DESTINY'S GAME
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 15
"Okay ka lang? Namumutla kta," naglalakad sila papuntang next subject nina Vince at Maris nang medyo nahilo si Ella.
"Okay lang ako," pilit na ngumiti ang dalaga sa dalawa. Napasulyap siya sa loob ng classroom na tinuturuan ni Kevin. Napatigil siya nang makita ang isang estudyante na nakatayo sa harapan ng kasintahan. Bahagya pang nakabukas ang dalawang butones ng polo nito na ikinait ng ulo niya.
Hindi niya nagustuhan ang nakikita. Pakiramdan niya ay umakyat ata ang lahat ng dugo sa ulo niya at nawala bigla ang sakit nito.
"Selos?" napapitlag siya nang bumulong si Vince sa kaniya.
"B-bakit naman?" napayuko siya. Hindi niya napansin na gano'n na pala siya ka transparent sa kasama.
"Alam naming may something sa inyo ni sir," napatingin siya sa dalawang nasa gilid lang niya.
"Nakita kayo namin na magkasama noong isang araw sa mall at ang sweet ninyo, hindi kami pwedeng magka-mali dahil sinundan kayo namin sa condo ninyo." Ang kilay niya ay sumalubong sa sinabi ni Maris. Noong sabado iyon nang mang-grocery silang dalawa sa SM Manila.
"Pwede ko bang malaman kung bakit magkasama kayong dalawa at ano ang ginagawa ninyo roon, ha?" balik-tanong niya.
"W-wala, nagkita lang kami roon." Umiwas ng tingin si Maris pero hindi siya kumbinsido.
"Aminin n'yo na kasi, ano'ng akala ninyo sa akin, Tanga?"
"Nag-date kami,"tipid na sagot ni Vince at malakas na siniko ito ni Maris. "H-huwag mong ipaalam saa iba Ella, ha. Sikreto lang natin ito," pakiusap ng dalaga na ikinataas ng kilay ni Ella.
"Tingin mo, may ibang kaibigan pa ako maliban sa inyo? Ang daya ninyo! Matagal na yata kayong may relasyon pero hindi man lang ninyo sinabi."
"Noong isang araw lang, friend. Ikaw nga diyan, e. Hindi mo sinabing nagli-live-in na kayo ni sir," may himig na pagtatampo na sagot ni Maris.
"H-hindi, a. Basta!" Padabog na naglakad ba siya palapit sa classroom nila.
"Ayieee... ang swerte mo kay sir," mahinang tukso ni Maris habang papasok na sila. Si Vince ay pumunta na sa mga kabarkada na nagtitipon-tipon sa isang sulok ng classroom.
"Sus! Ikaw nga diyan, e. Ang swerte mo rin kay Vince," sagot niya.
"Palit na lang kaya tayo... pero joke lang," nag-peace sign pa si Maris. "Hindi ka ba naiinis sa mga babaeng umaaligid kay sir? Mukhang marami kang maging karibal sa kaniya," dagdag pa nito.
"Kampante ako na mahal ako ni Kevin, isa lang talaga ang pinaka-kinaiinisan kong karibal," galit na naman siya nang pumasok sa isipan ang mukha ni Bea.
"Sino?"
"Basta! Kapag inaway ako ng bruhang iyon, makikita niya ang hinahanap niya!" Medyo na bahala rin siya dahil teacher niya ito sa swimming class na pinaka-ayaw niyang subject. May phobia kasi siya sa tubig. Hindi namang pwedeng si Kevin ang maging guro niya.
Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa ibabaw lang ng blackboard. Kinse minutos pa pala bago ang klase nila.
Nakaramdam siya ng biglang pagkahilo kaya napahawak si Ella sa ulo.
Kinuha niya ang tumutunog na cellphone dahil kanina pa may tumatawag sa kaniya. Si Dylan. Pipindutin na sana niya ang answer button pero biglang umikot ang paligid niya.
"Ella, okey ka lang?" puno ng pag-alala ang mukha ni Maris.
"Shit! Ella!" Mabuti na lang dahil nasalo niya ang kaibigan bago tumama ang ulo sa upuan.
"Tulong!" Lumapit ang apat na kaklase nilang babae. Sila na lang pala ang nasa classroom dahil lumabas ang mga boys.
"Dalhin natin sa clinic,"natarantang sabi ng isang babae.
"Wait! Bantayan n'yo muna siya," pakiusap ni Maris habang inihiga ang walang malay na katawan ni Ella.
Mabilis na tumakbo siya sa kabilang classroom para humingi ng tulong.
"What are you doing here Miss Baracael?" tanong ni Kevin nang hinihingal na pumasok ito. Napatingin din ang mga estudyante sa kanila.
"T-tulong po, si Ella." Nataranta niyang sagot.
"What happened to her?" nag-aalalang tanong ni Kevin. May kung anong bumundol sa dibdib niya.
"H-hinimatay po siya sa classroom," mabilis na tumakbo si Kevin papunta sa kabila. Alam niya ang schedule ng dalaga.
"Fuck!" Halos madurog ang puso niya ng makita ang namumutlabg dalaga habang pinapaypayan ng apat na estudyante.
"Sir."
Mabilis na binuhat niya ito at itinakbo papunta sa clinic.
May mga napalingon at nagtatakang nagtatanong. Sina Maris ay nakasunod sa likuran niya.
"Hold on, Sweetheart." Kasing bilis din ng takbo niya ang pagtibol ng kaniyang puso. Natatakot siya para sa dalaga. Ito ang pinakaayaw niyang makita. Ang nahihirapan ito kapag nagkakasakit. Wala na kasi itong pamilya o ina. Hindi kagaya nila na kapag kaunting sakit lang ay nandiyan agad si Sunshine o 'di kaya'y si Lola Hannah nila.
"Nurse!" Sigaw niya at mabilis na inilapag si Ella sa hospital bed. Sakti namang kakabalik lang ng dalawang nurse sa clinic.
"Ano po'ng nangyari, sir?" agad na pinulsuhan ng isang nurse. Ang isa naman ay bitbit ang Bp apparatus at ang stethoscope ay nakasabit sa leeg nito.
"Hinimatay po," nag-aalalang sagot ni Maris. Ini-lock nito ang pinto at isinara ang kurtina para walang makakita sa labas.
"Sweetheart, gumising ka." Nanginginig na pakiusap ni Kevin habang mahigpit na hinawakan ang kanang kamay at dinala sa mga labi para halikan.
"Excuse me, sir. Kukunin ko lang po ang vital signs niya," wika ng nurse na nasa mid-twenties ang edad. Ang isa naman ay tumawag sa doctor.
"Miss, paki-pasinghot sa kaibigan mo." Ibinigay ng nurse ang katinko kay Maris para ilapit sa ilong habang kinukuha niya ang blood pressure nito.
"80/60, mababa po." mayamaya na pahayag ng nurse.
"Hmmmm..."
"Ella, Sweetheart. Thanks God!" Masayang wika ni Kevin nang dahan-dahang dumilat si Ella. Maputla ang mga labi nito.
"Dalhin na lang po natin siya sa hospital sir, may major operation daw si doc ngayon. Natawagan ko na ang ambulance," nang lumapit ang isang nurse sa kanila.
"Mas mabuti pa nga po," sagot ni Kevin.
"K-kevin, a-ayoko." Pakiusap ni Ella. Takot siya sa hospital. Isang beses lang siyang pumunta ng hospital pero ayaw na niyang bumalik pa rito.
"Kailangan, please. Kahit ngayon lang," wala na siyang pakialam kung malaman ng mga ito na may relasyon sila ng dalaga.
Ilang sandali pa ay dumating na ang dalawang in-charge sa ambu at inilipat sa stretcher si Ella. Nakasunod naman si Kevin at pinabalik na niya si Maris dahil may klase pa ito.
Ang daming umusisa na mga estudyante pero hanggang tingin lang sila.
Pagpasok sa ambulance ay inilagay ng isang nurse ang oxygen kay Ella na nasa 2 liters per minute dahil napansin nilang nahirapan itong huminga.
In-adjust ng nurse na nasa foot part ni Ella ang stretcher para itaas ang sa paanan nito. Dahil wala silang kasamang doctor ay first aid lang ang ginawa nila habang ang isa naman ay nagri-record ng vital signs nito.
Si Kevin ay tinawagan ang mga kaibigan pero si Skyler lang ang nakasagot.
Nasa Robinson lang daw sila ni Kim kaya roon na sila didiretso.
Pagdating sa PGH ay inasikaso na sila kaagad ng ilang nurses dahil natawagan na ang mga ito ng isang nurse na nakasama nila sa ambulance.
Pagdating ay agad na in-endorsed ng nurses ang case ni Ella sa staff nurse at bumalik na sa paaralan. Dinala naman ng mga ito si Ella sa isang suite na exclusive sa mga may-ari o kamag-anak ng nasabing hospital. Malaki ang shares ng Villafuerte at Lacson sa PGH kaya walang nurses o doctors ang pwedeng tumalikod sa kanila.
"Okay ka lang? Ano'ng nangyari?" Puno ng pag-alala na tanong ni Skyler na nang makapasok sa kwarto. Nakasunod lang ang asawa.
"I'm fine. Please, Sweetheart, umuwi na tayo." Nanghihinang pakiusap ng dalaga habang nakatingala kay Kevin.
Saktong pumasok ang babaeng doctor kasama ang may ka-edarang nurse.
"Ano ba ang nangyari, Kevin?" tanong ng doctor. Kilala nila ito.
"Hinimatay po siya, doc." Si Kevin na ang sumagot.
"May iba ka pa bang nararamdaman?" tanong ng doctor habang kinukunan ng nurse ng vital signs ang dalaga.
"Medyo nahilo lang ako kaninang umaga pa," ang mukha ni Skyler ay napakunot na at hindi na maipinta. Bigla nitong naikuyom ang kamao at halos binagsakan ng langit sa naisip.
"What?" tanong ni Kevin nang mapansing masakit ang titig ni Skyler sa kaniya.
"Ano pa?" pagpatuloy ni doc.
"N-nasusuka po ako pero wala naman po, puro laway lang." Hinang-hina na sagot ni Ella. Nais man niyang gumalaw pero pakiramdam niya, hindi niya kaya.
"Hon, pigilan mo ako, Kim. Sasapakin ko na talaga si Kevin!" Mahinang bulong ni Skyler pero naririnig naman ng mga tao sa paligid.
Tinaasan lang siya ni Kim ng kilay bago magsalita, "Baka hindi naman buntis, Sky---ANO BA!" Saway ni Kim nang bumulagta si Kevin. Bigla kasi itong sinugod na Skyler at malakas na sinuntok sa mukha.
"Gago! Bantay salakay!" Pagmumura ni Skyler habang dinuduro ang bumabangong kapatid na dumudugo na ang ilong.
"Skyler, sandali!" Saway ni Kim nang lumapit ito sa oxygen tank na nasa gilid ng kama.
"Bitiwan mo ako, hon. Pasasabugin ko ang ulo ni Kev-- Aw!" reklamo niya nang hinablot ni Kim ang hawak na Bp app ng nurse at hinampas sa ulo ng asawa.
"Mahiya ka naman sa ibang tao!" sighal ni Kimmy.
"K-kasi, hon. Papatayin ko na talaga si Kevin, ginalaw niya si Ella." Si Ella naman ay pulang-pula na sa pagkapahiya sa nurse at doctor na nakatingin lang sa kanila. Takot ang mga ito na baka madamay.