DESTINY GAME
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 19
"Sorry to say, pero hindi na kaya ng
katawan niya ang chemo. Kailangan na
nating maghanap ng stem cell donor," wika
ng doctor. Nakahiga si Ella sa kama at
hinang-hina.
"Pero wala kaming mahanap na donor," nag-
aalalang sagot ni Skyler.
"P-pwede po bang kami na lang ang mag-
donate doc?" puno ng pag-alalang tanong
ni Kyler. Umaasa na sana, makatulong sila
kay Ella.
"Tingnan natin kung mag-match ang stem
cells ninyo sa patient," kahit ang doctor ay
halatang stress din sa magkapatid. Sa
tuwing maho-hospital ang dalaga ay
makakaasa kang ilang minuto o oras lang ay
nandiyan pa sila.
"E-ella," humahangos na sabi ni Dylan nang
pagbuksan ang pinto at pabagsak na isinara.
"Ginagawa mo rito?" salubong ang kilay na
tanong ni Kyler. "Umuwi ka na, may sakit si
Lola 'di ba? Ba't andito ka?"
"Okay ka lang? Kanina lang tayo nagkasama,
a. Hindi mo manlang sinabi sa akin na
masama ang pakiramdam mo," hinila niya
ang isang silya at hinawakan ito sa kaliwang
kamay.
"Nahilo lang ako, Dylan. H'wag kang mag-
alala," ngumiti si Ella rito at nakatingin sa
mapupungay nitong mga mata.
"Ikaw kasi, dapat na umuwi ka na kanina."
Paninisi nito na mas lalong ikinangiti ni Ella.
Ang totoo, gusto na niyang magpahinga
pero mas nakakagaan sa loob kapag makita
niya ang mukha ng mga ito.
"Sweetheart, hindi ka na lalabas ng bahay,
ha. Tutal, tapos naman ang exams mo."
Lumapit din si Kevin at hinalikan ang dalaga
sa noo.
Kung wala lang ang doctora ay malamang
nasapak na naman siya ni Skyler. Napaisip pa
tuloy ito kung ano ang ginagawa ni Kevin
kapag dalawa lang sila sa condo.
"Nagsisex pa kaya sila?" napailing ang binata
sa naisip. Pinagalitan ang sarili dahil hindi
niya dapat isipin ang ganito dahil seryoso
ang usapan.
"Hindi, e. Baka mas lalong nagkakapasa si
Ella dahil inaano siya ni Kevin?"
Nakaramdam siya ng masakit na titig sa
kaniya kaya napatingin siya sa kakambal na
nakataas ang kilay sa kaniya.
"Alam ko ang iniisip mo, dude! Gago ka
talaga, Skyler."
Napatingin silang lahat sa kanilang
magkapatid. Palipat-lipat ang mga mata na
nagtatanong sa kanila.
"Wala! May pinag-uusapan lang kaming
kambal. Tungkol sa business," naupo siya sa
mahabang sofa at siniko si Kyler.
"Oo, monkey business." Napipilitang sang-
ayon ni Kyler.
"Tingin mo, may sexlife pa ba si Kevin?"
sobrang hinang tanong ni Kyler.
"Ulol! Akala ko ba, bawal isipin ang ganyan?"
galit na saway ni Skyler.
"Mas ulol ka! Ikaw kaya ang unang naka-isip
niyan!" Ani Kyler. Habang sinisiko ang
kapatid. Kung hindi pa niya nakitang palipat-
lipat ang mga mata ni Skyler kanina sa
dalawa ay hind pa niya malalaman ang iniisip
nito.
"Malay ko ba kung 'yan ang pumasok sa utak
ko?"
"Tsss... Sana pala, hindi ko na lang nalaman
ang laman niyang lintik na utak mo,
Pahamak!" Hindi kasi niya mapigilan ang
pag-iisip sa naisip nilang dalawa. Hindi
naman pwedeng itanong kay Kevin dahil
baka masinghalan lang sila nito at
mapagalitan.
"Sinisi mo pa ang utak ko? Hiyang-hiya
naman ako sa matino mong utak? Banal,
ah." Pang-iinsulto ni Skyler.
"Doc? Ano po ba ang dapat ma gawin para
gumaling si Ella? Wala na po bang ibang
paraan?" malungkot na tanong ni Dylan.
"Stem cell transplant, hijo. Kailangan mag-
match ang donor sa stem cells ni Ella," ulit
ng doctor.
"Subukan ko po, doc. Baka mag-match sa
akin," pagbo-boluntaryo ni Kevin.
"Ako rin," segunda ni Skyler. Ayaw niyang
patalo sa kapatid.
"Ako rin, doc." Ani Kyler.
Nanlulumong napatingin si Ella sa
magkapatid. Bakas sa mga mukha nito na
gusto talaga siyang tulungan.
Masaya siya. Alam kasi niya na kahit hindi na
siya gagaling, may mga taong handang
tumulong sa kaniya.
"P-pwede rin po ba ako, doc?" tanong ni
Dylan sa oncologist ni Ella.
Napatingin si Skyler sa binata.
"Kami lang!" Nakasimangot na sagot ni
Kyler.
"Hayaan mo siya, basta para kay Ella. Kahit
na agaw eksena ang loko!" Saway ni Skyler
sa kakambal.
"Sige na nga! Pero asa ka na mag-match sa
'yo," panunuya ni Kyler. Si Kevin ay tahimik
lang sa gilid na halatang nasa isang malalim
na pag-iisip.
------
"Ingat!" Nakaalalay si Kevin kay Ella papasok
sa kwarto.
"Kevin, may problema ka ba?" naupo ang
dalaga sa kama na nakatingala sa binata.
"Wala. Magpahinga ka na. Mag-oorder lang
ako ng makakain natin," hinawi nito ang wig
na nagtatakip sa maamong mga mata ng
dalaga.
"Meron kang problema. Alam ko!"
"Alam mo ba ang address ng nanay mo?
Wala ka ba talagang matandaan noong bata
ka pa?" pag-uusisa ni Kevin.
"Wala, e. Nasa ilalim ng tulay na kami noon
nakatira. Ang alam ko lang ay dating
katulong daw ang nanay ko," malungkot na
sagot ng dalaga.
"Saang lugar? May nasabi ba ang ina mo?
Kailangan natin ng pamilya mo, Sweetheart."
Naupo siya sa tabi nito at nilalaro ang
buhok.
"Wala talaga. Ang alam ko, matagal nang
ulila ang nanay ko."
Napabuntong hininga si Kevin saka ngumiti
sa dalaga.
"Wala bang naiwang sulat, gamit o ano man
ang nanay mo?"
Naalala ni Ella ang isang box na matagal na
niyang itinatago. May mga lumang gamit
naman doon pero mga hindi naman
importante.
"Meron, pero wala naman atang
importanteng bagay na laman 'yon, e."
Tumayo siya at lumapit sa drawer saka
kinuha ang kulay brown na lumang box.
Malinis ito dahil lagi niyang pinunasan pero
nang maging busy na ay hindi na niya naisip
pa muli.
"Ano 'yan?"
Naupo siya muli sa tabi ni Kevin.
"Gamit ni nanay. Baka sakaling may sulat o
address siya ng kamag-anak namin,"
tinanggal niya ang ribbon at binuksan ang
box. May iilang gamit na nando'n.
"Wala naman, e." Inisa-isa niyang tinanggal
ang laman. May isang parang clip na kulay
pink, hair pin, maliit na suklay at mga papel
na utang pa noon ng nanay niya sa 5'6 sa
bombay.
"Ano 'yan?" Kinuha niya ang isang picture sa
ilalim. Wallet size lang ito. May apat na tao
sa picture. Isang lalaki at tatlong babae
kasama na ang kaniyang ina.
"Sino sila?"
"Hindi ko kilala, Kevin. Ang alam ko lang ay
si nanay ito," sabay turo sa babaeng nasa
trenta ang edad na nakakulay pulang damit.
"Teka! Parang nakita ko na siya?" Kinuha ni
Kevin ang picture para suriin ang lalaking
nakaakbay sa dalawang babae na nakaupo sa
silyang nasa harapan nito. Ang nanay naman
ni Ella ay nasa gilid lang habang bitbit siya
noong baby pa siya.
"Kilala mo?"
"Hindi pala," isinauli na ni Kevin sa kaniya
ang litrato.
Ibabalik na sana ni Ella pero natigilan siya.
Mas inilapit siya sa mukha ang litrato para
makita lalo ang mukha ng mga ito.
Napaisip siya. Bakit parang familiar sa kaniya
ang mukha ng lalaki. Parang nakita na niya
pero hindi lang niya matandaan kung saan.
Hindi lang niya matukoy kung saan niya ito
nakita. Sa personal ba? O sa isang litrato
rin?
"Wait!" Pigil ni Kevin at hinawakan ang
kamay ni Ella at kinuha ang litrato.
"May nakalagay na address," sabay baliktad
niya sa litrato. May maliit na sulat kamay sa
pinakagilid nito.
"Saan ang address? Baka iyan ang lugar ng
pinagtatrabahuhan ni nanay, noon." puno ng
pag-asawa na saad ng dalaga.
"Alam ko kung saan ito," sagot ni Kevin.
"Saan?"
"Sa Tagaytay. Sa kasunod na bayan ng
resthouse nina Dylan," may kasiyahan din na
sagot ng binata.