6

685 29 0
                                    



DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

"Ngayon na pala uuwi sina Skyler?" tanong
ni Ella habang bumabiyahe sila papunta sa
school.
"Nakalimutan ko, tumawag sina mommy
kanina. Hindi raw matuloy ang pag-uwi ng
kambal," napatingin si Ella kay Kevin.
"Bakit?" tanong niya. Ang pagkakaalam niya
ay ngayon ang uwi ng mga ito.
"Naaksidente raw kagabi si Kyler.
Pinagbawalan na siyang mag race
nakipagkarera pa rin," naasar na sagot ni
Kevin. Magmula kasi nang maikasal sila ni
Yna ay wala na itong ginawa kundi
magpractice nang magpractice.
"Talagang desidido siyang talunin si Dylan?
Kamusta na siya? Okey lang ba siya? Hindi
ba siya nasaktan?" Puno ng pag-alala na
tanong niya.
"Chill! Okey lang siya. Galos lang naman
daw. Isa pa, pinagsabihan na ni mommy si
Yna na pigilan ito." Nakatingin lang ang
binata sa harapan dahil baka kung ano pa
ang mangyari sa kanila.
"S-sure ka?"
"Yupz," tumahimik na si Ella habang may
malalim na iniisip.
Pasimple niyang tinext si Dylan kung bakit
ito napatawag kagabi.
"Saan ka pala naglagi nang maglayas ka?"
natigilan ang dalaga sa ginagawa sa tanong
ni Kevin.
"W-wala, sa kaibigan ko." Pag-iwas niya.
"May iba ka pa palang kaibigan?"
Nagdududang tanong ni Kevin.
"May mga bagay na hindi ko na kailangang
ipaalam sa 'yo, Kevin." Hindi na nagsalita pa
ang binata. Ayaw naman niyang masyadong
higpitan ang dalaga pagdating sa personal
nitong buhay.
Isang maginhawang paghinga ang ginawa ni
Ella dahil hindi na ito nagtanong pa. Naalala
niya ang nangyari noong isang araw.
- ---------Flashback------
"Hi, mag-isa ka ata?" napalingon siya sa
nagsalita. Sa sobrang lalim ng iniisip ay
hindi niya namalayan na may sasakyan pala
na nakasunod sa kanya. Napangiti siya nang
makita ang gwapong mukha ni Dylan na
nakadungaw sa bukas na bintana.
"Ikaw pala," mahina niyang sambit nang
tumigil siya sa paglalakad.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, sakay na!"
Aya ni Dylan.
"Hindi naman," wala siyang maisip na
pupuntahan kaya pumasok na lang siya sa
bagong BMW ng binata.
Pagkalagay ng seatbelt ay pinaandar na nito
ang sasakyan.
"Sa'n ang punta? Ihatid na kita!"
"Kahit saan, basta malayo sa kabihasnan."
Peace of mind! Iyon ang kailangan ng
dalaga.
"Si Kevin ba?" natatawang tanong ni Dylan.
"Wala namang ibang pwedeng dahilan kundi
siya," pagsumbong niya. Panatag ang loob
niya rito. Magmula nang makilala niya si
Dylan ay hindi siya nag-aalinlangan dito.
"Sige, dalhin kita sa Tagaytay. Saktong may
dinner date kami ng family ko," wika ng
binata. Malapit ang loob niya kay Ella, sa
katunayan, hindi niya maipagkaila na
maganda ito at may kung anong
nagbubunsod sa kanya na ipakilala ito sa
pamilya niya.
Kaunti lang ang damit na dala ni Ella pero
tingin niya ay okey pa naman ito.
"Guys? Good evening!" Bati ni Dylan at isa-
isa humalik sa pamilya habang kumakain ito
ng dinner.
"You're late, son!" Nakataas ang kilay ng
mommy niya.
"Sorry, mom. Traffic!"
"Who is she?" napayuko si Ella nang itanong
ni Patch sa apo kung sino ang kasama niya.
"Si Ella po, lola. Kaibigan ko," pagpakilala
niya at halos lahat ay nakatuon ang mga
mata sa dalaga.
"She looks familiar! May I know your parents
hija?" tanong ni Patch nang pagmasdan ang
mukha ng dalaga.
"W-wala na po sila, patay na po." Malungkot
na sagot niya habang nakaupo sa silya na
hinila ni Dylan.
"Siya po ang future ko," biro ni Dylan.
"Ulol! Sumbong kita kay Ate Ann,"
pagbabanta ng pinsan niya.
Hindi niya maintindihan pero habang
nakaupo siya kaharap ng mga ito ay may
bumundol sa dibdib niya na hindi niya
maintindihan. Parang nakaramdam siya ng
kaginhawaan na hindi niya mawari.
"Saan ang asawa mo?" Tanong ni Lee.
"Oo nga! Nasaan si Insan?" Tanong ng
pinsan niyang babae. Naging close na ang
mga ito kay Ann.
"Busy siya! May inaasikaso sa bahay nila kaya
hindi siya nakasama," ang totoo ay nag-
away sila ni Ann noong isang araw pa.
Nagalit kasi ang asawa dahil itinapon niya
ang cellphone nito.
"Bigyan mo na kami ng apo, Dylan.
Tumatanda na kami," napailing na lang ang
binata sa sinabi ng ama. Sabik na sabik ang
mga ito na magkaanak na sila, e, hindi
naman sila magkasundo ng asawa. Friends
naman sila pero kapag romance ang usapan
ay alam niyang wala talaga. Mabait si Ann
pero wala itong gusto sa kanya at wala rin
siyang interest sa asawa.
Pagkatapos nilang mag-dinner ay dinala na
siya sa kwarto ni Dylan na tutuluyan niya.
"Salamat, Dylan." Taos-pusong pasasalamat
niya sa binata.
"Walang anuman, kaibigan kita, e. Sige na,
matulog ka na. Lahat pala ng gamit dito ay
pwede mong magamit. Bago naman ang
lahat ng ito." Wika nito saka lumabas na ng
kwarto. Iginala ni Ella ang paningin sa loob
ng kwarto. Maganda at lahat ay nasa
maayos.
Binuksan niya ang cabinet na puno ng mga
bagong damit.
Sa ilalim ay may mga panty na nakasupot at
hindi pa nabubuksan.
Kumuha siya ng puting tuwalya at kumuha
ng damit pantulog saka pumasok sa shower
room.
Pagkatapos ay naglakad patungo sa dresser
para patuyuin ang buhok gamit ang puting
dryer na nasa drawer.
Nang matapos ay binuksan niya ang isa pang
drawer para maghanap ng lotion. Sa
sobrang pagmamadali kanina ay hindi na
niya naisipang magdala pa ng ibang gamit.
Isasarado na niya sana ang drawer nang
makita ang isang photo album. Out of
curiosity ay binuksan niya ito. Puro mga
pictures ng lola ni Dylan kaya ibinalik na niya
ito. Hindi naman niya kilala kung sinu-sino
ang mga kasama nito.
"Hija?" Muntik na siyang napasigaw nang
pumasok ang mommy ni Dylan.
"Did i scare you?"
"Hindi naman po tita," nakangiting tugon ni
Ella.
"You must be special," naupo ito sa kama
habang nakatingin sa kanya.
"Am I?" nagtatakang tanong ni Ella at naupo
sa tabi ng ginang.
"Wala pang dinadalang babae rito si Dylan
kahit ang asawa pa niya," namula si Ella sa
sinabi nito.
"Hindi pa po nakapunta rito si Ann?" gusto
niya sanang itanong si Yna dahil alam naman
ng lahat na hanggang ngayon ay mahal pa
rin ng binata si Yna.
"Hindi pa, ito sana ang unang pagpunta niya
rito pero hindi niya napasama." Hindi siya
makapaniwala sa narinig.
"Pasensya na po," magaan ang loob niya sa
mommy ng binata kahit na mayaman ito ay
naramdaman niyang mabait ito.
"Okey lang, alam mo bang sabik ako sa anak
na babae? Bata pa lang si Dylan nang
mamatay ang kapatid niya," nanlulumo ang
mga mata niya. Naalala naman niya ang
trahedya sa pamilya nila ilang taon na ang
nakaraan.
"M-may kapatid po si Dylan?" ang
pagkakaalam niya ay nag-iisang anak lang
ang binata. Iyon ang sinabi niya sa kanya
kanina.
"Oo, pero wala na siya, she died when she
was 3 years old." Hindi na nito napigilan
kaya tumulo na ang mga luha.
"T-tita, pasensya na po." Niyakap niya ito
bilang tanda ng pagsuporta.
"Okey lang, pasensya na. Hindi ko lang
talaga mapigilan ang lumuha kapag maalala
ang nakaraan, nakita mo pa tuloy akong
ganito." Umiiyak pero nakatawang
paumanhin niya.
"Masakit po talaga ang mawalan, tita."
Naalala tuloy niya ang mga magulang.
Nag-usap pa sila ng kung anu-ano bago
nagpaalam ito sa kanya. Hindi na itinanong
ni Ella kung ano ang ikinamatay ng kapatid
ni Dylan. Baka mas lalong masaktan pa ang
ginang kapag maalala ang nakaraaan.
---------End of FLASHBACK--------
"Ang lalim ata ng iniisip mo? Idiretso na kita
sa paaralan?" Bumalik siya sa kasalukuyan
nang magsalita si Kevin. Nasa 7/11 na pala
sila.
"H'wag! Bababa na ako. Naisip ko lang ang
klase ko sa 'yo mamaya, sumasakit na ang
ulo ko." Biro ni Ella.
"Hahaha hindi man tama pero gusto ko lang
sabihin sa 'yo na may surprise quiz ako
mamaya," napasimangot si Ella sa sinabi
niya. Hate niya ang psychology subject.
"I hate you!" Nang matanggal na ang
seatbelt.
"Sorry, Sweetheart, mahal kita, e."
Natatawang sagot ni Kevin at mabilis na
ginawaran ito ng halik sa mga labi.
"Bye!" Bumaba na si Ella. Sakto lang dahil
kaunti pa lang ang estudyante sa paligid.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon