24

750 28 0
                                    




DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

A/N: Sana magkatugma noon. Lol!

Flashback.....

Third Pov

"Kuya Abraham, hindi mo ba talaga kayang
hanapan ng solusyon ang hinihingi ko?"
pagod na siya! Galit siya sa dating kaibigan
lalo na sa magbarkada. Dagdagan pa ng
anak ni Ryan na kinababaliwan ng kaniyang
anak anakan. Anak si Bianca ng kaniyang
asawa ngayon. Matapos manganak ay
nagkaroon ng sakit sa obaryo kaya hindi na
sila binigyan ng chance na magkaroon ng
anak.
Maganda at sexy si Bianca kaya kapag wala
ang ina, ito ang panghalili niya sa kama.
Nakikisama lang naman siya sa ina nito para
magkaroon ng pagkakataong maikama ang
anak nito.
"Hindi ko kaya ang pinapagawa mo, Baron.
Doctor ako at wala sa linya ko ang pumatay
ng tao," isa itong surgeon at isa siya sa mga
nakatalaga sa health condition ng apo nina
Ryan lalo na ang batang babae. Premature
pa ang mga ito kaya tutok na tutok sila.
"Punyeta! Kung wala ang mga magulang ko,
hindi ka magdo-doctor. Gawin mo ang
ipinauutos ko kung ayaw mong ipapatanggal
ko ang lisensya mo at hindi mo na
mapakinabangan ang ipinaglalaki mong
diploma!" Sigaw ni Baron. Hindi pwedeng
wala siyang gagawin. Masyadong masakit sa
kaniya ang mga nangyayari ngayon dahil
depressed si Bianca at ilang beses na nitong
tinangka na magpakamatay.
"S-sige, subukan ko." Sagot ng doctor
habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa
stretcher habang itinutulak ng dalawang
nurse na lalaki. Halatang kakapanganak lang
nito.
"Huwag mo na lang palang patayin. Kunin
mo at ibigay sa akin. Kailangan ko ang isa sa
magkapatid na buhay," wika ni Baron.
Napangisi siya sa naisip. Gusto niyang
gawing alila ang isa sa mga bata. Biglang
sumagi sa isip niya na pwede niyang i-train
ang bata para kapag lumaki, ito na mismo
ang papatay at uubos sa mga Villafuerte at
Lopez's.
"Sige. Sandali lang, may pupuntahan lang
ako. Tatawag ako sa 'yo mamaya kapag
makahanap ako ng paraan," pinatay na niya
ang tawag.
Napabuntonghininga si Baron. Umaasa na
makahanap ito ng paraan para matahimik na
siya. Naupo ito sa sala. Nasa resthouse siya
ngayon dito sa Tagaytay.
Nasagi ang paningin niya sa isang album.
Binuklat niya ito at nakita niya ang larawan
ni Patch. Ang babaeng naging matalik na
kaibigan niya noon pero dumating si Lee at
nabaling ang atensyon ng kaibigan dito. Dati
silang magbabarkada nina Ryan pero nasira
nang dumating si Lee Lopez.
Kukunin na niya sana ang litrato nila ni Patch
at itapon pero biglang tumunog ang
kaniyang cellphone. Ang asawa niya ang
tumatawag.
"Hello!"
"H-honey, si... Si Bianca... Wala na."
Umiiyak na balita ng asawa niya sa kabilang
linya.
"Anong wala na?" nagtatakang tanong niya.
"P-patay na s-siya. Nagpakamatay siya!"
Nabitiwan niya ang cellphone na hawak.
Hindi na niya kayang sumagot. Nanginginig
ang buong katawan niya. Wala na si Bianca.
Patay na ito kasama ng anak nila sana.
Buntis ito. Siya ang ama ng batang nasa
sinapupunan niya. Plano pa niyang itakas ito
at magsimula muli pero huli na ang lahat.
Lalong sumidhi ang galit niya sa mga
Villafuerte!
Magtatalong oras na siyang nakatulala sa
sala nang tumunog muli ang kaniyang
cellphone. Ayaw pa sana niyang sagutin pero
si Doctor Abraham ang tumatawag.
"Hello. Kailangan kong makuha ang bata sa
kahit ano mang paraan!" Bungad niya sa
doctor. Matanda lang ito sa kaniya ng ilang
taon.
"Tapos na. Napalitan ko na ang bata," balita
ng doctor. Namatay ang sanggol ng
babaeng kakapanganak lang. Nalaman niyang
pitong buwang gulang pa lang ito. Tama
lang dahil kasing edad lang ng triplets.
Halos magkakapareho lang ang mga mukha
ng sanggol. Nagkakaiba lang ang mga ito sa
foot at fingerprints. Kaya minsan, hindi
maiwasang magkapalit ang mga bata sa
hospital. Tanging sa nametags lang
bumabase ang mga nurses minsan. Nalaman
niyang nasa kulungan ang asawa nito kaya
masinsinang pag-uusap ang ginawa niya. Sa
tamang halaga ay pumayag ito na ibigay ang
bangkay ng anak. Inutusan niya ang
karelasyong nurse na bihisan at ipagpalit
ang dalawang bata.
Matapos nilang ipagpalit ang bata ay nakita
niyang patakbo namang lumabas si Ian sa
hospital. Pinuntahan niya ang may control
ng cctv para kausapin dahil baka maghanap
ang mga Villafuerte. Tama lang dahil pinsan
niya ang nakatalaga rito.
"Magaling! Hintayin mo ang katulong na
kukuha ng bata diyan." Nakangising saad ni
Baron. Nag-ayos na siya para pumunta sa
morgue para makita ang bangkay ni Bianca.
Pagdating sa Porras funeral,
papasok na sana siya sa kwarto nang
marinig ang boses ni Ian.
"Tita asan na po ba si Bianca?" tanong ni
Ian.
Pak
Pak
Narinig niya ang malakas na pagsampal ng
asawa niya kay Ian.
"H-hayop ka! Kung hindi mo iniwan ang
anak ko, edi sana buhay pa siya!" Sigaw ng
kaniyang asawa.
"I-im sorry, Bianca, dahil wala ako sa tabi
mo pero alam mo naman na mas kailangan
ako ni Sunshine 'di ba? Alam mo namang
siya ang mahal ko." Umiiyak na wika ni Ian
na mas lalong ikinakulo ng dugo ni Baron.
"Umalis ka sa harapan ng pamilya ko at 'wag
na 'wag mong lapitan o hawakan ang anak
ko!"
Galit na sigaw ng ina ni Bianca.
"T-tita, sorry!"
"Hindi na mabubuhay ang anak ko sa sorry
mo na yan! Dahil sa 'yo, namatay ang anak
at apo ko!" Binaril ni Bianca ang sarili sa
kaliwang dibdib.
"Lumabas kana at tandaan mo to Ian,
hinding hindi ako titigil hanggat hindi nyo
napagbayaran ang buhay ng anak ko!"
Seryosong pagbabanta ni Trexie habang
itinulak palabas ang binata. Galit siya sa mga
Villafuerte lalo na kay Hannah dahil inagaw
nito noon si Ryan sa kaniya. Mas lalo pang
lumalim ang galit nito dahil isang Villafuerte
rin ang dahilan kung bakit nawala sa kaniya
ang nag-iisa niyang anak, si Bianca.
Nagtago si Baron sa isang pader habang
masakit ang tingin sa papalayong binata.
"Umuwi ka, bata! Para malaman mo kung
gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa
buhay! Uwian mo ang wala nang buhay na
katawan ng anak mo." Bulong ni Baron.
Dalawang buwan na ang nakaraan. Nailibing
na ang katawan ni Bianca.
"Ayokong makita ang batang iyan! Hindi niya
mapapalitan ang buhay ng anak ko!" Galit na
sabi ng asawa ni Baron habang nakatitig sa
batang mahimbing na natutulog sa kuna.
"Psh! Ano ang balak mo?" tanong ni Baron
habang nakayakap sa bewang ng asawa.
"Itapon mo, ipaampon o di kaya'y patayin
mo!" Galit siya. Alam niyang anak ito ng
taong pinabayaan ang kaniyang unica hija.
"Kung sabagay, babae naman pala siya at
sakitin pa! Hindi ko inaasahang ang babaeng
ito pa ang makuha ng doctor na iyon.
Tatawagan ko lang ang tauhan natin.
Ipapatapon ko sa ilog ang batang ito!" Saka
lumabas na ang mag-asawa sa kwarto.
Ilang sandali pa ay nakiramdam ang katulong
na nasa banyo kung nasa loob pa ang mag-
asawa. Nang wala nang ingay ay dahan-
dahan niyang binuksan ang pinto. Naiihi na
siya kanina kaya pumasok siya sa banyo pero
biglang pumasok ang mag-asawa at narinig
niya ang usapan ng mga ito.
Nanghihina ang mga tuhod na lumapit siya
sa mala-anghel na batang nasa kama. Siya
ang nag-aalaga rito kaya sobrang napamahal
na siya rito. Hindi niya maatim na papatayin
lang nila ang walang kamuwang-muwang na
sanggol.
"Itatakas kita rito, Ella." Bulong niya sabay
kuha ng nametag ng bata na parang ribbon
sa ibabaw ng mesa. Ito lang ang tanging
palatandaan niya sa tunay na pagkatao ng
bata. May nakasulat na maliit na pangalang
"Kyla" pero mesdyo malabo na dahil nabasa
ito noon. Napasama sa nilabhan niyang
lampin.
Bitbit ang bata, palinga-linga siyang
lumabas sa kwarto. Mabuti na lang dahil
walang tao. Nasa harapan ang dalawang
katulong dahil naglilinis ng pool. Sa kusina
siya dumaan. Kinakabahan pero pilit niyang
pinapatatag ang sarili. Alam niyang buhay
niya ang kapalit kapag mahuli siya.
Maingat na binuksan niya ang maliit na gate.
Hindi na siya nag-abalang isarado pa ito at
kumaripas na siya nang takbo habang
yakap-yakap ang natutulog na bata
hanggang sa makarating siya sa labas ng
subdivision. Sakto namang may taxing
dumaan kaya agad niyang ipinara at
nagpahatid sa kaibigan na nakatira sa ilalim
ng tulay na malapit sa Baclaran church.
"Ligtas na tayo. Hindi ka na nila papatayin,
baby Ella." Umiiyak na sambit niya at
hinalikan ito sa noo. Nagmulat ng mga mata
ang sanggol at ngumiti nang masilayan ang
mukha niya.

A/N:
Deym! Yun na 'yun. Hehehe.
Hindi ko alam kung nagtugma o tama o
naintindihan ninyo. Hehehe.
My Jealous little boss. Sino ba ang seloso/
selosa rito? Hehehe.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon