10

646 30 0
                                    


DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

"Hey! Galit ka ba, Sweetheart?" kakapasok
lang ni Ella sa unit. Nagulat pa ito nang
madatnan si Kevin sa loob.
"Ba't nandito ka na? Akala ko ba pupunta ka
sa condo ng hitad?"
"H-huh? Hindi naman kasi traffic kaya
mabilis talaga ako makarating dito,"
napakamot pa ang binata sa ulo kaya
napataas ang kilay ni Ella.
"Wow! Sa tindi ng kapit ng linta, nabitiwan
ka nakalayo ka sa kan'ya?" Padabog na
naglakad ito sa sofa at inihagis ang shoulder
bag na pasalubong noon ni Skyler nang
magbakasyon sila ni Kil sa Germany.
"She's my friend before."
"I am NOT asking!" Naglakad siya palapit sa
kwarto.
"Just to inform you, para hindi ka na
magselos."
Napatigil si Ella at hinarap siya.
"I am not jelous!" Singhal niya. Kulang na
lang ay durugin niya ang lalaking kaharap.
"Yes! You are!"
"I am not!" Tinaasan niya ito ng kilay saka
binuksan ang pinto at pabagsak na isinara
kaya napabuntong hininga na lang ang
binata habang pinagmamasdan ang
nakasarang pinto.
Masaya siya dahil alam niyang mahal din siya
ng dalaga. Hindi niya inaasahan na aabot sila
sa puntong maging lovers kaya ipinangako
niya sa sarili na by hook, or by crook, he
will marry her.
She's the best thing ever happened to him.
She's the light of his life. Nothing else
matters, cause she's everything to him.
Pagkatapos magbihis ni Ella ay lumabas na
siya para makapagluto ng hapunan. Hindi
talaga niya maisip kung paano naunang
nakarating si Kevin sa kan'ya dahil ang huli
niyang naalala ay nasa canteen pa ito.
Dumiretso siya sa ref para makapag-isip
kung ano ang uulamin. Pagbukas niya ng
freezer ay may nakita pa siyang atay ng
manok kaya naisipan nitang iadobo ito.
"Bukas na pala ang kambal uuwi," muntik na
niyang mabitawan ang hawak na tupperware
nang magsalita si Kevin sa likuran niya.
"Okey, salamat sa pasabi."
Napansin siyang sinundan siya nito sa kusina.
"Magluluto ako, pwede kang maupo muna sa
sala."
"Gusto kitang makita na magluto," lumapit
ito sa maliit na mesa at hinila ang silya para
maupo.
"Takot ka bang lagyan ko ng lason ang
pagkain mo?" nagulat si Kevin sa mukha ni
Ella nang paglingon ay hindi na maipinta.
"H-hindi naman! Ba't ka ba galit?"
"Itanong mo sa sarili mo! Sinungaling!"
Inilagay niya sa maliit na palanggana ang
chicken liver at nilagyan muna ng tubig para
lumambot. Kumuha siya ng kutsilyo at
chopping board para makapaghiwa ng
bawang at sibuyas.
"Lagyan mo ng luya, Sweetheart. Para hindi
malansa."
"Alam ko! Matagal na akong nagluluto'di
ba?" habang binabalatan ang sibuyas.
"Iyong bawang gamit ka na lang ng pestle
and mortar para hindi ka na mahirapang
dikdikin," napansin kasi niyang nahihirapan
itong magbalat ng bawang.
"Eh kung kayo na lang kaya ng babae mo
ang ilagay ko sa mortar at durugin gamit
ang pestle?"
Halos malaglag ang panga ni Kevin sa sinabi
ni Ella.
"Seriously? Dati kaming magkakilala.
Nagkasama kami sa swimming competitions
dahil minsan na rin akong maging pambato
ng Westbridge. Kung iniisip mo ang
meeting, mali pala ako. Bukas pa pala iyon,
I'm sorry." Mahabang pag-i-explain ng
binata.
"Hindi ko itinatanong!"
"Pero hanggang ngayon ay nagseselos ka,
Ella."
"Dahil may ika-selos naman talaga ako!"
Inilagay na niya ang isang buong bawang
saka dinurog na parang si Kevin at ang
babae lang niya.
"Sweetheart naman, wala talaga." Tumahimik
si Ella. Malakas ang kutob niya na may
itinatago ang kasintahan sa kan'ya at ayaw
lang talaga niya aminin ang totoo.
"Habang maaga pa, aminin mo na!"
"W-wala naman, m-magkaibigan lang kami."
Ayaw nang aminin ng binata na may
nangyari sa kanila noon ni Bea dahil matagal
na iyon at bata pa siya. Isa pa, hindi pa
naman sila ni Ella.
"Magkaibigan? Hindi kayo magkaibigan! May
namamagitan talaga sa inyo! Babae rin ako
at alam ko, dahil nararamdaman ko." Hindi
niya mapigilan ang sariling magalit. Da landi
pa naman ba ng babae na iyon at sa
hayagang pakipaglandian kay Kevin ay
impossibleng walang namamagitan sa mga
ito. Hindi si Kevin ang tipo ng taong
palaging sumasama sa ibang tao, unless,
naging part na iyon ng buhay niya.
"Pwede bang h'wag na nating pag-usapan
siya? Wala siyang kinalaman sa relasyon
natin! We're just friends!"
"With benefits!" dagdag ng dalaga.
Umiwas si Kevin ng tingin dahil nasapul siya
ng dalaga. Iyon kasi ang relasyon nila ni Bea
noon. No strings attached at purely sex
lang.
"Virgin ka pa ba, Kevin?"
"Ano'ng klaseng tanong iyan, Sweetheart?"
hindi na niya alam ang gagawin. Tamang
hinala ang dalaga.
"Wala! Sige na, magluluto na ako!"
Pagkatapos magluto ni Ella ay inihanda na
niya ang hapag-kainan. Hindi na niya
binuksan pa muli ang topic kahit na matindi
ang pagseselos niya. Malakas ang kutob nito
na hindi mabuting tao si Bea pero ano mang
mangyari ay handa siya. Hindi na siya ang
dating Ella na laging inaalipusta dahil lang sa
mahirap siya. Pagod na siyang husgahan,
tawanan at laitin ng mga tao sa paligid.
"Goodnight! Matulog ka na. H'wag mong
kalimutan ang vitamis mo, okey?" utos ni
Kevin. Gusto man niyang makasama ng
matagal ang dalaga sa sala pero alam niyang
masama pa ang loob nito sa kanya at ayaw
na rin niyang mapagod ito. Kapag
masyadong nagpupuyat ay laging nahihilo.
"Talagang matutulog na ako! Hindi mo na
kailangang harapan na iparamdam sa akin na
ayaw mo sa pagmumukha ko!" Iniisip niya na
galit ito sa kan'ya dahil nabuko niya ito.
Ganyan naman ang mga lalaki, kapag
malaman ang katarantaduhan ay sila pa ang
may ganang magalit.
"H-hindi lang tayo nagkakaintindihan. I'm
sorry, bukas kapag hindi na mainit ang ulo
mo, mag-usap tayo." Ayaw na niyang
makipagtalo pa rito. Mahal niya si Ella kaya
siya na lang ang mag-intindi at
magpaubaya. Mahirap na kapag dagdagan
pa niya ang init ng ulo nito.
"Goodnight!" Tumayo na siya at naglakad
patungo sa kwarto saka malakas na
ibinagsak ang pinto.
"Kita mo, nanlamig na siya kasi dumating na
si Bea. Wala man lang goodnight kiss!"
Bulong niya sabay yakap sa kulay pink na
teddy bear.
Kinaumagahan, nauna siyang pumunta sa
paaralan. Wala naman kasing first class si
Kevin. 10 am- 3pm at schedule nito.
"Hi. Ang aga mo ata?" napalingon siya kay
Maris.
"Ikaw nga rin, e." sagot ni Ella.
"6am ang schedule ko sa library,"
nakangiting sagot ni Maris na tila masaya
ito.
"Ah! Ako rin kay maam Jay-ann. Ang dami
ko pang ipaxerox na test paper ng mga
Accountancy. Masayahin ka ata?" napayuko
ito at namula ang mukha.
"Wala ah!" Todo tanggi niya.
"Goodmorning maam!" Bati ni Maris kay Bea
na ikinakulo ng dugo ni Ella.
"Ang aga-aga para mang badtrip ng
bruhang ito!" Bulong niya sa sarili.
Tinaasan lang ni Bea ng kilay ang dalawang
estudyanteng nakasalubong. Halatang
mahirap lang ang mga ito at wala siyang
balak na makipag plastikan sa mga ito kaya
nilampasa niya.
"Tsk! Nagsama na naman ang dalawang
poorita sa campus na ito! Sana, hindi na
lang sila nag-aral pa rito. Pahiya lang sa
paaralan!" Napangiti siya nang madaanan
ang kumpol ng mga estudyante habang
nakatingin sa dalawang estudyante na
nakasalubong niya.
"Matalino naman sila at scholar kaya okey
lang," pagtatanggol ng isang medyo
mataba.
"Bwesit! Agaw eksena noong isang araw kay
sir Kevin! Kunwari hindi marunong lumangoy
para makapagsolo sila!" Napatigil si Bea
nang marinig ang pangalan ni Kevin.
"Oo nga, ambisyosa talaga si Ella." Mas
naging interesado siya sa sinambit na
pangalan ng mga ito dahil sa pagkakatanda
niya ay 'Ella' ang pangalan ng babaeng
kasama ni Kevin kahapon sa rooftop.
"Excuse me guys, Sino si Ella sa sa kanilang
dalawa?" tanong niya sa mga ito habang
itinuturo ang papalayo na magkaibigan.
"'Iyong nakakulay puting t-shirt, Miss. Bakit
po?"
"Nothing! I thought you were talking about
my friend." Pagdadahilan niya habang
nakatingin kay Ella na malayo na sa kanila.
"So? You must be Ella, huh." Bulong niya sa
sarili.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon