9

609 33 0
                                    



DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

"Sino siya? Wow! Ang ganda, pare!" Halos
lumuwa na ang mata ng limang binata na
nakaupo sa hallway habang palapit sa kanila
ang isang seksing babae. Nakapalda ng
lampas hanggang tuhod pero halatang
mahahaba ang legs nito at kita rin ang
cleavage sa nakabukas na butones ng
kanyang brown polo shirt.
"Excuse me, boys, have you seen Mr.
Villafuerte?" kinuha niya ang prada shades at
inilagay sa ulo.
"H-hindi po, maam. G-gusto mo, samahan
ka namin?" nauutal na tanong ng isang mas
payatot sa kanila.
"No, thanks!"
"Baka mawala po kayo, masyadong malaki
ang school campus." Sagot ng nakakulay
blue naa damit. Ito ang pinakagwapo sa
kanila.
"Thank you, boys. But, I can memorize all
the corners of this school kahit na nakapikit
ako." Tumalikod na siya at naglakad patungo
sa Dean's office para magreport. Siya ang
maging P.E teacher sa swimming.
May iilang napalingon sa kaniya kapag
madaanan niya. May iilang sumisipol din.
"Same students that I used to know."
Bulong niya sa sarili. Naalala niya noong
college days nila two years ago. Isa siya sa
mga estudyanteng laging nakaabang kapag
dumadaan na ang sina Tyron at ang
magkapatid na Villafuerte.
"Good morning, sir!" Masiglang bati niya sa
Dean.
"Good morning Miss. Ocampo, please have a
seat." Nakangiting bati ng kaniyang Dean na
pinaunlakan naman niya.
Matapos nilang mag-usap ay lumabas na
siya sa office. Gusto niyang libutin ang
buong campus. Dalawang taon din nang huli
siyang nakapasok dito dahil busy siya sa
kanilang business sa Korea. Noong inofferan
siya na magturo ay ayaw pa sana niya. Best
swimmer siya ng paaralan na ito noon pero
nang mabalitaang nagtuturo si Kevin dito ay
naging interesado siya. After ng graduation
ay wala na siyang balita sa binata.
Napatingin siya sa hagdan papunta sa
rooftop nang pagbaba niya sa ikalimang
palabag ng gusali ay ito ang tumampad sa
kaniya.
"Miss, bawal po umakyat diyan." Wika ng
isang nerd na babae. Parang bingi na
ipinagpatuloy lang niya ang pag-akyat.
"Kahit na wala na ang magbarkada, bawal pa
rin pala." Bulong niya.
Minsan na siyang nakapasok dito noon.
Noong manganganak si Kim ay pinalagyan
nila ng elevator at ang babaan ay sa
tambayan nila kaya walang makakakita sa
kung sino man ang tao rito.
Ang ibang rooftop sa ibang buildings ay
para na sa estudyante pero sa building na
ito ay exclusive lang talaga sa magkaibigan.
"Sa condo ka na lang magbayad ng utang
mo sa akin," nasa huling baitang na siya
nang marinig ang boses ng binata. Kahit na
matagal na niyang hindi narinig ito ay kilala
niya pa rin ang boses nito.
"Wala naman akong utang, a." Kahit hindi
niya nakikita ay alam niyang nakasimangot
ang babae. Hindi familiar ang boses nito.
Medyo kilala na niya ang boses nina Yna,
Kim at Ann.
"Iyong sa swimming lesson, baka
nakalimutan mo?" Masigla ang boses ni
Kevin sa kausap. Alam niyang may iba sa
boses ng binata dahil hindi naman ito ang
Kevin na nakilala nila.
"Kahapon pa 'yan, a. Alis na ako, may pasok
pa ako, e." Natigilan siya sa narinig. Medyo
lumapit pa siya ng kaunti sa pinto. Dahan-
dahan niyang pinihit ang seradura pero
naka-lock sa loob.
"May 15 minutes ka pa, namiss lang kita,
Sweetheart." Pakiramdam niya ay umakyat
ang lahat ng dugo niya sa ulo dahil da
narinig. Hindi ganito ang Kevin na inaasahan
niya. Hindi ito basta-basta mag-girlfriend at
mukhang ito pa ang humahabol sa babae.
Simple, plain at tahimik lang si Kevin noon.
"Magkasama lang tayo sa condo, sige na,
malilate na talaga ako."
Napaisip siya, ibig sabihin, estudyante ang
kasintahan nito.
"Sige na nga, Ella. May meeting pa kami
mamaya kaya mag-taxi ka na lang pauwi."
Dali-dali na siyang bumaba dahil baka
biglang lumabas si Kevin. Alam niyang
gagamitin ng babae ang elevator para hindi
makita ng ibang estudyante. Gusto man
niyang abangan ito, hindi niya alam kung
saan ang lagusan ng elevator. Tanging ang
magbarkada at ang gumawa lang ang
nakakaalam.
"Ella," bulong niya habang malalim ang
iniisip nang sumakay sa elevator pababa.
Bukas pa naman siya magsimula dahil siya
raw ang papalit kay Kevin kaya mamaya ay
kausapin niya ito kapag matiyempuhan sa
faculty room.
Lumabas na siya dahil nariyan na raw ang
driver na maghahatid ng mga gamit niya.
Pinapasok niya ang driver na may dalang
gamit ang tinulungan itong ayusin ang mga
gamit niya. Napangiti siya nang malamang
magkatabi lang sila ng table ni Kevin.
"Kevin! Long time, no see!" Papasok ang
binata, nakasalubong pa niya anh driver nito
na palabas na. Nagulat pa ito nang makita
siya.
"Bea! Ano'ng ginagawa mo rito?"
nagtatakang tanong ni Kevin. Bea was used
to be his girlfriend. Hindi naman gano'n ka
seryoso. Bed warmer lang niya sa tuwing
mag-away sila noon o magtampos siya kay
Ella. Bea was happy and contented with
that! Napag-usapan na nila ang bagay na
iyan pero noong nagsawa na siya ay
dumistansiya na siya rito.
Ayaw niyang saktan at lokohin ang dalaga
dahil kahit ginusto naman nito, babae pa rin
ito at dapat na igalang.
"Work!" Tipid na sagot ng dalaga.
"Ikaw ang papalit sa akin sa swimming?"
"Exactly!" Isang mapang-akit na ngiti ang
ibinigay niya. Tatlo lang silang guro ang
nandito dahil class hours pa.
"Great! Congrats! I never thought na ikaw
pala ang tinutukoy nilang baguhang
teacher."
"Want some coffee? Ang tagal din nating
hindi nagkita, e."
Napansin niyang napakamot ang binata kaya
inunahan na niya.
"For old times sake?"
"Okey!" Walang magawa si Kevin kundi
paunlakan ang paanyaya ng dalaga.
Sa canteen na sila nagtungo.
"What is your order? Maghanap ka na lang
ng upuan," wika ni Kevin. May iilang
estudyante ang nagbubulong-bulungan.
"Capuccino at strawberry ice cream cake,
please."
"Okey, wait lang ako rito." Napangiti siya
nang mapansin ang mga estudyanteng
naiinggit sa kanya. Knowing na mahirap
lapitan ang binata kaya masasabi niyang
maswerte siya. Gusto niyang makilala ang
estudyante na kasintahan at ka live-in ni
Kevin pero hindi naman niya nakita ang
mukha nito kanina.
-----
"Libre ko na nga kayo, Ella." Papasok na sila
sa canteen.
"Gagawa pa ako ng assignment natin sa
english, e."
"Minsan lang ako mag-aya. Samahan mo
lang kami ni Maris," napataas ang kilay niya.
Napapansin kasi niyang lagi na lang siyang
niyayaya ni Vince pero kasama si Maris.
"Bakit kaya may mga taong manhid? At
torpe?" bigla niyang nasambit na ikinapula
ng mukha ni Vince.
"Psh! Para kang bakla, Vince!" Natatawa
niyang sabi. Natutuwa siya nang marealize
na may gusto ito kay Maris.
"Girlfriend ba siya ni sir Kevin?"
"Baka, ang sweet nila." Napataas ang kilay ni
Ella nang makita sa isang table si Kevin na
may kasamang babae at ang sweet pa nila.
Nagtatawanan na parang matagal nang
magkakilala.
Naikuyom niya ang kan'yang kamao nang
pinahidan ng babae ang bibig ni Kevin nang
may kumalat na icing sa paligid ng labi nito.
"Maupo na kayo, ako na ang mag-oorder."
Hindi na niya pinansin si Vince at tuloy-tuloy
sa table na katabi ng table nina Kevin. Sakto
lang dahil tumayo na ang tatlong lalaki para
umalis.
Medyo sinadya niyang banggain ng upuan
ang mesa paghila niya para kumikha ng
ingay. Napapitlag ang binata nang makita
siya pero tinaasan lang niya ito ng kilay pero
hindi nakatingin sa mga ito.
"Napapansin kong panay ang taas ng kilay
mo, friend." Puna ni Maris.
"Oo nga, e. Nagmamadali kasi akong umuwi
dahil may gagawin pa ako sa bahay pero
nagbago na ang isip ko. Mahirap din pa lang
umuwi na wala kang madadatnan," naiinis
siya dahil akala niya ay may meeting pa ito
kaya pala may meeting date sa babae niya.
"Namiss ko 'yong dating tayo, Kevin. 'Yong
magkasintahan pa tayo." Mahinang wika ng
babae na nakatalikod sa kan'ya.
Sa narinig ay naikuyom niya ang kamao.
"May girlfriend si Kevin?" bulong niya sa
sarili.
"Tapos ka na ba Bea? Uuwi na kasi ako."
Nang mapansin ng binata na hindi na
maipinta ang mukha ni Ella.
"How about visiting in my condo?"
Hinawakan pa ni Bea ang polo ni Kevin na
tila walang pakialam sa mga estudyanteng
nakatingin sa kanila.
"Visit mo mukha mo!" Inis na sabi ni Ella
sabay tayo na ikinagulat ni Maris.
"Saan ka pupunta, Friend?" Nagtatakang
tanong ni Maris.
"Uuwi na at mang-lock ng bahay!" Dali-dali
siyang lumabas sa canteen.
"Teka, saan ka pupunta, Kevin?" tumayo na
kasi ang binata.
"I'm very sorry, Bea. Tomorrow na lang,
may importante kasi akong pupuntahan."
Paalam ng binata at iniwan na si Bea na
nakatunganga.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon