14

638 27 0
                                    




DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 14

Unedited

"Ano'ng nangyari sa braso mo, Ella?"
kakaupo lang ng dalaga sa kama katabi ni
Kim.
"Damn! Binugbog ka ba ni Kevin? Sabihin
mo!" Galit na tanong ni Skyler nang
mapansin ang pasa sa kanang braso ng
dalaga.
"H-huh? W-wala, nabangga lang ito kanina."
Todo tanggo niya, iniisip kung saan galing
ang pasa pero wala siyang maisip maliban na
lang kung dahil sa kasarapan ay napahampas
siya sa batuhan kanina.
"Aminin mo!" Singhal ni Skyler at masamang
tiningnan ang kakapasok lang na si Kevin
kasunod si Kyler.
"Wala nga!" Tumaas na rin ang boses niya na
ikinabigla ni Skyler.
"Kung ako sa'yo, sasapakin ko pa 'yan! Ang
ingay ng bunganga!" Galit na sabat ni Kim at
napasimangot. Pagod na siya at gustong
magpahinga pero heto ang asawa at parang
manok na mangingitlog. Putak ng putak.
"Honey naman, alam mo namang walang
pamilya si Ella. Kailangan niyang mag-ingat
lalo na sa mga manloloko!" Mahinang
paliwanag ni Skyler at naupo sa kabilang
gilid ng kama para haplusin ang maamong
mukha ng asawa.
"Umalis ka na nga! Inaantok na ako! Mabuti
na lang pala dahil hindi natin dinala ang mga
bata," pikon na utos ni Kim.
"Eh, kasi... may pasa kasi si Ella, baka
binugbog ni Kevin." Nag-aalalang sagot ni
Skyler. Lumapit si Kevin kay Ella at
hinawakan ang namamasang braso.
"Kukuha lang ako ng yelo, Sweetheart."
Masuyong hinalikan siya ni Kevin bago
lumabas ng kwarto. Sina Yna ay nagising na
rin dahil sa malakas na boses ni Skyler.
"Hayaan mo na sila, tingin mo makakayang
saktan ni Kevin si Ella? Matulog ka na!"
Walabna siyang magagawa pa kung ganito
na lang ituring ni Skyler si Ella. Sa paglipas
ng panahon ay pa unti-unti na niyang
natanggap na hindi na maialis sa sistema ni
Skyler si Ella dahil girl bestfriend ng
magkapatid ang dalaga.
Nakikita naman nila na mahal nina Kevin at
Ella ang isa't-isa. Overprotective lang talaga
minsa itong si Skyler at may mga oras na
dinadamay pa nito ang kakambal na si Kyler.
"Tssss! Pwede namang pag-graduate na lang
sila magtukaan. Ang dami nang pinagdaanan
ni Ella," pagsuko ni Skyler at tumayo.
"Masakit ba?" tanong niya kay Ella.
"Hindi naman, pasensya na sa storbo."
Paumanhin ni Ella. Sa harap ng mga ito ay
nagiging mabait siya. Hindi naman sa
nagkukunwari siya pero iyan talaga ang ugali
niya. Nagiging leon lang kapag si Kevin ang
kaharap.
"Sige na, ikaw muna ang tumabi sa mahal
kong asawa, Ella. Para safe ka kay Kevin
mamaya," napataas ang kilay ni Kim sa
asawa.
"Layas muna hon sa harap ko, please lang."
Pakiusap ni Kim habang kinukuha ang unan.
"S-sige, hon. Goodnight! I love you,"
mabilis na umalis na siya sa harapan ng mga
ito bago pa siya matapunan ng unan ni
Kimberly.
Kinaumagahan, naunang umuwi sina Kim at
Skyler dahil kagabi pa raw umiiyak ang
triplets nila.
"Dylan!" Masayang sambit ni Ella nang
makita ang binata na kakababa lang sa
ducati. Nag-aayos sila ng gamit para
bumalik na sa Maynila.
"Hi, El." Bati niya habang napakamot sa ulo
pero hindi makatingin sa mag-asawa.
After ng ilang taon ay ito ang unang
pagkikita nila ni Yna at Kyler.
"Ginagawa mo rito?" Supladong tanong ni
Kyler at mahigpit hinawakan sa kanang
kamay si Yna na tila ano mang oras ay may
kukuha sa asawa.
"Hi, Dylan." Naiilang na bati ni Yna. Gusto
niya sanang yakapin ang dating kasintahan
dahil namimiss na niya ito.
"Hello, Yna." Casual na sagot niya. Bahagya
lang niyang sinulyapan ito.
"Ginagawa mo rito?" nakataas ang kilay ni
Ann.
"Psh! Sinusundo ka!" Naiinis na sagot ni
Dylan.
"Sino'ng nagsabi sa 'yong sunduin mo ako?
Ang tanda ko na para sunduin mo!" Nag-
away kasi sila nito noong isang araw.
"Asawa kita! Sa susunod na umalis ka,
magpaalam ka naman. Alam mo namang ako
ang hinahanapan ng mga tao kapag
nawawala!" Tahimik lang na nakikinig sina
Ella sa usapan ng dalawa.
"Tara na!" Walang pasabi na hinila ni Dylan
si Ann palapit sa ducati.
"Ayokong sumama sa 'yo! Pakshit ka!"
Nagpupumiglas na sagot ni Ann. Hahabulin
sana ni Yna para sawayin si Dylan pero
pinigilan siya ni Kyler.
"Sakay! Kapag hindi ka sumakay aaminin ko
na talaga sa buong campus na asawa kita
para pati mga bakla dudumugin ka!"
Napasimangot si Ann at kinuha ang extra
helmet nito.
"Walang hiya ka talaga Dylan!" Galit na
singhal niya bago sumakay sa likuran ng
asawa.
-----------------------
"Ella," pigil ni Kevin. Medyo naiilang pa
silang dalawa sa nangyari sa Batangas.
"Bakit, Kevin?" tumigil siya sa pagbukas ng
pinto at hinarap ang binata.
"About sa nangyari sa atin sa tabing-dagat,
I'm sorry, about what happened but--" hindi
na niya natuloy ang sasabihin nang ilagay ng
dalaga ang dalawang daliri nito sa mga labi
niya para pigilan siya.
"Pareho nating ginusto ang nangyari, at
nagustuhan ko talaga. Wala akong
pinagsisihan dahil sooner or later, doon din
naman tayo papunta."
Tahimik lang na nakayuko si Kevin. Alam
niyang ginusto nila pareho pero mahina lang
si Ella.
"Huwag mo ngang pagsisihan ang nangyari!
Bwesit ka! Sabihin mo lang na nagi-guilty ka
dahil na naman kay Bea!" Napaangat ng
mukha ang binata at halos hindi
makapaniwalang nakatingin sa galit na
mukha ni Ella.
"Sige! Magsama kayo ng walang kwentang
Bea mo! Mas masarap naman siya sa akin 'di
ba? Mas gusto mong makipagtalik sa
kaniya? FINE!" Singhal ni Ella.
Napanganga na lang si Kevin nang mabilis na
mawala ang dalaga sa harapan at malakas na
isinara ang pinto nang nakapasok.
"Damn! Ella! Hindi gano'n 'yon, Sweetheart.
Buksan mo 'to, please." Pilit na pinipihit niya
ang seradura pero ayaw mabuksan.
"Sweetheart, walang kinalaman dito si Bea."
Mas inilapit niya ang tainga sa pinto nang
walang narinig na sagot mula sa loob.
Mayamaya pa ay may narinig siyang hikbi ng
dalaga.
"Shit! Ella, open this door!"
Nang ayaw pa rin, naglakad siya patungo sa
kwarto para kunin ang duplicate ng susi.
Nang nakabalik ay nagmamadaling binuksan
niya ang pinto.
"Hey!" Nilapitan niya ito habang nakadapa sa
kama at niyayakap ang malaking at kulay
brown teddy bear na ibinigay niya noong
nakaraang taon.
"Umalis ka sa ha... harapan ko, hindi kita k-
kailangan!" Namumula na ang mga mata nito
at napapasinok pa.
"Hindi naman si Bea ang dahilan, e. Nagi-
guilty lang ako dahil inabuso kita. Ang
kahinaan ko. Nangako ako kina Skyler at
Kyler na aalagaan kita pero naging mahina
ako kagabi," paliwanag niya.
"Bakit kay Bea, okey lang? Hindi na ako
bata! Magkasing-edad lang tayo, Kevin!"
Napipikon na sagot ni Ella at tumayo na ito
para harapin siya.
"Iba si Bea at iba ka! Malaki ang respeto ko
sa 'yo at hindi ko kayang gawin ang mga
ginawa namin sa 'yo dahil iba ka!"
"So? Ayaw mong makipagsex sa akin gano'n
ba?" mas lumakas ang iyak nito.
"Ella naman, gusto ko, for Christ's sake,
gustong-gusto ko pero hindi pa pwede!
Hindi pa tayo kasal at nag-aaral ka pa,"
desperadong paliwanag niya.
"Bakit? Wala ka bang balak na pakasalan
ako? E, ano kung nag-aaral pa ako? Doest it
matter?"
"Of course pakakasalan kita, Sweetheart
naman," hindi na niya alam ang isasagot. Sa
sobrang tigas ng ulo ng kasineahan ay
nawalan na siya ng dahilan.
"I want you... Kevin... NOW!" Nagtatanong
ang mga mata niya sa sinabi ng dalaga.
"Ella, hindi pwe--" napalunok siya ng laway.
Kitang-kitang niya ang kabuoan ng dalaga
nang bigla na lang naghubad sa harapan
niya.
"Wala akong pakialam sa sasabihin ng
kambal! Gusto kita at gusto kong patunayan
mo sa akin na akin ka lang talaga, Kevin!"
Galit siya! Galit na galit dahil kay Bea. Hindi
siya makapapayag na makipagtalik pa ito sa
ibang babae dahil lang sa wala pang
nangyayari sa kanila. Maybe, iba sila ng
paniniwala ni Kevin pero bakit pa niya
patatagalin ang mga bagay-bagay kung sa
umpisa pa lang ay sigurado na siya? Kevin
will be the only man in her life... the only
man she wants.
Hindi makagalaw ang binata kaya lumapit
siya rito. Nakatitig lang sa kaniya at shock
sa ginawa niya. Hinalikan niya ito sa mga
labi. Napasimangot siya nang hindi pa rin
gumalaw ang binata kaya tumigil siya.
"Sabihin mo lang kung aya--" naputol ang
sasabihin niya nang hinapit siya nito sa
bewang at mariin na hinalikan sa labi.
"Nabigla lang ako, Swetheart" sunod-sunod
ang malalim na paghinga nito habang
pababa sa leeg ang mga halik niya.
Napasigaw siya nang itinulak siya ng binata
pahiga sa kama.
"I love you," nakangiting wika ni Kevin
habang naghuhubad ng damit sa harapan ng
dalaga.
"I love you, most." Taos-pusong sagot niya
nang tuluyan na nitong nahubad ang lahat.
Alam niya, iingatan at hindi siya sasaktan ni
Kevin kaya buong puso niyang ibibigay ang
sarili rito.

A/N:
Para sa mga matured/mature? Nasa kabilang
book ang karugtong.
'FAMOUS SERIES'. Bigyan ninyo ako ng two
hours ipapublish ko iyon. May gagawin lang
ako. Naka-private po iyon, tingin ko ay ang
mga naka follow lang sa akin ang
makakabasa. Ingat na rin ako dahil marami
ng stories ang tinatanggal ng wattpad dahil
may nagrireport.
Para sa mga pabebe at baby pa, no nid na
hanapin pa ninyo. Hindi iyon kawalan sa
story. Detailed BS lang nila ni Kevin at Ella
ang nandun. Hehehe wholesome pa rin ang
story na ito. Salamat.😀💜💚❤❤
💗💖

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon