11

600 27 0
                                    




DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

"Kumain ka lang Ella. H'wag kang mahiya,"
nakangiting wika ni Dylan habang inaabot sa
kaniya ang beef steak.
"Salamat!" Kinuha ni Ella at nilantakan.
Kanina pa siya nagugutom dahil hindi ito
kumain ng breakfast dahil tinanghali nang
magising. Nagluto lang siya para kay Kevin
at dali-daling pumunta sa school.
"Nagiging paborito mo na ata ang beef
steak, ah." Puna niya. Ito lagi ang order ng
binata kapag yayain siyang kumain sa labas.
"Gusto ko lang talaga makatikim ng masarap
na beef steak," habang kumakain ito.
Napangiti siya sa hitsura ng binata dahil
mukhang hindi ito nakatikim ng masarap na
pagkain.
"Kamusta na pala ang buhay may asawa
mo?" iilan lang sila ang nakakaalam na kasal
na ito kay Ann.
"Kailangan pa talagang iremind El?"
nakasalubong ang kilay ni Dylan. Napansin
ng dalaga na mukhang may hindi
pagkakaunawaan ang mag-asawa.
"Okey! Mamaya na raw pala uuwi sina
Skyler?" tumigil ito sa pagsubo at tumingin
sa kaniya. Magkasama kasi ang kambal na
babalik dito sa bansa.
"Mabuti naman," tipid na sagot niya.
"Sorry," paumanhin ng dalaga.
"Nevermind!"
Tumahimik na lang ang dalaga dahil napansin
niyang ayaw pag-usapan ni Dylan ang
kambal. Hanggang ngayon ay alam niyang
hindi pa ito naka move-on kay Yna.
"Salamat pala Dylan, hindi ko inakalang lagi
mo akong ililibre at bibisitahin." Masayang
wika ng dalaga.
"Walang ano man, sa totoo lang, malapit ka
sa puso ko. Hindi ko alam pero para na
kitang kapatid. Besides, magiging kamag-
anak na kita kapag pakasalan ka ni Kevin."
"Sus! Kung mangyari iyon, may asungot kasi
na babaeng sumulpot!" Nakasimangot na
sagot ni Ella.
"Tsk! Sabihin mo lang sa akin kung may
umaway sa 'yo. Ako ang bahala," seryosong
wika niya.
"Salamat Dylan, ang bait mo sa akin. Kayo
ng magkapatid. Ang bait-bait ninyo sa akin,"
naluluhang pahayag ng dalaga.
"Mabait ka kasi, isa pa, wala rin naman
akong kapatid kaya ikaw na lang." Biglang
nalungkot ang mukha nito pero may kung
ano pang emosyon na nakatago sa likod ng
kaniyang kulay abo na mga mata. Parang
galit? Pero hindi matukoy ng dalaga kung
ano iyon.
Gusto sanang tanungin ni Ella ang tungkol
sa sinabi ng mommy nito na may kapatid na
namatay pero mas pinili na lang niyang
itikom ang bibig. Kilala niya si Dylan, alam
niyang kusa itong aamin sa kaniya kapag
kaya na niya.
"Sige na, baka hanapin ka pa ni Kevin.
Seloso pa naman ang lahi no'n," nang
mapansing tapos na ang dalaga sa pagkain.
Hinatid niya ito pero ilang metro lang ang
layo sa paaralan ay ibinaba niya dahil ayaw
matsismis ng dalaga kahit pa sabihin niyang
tadtad na siya sa tsismis ay hindi maiwasang
masaktan ito at ngayon ay sinusubukan na
niyang lumaban.
Naglalakad siya sa hallway sa second floor
ng building papunta sa classroom niya nang
marinig ang hiyawan sa loob ng classroom ni
Kevin.
"Ayieeee... Bagay po kayo, ang ganda mo
maam at pogi naman si sir Kevin."
Pakiramdam ni Ella ay tumulis ang tainga sa
narinig kaya mabilis na lumapit siya sa
classroom at sinilip sa binatana ang
kaganapan.
Kumulo ang dugo nang makita niyang
nakaupo si Kevin sa table habang nakatayo
sa harapan si Bea.
"Talaga guys? Boto ba kayo sa loveteam
namin?" natatawang tanong ni Bea.
"Opo/Opo," sigawan ng mga estudyantr na
mas lalong ikinagalit ni Ella. Masakit lang
dahil siya ang girlfriend pero sa iba
tinutukso ang boyfriend niya.
"See? May fans club na tayo Kevin," mas
lalong lumapad ang mga ngiti ni Bea.
"Tama na, guys. Gawin na ninyo ang activity
na pinaggagawa ko sa inyo," mas lalong
nainis si Ella nang ngumiti si Kevin sa mga
estudyante.
"Ang landi talaga ng babaeng 'yan."
Nagmartsa siya palayo sa classroom nang
maglasalubong ang kanilang mga mata ni
Kevin.
Malapit na siya sa classroom niya nang may
humawak sa kamay niya.
"Ella," hindi na niya kailangang lingunin kung
sino ang mahigpit na humahawak sa kamay
niya.
"Bitiwan mo ako!" Mahinang utos niya.
Pinagtitinginan na sila ng mga estudyante sa
paligid.
"Katuwaan lang ang nangyari," paliwanag
nito.
"Hindi ko hinihingi ang paliwanang mo!"
"Pero tingin ko, kailangan kong
magpaliwanag base na rin sa mukha mo."
Wala siyang pakialam sa paligid. Alam kasi
niyang magsisimula naman sila ng away ni
Ella dahil sa nakita nito.
"Pakialam mo sa mukha ko? Bitiwan mo ako
dahil tinitingnan na tayo ng mga tao!"
Mahina pero may diin na utos ng dalaga.
"Sweetheart naman, tama na." Desperadong
pakiusap ng binata.
"Wala naman akong ginawang masama, ah.
Wala akong sinabi kaya bitiwan mo na ako
dahil nag-uumpisa na ang klase ko,"
nagpupumiglas siya. Naririnig na kasi niya
ang boses ng kaniyang prof na nagdi-
discuss.
"Saan ka galing? Bakit late ka?" nagtatakang
tanong ng binata. Hindi naman ugali ng
dalaga na magpa-late sa klase.
"H-huh? Sa library, may ginawa lang." Hindi
siya makatingin ng diretso sa binata. Ayaw
naman niyang sabihin na nagkita sila ni
Dylan dahil tiyak na magagalit ito.
"S-sige na, Sweetheart. Bumalik ka na sa
klase mo. Baka pagalitan ka ng Dean dahil
iniwan mo ang mga estudyante mo," utos ni
Ella.
"Sige," pero duda si Kevin. Alam niyang may
itinatago ang dalaga sa kaniya pero ayaw na
niyang pahabain pa ang usapan dahil nasa
paaralan sila.
Nang tumalikod ang binata ay sabay-sabay
na tumaas ang mga kilay ng mga babae sa
paligid.
"Siguro, binablackmail niya si sir."
"Sinabi mo pa! Katawan ang puhunan."
"Iba talaga kapag mahirap ka. Pasalamat siya
dahil may mukha pa siya kaso laspag naman
ang pagkababae niya." Pang-iinsulto ng mga
ito pero dedma lang sa kaniya. Wala siya sa
mood na makipag-bangayan sa mga ito.
Alas sais pa matapos ang klase niya kaya
sinabihan niya si Kevin na mauna na itong
umuwi.
Pagdating niya sa unit ay may isang
malaking travelling bag sa sala.
"Ano ito, Kevin?" tanong niya nang palabas
ang binata sa kwarto.
"Mga gamit natin, pasensya na kung
pinakialaman ko ang closet mo."
"Ano'ng meron? Bakit may ganito?"
nagtatakang tanong niya.
"Pupunta tayo sa Batangas. Doon na raw
sina Skyler dumiretso. Magpaparty sila
hanggang sa linggo," ngumiti siya nang
marinig ang pangalan ni Skyler. Namimiss na
niya ang kakulitan ng binata kaso may limit
ang paglapit niya rito dahil napapansin
niyang naiinis sa kaniya ang magbarkada.
Okey lang si Kim pero si Yna ay para itong
leon a kakainin siya kapag lumapit sa
kambal.
"Wow! Anong oras sila dumating? Hindi man
lang sila nagtext sa akin," nagtatampong
wika niya.
"Busy kasi sila. Sige na, magbihis ka na.
Alam ko namang excited ka nang makita
sila," nahimigan niya ang pagtatampo sa
boses ni Kevin.
"Selos ka?"
"Medyo! Pero alam ko namang mahal nila
ang mga asawa't anak nila at malaki naman
ang tiwala ko sa 'yo kaya ayos lang,"
napangiti si Ella. Isa sa mga rason kung
bakit minahal niya ito ay lagi itong
nagpapakumbaba sa kaniya.
"Salamat, Sweetheart. Kaya love kita, e."
Niyakap niya ito at mabilis na hinalikan sa
mga labi sabay takbo papasok sa loob ng
kwarto.
Alas nwebe na sila nang makarating sa
Batangas. Kahit sa labas ay naririnig nila ang
ingay sa party at ang mga taong
nagsasayawan sa labas ng resort. Mga
dating kaibigan at kaklase nina Skyler at
Kevin ang mga narito.
Hinawakan siya ni Kevin sa bewang habang
papasok sa resthouse.
"Hey, bro!" Tawag ni Skyler nang mapansin
sila.
"Ella!" Nagulat ang dalaga nang yakapin siya
ni Skyler.
"S-Skyler, kamusta ka na?" tanong niya
habang nakatingin kay Kyler na palapit sa
kanila kasama ang asawang si Yna.
"Keviiiiin!" sigaw ni Yna sabay yakap kay
Kevin. Hindi maipaliwanag ni Ella ang
nararamdaman pero bigla siyang nainis kay
Yna.
Piniga niya ang kamay ng kasintahan.
"Hi, namiss ko kayo." Pasimpleng kumalas
ang binata sa pagkakayakap ni Yna. Mabuti
na lang hinila siya ni Kyler at sinamaan ng
tingin.
"Kailangan may yakap?"
"Namiss ko siya hubby, e." Nakapout na
sagot ni Yna.
"Subukan mong yakapin si Skyler malilintikan
ka talaga Kim," pagbabanta ni Skyler sa
asawa nang maramdamang yayakapin din
nito si Kevin.
"Bakit? Ano'ng gagawin mo sa akin Skyler?"
napipikon na tanong ni Kim.
"H-huh? W-wala. Basta walang yakap-yakap
lang, Hon." Napakamot sa ulo si Skyler na
ikinangisi ni Kevin.
"Si Tyron?" tanong ni Kimberly.
"Ayaw pumunta. Busy daw sa business sa
Cebu!" Napailing na lang ang magbarkada.
"Wait, ihatid lang namin ni Ella ang gamit sa
kwarto." As usual, sa iisang kwarto naman
silang lahat dahil marami ang bisita.
Paglabas nila papunta sa labas para
makisalamuha sa mga barkada nina Kevin
lalo na ang kasamahan nila noon sa
basketball team ay tumili ang isang babae.
"Kevin!"
Nagulat si Ella nang sinunggaban nito ng
halik ang kasintahan habang nakahawak
kamay pa sila.
Sa pagkabigla ay naitulak ito ng binata.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Bea?"
"Makiparty! Invited din ako," napataas ang
kilay ni Ella sa narinig.
"At sino ang nag-invite sa 'yo?" hindi
nanapigilang sumabat ni Ella.
"At sino ka naman?" pagmamaldita rin ni
Bea.
"Girlfriend niya, Bakit? May reklamo?" taas
noong sagot ni Ella.
"Whaaat/ Whaaat?" pasigaw na tanong nina
Kyler at Skyler at galit na nakatingin kay
Kevin.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon