5

763 28 1
                                    




DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

"Andito ka na pala? Ni hindi ka manlang
nagtext o tumawag? Ang tagal kong
naghintay sa 7/11, a. Kung hindi ko pa
nakita si payatot, hindi ko pa nalaman na
wala ka na pala roon." Reklamo ni Kevin
nang makarating sa unit. Mabuti na lang
dahil napadaan si Vince kaya nalaman niyang
kanina pa umuwi ang dalaga.
"Alam mo namang hindi pwede ang relasyon
natin sa school Kevin, 'di ba?" inilagay niya
ang hinugasang hiwa ng karne ng baboy.
Nagluluto siya ng pochero.
"Ano naman kung may relasyon
tayo? Edi, sabihin nating mag-asawa na
tayo. Tutal, magkasama naman tayo rito sa
bahay." Sagot niya habang naupo sa upuan
at hinubad ang sapatos.
"Subukan mo lang! Isusumbong kita kay
Skyler!" Pagbabanta ni Ella.
"Subukan mo rin, papakasalan kita."
Humarap si Ella at tinaasan siya ng kilay.
"Maldita ka pala, Sweetheart. Sana pala,
hindi na kita ginawang girlfriend para mabait
ka." Natatawang sabi niya at inilagay ang
sapatos sa gilid.
"Edi, break na tayo!"
"Biro lang, magbibihis lang ako. Sarapan mo
ang niluluto mo, ha." Tumayo na si Kevin at
naglakad patungo sa kwarto.
Napabuntong hininga si Ella. Alam niyang
mali ang ginawang pag-iwan at hindi
pagtext kay Kevin. Naisip niya na hindi na
ata tama kaya babawi na lang siya sa
pagluluto.
Inayos niya ang mesa at nang maluto ang
ulam ay sakto namang lumabas si Kevin sa
kwarto. Naka kulay blue na pambahay na
shorts at puting sando. Halatang naligo pa
ito dahil basa pa ang buhok.
"Sweetheart, sorry." Wika ni Ella habang
kumakain na sila.
"Saan?"
"Dahil iniwan kita,"
"Okey lang. Basta pag-uwi ko ay
madadatnan kita," seryosong sagot ng
binata na ikinayuko ni Ella. Naisip niya na
marami na ang sinakripisyo ng binata para
sa kanya at hindi niya alam kung paano
babawi rito.
"Kevin? Salamat talaga sa lahat. Hindi ko
alam kung paano na lang ako kapag wala ka
na. Lahat ng kung anong meron ako ay
utang ko lahat sa 'yo iyon," madamdamin
niyang wika. Nginitian siya ng binata.
"Lahat ng kung anong meron ako ay inialay
ko sa 'yo, Sweetheart. Alam mo naman kung
gaano ka ka-importante sa buhay ko 'di
ba?"
"Mahal kita, Kevin. At ayokong isipin mo na
kaya minahal kita ay dahil malaki ang utang
na loob ko sa 'yo. Kapag ako ang nasa
kalagayan mo, mamahalin pa rin kita kahit na
pulubi ka pa. Nagkataon lang talaga na
mahirap ako," malungkot na tugon niya.
Nahihiya lang siyang aminin noon ang
nararamdaman dahil baka iyon ang isipin ng
iba.
"Kahit kailan, hindi kita pinag-isipan ng
masama, El. Alam kong hindi ka kagaya ng
iba na iyon lang ang habol. Besides, alam
kong gwapo ako at hindi mo ako kayang
tanggihan." Napailing si Ella sa sinabi nito.
"Para ka nang si Skyler, mayabang!"
"Sa 'yo lang naman ako nagkakaganito.
Goodboy naman ako kapag ibang tao ang
kaharap ko."
"I know, Kevin. I know..."
"Sweetheart? Nextday na pala darating sina
mommy at daddy. Ipapakilala kita sa kanila.
Matagal ka nang gustong makita nina
mommy."
"Nahihiya ako, Sweetheart. Baka hindi nila
ako magustuhan," nag-aalalang wika niya
sabay kuha ng kanin at nilagyan ang plato
pati na rin sa binata.
"Kumain ka ng marami,"
"Kumakain naman talaga ako, luto mo 'to,
e." Pagmamalaki ni Kevin.
"H'wag kang mahiya kina mommy. Excited
na siyang makilala ka dahil matagal ka na
nilang naririnig sa kambal."
"Lagi pala ninyo akong pinag-uusapan?"
"Hindi naman, lagi kasing pinuputak ni Skyler
ang pangalan mo kapag hanapin nila ako sa
bahay." Natatawang wika ng binata. Kapag
kasi itanong ng mga magulang nila kung
nasaan siya ay laging sinasagot ng kambal,
"kay Ella na naman" kaya hindi maiwasang
ma-curious ang mag-asawa. Hindi lang nila
mapakilala ang dalaga dahil busy sila nitong
nakaraang taon dahil sa pag-open ng
bagong branch ng kanilang negosyo sa
Korea. Hindi pa kasi nila pwedeng masabi
noon na may inaalagaan si Kevin dahil
estudyante pa lang silang magkapatid at
magagalit talaga mga magulang nila.
"Tsss! Pero natatakot at kinakabahan talaga
ako," tumawa si Kevin sa sinabi niya. Alam
naman kasi ng binata na magugustuhan ng
mga magulang si Ella. Hindi lang talaga
pwede noon dahil bata pa sila. Baka
hinatayin si Sunshine kapag malaman nito na
bata pa lang ang anak ay may ibinabahay na.
Pagkatapos nilang kumain ay tinulungan siya
ni Kevin na magligpit at maghugas ng
pinggan at nagtuloy sa sala para manood ng
tv.
"Sweetheart? Saan ba gusto mong
magpatayo ng bahay kapag magpakasal na
tayo?" kinuha ni Ella ang throw pillow at
niyakap. Magkatabi sila ng binata rito couch.
"Matagal pa iyon, Kevin. Marami pa ang
pwedeng mangyari," nakatuon ang mga
mata niya sa tv.
"Mas mabuting maaga pa lang ay
pinagplanuhan na, doon din naman tayo
papunya hindi ba?"
Napangiti si Ella. Alam niyang seryoso si
Kevin sa kanya.
"Bahala na! Tapusin ko muna ang pag-aaral
ko para may maipagmalaki naman ako sa
'yo." Iyon na lang ang naisip niyang bayad sa
lahat ng gastos nito sa kanya. Gusto niyang
may maipagmamalaki siya rito balang araw.
"Basta, promise mo Sweetheart, hindi mo
ako iiwan ha." Natatakot siya na baka
ipagpalit siya ni Ella sa iba at kapag
nagkataon ay hindi niya makakaya. Malaki
ang pasalamat niya noong nagpakasal si
Skyler kay Kim dahil kahit paano, medyo
nabawasan ang problema niya pero
dumating naman si Kyler at malaki rin ang
pasasalamat niya dahil mahal ng kapatid si
Yna.
"Oo naman, wala naman akong ibang mahal
kundi ikaw lang." Ang totoo ay natatakot
din si Ella na ipagpalit ng binata sa iba.
Masyadong marami ang kaagaw niya rito lalo
na ang mga schoolmates niya.
"Sweetheart, nasaan na pala si Tyron? Bakit
hindi ko nakikita?" tanong ni Ella. Nabalitaan
niya ang nangyari rito at ang pagkamatay ni
Stephanie ilang araw matapos na isilang ang
anak nila.
"Nasa Baguio, inasikaso ang ilang businesses
ng pamilya nila. Minsan, sa Cebu rin. Ewan
ko, masyadong tutok sa negosyo pero mas
okey na nga iyon."
"Si Aira, nakita na ba?" malungkot na
tanong ni Ella. Pareho lang sila ni Aira na
galing sa mahirap kaya medyo malapit ang
loob niya rito kesa sa kambal.
"Hindi pa."
Medyo nakaramdam si Ella ng pagkahilo. Ito
na naman ang pakiramdam na lagi niyang
nararamdaman mula pa noong bata siya.
"Okey ka lang?" nag-aalalang tanong ni
Kevin nang mapansing napahawak ito sa ulo.
"M-medyo nahilo lang ako," naramdaman
niyang bumibilis ang pagtibok ng kanyang
puso. Hindi niya matukoy kung bakit pero
may pagkakataong bigla na lang ito
bumibilis at nanghihina siya.
"Magpa check-up na kaya tayo, mula pa
noon ganyan ka na. Isa pa, kaya naman
natin, e. May pera na ako sa bangko," labis
na kinakabahan ang binata.
"I'm fine! Mawawala rin ito, 'wag kang mag-
alala." Tumayo si Kevina at naglakad
patungo sa ref.
Pagbalik ay may bitbit na itong mineral
water.
"Uminom ka ng tubig. Ella, baka kung ano
na ang sakit mo."
Kinuha ng dalaga ang tubig saka uminom
kaya medyo guminhawa ang kanyang
pakiramdam.
"Okey lang ako, sabi naman ng doctor sa
school, masyado lang akong pagod kaya
mababa ang blood pressure ko." Takot din
kasi ang dalaga sa hospital. Minsan lang
siyang dinala ng binata sa hospital noong
hinimatay siya sa school 4 years ago.
Speaking of hospital, may naalala siya
noong nasa hospital siya na parang may
nakatingin sa kanya mula sa labas ng kwarto
pero pag lingon niya ay wala naman siyang
nakita at isinarado na ng doctor ang pinto.
"Doctor sa paaralan, wala naman tayong
laboratory or any exams kaya mas mainam
na makasigurado tayo."
"Okey lang ako, Sweetheart, okey?" nawala
na ang pagpalpitate niya.
"Pero mas iba pa rin kapag nakasigurado
tayo, nangangayat ka na." Umikot lang ang
mga mata ni Ella.
Kung tayo ay matanda na.
Sana'y 'di tayo magbago,
NaSaan ma'y, ito ang pangarap ko.
Makuha mo pa kayang,
Ako'y hagkan at yakapin
Ooooh.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa bulsa
at pinatay nang makita ang tumatawag.
"Sino 'yun?" tanong ni Kevin.
"W-wala! Kaklase ko lang," sagot ni Ella at
tinago muli ang cellphone sa bulsa.
"Ah! Maganda ang kanta mo, favorite nina
Lolo Ryan 'yan."
Napangiti si Kevin nang maalalang iyan
palagi ang ikinakanta ni Ryan kay Hannah
lalo na noong bata pa sila.
"Lahat naman ata, favorite ang kantang
iyan." Sagot ni Ella at napaisip kung bakit
napatawag si Dylan.

A/N:
Mas okey na itong pagsusulat ko kesa sa
naunang series.
Hehehehe.
Salamat pala sa mga nakabasa. Sana
binabasa ninyo ito dahil nabasa na ninyo ang
series 1-4.
Salamat sa suportaaaaaaaa. Hehehe
♥♥♥♥♥♥♥♥.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon