16

654 27 0
                                    


DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 16

"Nainom mo na ba ang vitamins mo
kanina?" tanong ni Kevin. Nasa tambayan sila
at pumasok siya sa kwarto na pinapahingaan
ni Ella.
"Oo, medyo nahihilo lang ako pero okay na
ako." Pagkatapos ng dalawang oras ay
napilit niya ang magkapatid na umuwi.
Ngayong araw pa ang result ng test sa
kaniya. Kinuhanan na rin siya ng blood test
at kung anu-ano pa.
"Dapat hindi ka na pumasok, magpahinga ka
na lang kaya, Swetheart. Kausapin ko si Bea,
may medical certificate ka naman." Puno ng
pag-alala na sabi ni Kevin. Nakaupo siya sa
tabi nito at hinawi ang ilang hibla ng buhok
habang tinitigan ang maamo nitong mukha.
Habang pinagmamasdan niya ay napansin
niyang may kahawig ang mga mata nito.
Hindi lang niya matukoy kung saan o sino
pero pakiramdam niya ay meron talaga or
baka guni-guni lang niya. Matagal na naman
silang magkakilala.
"Bakit?" nang mapansin niyang nakatulala si
Kevin.
"Wala, masyado ka lang maganda kaya lagi
akong napatulala." todo ngiti na sagot nito.
Pambobola man pero seryoso siya. Si Ella
lang ang babaeng kahi araw-araw niyang
nakikita ay hinding-hindi siya magsasawa sa
mukha nito. Kahit ang pagkamasungit at
selosa ay hindi rin niya pagsasawaan.
"Sus! Inlove ka lang sa akin, e." Tukso niya
habang nakangiti. "Aminin mo, Kevin."
hinarap niya ito at nakipagtitigan.
"Psh! Wala naman akong dini-deny,
Sweetheart. Mahal naman kita and you will
always be my baby Ella," hinawakan niya ito
sa kanang kamay at hinalikan sa noo.
"Hindi ako lola," nakasimangot na wika niya.
Hinalikan siya ng binata sa ilong pababa sa
pisngi. "Hindi ako manang o kaibigan la--"
naputol ang sasabihin niya nang mariin
siyang hinalikan nito sa mga labi na
nakangiting tinugon niya ng buong puso.
Kahit araw-araw pa silang maghalikan o
magyakapan ay hindi siya magsasawa kay
Kevin. Hero niya ito. Si Superman,
Spiderman o Batman. Basta lahat ng
Superheros ay
si Kevin ang pinaka the best para sa kaniya.
Superhero na hindi fictional.
"Sus, manipis na ang mga labi ko,
Sweetheart." Tukso ni Kevin habang
hinawakan siya sa magkabilang pisngi at
pinapaliguan siya ng mga halik sa buong
mukha habang siya'y nakapikit.
"Mas manipis ang mga labi ko,"
nakangusong sagot ni Ella at dumilat.
"Kiss pa... sa lips," pilyang utos niya.
"Psh! Oo na! Ella, adik sa mga halik ko."
"Oo, sa mga halik mo lang."
"Tama, sa mga halik ko lang." Ginawaran
niya ito ng matamis na halik hanggang sa
lumalim ang halikan nila at inihiga niya si
Ella.
"Quicky, Swetheart." Pilyong bulong niya.
Kinse minutos pa ang natitira bago ang
swimming class ni Ella.
"Sige," habang ang kamay ng dalaga ay nasa
ilalim na ng pantalon ni Kevin.
"Putsa! Kevin, buksan mo 'to." Napapitlag
sila nang malakas na kumakatok si Skyler
mula sa labas.
"Paano siya nakapasok?" ang pagkakaalam
nila ay nasa business meeting ito.
"Alam kong nasa loob ka!" Taranta ang
dalawa habang naghahanap ng matataguan
si Ella.
"Sa CR," wala namang ibang choice. Bahala
na kung mahuli sila.
"Sandali!" Nang maisara ni Ella ang pinto ng
Banyo ay lumapit si Kevin at pinagbuksan
ito. Galit ang mukha habang mabilis na
pumasok. Si Kim ay nasa likuran lang niya na
nakasunod ang kambal.
"Nasaan si Ella?" inilibot nito ang mga mata
sa loob ng kwarto.
"Wala. Nasa klase niya," napipikon na sagot
ni Kevin. Hindi ata siya patatahimikin ng
kapatid dahil sa kakulitan nito. Kapag
makakita ito na may kasama siyang babae,
sasapakin at ipahiya dahil niloloko lang daw
niya so Ella pero kapag nasa tabi siya ni Ella,
magagalit naman ito. Hindi na talaga siya
magtataka kung bakit close si Skyler sa lolo
nilang si Ryan. Pareho lang kasi ang mga ito
na bipolar.
"Hindi, e. Malakas talaga ang kutob ko na
nadito si Ella," hinawi niya ang makapal na
kurtina tapos sinilip ang ilalim ng kama. Ang
kambal naman na sina Lyn at Erika ay
naglalaro ng barbie doll sa kama.
"Daddy, ihi." Nakangiwing pakiusap ni Erika
kay Skyler.
"Ako na. Let's go, sweety." Wika ni Kim at
agad namang bumaba ang bata.
"Ayaw! Si daddy lang, mommy." Todo iling
na sagot ni Erika.
"Haist! Tara na nga!" Naiinis na sabi ni
Skyler. Kapag ang mga bata ang nagrequest
ay wala siyang magagawa.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Kevin dahil
nasa loob lang si Ella ng banyo.
"Ako na lang Skyler. Dito ka lang. Erika,
pagod si daddy." Mukhang nakaramdam na
si Kim na nasa loob lang si Ella base na rin
sa reaksyon ni Kevin.
"But I want daddy, mom." naka-pout na
sagot ng bata.
"Ako na, okay lang, hon."
"Sige na, kung sa bagay, sanay ka naman
pala sa amoy pekpek."
"Letse! Ikaw na lang, hon. Baby, si mommy
mo na lang, okay? Pagod na ako sa
kakahugas ng ano ninyo!"
Hinila na ni Kim si Erika. Pagkapasok ay
itinaas ni Erika ang kulay pink na damit para
hubarin ang panty.
Napatingin si Kim kay Ella na nakatago sa
likuran ng pinto kaya hindi na niya isinarado
ito para hindi makita ng bata.
"Sige na, hugas ka na ng pepe." Saka
hinugasan niya ang anak pero nakaharang
ang katawan para hindi nito makita si Ella.
Saka lumabas na. Nakahinga naman ng
maluwag si Ella. Buong akala niya ay si
Skyler na ang papasok. Tiyak, giyera naman
ito at si Kevin.
"Nakita mo ba si Ella sa loob, hon?" usisa ni
Skyler. Nakatingin si Kevin kay Kim na tila
nakikiusap na h'wag sabihin.
"Wala."
"Tinatago mo, e!"
"Wala naman talaga! Ano'ng gagawin ni Ella
ro'n?" pikon na sagot ni Kim. "Baby? Nakita
mo ba si tita Ella sa CR?" tanong niya sa
bata.
"Wala po," sabay iling ni Erika.
"See? Alam mo namang hindi sinungaling
ang anak natin. Tara na nga Skyler! Bilhan
natin ng mga gamit ang kambal. Kawawa
naman ang triplets natin, baka umiiyak na
sila." Iniwan kasi nila sa mga yaya dahil
medyo sakitin si baby Sky. Wala naman
talagang nakita si Erika kaya okay lang.
"Oo nga pala, oras na buntis si Ella mamaya,
hindi ka na makakaapak sa mansion!"
Pagbabanta ni Skyler at binuhat na nito si
Lyn at lumabas.
------
Nagbibihis sina Ella sa shower room nang
mapansin niyang may pumapatak ng dugo
kasama sa tubig na galing sa shower. Bago
kasi magswimming ay dapat basa na nag
katawan nila.
Pinatay niya ang shower at humarap sa
maliit na salamin. Bawat cubicle ay may
salamin sa loob.
Napahawak siya sa dumudugong ilong.
Napayuko siya. Hinayaan lang niyang tumulo
ito. Sanay na siya sa ganito na laging na
no-nosebleed mula pa noong bata siya.
Sanay na rin siya sa mga pasa sa katawan
lalo na kapag malapit na ang menstruation
dahil low blood siya. Hindi lang makikita
dahil nakatago sa hita o dibdib niya kaya
hindi napapansin ni Kevin. Ayaw din niyang
mag-alala pa ito sa kaniya sa simpleng bagay
lang.
Ang sabi ng iba ay dahil sa init lang daw
kaya nagka-nosebleed siya. Tinuruan siya
noon sa clinic na dapat yumuko kapag
magkaroon siya ng nosebleed at hayaang
tumulo ang dugo at maglagay din ng yelo.
Ilang sandali pa ay tumigil na ito kaya
lumabas na siya. Bata palang siya, sanay na
siyang gamutin ang sarili dahil wala naman
siyang magulang. Tanging si Kevin lang ang
naka-alalay sa kaniya pero hindi naman lahat
ng oras ay nandiyan ang binata.
"Okay, alam naman ninyong practical na
natin ito, 'di ba?" nakangising sabi ni Bea
habang nakatitig sa kaniya mula ulo
hanggang paa. Mukhang may binabalak
itong hindi maganda.
"Aware na ba kayo na bawal makipag-
relasyon ang teachers sa estudante nila?"
mapang-uyam na wika nito habang
naglalakad sa likuran nila.
"Yes, Miss." Sagot ng iilan.
"Good. Wala lang, remind ko lang kayo.
Bigla na lang kasing pumasok sa isip ko,"
ang iba ay nakatingin kay Ella. Mas lalong
naging malakas ang pakiramdam nila na may
relasyon ito at si Kevin lalo na sa nangyari
kahapon. Hindi maikaila ang pag-alala sa
mukha ng binata habang binubuhat si Ella.
"First practical ninyo, 50 meters freestyle at
bumalik kayo rito ng naka butterfly stroke."
Madali lang ito para sa iba lalo na kapag
sanay sa swimming.
"Dahil hindi pa kita nakikitang mag-
swimming, at balita ko ay personal kang
tinuturuan ni Mr. Villafuerte, ikaw ang mauna
Miss Dela Cruz." Nagulat si Ella sa sinabi
nito.
"P-pero..."
"Walang pero, pero. Umpisahan mo na,
mag-dive ka tapos free style. Don't tell me,
hindi ka natuto sa turo ni Kevin? Or, baka
ibang style ang itinuturo niya sa iyo?"
makahulugang saad niya. Napayuko si Ella.
Alam niyang all eyes na ay nakatitig sa
kaniya. Hindi naman manhid ang mga kaklase
niya para hindi maintindihan ang nais
ipahiwatig ni Bea. Naikuyom niya ang kamao
sa sobrang inis.
"Okay!"
Nag-dive siya at nag free style. Nang nasa
bandang gitna na siya ay bigla na lang
bumilis ang tibok ng puso niya. Alam niyang
6 ft. na rito. Naalala niya ang pagkalunod
niya noon sa beach sa Batangas. Bigla
siyang nagpanic.
"Maa'm nalulunod ata si Ella," kinakabahang
sabi ni Maris. Nakita niyang tumigil ito at
kumakaway.
"Sus! Nagpa-practice lang 'yan," nakataas
ang kilay ni Bea habang nakangisi.
Nabalitaan niya sa isang estudyante na may
phobia si Ella sa tubig kaya hindi ito
pinapalangoy ni Kevin noon.
"Maa'm, nalulunod na ata si Ella." Ulit ni
Maris. Ang ibang babae ay tinatawanan si
Ella na ngayon ay lulubog lilitaw na ang ulo.
"FUCK!" Nagulat sila nang biglang sigaw ni
Kevin. Napadaan ito at naisipang pumasok
dahil alam niyang si Bea ang teacher ni Ella
at swimming pa nila.
Lahat ng estudyante ay nanlaki ang mga
mata nang hinubad nito ang pang-itaas na
t-shirt at mabilis ma tumalon nag hindi na
niya nakita ang ulo ng dalaga.
"Hold-on, Sweetheart."
Mabilis na iniahon niya ito at iniupo habang
inuubo dahil nakainom ng tubig.
"K-kevin," naluluhang sambit niya sa
pangalan ng kasintahan. Hanggang ngayon
ay ang bilis pa rin ng pagtibok ng kaniyang
puso.
"Ma... m-malulunod ako," nanginginig ang
buo niyang katawan sa sobrang takot.
"Sshhh. I'm here. Walang mangyaring
masama sa iyo, Sweetheart. Ligtas ka na,"
mahigpit na niyakap niya ito. Takot siya!
Sobrang takot para sa dalaga. Nanginginig
din ang katawan ni Kevin dahil sa sobrang
galit.
"N-natatakot ako, n-nalunod ako." sumisinok
na sumbong niya sa binata. Kahit yakap na
siya ng taong mahal niya ay hindi pa rin
nawala ang takot niya.
"Hindi iyon mangyayari... Hindi ko
hahayaang may mangyaring masama sa
babaeng mahal ko," wala siyang pakialam sa
mga taong napasinghap sa kanilang paligid.
Mahigpit na niyakap niya si Ella at mas
lalong nagulat ang mga ito nang hinalikan
niya sa mga labi si Ella.
"Ligtas ka na, okay? I love you."
Gusto niyang ibalik sa reyalidad ang
kasintahan. Gusto niyang iparamdam dito na
ligtas na ito sa mga bisig niya kaya hinalikan
niya ito muli sa harap ni Bea at ng mga
kaklase ni Ella.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon