20

725 33 0
                                    


DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20

"Ella, sana nagpahinga ka na lang sa condo.
Alam mo namang bawal sa 'yo ang
bumiyahe," malumanay na sabi ni Kevin
habang nagda-drive papunta sa Tagaytay.
"Kaya ko pa, ayoko rin namang mag-isa ka
lang. Kung sakaling lugar nga iyon ng nanay,
gusto kong makita ang buong pamilya niya."
Masayang sagot ng dalaga habang
nakatingin sa labas ng kotse. Ang maliit
kamay ng wristwatch ay nasa numero 8 at
ang maliit nama ay nagtuturo sa 6. Tanda na
alas otso y medya na. Malapit na sila ng
binata.
"Sana lang, mahanap na natin ang pamilya
mo. Hindi tayo sigurado kung may mag-
match na stem cells sa amin," naka-
concentrate pa rin ang binata sa
pagmamaneho.
Napasulyap siya kay Ella na biglang
tumahimik. Bakas sa mukha nito ang
sobrang lungkot. Malalim na ang mga mata
na nangingitim sa gilid. Ang payat na rin
nito dahil sa nawawalan ng kanang kumain.
Napatingin siya sa kamay na tinatakpan ng
long-sleeve. Alam niyang puro pasa na iyon
dulot ng chemotherapy at masyado na ring
mababa ang platelet nito.
"Damn! Tissue," sabay abot ng klenex sa
dalaga. Napasin kasi niyag tumulo ang dugo
sa ilong nito.
"S-salamat!" Napangiti ang dalaga sa kaniya
pero nagpatunaw ng puso ni Kevin.
Ibinalik niya ang paningin sa unahan. Hindi
niya kaya ang nakikita. Tinanggal kasi ni Ella
ang wig nito. Iilang hibla na lang ang buhok
sa likuran niya dulot ng gamot sa
chemotherapy.
Napahigpit ang hawak niya sa manibela.
Kung pwede lang, siya na lang sana ang
magkaroon ng sakit.
"S-sana... m-makita ko na ang pamilya ko,
bago ko pa l-lisanin ang mundo." Napayuko
siya. Nabuhay siya na pinagkaitan ng
pagkakataong makita ang pamilya ng mga
magulang. Nabuhay siya na kahit
pagmamahal ng isang ina, ama, kapatid,
lolo't lola ay hindi niya naranasan. Tanging
sina Kevin na lang ang naroon para sa kaniya
pero iba pa rin ang pagmamahal ng tunay
na pamilya. 'Yung may nagsasabi sa 'yong
"anak, kumain ka na." O di kaya'y "anak,
saan ang masakit? Uminom ka ng gamot,
ha." Lahat ng iyan ay hindi niya naranasan.
Nabuhay siya sa mundo na tanging sarili ang
naroon para sa kaniya. Dati, naiinggit siya sa
mga batang kasama ang mga magulang nila,
lalo na 'yong nagsisimba ang mga ito sa
Baclaran. 'Yong nakatingin lang siya sa mga
batang binibilhan ng kanilang ina ng ice
cream at cotton candy, samantalang siya,
nagugutom, kumakalam ang sikmura.
Nabuhay sa lansangan para may ipantustos
sa gamot ng sakiting ina. Minsan,
kumakalkal sa tira-tirang pagkain sa labas ng
basurahan ng fastfoods. Kapag mangalimos
naman, hindi na nga binibigyan, minumura
pa at husgahan ng ibang tao. Na kesyo
nagra-rugby, magnanakaw, o masamang
tao.
"M-maging masaya kaya ako, Kevin?
Mayakap ko pa kaya ang p-pamilya ko kung
buhay pa sila? Ta... T-tatanggapin kaya nila
ako?" Kinuha niya ang tissue at pinahidan
ang luha. Kumuha pa siya muli para pahidan
ang dugo sa ilong na mas malakas ang
pagtulo kesa sa luha niya.
Hinang-hina na siya. Ilang beses na siyang
matumba kaninang umaga pero
bumabangon siya bago pa makita ni Kevin.
Ayaw kasi niyang mag-alala ang mga ito.
Masyado na siyang pabigat sa magkapatid.
Minsan, iniiwan na nga ng kambal ang mga
anak para puntahan siya. Si Dylan naman,
ilang beses nang mag-skip sa klase para
bilhan siya ng masustansiyang pagkain na
ibinilin ng nutritionist niya.
"Ano ka ba! Tatagal ka pa, Sweetheart... M-
magpapakasal pa tayo, m-magkaroon pa
tayo ng maraming anak." Saway ni Kevin.
Sumasakit na ang lalamunan niya dahil sa
pagpigil ng mga luha pero nang hindi
makapigil ay pinahidan na niya ang mga ito
dahil hindi na niya makita ang kalsada.
Itinigil niya muna ang sasakyan sa tabi ng
kalsada at hinarap ang dalaga.
Pinahidan nito ang mga luha ni Ella gamit
ang mga daliri niya, "Gagaling ka! H'wag
kang mawalan ng pag-asa, andiyan si God
para sa atin... A-ano ka ba, sakit lang 'yan."
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha para
halikan ang dalaga sa mga labi.
"H-hindi ka ba nagsasawa sa akin? Masyado
na akong... akong pabigat sa 'yo," mas
lalong umiyak ang dalaga.
"Ella, tama na!" Medyo galit ag boses ni
Kevin. Ayaw niyang manghinaan ng loob ang
dalaga. "Kahit kailan, hindi ko inisip na
pabigat ka! Mahal kita at hindi magbabago
iyon," pinaandar na niya ang sasakyan.
"Ke... K-kevin, k-kung sakaling m-may
mangyaring masama sa akin, sana... m-
maging masaya ka..." ayaw niyang mabuhay
ang binata na malungkot. Gusto niya,
maging masaya ito kapag mawala na siya.
"Tama na! Nagugutom ka na ba?" pag-iiwas
ng binata sa usapan.
"H-hindi pa, busog pa ako sa kinain natin
kanina." Napasulyap siya sa kanang kalsada.
Ito ang daan papasok sa resthouse ng mga
Lacson. Natatandaan niya noong dinala siya
rito ni Dylan pero hindi na niya ipinaalam
kay Kevin.
Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa
Barangay, Iruhin West. Ilang tao rin ang
napagtanungan nila bago makarating sa
isang mansion.
Mataas ang bakod nito at halatang luma na
ang pintura ng malaking bahay. Marami ring
nakapalibot na malalaking puno lalo na ang
punong-mangga.
"Pasok muna kayo, ano ho ba ang sadya
ninyo rito hijo?" nakasunod sila sa
matandang lalaki na nasa 50 pataas ang
edad. Sa tingin nila ay tiga-pangalaga lang
ito ng bahay.
"Gusto lang po sana namin makausap ang
may-ari nitong bahay," magalang na sagot
ni Kevin. Napahawak si Ella sa braso nito
dahil nahihilo na naman siya.
"Naku! Wala po ang may-ari rito. Nasa
ibang bansa po sina madam." Sagot ng
matanda. Lumapit naman ang isang babae
na ka-edaran lang nito. May bitbit pa na
supot galing sa palengke.
Nagtatakang nakatingin ito sa
magkasintahan lalo na kay Ella.
"Magandang umaga po," magalang na bati ni
Ella.
"Ay! Magandang umaga rin sainyo. Ano ang
kailangan ninyo?" tanong ulit ng babae.
"Hinahanap nila si Madam," sagot ng lalaki.
"Nasa ibang bansa kasi ang may-ari ng
bahay na ito. Halikayo, pasok muna.
Mukhang malayo pa ang nilakbay ninyo,"
sumunod sila sa mag-asawa.
Pagpasok nila sa bahay ay halatang matagal
na ito dahil sa mga lumang kagamitan. Ang
mga gamit ay puro sinauna pa.
Pag-upo nila sa medyo may kalumaang sofa
ay umupo rin ang mag-asawa sa harapan
nila.
"Gusto lang po sana naming itanong kung
kilala ninyo ito," iniabot ni Kevin ang picture
ng nanay ni Ella.
Tumayo pa ang lalaki para kunin ang salamin
na nakapatong sa maliit na mesa na nasa
tabi lang ng telebisyon.
Nakakunot ang noo nilang pinagmasdan ang
nasa larawan. "Sino sila? Hindi ko kilala.
Ikaw Neneng, kilala mo?"
"Hindi rin," sabay iling ng babae. Hinawakan
sa kamay ni Kevin si Ella at sinasabi ng mga
labi nito na "okey lang".
"Ang pagkakaalam ko po kasi, dito
nagtrabaho ang nanay ko sa may-ari ng
bahay na ito." Saad ni Ella. Bakas ang labis
na panghihinayang sa mukha niya.
"Ang pagkakaalam ko, sampung taon pa
lang nabili ng mga Villar ang bahay na ito,"
mas lalong nawalan ng pag-asa si Ella sa
nalaman.
"Gano'n po ba? Sayang naman. Saan na po
ba ang dating may-ari ng bahay na ito?"
napatingin ang lalaki kay Kevin.
"Hindi namin alam. Pero may mga naiwan pa
naman silang mga gamit. Itinambak namin sa
bodega dahil baka balikan pa ng mga
kamag-anak nila," napatingin si Ella sa
matandang babae. Mukhang mabait naman
ang mag-asawa. Hindi nga nagdalawang-isip
na papasukin sila.
"P-pwede po ba naming makita?" Puno ng
pag-asang tanong ni Kevin.
"Oo. Halikayo, sumama kayo sa likod-
bahay." Ani ni Neneng.
Sumunod silang dalawa sa mag-asawa.
Pagpasok nila ay may ilang daga pa na
naghahabulan. May mag sapot na rin ng
gagamba ang loob nito. Ang mga aklat at
ilang kagamitan ay nababalot na ng
alikabok.
Wala naman silang nakita kundi puro picture
frames at album.
"Pwede po bang kunin na namin ito? Medyo
maalikabok na kasi, hindi makakatagal ang
kasama ko rito." Pakiusap ni Kevin. Hawak
ang isang album na may kalumaan na. Si Ella
ay nakatakip ang ilong at naglalakad
palabas.
"Sige. Hindi naman namin kailangan iyan,"
sagot ni Arnold.
"Salamat po."
Nakasakay na sila sa kotse ni Kevin pero
hindi pa sila umalis. Nilinis pa nito ang
album sa labas ng kotse. Nang malinis na ay
pumasok siya sa backseat kung nasaan si
Ella.
"Sana may makuha tayong impormasyon,"
ngiti lang ang iginanti ni Ella. Malayo sa
reyalidad na mahahanap pa niya ang
pamilya. Kung meron pa nga siyang pamilya.
Pareho silang nakatingin sa pictures. Ang iba
ay black and white pa. Ang iba ay hindi na
maayos dahil nasira na.
Mga pictures lang ng mga bata na pareho
ang kulay ng mga damit. May isang dalaga
na nakangiti habang nakasuot ng black
cocktail dress.
"Wait! Mukhang kilala ko siya," pigil ni Ella.
Pinagmasdan ng maigi ni Kevin. Nagulat siya
ng makilala ito.
"Si... si lola Patch," sambit niya pero nanaig
ang pagtataka kung ano ang kinalaman ng
lola ni Dylan at kung bakit may litrato ito sa
dating may-ari ng bahay.
Ibinuklat pa nila ang pahina pero hindi na
nila kilala ang iba pang nasa larawan
hanggang sa makarating sa dulo.
"S-sandali, si nanay." Masayang sabi ni Ella
nang makita ang litrato ng dalawang
babaeng naka maid's uniform na kulay pink.
Kahit na luma na ay alam nilang nasa sala ito
ng mansion nakuha dahil pareho ang
background at ang sofa na nasa litrato at
inupuan nila kanina.
May kung anong bagay na bumundol sa
dibdib ni Kevin dahil malakas na kumalabog
ito nang makita ang dalawang babae sa
larawan.
"Hey! Kevin, bakit?" hinablot kasi ng binata
ang hawak niya at mariin na pinagmasdan
ang mga nasa larawan.
"K-kilala mo ba siya?" Nakakunot ang noong
tanong ni Ella na ang tinutukoy niya ay ang
katabi ng kaniyang ina.
"YES. S-siya... ang biological mom ko!"
Sagot ni Kevin.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon