25

843 31 0
                                    



DESTINY'S GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

Unedited

"Kyla, hindi ko inakalang buhay ka pa pala. Buong akala ko, wala ka na." Masuyong hinaplos ni Sunshine ang natitirang buhok ng dalaga. Umiiyak din si Ella habang nakatitig sa mga mata ng umiiyak na ina.
Dalawang linggo nang matapos ang rebelasyon. Lumabas na ang DNA results nilang tatlo at positve ang naging resulta.
Pumasok ang mag-amang Ryan at Ian. "Hayop na Baron! Saan ba inilibing ang demonyong 'yon?" Nagtagis ang mga bagang ni Ryan.
"Hanapin mo, papa. Susunugin natin ulit ang bangkay ng demonyong iyon!" Naiyukom ni Ian ang kamao na ngayon ay nakaupo na sa isang mahabang silya.
"Talagang susunugin ko, 'yon!"
Napangiti si Ella. Masaya siya dahil nakita na niya ang tunay na pamilya. Halos araw-araw ay binibisita siya ng mga kaibigan lalo na ng mga kakambal. Ang kaniyang ina ay palaging nandito lang sa tabi niya. Dinadalhan lang ng katulong ng mga damit. Si Kevin, halos ayaw ding umalis sa tabi niya pero kanina, umalis ito dahil may importanteng lakad daw. Hahanapin nila muli ang driver na pinagtanungan ng private investigator nila.
"Naayos na namin ang mga papeles mo, passport at visa. Sa makalawa, pupunta na tayong Espanya. Doon natin itutuloy ang therapy at pagpapagamot mo. Gagaling ka, 'wag tayong mawalan ng pag-asa. Andito lang si mommy at daddy mo. Ililigtas ka ni kuya Skyler mo, ha." Nanlulumo na naman ang mga mata ni Sunshine.
"S-salamat, mommy." Tears of joy na ngayon. Hindi niya lubos maisip na kapatid niya ang kambal. Kaya pala noong bata pa siya ay may iba na siyang nararamdaman tungkol kay sa dalawa lalo na kay Skyler. Kaya pala noong bata pa siya ay may kung anong sakit na hindi niya maipaliwanag.
"Ang saya ko, ang dami nating oras na nasayang dahil sa mga nangyari, anak. Sana mapatawad mo kami dahil naging pabaya kami ni Ian. Sana... Sana, ipina check muna namin ang bangkay bago ka inilibing. Kaya pala laging umiiyak si Skyler noon at laging may nilalagnat si Kyler dahil kailangan mo sila," nababalot ng kalungkutan ang mga mata ni Sunshine. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa puso niya ang sakit na dulot ng kahapon.
"Tama na, hon. Ipapahukay ko ulit ang bangkay ng lintik na Baron na iyon!" Pag-aalo ni Ian. Sakto namang pumasok sina Hannah at ang kambal. Nasa likod nila ang bagong doctor na nagra-rounds kasama ang dalawang student nurse na may dalang BP app at chart ni Ann.
"Hannah, Ikaw ba 'yan?" tanong ng lalaking doctor.
"Kilala mo ako?" takang tanong ni Hannah sa bagong doctor na kasing-edad lang niya.
"Oo. Nakalimutan mo na ako?" lumapit si Hannah sa mukha nito at tinitigan ng mabuti.
"DIEGO! IKAW nga! Bakit doctor ka na?" tuwang-tuwa na wika ni Hannah. Lahat sila ay natahimik sa loob ng kwarto nang makitang yakapin ni Hannah si Diego.
"Bitiwan ninyo ako, sasapakin ko ang hayop na 'to!" Bulong ni Ryan sa dalawang apo na hawak ang magkabila niyang braso.
"Kalma lang, 'lo." Bulong ni Kyler. Ayaw niyang gumawa ng iskandalo lalo na't nasa hospital sila.
"Nag-proceed ako sa medicine noong nag migrate ang parents ko sa U.S. Hindi ko nasabi sa 'yong pangarap ko talaga noon na mag doctor," kumalas siya kay Hannah at napasulyap ito kay Ryan.
"Masaya ako, kayo pa rin pala ng boss natin!" Makahulugang ngumiti si Diego.
"Oo. Mga apo ko pala, sina Kyler, Skyler at K--- Ella." Pagpapakilala niya. Magalang na bumati naman ang tatlo.
"Siya pala ang pasyente ko. Na endorsed na siya sa akin ng doctor. Ayon sa chart niya ay bumubuti na ang kaniyang karamdaman," saad nito.
"Salamat! Balak naming lumipad sa Espanya at doon na ipagpatuloy ang pagpagamot niya para makapag family bonding naman kami," ayaw na niyang idetalye pa sa kaibigan ang nangyari. Buhat nang mag resign ito ay wala na siyang balita pa dahil bigla na lang out of coverage ang mobile number nito. Hindi pa naman siya mahilig sa social media noon.
Matapos nitong i checked ang kalagayan ni Ella ay lumabas na ito kasama ang dalawang nurse.
"Sino ang Diego na iyon, Hannah?" Galit na tanong ni Ryan na ngayon ay namumula na ang mukha.
"Si Diego, ang dating officemate ko sa office ninyo." Nakangiting sagot ni Hannah. Masaya siya sa muli nilang pagkikita ng bisexual na kaibigan.
"Wala akong pakialam! Ang tanda-tanda mo na, lumalandi ka pa?" Singhal ng asawa. Ang mga apo ay tahimik lang. Sanay na sila sa ganitong sitwasyon pero si Ella ay natatakot na baka mag-away ang dalawa.
"Kaibigan ko iyon, Ryan!"
"Kaibigan pero may yakap, yakap pa?" Napakunot naman ang noo ni Ian sa mga magulang.
"Pwede ba, 'Pa? Ang tanda mo na, nagseselos ka pa?" pikon na saway niya. "Mahiya ka naman sa mga apo mo," kahit kailan ay hindi na niya ata makasundo ang ama.
"Aba! Loko kang bata ka, ah. Alam ko ang ginagawa ko! Bakit, may age limit ba ang pagseselos? Dapat ba kapag lagpas singkwenta, bawal na?"
"Ikaw naman palagi ang panalo, e. Maawa ka naman kay mama," salubong na ang dalawang kilay ni Ian.
"Sino ang hindi magalit diyan e ang tanda na naglalandi pa!"
Nang hindi na makatiis ay sumagot na si Hannah.
"Bakit, may age limit na pala ang maglandi? Na kapag umabot o lumagpas na sa singkwenta ay bawal na?" lahat sila ay natigilan sa sinagot ni Hannah. Kanina pa siya nahihiya sa manugang at mga apo sa ikinikilos ni Ryan.
Napatingin silang lahat kay Ryan na ngayon ay natigilan at ina-absorb pa yata ang sinabi ng asawa. Naghihintay sa magiging reaksyon nito.
"Anak ng--- May balak ka pa talagang maglandi, Hannah? Sabihin mo lang! Ibibigay kita sa pangit na 'yon!" Hindi na maipaliwanag ang nararamdaman ni Ryan. Gusto niyang magtapon ng mga gamit pero pinipigilan lang ang sarili.
"Nakakabwesit ka na, Ryan! Tumahimik ka na nga kung wala ka namang sasabihing maganda!" Naupo si Hannah sa tabi ng apo dahil pakiramdam niya ay naha-highblood siya.
"Tubig, 'la." Sabay abot ni Kyler at pinaypayan ang lola kahit na may aircon naman.
"Tinitiis ko lang talaga ang mga lalaking lumalapit sa 'yo, Hanah. Pero punong-puno na ako, e." Madilim ang mukha ni Ryan.
Lumapit si Ian sa asawa at nagtanong, "Hon, wala naman atang age limit ang annulment dito sa Pinas, 'di ba?" napatingin si Ryan sa anak.
"Ang pagkakaalam ko, wala naman. Bakit, hon?" sagot ni Sunshine.
"Pero, Hannah, naisip ko na matanda na nga tayo, hon, para sa away-away na iyan. Okay lang naman na minsan makipagkita tayo sa mga old friends natin. Kunin mo ang number niya, hon. Para i-invite nating mag-dinner sa bahay," lumapit si Ryan at tumabi sa asawa pero hindi na nagsalita pa si Hannah.
"Masanay ka na," bulong ni Ian kay Ella. "May kailangan ba ang baby Kyla ko?" masuyong tanong ni Ian. Masaya siya dahil nakasama nila muli ang anak kahit na wala pa silang tunay na katibayan kung si Baron nga talaga ang kumidnap sa dalaga. Hinihintay na lang nila ang dating driver na tinutukoy ni Kevin.
"Wala po. Basta't nandito lang kayo, sapat na sa akin." Halos araw-araw ay may kung anong dalang pagkain ang daddy niya. Kapag dumilat siya ng mga mata sa tuwing umaga ay ilang beses niya itong kinukusot dahil baka nananaginip lang siya.
"Hey, sis. Pagaling ka, ha. Ikaw pa naman ang paborito kong kapatid," lumapit si Skyler sa kanila.
"Sky," masayang sambit ni Ella. Kaya pala hindi niya kayang maipaliwanag ang pagmamahal niya sa binata dahil magkapatid silang tatlo.
"Sus! Ikaw din ang favorite kong kapatid. Alam mo iyan, Ella." Sabat din ni Kyler. Napag-usapan na nilang Ella na lang ang itawag since ito na ang nakasanayan nilang magbarkada.
"Hindi naman talaga kita naging paboritong kapatid!" Nang-iinsultong wika ni Skyler.
"Same here, bro!" Nakangising sagot ni Kyler na ikinangiti ng dalaga habang palipat-lipat na nakatingin sa dalawang kakambal. Naalala tuloy niya noong bata pa sila. Kahit ano'ng gawin ng dalawa ay hindi siya malilinlang ng mga ito kung alin o sino si ano. Dahil ang totoo, mga babae lang sa pamilya nila ang nakakakilala sa tunay na pinagkaiba ng dalawa.

A/N:
Hindi pa tapos. Hahaha may 4-5 chapters pa. May dapat pa kayong malaman. Salamat.😀💜💚❤💗💖

Marami ang kulang sa story na ito. Gaya ng nasaan na si Mr. Santos? Yung tatay ni Ryan. Ahm... Patay na po iyon bago pa magsimula ang story nina Skyler. Di ko alam kung paano o bakit. Basta patay na! Isingit ko na lang kapag mag-edit na ako. Hindi naman sila importante. Hehehe.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon