at nauna pang
lumabas kay Ella.
"Akala ko, si Ella na ang pinuntahan niya.
Nakita ko kasi sila sa canteen kanina!"
Bulong ng kaklase niyang bakla sa isa pang
bakla.
"So? pretty naman si Ella kaya bagay lang
sila," sagot ng isang bakla. Hindi ito kagaya
ng iba na masyadong mapanghusga.
Napaka-friendly nito kaso si Ella lang ang
nahihiyang makipagkaibigan dahil baka pati
ito ay mabully.
"Pahamak ka talaga, Kevin!" Bulong ni Ella
habang palabas ng classroom. Bahala na si
Kevin na maghintay, magdidyip siya pauwi.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon