DESTINY GAME
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 2
"Good afternoon class," bati ni Kevin sa mga
estudyante at inisa-isang tingnan ang mga
ito pero hindi niya makita si Ella.
Nagsimula na siyang mag-lecture nang
makitang papasok ang dalaga at naupo sa
bandang likuran.
"Sino ang may gawa ng psychosocial
theory?" tanong niya habang nakaharap sa
mga ito. Ang iba ay napatulala sa kanya lalo
na ang mga babae.
"Si Erik Erikson sir," sagot ni Maris.
Napangiti siya. Nakikita niya ang pagpursige
ng estudyante sa pag-aaral dahil isa itong
working student.
"Good! Pwede mo bang masabi sa mga
kaklase mo kung ano ang eight stages of
psychosocial theory?" tanong ng binata
habang naglalakad sa gitna ng rows at
inisa-isang tinitingnan ang ginagawa nila.
"Infant, toddler, preschooler... " litanya niya
pero hindi na ako nakikinig. Lumapit siya
kay Ella na ngayon ay nakabukas ang libro.
Alam ni Kevin na may iilang estudyante na
nakamasid sa kanila. Of course, lahat ng
kilos niya ay bantay sarado lalo na ngayong
ang daming babaeng nakakaalam na wala pa
itong kasintahan. Isa iyan sa mga problema
niya pero naging dahilan din ng pagpasok
ng mga estudyante lalo na ng mga babae.
"Bakit ka late, Miss De la Cruz?" tanong
nito.
"May ginawa lang po," nakayuko niyang
sagot habang nakatingin sa libro.
"Tapos na po sir," wika ni Maris.
"Thank you, Miss Baracael. Please take your
seat," umupo na ito pero nakatayo pa rin
ang binata sa gilid ni Ella.
"Alam kong working student ka pero sa
pagkakaalam ko, kanina pa tapos ang
schedule mo sa library?" naikuyom niya ang
kamao kaya napataas ang kilay ni Kevin at
kinuha ang aklat na binubuklat niya. Halata
namang hindi nito binabasa.
"And nextime, kapag na sa klase kita, I will
not allow you to read any other books."
Sabay taas nito ng aklat niyang philosophy.
Biglang namula ang kanyang mukha sa
pahiya. May iilang kaklase rin siya noong
highschool kaya alam ng binata na hindi
natatapos ang pambubully sa kanya.
"Feeler kasi!"
"Oo nga, akala mo maganda."
"Sabi sa inyo, e. Wala talaga silang relasyon
ni sir."
"Sorry sir," labas sa ilong na paumanhin
niya.
"Sa susunod, matuto kang gumalang sa
subject ko." Tinalikuran na siya at naglakad
pabalik sa unahan. Kahit na nakatalikod na si
Kevin ay nararamdaman ko ang matalim na
mga titig niya.
Ella is Ella! Kabisado na niya ang dalaga.
"Boring ba akong professor, class?" tanong
niya nang makaharap na ito sa mga
estudyante.
"OF COURSE NOT!" Halos sabay an sagot ng
mga babae. Tumingin si Kevin kay Ella na
nakangisi.
"Thank you! Now, proceed tayo. Infant--
first stage ng psychosocial development ni
Erik Erikson. Mula pagka-baby, hanggang sa
18 months old natin. Ito ang most
important period in person's life kasi, rito
nadi-develop ang trust and mistrust natin.
Major question sa stage na ito ay, "Can I
trust people around me?"At matapos nitong magdiscussed ay
nagtanungan pa sila ng mga estudyante.
Inalam niya rin ang opinion nila sa iba't-
ibang stages lalo na sa adolescence stage.
Dito na kasi nagko-confused ang mga
teenager lalo na sa psychosocial crisis. Ang
identity vs role confusion. May iilang bakla
at tomboy kasi siyang students kaya mas
mabuting makarelate ang mga kaklase nila sa
kanilang nararamdaman. Ayaw niyang
magkaroon ng mapanghusga sa mga
students niya lalo na kapag kasarian ng tao.
Naalala tuloy niya si Kimberly dito. Lalo na
noong inexplain ng psychologist sa kanila
nina Skyler ang dahilan at mga solusyon.
Support lang and proper treatment for me.
Isa sa mga rason kung bakit BS Psychology
ang kinuha nito ay para pag-aralan ang
damdamin at rason ng mga tao kung bakit
sila nagkaganito at nagkaganyan.
Gusto niyang basahin ang bawat kilos at
bawat pananalita ng nasa paligid niya pero
may iisang tao na hindi nito mabasa ang
nilalaman ng kanyang puso--- si Ella.
"Don't forget your assignments," habilin niya
habang tumatayo na sila at nagliligpit ng
mga gamit.
"Ella, maiwan ka." Naupo si Kevin sa silya
ako at inaayos ang mga aklat sa table.
May iilang napalingon pero binalewala niya
lang ang mga ito. Alam naman nilang lahat
ng late o absent sa klase ay kinakausap ng
binata.
Nang makalabas na sila ay napatingin siya
kay Ella na nakaupo pa rin sa upuan niya.
"Lapit ka, paano tayo mag-uusap kung
andiyan ka sa malayo?" padabog na lumapit
siya sa binata at hinila ang upuang sa
harapan ng table at napaupo.
"Saan ka galing?" walang kagatol-gatol na
tanong ni Kevin.
"May inasikaso lang," sa pisara siya
nakatingin.
"Gaya nang? Hindi ka ba talaga uuwi, Ella?"
napipikon na tanong ng binata. Mula noong
sabado na nag-away sila sa sementeryo ay
hindi na siya umuwi sa unit. Halos lahat ng
barkada ay tinawagan na niya pero wala
silang alam.
"Babayaran kita Kevin, kapag matapos na
ako." Matapang na sagot niya.
"Hindi kita sinisingil, Ella!" Giit nito. Pilit na
pinapakalma ang sarili.
"Pero ayokong magkaroon ng utang na loob
sa 'yo, Kevin!" Pagsisinuplada niya.
"H'wag kang mag-alala, gusto mong
magbayad? Sisingilin kita sa tamang
presyo!" Bakas sa mukha niya ang
pagkabigla. Hindi nito ugaling maningil o
manumbat kaya alam niyang bago ito para
sa dalaga.
"Sabi mo, e." Pagsuko niya.
"Good! Saan ka galing at kailan ka uuwi?"
tanong ng binata.
"Pakialam mo?"
"May pakialam ako! Dahil ipinagkatiwala ka
nina Skyler sa akin," tugon ni Kevin.
"O? Tapos?" ngayon lang sila nagkasagutan
ni Ella ng ganito. Aaminin niya, bago ito sa
kanilang dalawa.
"Ella naman, umuwi ka na sa unit ko, baka
mapahamak ka lang." Pagsuko ng binata.
Hindi niya kasi kayang makipaglaban pa sa
kanya dahil ayaw niyang magalit ang dalaga.
"Okey lang ako, Kevin. Hindi mo na ako
kailangang alalahanin pa," walang ka gatol-
gatol na sagot ni Ella.
"Kung hindi ka babalik, hayaan monh ipaalam
ko kina Skyler na umalis ka na sa condo ko."
Nataranta si Ella. Kilala niya ang kambal at
hindi ito matatahimik hangga't hindi nila siya
nakikitang na sa mabuting kalagayan. Kahit
nga kay Kevin ay ayaw nila itong
ipagkatiwala noon.
"S-sige, uuwi na ako!" Kahit labag sa
kalooban ng dalaga ay wala naman siyang
magawa sa magkakapatid. Mula noon ay
naging protective na ang mga ito sa kanya
lalo na si Skyler. Aaminin niya, sa kanilang
tatlo ay kay Skyler siya pinakamalapit kahit
na si Kevin ang laging nandiyan para sa
kanya.
"Bakit gano'n ka na lang kung makaturing sa
akin Kevin?" tanong ni Ella. May isang bagay
na gusto siyang malaman mula rito.
"Dahil importante ka..." sagot ng binata.
"Importante? Bakit? Hindi naman tayo
magkamag-anak, a." Tanong ni Ella. May
iilang estudyante na nasa labas ng classroom
dahil next class na ito ng binata.
"Dahil mahal kita!" Natigilan si Ella sa
pahayag ni Kevin. Biglang bumilis ng
pagtibok ng kanyang puso. Kasing bilis ng
pagtibok noong nagkita sila muli ni Skyler.
Hindi lang niya matukoy kung ano ang
pinagkaiba.
"M-mahal mo ako?" kinakabang tanong niya
sabay turo sa sarili.
"Oo, naman... Kaibigan kita, e." Napalis ang
ngiti niya at tumaas ang kilay.
"What?" nagtatakang tanong ng binata.
"Wala! May pasok na ako. Sige, uuwi na ako
mamaya sa unit mo!" May nararamdamang
galit si Kevin sa boses ng dalaga.
"Salamat, Ella." Masayang sagot ni Kevin
kahit na alam niyang hindi pa sila tuluyang
nagkaayos nito.
"NAKAKAINIS KA!" Singhal ng dalaga.
Mabuti na lang dahil wala pang pumasok na
mga estudyante dahil napansin ng mga ito
na mukhang seryoso ang usapan ng dalawa.
"May nagawa ba akong mali, Ella?"
"Wala! Nag-Psychology teacher ka pa!"
Kinuha niya ang bag at tumayo na.
"Ella, 'wag naman tayong mag-away, o!"
Pakiusap ni Kevin nang tumalikod na ito.
"Magiging maayos lang tayo kapag hindi ka
na MANHID! Sir?" sarcastic na sagot ni Ella
at nagmartsa palabas ng classroom.
"Hindi naman ako manhid, Ella, e. Takot lang
akong sumubok," bulong ng binata habang
nakatingin sa likuran ng dalaga na malayo na
sa kanyang mesa. Takot siya... Takot na
baka mahal pa nito ang kapatid niya-- si
Skyler.