22

654 29 0
                                    


DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 22

Mahigit isang linggo na ang nakaraan pero
wala pa ring masagap na impormasyon si
Kevin tungkol sa pagkatao nila ni Ella at
kung bakit magkasama ang kanilang mga ina
sa iisang mansion.
"Saan ka pupunta?" Nakaupo si Ella sa sofa.
Kahit payat na ay ang cute nito sa kulay pink
na pajama at tshirt.
"Sa mansion lang, aasikasuhin ko ang
birthday ni lola bukas." Nakangiting sagot ni
Kevin.
"Balik ka kaagad, ha. Gusto kitang makita,"
pakiusap ni Ella. Araw-araw ay gusto niyang
makita ang mukha ng kasintahan. Kahit
masakit ang buong katawan ay nagiging
magaan ito sa kaniya dahil nandiyan lang si
Kevin sa tabi niya palagi.
"Oo. Nandito na pala si Skyler, ingat ka,
Sweetheart. Babalik ako kaagad. I love you,"
sabay halik sa mga labi nito.
"I love you, most."
"Tsss! Alis na Kevin!" Nakasimangot na utos
ni Skyler.
"Tandaan mo, Kevin. Kahit mawala man ako,
kahit saan man ako naroon, mahal kita!"
Natigilan si Kevin sa makahulugang saad ni
Ella.
"H'wag mong isipin iyan! Gagaling ka!" May
diin na sagot ng binata pero ngumiti lang si
Ella.
"Alagaan mo muna si Ella," pakiusap niya kay
Skyler. "Babalikan kita, Sweetheart." Sabay
lingon sa dalaga na ngayon ay matamis na
ngumingiti sa kaniya pero bakas ang lungkot
sa mga mata.
Pagdating niya sa mansion, nakakalat ang
mga gamit sa sahig. Naglalaro na naman
kasi ang triplets at twins nina Skyler.
"Okay na ba ang plano ko? Baka magiging
palpak na naman," tanong ni Kevin. Sa
susunod na araw na ang kaarawan ni Ella at
balak niyang i-surpresa ito. Kakabili lang din
niya ng magandang gown dito para
magmukha itong prinsesa. Ang alam niya ay
pangarap nitong maging isang princess pero
hindi lang nito ipinapaalam sa kaniya. Nakita
lang niya ang mga iginuhit nito noong
highschool pa siya at may nakalagay na
'Princess Ella' sa baba ng larawan.
May pera naman siya at tinulungan din siya
ng kambal at nina Kim. Excited na nga ang
pamilya na makilala si Ella. Imbetado rin ang
mga Lopez pero ang sabi lang nila kay Ella
ay kaarawan ng isa nilang kamag-anak.
"Saan si Skyler?" tanong ni Ryan. Hindi
naman lingid sa kaalaman nilang lahat na
paborito niya ito dahil pareho silang kalaban
si Ian.
"Nasa condo ko po, may inasikaso lang."
Sagot ni Kevin. Hindi naman pwedeng
mawala siya rito dahil gusto niyang personal
na ayusin ang lahat. Nais din daw
makapagpahinga ni Skyler sa limang anak
kaya siya na muna ang sumama kay Ella sa
condo.
"Hon, ang dami na nating apo, oh."
Tuwang-tuwang wika ni Ryan kay Hannah na
ngayon ay nakaupo sa humba-humbang
silya. May iilang puting hibla na ang buhok
ng dalawang matanda pero malakas pa ang
mga ito.
"Oo, nga. Sana maabutan pa natin ang mga
anak nila," nakangiting tugon ni Hannah
habang nakamasid sa mga bata na ngayon
ay nakihalubilo na ang mga anak nina Kyler.
"Kean, no!" Tumayo si Kyler at kinuha ang
sapatos ni Sky na hawak ng anak. Balak
nitong isubo sana pero mabuti na lang dahil
napigilan niya.
"Shit! Keana, stop baby!" Ang isang pares
kasi ng sapatos ay kinuha ni Keana. Mabuti
na lang dahil naagaw niya. Inosenteng
tumingala si Keana sa ama at napansin
sigurong galit ang ama kaya nakalabi ito.
"No, no, no. Hindi galit si daddy," pero huli
na siya... Umiyak na si Keana kaya binuhat
niya.
"Booom... boooom," wika ni Sky sabay
hampas ng laruang kotse sa ulo ng
nananahimik na kapatid. Namula sa galit si
Black kaya kinuha niya ang laruang robot na
nasa tabi lang ni Blue.
"H'wag Black! Bad 'yan!" Saway ni Kyler
pero huli na siya. Natapon na nito pero si
Kean ang tinamaan sa ulo kaya ang malakas
na umiyak ang bata.
"Putiks! Wifey! Y-yung mga bata!" Sigaw ni
Kyler sa dalawang babae na nasa kusina.
Tumayo na sina Kevin at pinaghiwalay ang
mga bata dahil pumatol na si Kean sa
kanilang tatlo.
"Letse! Tawagin nga ninyo si Skyler!" Galit
na utos ni Kyler nang maupo sa sofa. Mabuti
na lang dahil napatigil nina Yna ang mga ito.
"Akin na si Kean," kinuha ni Yna ang anak
kay Kyler at inakyat sa taas ang kambal.
Mahirap na kapag magsama-sama ang
magpinsan dahil magugulo talaga ang utak
mo.
"Fuck! Lola, may gamot po ba kayo? Lintik
talaga na Skyler, mabibiyak ang ulo ko!"
Habang nakahawak sa sumasakit na ulo. Sa
tuwing makikita niya ang triplets ay
pakiramdam niya, umiikot ang lahat kapag
mag-away ang mga ito.
Napailing si Kim habang nakatingin kay
Kyler. "May biogesic ako sa bag. Pasensya
na, ang kulit talaga ng triplets na iyan. Si
Skyler lang ang makakapigil sa tatlong iyan,"
swerte lang nila dahil nasa labas sina Erika at
Lyn dahil sumama sa yaya.
"Sus! Alam na ninyo ngayon ang naranasan
namin noong mga bata kayong tatlo?"
natatawang tanong ni Hannah. Nahirapan din
sila noon lalo na kay Skyler dahil ito talaga
ang pinakapasaway sa lahat. Kahit kani-
kanino ay nakikipag-away lalo na noong
mag-away sila ni Dylan. Sa tuwing palapit
pa lang ang bata sa mansion ay agad na
nitong sinasarhan ng pintuan.
"Wala pa 'yan. Tingnan mo kapag nasa anim
hanggang sampung taon na sila. Malalagas
talaga ang buhok ninyo lalo na puro kambal
ang mga anak ninyo!" Tuwang-tuwang sabi
ni Ryan sabay akbay sa katabing asawa.
"Ngayon pa lang mukhang mauubos na ang
buhok ko!" Napahilot si Kyler sa sintido dahil
sobrang sakit nito. Naisip niya tuloy kung
paano nalalampasan ni Skyler ang lahat ng
ito. "Parang ayoko na pong dagdagan ang
kambal ko. Hindi ko na makakaya!" Dagdag
niya. Lalo na't mukhang isip bata pa si Yna
kaya mas sumidhi ang sakit ng ulo nang
maalalang maliban sa mga anak ay mas
pasaway pa ang asawa.
"Lo, mauna na po ako. May pupuntahan pa
ako," paalam ni Kevin habang hawak ang
cellphone.
"Sige. Uwian mo na si Ella. Baka nire-rape
na siya ni Skyler. Alam mo naman iyon,
manyak!" Pagbibiro na sabi ni Kyler. Bigla
siyang kinabahan nang sambitin ang
pangalan ng kaibigan. Kanina habang kausap
niya ito sa cellphone ay napakalalim ng
boses nito.
"Salamat! Kayo na ang bahala rito," mabilis
na lumabas si Kevin sa garahe. Binuksan
naman ng katulong ang gate kaya nakalabas
siya kaagad. Gusto niyang puntahan ang
imbestigador ng kaniyang lolo. Nagtext ito
na may impormasyon na siya sa kanilang
mga ina ni Ella.
Pagdating niya sa starbucks ay agad niyang
nakita ang private investigator na nakaupo
sa pinakadulong mesa. Naka black leather
jacket at nakasuot ito ng itim na sumbrero.
Iilan lang ang tao dahil linggo ngayon.
"Magandang hapon po," bati niya at
tinanggal ang sumbrero.
"Magandang hapon din. Ano na ang balita?
May nasagap ka bang impormasyon?" Anak
ito ng dating imbestigador ng lolo Ryan
niya. Namatay lang ang ama dahil sa heart
attack.
"Talaga? Ano iyon?" excited na
kinakabahang tanong ni Kevin.
"Bago pa man nakapasok ang nanay mo sa
mansion ng mga Montenegro bilang
katulong, dati ng naninilbihan sa isang
mansion sa Tagaytay. Doon niya nakasama
itong babae na naging matalik niyang
kaibigan," sabay turo ng mukha ng ina ni
Ella na nasa litrato. "Noong nalaman ng
among lalaki na dalawang buwang buntis
ang iyong ina, pinalayas siya nito at doon
napadpad sa bahay ng lola mo." Salaysay ng
binata.
"'Yong nanay ni Ella, may balita ka ba sa
pamilya niya?"
"Ayon sa dating driver na nanilbihan din sa
pamilya, walang asawa ang babaeng ito at
impossibleng magkaroon ng anak dahil na-
operahan ito sa matris." Nagulat si Kevin sa
nalaman.
"I-ibig sabihin, hindi niya tunay na ina ang
kinagisnan?"
"Iyon po ang pagkakaalam ng driver. Pero
ayon sa kaniya, wala naman daw siyang
nakitang bata sa mansion noon dahil dalaga
na ang anak ng mag-asawa. Ang alam lang
niya ay may itinatagong anak ang among
lalaki sa pamilya nito pero hindi pa niya
nakikita ang bata kaya hindi rin niya alam
kung ilang taon na ang bata."
"Ano po ang pangalan at apelyido ng
pamilyang iyon?"
Tumunog ang cellphone ni Kevin. Si Dylan
ang tumatawag kaya mabilis niyang sinagot
ang tawag.
"Whaaat... si Ella? Okay. I-i'm coming!"
Nataranta niyang sagot sa kabilang linya at
mabilis na pinatay ang cellphone. Papunta
raw ito sa hospital.
"I'm sorry, kailangan ko nang umalis."
Parang may bumundol sa dibdib niya nang
marinig ang balita. Nasa hospital daw si Ella
dahil biglang hinimatay at ngayon ay sini-
CPR na ng mga doctor.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon