12

638 32 0
                                    

DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

"Ella, dapat dito ka lang matulog!" Sa loob
ng isang kwarto, apat ang tulugan.
"Tama! Bawal kang tumabi kay Kevin!"
Napataas ang kilay ng dalaga nang hilain siya
ng kambal papasok sa kwarto at inisa-isa
ang bawal at hindi bawal sa loob ng kwarto.
"Kapag nasa labas kami, lumabas ka rin.
H'wag mong hayaang magsolo ang dalawa
Kyler," utos ni Skyler sa kakambal.
"Pero baka malingat ako dapat bantayan mo
rin," nakapamewang na sagot ni Kyler.
"Tingin n'yo sa akin, bata?" Nakasimangot na
sabi ni Ella.
"Firstyear ka palang, Ella. Bawal ka pa
mabuntis," depensa ni Kyler.
"Oo nga! Ang bata mo pa pumatol ka kay
Kevin? Ella naman! Ano'ng mapapala mo sa
lokong 'yon?" Bulalas ni Skyler na halos
hindi makapaniwalang pinatulan ni Ella si
Kevin.
"Buksan ninyo ang pinto!" Sigaw ni Kevin sa
labas.
"Ella, makinig ka! Habang maaga pa,
hiwalayan mo na si Kevin, wala kang future
do'n." Pangumbinse ni Skyler na nagbibingi-
bingihan sa katok na kapatid.
"Tama! Magiging sagabal lang siya sa pag-
aaral mo, maghintay ka naman ng tamang
panahon. Ang pagmamahal hindi minamadali
iyan, Ella." Dagdag ulit ni Kyler.
"Ilang taon na kaming nagsasama ni Kevin,
ngayon pa ba kayo magrereklamo? Isa pa,
mahal namin ang isa't-isa. Kayo nga may
mga asawa na, e." Natahimik ang kambal.
"At may MGA anak na kayo! Ilang taon lang
ba kayo?" Mas lalong tumahimik silang
dalawa. Mas lalong kumalampag ang pinto
nang sipain ni Kevin. Magti-twenty three pa
lang silang dalawa.
"Hubby! Buksan mo 'to. Iihi ako!" Sigaw ni
Yna sa labas.
"Sandali lang, Wifey. Nag-uusap pa kami,"
malakas na sagot ng binata para marinig ng
nasa labas.
"H'wag mong buksan, bro! Kakausapin natin
ng masinsinan si Ella." Nakasalubong ang
kilay na naka crossed-arm habang nakatayo
sa harapan ng dalawa. Para itong nagnakaw
ng kung anong bagay na nahuli nila.
"SKYLER! PAG HINDI NINYO BUKSAN ANG
PINTO! MALILINTIKAN KA SA AKIN!"
Malakas na sigaw ni Kim sa labas.
"SHIT! Kyler, buksan mo bro, dali!" Utos ni
Skyler na itinulak pa ang kakambal.
"Akala ko ba hindi bubuksan?" tumigil si
Kyler at masamang tinitigan ang kakambal.
"Naiihi na si Yna, kawawa naman ang asawa
mo. Dalian mo na!" Dalawang kilay na ang
tumaas kay Ella at napailing. Minsan, hindi
niya maintindihan ang trip ng kambal.
"Nasaan na si Skyler?" galit na tanong ni Kim
nang bumukas ang pinto. Napalingon si Ella.
Wala na ang kaibigan sa harapan niya.
"Saan na 'yon?" nagtatanong na wika ni Ella
at hinanap si Skyler nang biglang bumukas
ang CR.
"Hon! Ba't ganiyan mukha mo?" inosenteng
tanong ng binata.
"Bakit ang tagal mong buksan?"
nakapamewang na tanong ni Kim. Sa mukha
nito ay magkasing-edad na ata sila ng
asawa.
"K-kwan, nasa CR ako, hindi kita narinig.
Kakalabas ko lang 'di ba?" laglag ang panga
ni Kyler sa sagot ng kakambal. Si Skyler
naman ay nagbabanta ang tingin kay Ella na
nakikiusap na 'wag sabihin.
"Ikaw hubby, kanina pa ako katok nang
katok bakit hindi mo binubuksan?" halos
hindi na maipinta ang mukha ni Yna na
nakatingin sa asawa.
"H-huh? kitang kinakausap namin si Ella, e.
Sabihin mo lang kung galit ka Yna at hindi
na ako tatabi sa 'yo mamaya," nakasalubong
ang kilay ni Kyler.
Biglang lumambot ang kilay ng asawa,
"Nagtatanong lang naman hubby, naiihi na
kasi ako." Sabay takbo ni Yna sa CR.
"Putsa! Nasaan na si Ella?" bulalas ni Skyler
nang mapansing wala na ang dalaga na
nakaupo sa kama.
"Ulol! Sabi sa 'yong bantayan, e. Itinakas na
ni Kevin. Bantay salakat ang putsa!"
Napipikon na wika ni Kyler.
---------
"Ayan! Malayo na tayo sa kanila,
Sweetheart." Habang hawak ang kamay na
tumigil sila sa kakatakbo.
Medyo malayo na sila sa resthouse nina
Tyron.
"Bitiwan mo ako! Akala mo nakalimutan ko
ang ginawa mo? Walang hiya ka!" Singhal ni
Yna sabay tulak dito at naglakad pabalik.
"Sweetheart! Siya ang humalik sa akin,"
paliwanang ni Kevin.
"Talaga? At nagustuhan mo naman!" Hindi
maipaliwanag ni Ella ang nararamdaman.
Basta galit siya ta gusto niyang durugin ang
mga labi ni Kevin.
"No! Of course not!" Mabilis na sagot ng
binata habang nakasunod sa kaniya. Ang
lamig ng simoy ng hangin na may halong
tubig galing sa dagat. Tanging ang ingay ng
alon na at tubig na humahampas sa pusod
ng karagatan ang maririnig nila.
"Gusto mo talaga! Bitiwan mo ako!"
Nagpupumiglas na utos niya. Niyayakap siya
ng mahigpit ni Kevin mula sa likuran.
"Listen!" Hinarap siya ng binata at mahigpit
na hinawakan sa magkabilang balikat.
"Wala akong gusto sa kaniya. Ikaw lang ang
gusto ko. Oo! Aaminin ko, may nangyari sa
amin noon pero maniwala ka, wala kaming
relasyon." Sa pamamagitan ng maliwanag na
buwan ay nakita niyang tumulo ang mga
luha ng dalaga at halos hindi makapaniwala
sa narinig.
"A-akala ko, virgin ka pa... A-akala ko,
habang magkasama tayo, ako ang mahal
mo..." Naiiyak na sabi ni Ella.
"Ikaw naman ang mahal ko pero k-kwan..."
Nauutal na sagot niya. Hindi alam ni Kevin
kung paano ipaliwanag dito na lalaki lang
siya at may sarili ring pangangailangan ang
katawan at si Bea ang pumuna niyon noon.
"...Pero siya ang kailangan ng katawan mo!
Siya ang nagpapatayo diyan sa pagkalalaki
mo, tama?" pilit na pinipigilan ng dalaga na
pulutin ang malaking shell sa paanan niya
pero kapag mapuno na siya ay mapupulot
talaga niya ito para itapon sa kaharap sa
sobrang inis.
"H-hindi naman sa gano'n," wala siyang
maapuhap na isasagot.
"Gano'n din 'yon! H'wag mo akong lapitan!
H'wag mo akong hawakan at halikan! Galit
ako sa 'yo! Oo! Wala nga tayong relasyon
noon pero ako ang laging kasama mo!
Tiwala ako na akin ka lang! A-akin ka lang
ng b-buo! I hate you!" Tumakbo siya at
iniwan ang napahilamo na binata.
Iyak siya nang iyak. Hindi niya matanggap
ang nalaman. Mahal niya si Kevin noon pa.
Iba kesa sa pagmamahal niya sa kambal.
Matagal na niyang naisipan ang bagay na
iyon pero duwag lang si Kevin. Dagdagan pa
ng nalilitong nararamdaman niya noon kay
Skyler. Huli na nang marealize niya na si
Kevin naman talaga ang totoong mahal niya
sa tatlo.
"Saan ka galing Kevin?" nang makasalubong
niya si Bea at ang dalawang kaibigan nito.
Naka two-piece pa ang mga ito at halatang
kakaahon lang sa dagat.
"Hinahanap sina Skyler," nagpaalam ang
dalawang kasamahan na halatang binibigyan
sila ng privacy at mukhang may kalokohang
iniisip.
"So? Girlfriend ko pala nag mahirap na
estudyanteng iyon? Ganun na ba kababa ang
taste mo, Kevin? Isang mahirap lang ang
pinatulan mo? C'mon. Isa kang Villafuerte at
kilala sa alta sosyedad ang angkan tapos
papatol ka lang sa kaniya? Hindi ka ba
nahihiya sa pamilya mo? Pinaaral ka nila
para pumatol lang sa hindi mo ka-level?"
Panunuya ni Bea na ikinakulo ng dugo ni
Kevin.
"Irespeto mo ang babaeng mahal ko sa
harapan ko, Bea! Will you?! Pinaaral ako ng
mga magulang ko para igalang ang mas
mababa pa sa akin! Hindi para hamakin sila.
Kahit kailan, hindi isyu sa pamilya ko kung
mahirap man ang mapangasawa ko kung
mahal at sineseryoso ko naman. Gaya nga
ng sabi mo, mayaman na kami. Hindi na
namin kailangan ng pera. Mas mahalaga sa
amin ang pagmamahal!" Mahabang pahayag
niya.
"Come, on! Hindi siya magaling sa kama
Kevin," nakangising wika ni Bea.
"Minahal ko siya kahit walang sex. I think,
sapat na ang bagay na iyan para malaman
niyang mahal ko siya. Oo, masarap sa
relasyon ang magsex kayo, s'yempre lalaki
ako, pero mas mapatunayan namin na mahal
namin ang isang babae kapag, kahit hindi
niya ibigay ang bagay na hinihingi namin,
hindi parin namin ito iniiwan. Maganda ka,
mayaman at may pinag-aralan. Bakit ako
ang pinagtuunan mo ng pansin?"
Hitsura ni Bea ay hindi na maipinta.
"Oo nga naman, bakit ka habol ng habol sa
lalaking hindi ka naman mahal?" Napalingon
si Kevin kay Ella na mas sira ang mukha kesa
kay Bea. Kahit medyo madilim ay alam ni
Kevin na sobrang pula na ng mukha nito.
"S-sweetheart!"
"Halika na, Kevin! Oras na hindi ka sumunod
sa akin, maghiwalay na lang tayo!" Padabog
na naglakad si Ella palayo sa kanila.
"Kevin," mahigpit na hinawakan siya ng
binata sa braso.
"Pasensya na Bea, ayokong saktan ka pero
mas ayokong maghiwalay kami ni Ella. Siya
ang mahal ko," tinalikuran na siya ng binata
at sinundan ang nagtatampong kasintahan.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon