DESTINY'S GAME
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 23
Pagdating ni Kevin sa hospital ay nasa labas ang kambal kasama si Dylan.
"K-kamusta na si Ella?" nag-aalalang tanong ni Kevin. Kahit siya at natatakot para kay Ella.
"H-hindi pa nakalabas ang doctor. S-sabi nila, b-baka... Baka h-hindi na kakayanin ni Ella. K-kevin, h-hindi ko makakaya." Tumulo na ang mga luha ni Skyler habang nahihirapang huminga. Napahawak na sa dibdib dahil sa sobrang sakit.
"Kakayanin ni Ella!" Naikuyom bi Dylan ang kamao. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa! Kapatid na ang turing kay Ella at gusto pa niya itong mabuhay at makasama ng matagal. Kanina pa niya gustong maiyak pero naunahan lang siya ng kambal. Si Kyler ay tahimik lang na umiiyak sa gilid. Pilit na hinahabol ang hininga dahil napipigilan ng sipon ang ilong niya.
"No! Hindi p-pwedeng mawala si Ella. Hindi ako makakapayag!" Lumapit si Kevin sa pinto ng ICU.
"Hindi pwedeng pumasok!" Tumayo si Dylan para pigilan si Kevin.
"BAKIT? Kailangan ako ni Ella! Bitiwan mo ako, Dylan!" pagpupumiglas na sabi ni Kevin.
"Hintayin nating matapos ang mga doctor. Magdasal ka na lang kaya?" kalmadong sagot ni Dylan habang hinihila ito para maupo sa tabi ni Skyler.
"H-hindi p-pwedeng mawala si Ella. Ang dami pa naming pangarap." Napaluha na saad ni Kevin habang napahilamos sa mukha.
Tahimik silang lahat. Walang ni isang gustong magsalita.
Iisa lang ang nasa loob ng kanilang utak, 'si Ella'.
Napatingin sila kay Skyler nang biglang tumayo habang sapo ang dibdib pero ang mga luha ay patuloy na tumutulo. Sa kanilang lahat, siya ang pinakamalapit sa dalaga. Si Ella lang ang itinuring niyang matalik na kaibigang babae.
"S-skyler, bawal pumasok!" Kahit nanghihina ang tuhod ay tumayo si Kyler at lumapit kakambal na parang wala sa sarili.
"Ka... K-kailangan ako ni Ella. K-kailangan niya tayo!" mahinang sambit bi Skyler na ngayon ay nahihirapan ng huminga.
"Fuck!" Mabilis na tumayo sina Dylan at inalalayan si Kyler sa walang malay na katawan ni Skyler kaya sila na ang pinagtitinginan ng mga dumadaang nurses at folks ng mga pasyente.
Buhat-buhat nila para paupuin sa upuan nang lumabas ang isang doctor.
"Kamusta na po ang pasyente, doc?" pag-alala ni Kevin at mabilis na nilapitan ito.
"She's okay, now. Pero hindi pa stable ang kalagayan niya. Sobrang hina pa ng heart rate nito and sad to say, kusa nang bumigay ang katawan niya sa chemotherapy." Malungkot na sagot ng doctor.
"Papasok na po kami," mahinang sambit ni Kevin. Iniwan niya ang tatlo at nauna nang pumasok sa loob ng ICU.
Napatingin ang nurse na nagre-regulate ng oxygen tank ni Ella. Ang isa ay inaayos din ang flow rate ng Intravenous fluids na nakasabit sa IV stand.
"S-sweetheart," luhaang sambit ni Kevin habang hinihila ang silya palapit sa higaan ni Ella. Naupo ito at hinawakan sa kanang kamay ang dalaga. Bakas sa mukha ang sobrang pagkapagod at paghihirap. "Pakatatag ka! Gagaling ka pa, h'wag kang sumuko. P-para sa akin, h'wag kang bumitaw." Dinala niya sa mga labi ang kamay nito para halikan. Tumulo rin ang ilang butil ng mga luha sa kamay ng dalaga.
"Ella. Please, hon. A-alam mong pakakasalan pa kita. H-hindi pa kita napakilala kina mommy. H-hindi pa kita naiharap sa dambana. H-huwag ka namang sumuko, Sweetheart. B-birthday mo pa sa makalawa," puno ng pagmamahal na pakiusap niya. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha nito. Wala na itong wig kaya makikita ang ilang parte ng ulo na wala nang tumutubong buhok. Ang mga mata ay nangingitim na at tuyo na rin ang mga labi.
"W-walang bibitiw. M-mahal na mahal kita. Sumagot ka naman, Sweetheart!" pinunasan niya ang kaniyang mga luha. Alam niyang matapang si Ella. Alam niyang lalaban ito dahil hindi niya ito nakilalang mahina.
"Good!" Puno ng pag-asa na wika niya nang gumalaw ang dalawang daliri nito. "Gagaling ka! H-hahanap ako ng paraan para gumaling ka!" Hinaplos niya ang mukha nito at pinahidan ang iilang butil ng mga luha na tumutulo sa mga mata ni Ella.
"Dito na lang natin ilagay si Skyler." Utos ni Dylan. Nakasunod ang doctor para sumuri rito. Dalawa naman ang hospital bed ng ICU.
Lumapit si Kyler kay Ella na nasa kabilang sige ng kama. Lungkot at pangamba ang kaniyang nararamdaman.
"E-ella, naririnig mo ba ako?" garalgal na tanong ni Kyler. Hinawakan niya ang kabilang kamay ng dalaga. Nakaramdam siya ng kung anong pagkainit sa buong katawan at panghihina ng tuhod. Gusto niyang siya na lang ang pumalit sa kalagayan ng dalaga. Nararamdaman niya ang paghihirap nito.
"N-nandirito lang kami, h-hindi ka namin pababayaan." Umiiyak na sabi niya. Si Dylan ay walang imik na nakatingin lang sa kanila. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang siya na lang ang may sakit. Hindi niya kayang makitang naghihirap ang nababaeng naging malapit na sa kaniya.
-----
Lalong umagos ang mga luha ni Ella nang marinig ang nag-iiyakang boses ng tatlo lalo na ni Kevin. Gusto niyang bumangon, kumilos at magsalita pero hindi niya magagawa. Madilim ang lahat sa mundo niya. Tanging mga boses lang ng mga mahal niya sa buhay ang naririnig. Hindi niya alam kung ilang oras, araw o buwan na siyang nakaratay.
Nakaramdam siya ng kuryenteng gumagapang sa buong pagkatao at dumadaloy sa dugo niya nang may humawak sa dalawa niyang kamay. Hindi niya alam kung iisang tao lang ang may hawak ng kamay niya pero ang init, at pakiramdam na iyon ay familiar at sariwa sa kaniya. Ang init na matagal na niyang nararamdaman mula pa noon. Ang init na nagbibigay sa kaniya ng lakas at pangungulila. Ang init na hindi niya matukoy kung kanino nanggaling.
"Okay na ba?" boses ni Kevin.
Binitawan na siya ng hamay na nakahawak sa kaniya pero nagkaroon siya ng kaunting lakas... Lakas para imulat ang mga mata... Lakas na nanggaling sa kung sino man ang humawak sa kaniya kanina. Tila isang bagong baterya sa papahinang liwanag ng flashlight.
Nakakasilaw kaya agad na ipinikit niya muli ang mga mata at dahan-dahang nagmulat.
"God! Ella, nagising ka." Ang nag-aalang mukha ni Kevin ang kaniyang nasilayan. Gusto niyang magsalita pero hindi pa niya kaya.
"H'wag mong pilitin ang sarili mo, Sweetheart. Alam mo bang dalawang araw ka nang walang malay?" lahat sila ay lumapit sa kay Ella. Nakita niya sina Kim, Yna, Ann at ang magkapatid kasama si Dylan. Lahat sila ay nakaputing bestida.
Napatingin silang lahat nang bumukas ang pinto. Pumasok ang pare. Nakasunod sa likuran nito ang mag-asawang Ryan-Hannah at Ian-Sunshine.
Pumasok ang doctor para i-check ang kalagayan ni Ella.
"Alam mo ba kung anong araw ngayon?" bakas sa mukha ni Kevin ang labis na kasiyahan. Hinaplos pa nito ang payat niyang mukha. "Ngayon ang araw ng iyong kaarawan," napalunok si Kevin ng laway. Hindi na nila natuloy pa ang inihandang selebrasyon para kay Ella. "Ito ang araw na magiging masaya ka... Masaya tayong dalawa," dagdag pa nito.
Happy birthday to you..
Happy birthday to you...
Happy birthday...
Happy birthday...
Happy birthday to you..
Kanta ng lahat habang ipinapasok ni Dylan ang three layers cake. Sa first layer ay chocolate, mango sa second, at cheese sa dulo.
"Ke... K-kevin," umiiyak na sambit ni Ella. Buong buhay niya ay si Kevin anf nagbibigay ng cake at regalo sa birthday niya. Ito ang lalaking nagpapasaya sa kaniya sa tuwing nalulungkot siya. Kung wala ito, hindi niya alam kung saan pupunta. Ito ang bumuhay at nag-aruga sa kaniya. Halos lahat ng tao sa loob ng kwartong iyon ay pasimpleng pinahidan ang mga luha pero si Ian ay tahimik lang habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng may sakit sa harapan niya.
"H-happy birthday, Sweetheart. Sa... S-salamat kasi... Iminulat mo ang iyong mga mata.
S-salamat kasi, pinagbigyan mo akong makita pa ang mga magulang ko at ipakilala kita sa kanila." Madamdaming saad ni Kevin at tumingin sa mga magulang. "Mom, dad, gusto kong ipakilala sa inyo ang babaeng m-matagal ko nang mahal. Ang babaeng itinago ko mula pa noong bata ako. Ang babaeng nais kong pakasalan sa araw na ito." Pagpakilala niya. Nabigla si Ella sa narinig at nagtatakang napatingin kay Kevin.
"Magpapakasal tayo ngayon, Swetheart." Ang mga luha ng dalaga ay samu't-sari na ang rason. May tuwa, lungkot at awa sa kalagayan. Gusto niyang mamuhay pa ng matagal kasama si Kevin. Gusto niyang bumuo ng masayang pamilya na mula noon ay hindi pa niya naranasan.
"I-ikaw p-pala si El... Ella." Lumapit si Sunshine sa nakaratay na dalaga. "A-ang babaeng minahal at inalagaan ng anak ko," pinahidan niya ang mga luha. Mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso habang nakatingin sa mukha ng dalaga.
"Napakaswerte mo, ikaw ang napili ng anak ko." Pinahidan niya ang mga luha ni Ella. Umaasang kahit sa gano'ng paraan ay mapawi ang sakit at lungkot nito. Na sa simpleng gestures ay maiparamdam niya ang buong pagtanggap sa dalaga.
"T-tita..." sambit ni Ella nang mahigpit na niyakap siya ni Sunshine. Yakap na puno ng pagmamahal.
Kumalas si Sunshine sa pagkakayakap at bumalik kay Ian na tahimik na nakaupo sa isang sulok.
"Sweetheart, alam kong masyado pang maaga pero h-hayaan mong pakasalan kita sa harap ng pamilya ko. H-hayaan mong iparamdam ko sa'yo ang tapat na pagmamahal ko!" Buong pusong pakiusap na wika ni Kevin. Hindi na niya kayang palampasin pa ang pagkakataong maikasal sa dalaga.
"Ba... B-bakit ako?" Nahihirapan niyang tanong. Napakagat si Ella sa ibabang labi. Mahina pa siya. Sobrang hina na ang tanging magawa lang niya ay ang magsalita ng sobrang hina.
"D-dahil kung hindi ikaw, wala nang iba. S-sino pa?" seryosong sagot ni Kevin at hinalikan ito sa noo. "Walang makakapigil sa pagmamahal ko sa 'yo kahit na kamatayan pa. Kahit mauna ka mang kunin sa akin, patuloy pa rin kitang mamahalin. Hindi ang sakit mo o ang kamatayan ang makakapigil sa pagmamahal ko sa'yo," kinuha niya ang maliit na pulang kahita saka binuksan ito. Tumambad kay Ella ang gold at mamahaling singsing. Luhaang napatingin siya kay Kevin.
"Will you, marry me, Sweetheart?" nakangiti pero lumuluhang tanong ni Kevin.
Kahit nahihirapang magsalita ang dalaga ay pinilit niyang sagutin ito. "Y-yes." Inilibot niya ang paningin sa paligid. Masayang mukha ng mga tao sa paligid ang kaniyang nakikita. Masaya si Ella! Ito na ang pinakamasayang birthday gift ni God para sa kaniya. Ang makasama ang mga taong mahal niya sa buhay kahit na ilang sandali lang.
Ikinasal sila ng pare sa loob ng ICU sa harap ng pamilya ni Kevin. Matapos ang seremonya ay hindi na mapigilan ang kaniyang mga luha. Umaasa siya na gagaling pa siya pero mukhang impossibleng mangyari na iyon. Walang nag-match para sa stem cell transplant niya. Tanging pag-asa na lang nila ay ang resulta ng kina Dylan, pero impossible na iyon.
Paglabas ng pare ay siya namang nagsalita ang doctor, "Nandito na ang resulta ng stem cell examination," pahayag niya. Kanina habang ikinakasal nila ay iniabot ng nurse sa kaniya.
"P-pasensiya na, pero walang nag-match sa 'yo, Ella." Malungkot na anunsiyo niya rito. Ayaw man niya sanang sirain ang kasiyahan ng mga ito pero kailangan niyang sabihin ang resulta para makahanap pa ng iba.
Tahimik na nakaupo ang lahat. Walang umiimik pero bakas sa mga mukha ang lungkot at labis na awa habang nakatingin kina Kevin at Ella.
"D-don't worry, hahanap pa tayo ng donor, Sweetheart. Hi... H-hindi lang kami ang tao rito sa mundo!" Pasiglang sabi ni Kevin. Nagbibigay lakas para mabuhayan ng pag-asa ang asawa kahit na sa kaibuturan ng kaniyang utak ay alam niyang magiging huli na ang lahat.
"T-tama na, p-pagod na ako... S-salamat, Sweetheart." Mapait na ngumiti siya sa binata. Nakatitig sa maamo nitong mukha at kinakabisado ito. Ayaw niyang pumikit kahit isang segundo. Gusto niyang ang mukha nito ang makikita bago ipikit niya ng tuluyan ang mga mata.
"M-mahal kita, K-kevin." Nais man niyang haplusin ang mukha pero hindi niya magawang iangat ang mga kamay.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse na may bitbit na isang papel.
"Doc, ito pa po pala ang isang resulta ng HLA matching." Sabay abot nito ng papel.
Tatlong results lang ang hawak ng doctor kanina. Lahat sila ay nakatingin lang sa doctor at kinakabahan sa sasabihin nito.
"A-ano po ang resulta, doc?" usisa ni Ryan na nakaupo sa tabi ng asawa. Medyo malawak ang ICU room na nakuha nila. Ang totoo ay awang-awa siya kina Kevin at Ella. Dati rin kasing may sakit sa utak si Ian at alam niya ang pakiramdam ng may minamahal na nakaratay.
Napatingin ang doctor sa papel at nakangiting nagsalita, "Positive. May nag-match. Ang HLA(huma n leukocyte antigen) niya ay halos magkaparehong-magkapareho sa HLA ni Ella." Lahat sila ay nabuhayan ng loob.
"K-kanino po, doc?" tanong ni Kim. Ayaw nilang magkaroon ng malungkot na buhay si Ella kahit na masyado itong naging pakialamera noon sa buhay nila ni Skyler.
"Kay..." nakatutok ang lahat ng pares ng mga mata sa kaniya. Kinakabahan at nag-aabang sa isasagot niya. Tila nakasalalay rito ang buhay ng dalaga.
"Sa 'yo... Skyler!"
Nagulat at Nanlaki ang mga mata nilang lahat sa sinabi ng doctor. Puno ng pagtataka at pag-uusisa.
Malakas na umiyak si Sunshine at mabilis na tumakbo kay Ella saka mahigpit na niyakap ang dalaga. Kanina pa niya ito gustong yakapin pagpasok palang niya.
"Ky... K-kyla... Anak, ko." Mas lalong umiyak si Ella. Ito ang yakap na gusto niya. Ang yakap ng babaeng hinangaan niya noong una palang niya itong makita sa labas ng simbahan na kung saan, unang nakilala niya ang magkapatid na VILLAFUERTE!A/N:
Sa nakahula, CONGRATS hahaha.
Twin to twin syndrome- identical twins can feel each other's pain and can read their siblings mind.ESP(extrasensory perception)- sixth sense, includes reception of information not gained through the recognized physical senses but sensed with the mind.
Twin telepathy- is when one twin can assess the feelings or thoughts of another twin without the other twin giving them any signs.
Kung napapansin ninyo, sa tuwing himatayin si Skyler/Kyler ay wala si Kevin? O kung naroon man ay biglang umaalis para puntahan si Ella. Nung naaksidente si Kyler ay nahilo rin si Ella. Basta marami pa diyan lalo na sa STORY nina Kim-Skyler.Wala sanang bumalik sa story nila at maging SPOILER sa bagong readers lalo na sa wall ko. huhuhu. Salamat 😀💜💚❤💗❤💖