DESTINY GAME
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 8
"Okey ka lang?" sabay abot ni Vince ng buko
pandan zagu sa dalaga. Nasa swimming pool
sila at nagsiswimming lesson.
"Yupz, I'm fine! May naisip lang ako."
Mababa kasi ang score niya kanina sa exam
nila.
"Tungkol pa rin ba sa exam? H'wag kang
mag-alala. Makakabawi ka rin," malungkot
na tumingin si Ella kay Vince.
Natatakot siya na baka mawala ang
scholarship. Kawawa si Kevin kapag
nagkataon dahil tiyak, ayaw nitong tumigil
siya sa pag-aaral. Ayaw na ring tumanggap
ng binata ng sustento sa mga magulang
dahil sapat na raw ang naitulong ng mga ito
sa kan'ya.
"Guys, ang gwapo ni sir noh?" Kinikilig na
sabi ng isa. Simpleng white t-shirt at
summer shorts ang suot nito habang
tinuturuan ang sa HRM department. After
nito ay sila na kaya naisipan muna nilang
maupo sa gilid at manood sa mga
naglalangoy. Ang mga boys ay ang mga
babaeng naka teo piece ang hinahunting.
"Ang hot pa niya, hindi na ako
makapaghintay na maghubad siya."
"Me, too!"
Tumaas ang kilay ni Ella sa mga ito.
Dagdagan pa nang may dalawang
estuyanteng lumapit kay Kevin at idinidikit
ang putok na dibdib sa braso ng kasintahan.
"Fuck you, Kevin." Bulong niya nang
mapansing kinakausap pa ang mga ito ng
kasintahan kahit na halata namang
nagpapansin lang.
"Bibihis lang ako, El. Ikaw magbihis ka na
rin," tumayo si Vince at kinuha ang bag.
"Sige, mauna ka na. Mamaya na ako," wala
pa siyang balak na magbihis. Nahihiya kasi
siyang magswimsuit sa harapan ng mga
estudyante. Wala kasi silang swimming class
noong highschool dahil semi private lang
ang kanilang paaralan at wala namang
sariling swimming pool.
Habang nakatingin sa mga babaeng na sa
harapan niya, naisip niyang maswerte ang
mga ito dahil ipinanganak na mayaman.
Halatang sanay sa pagsiswimming. Minsan,
naisip niya na sana, mayaman din siya para
hindi na husgahan ng mga tao. Para hindi na
iisipin ng iba na oportunista lang siya kay
Kevin.
"Uy! Hindi ka pa ba magbibihis friend?"
tanong ni Maris.
"Mamaya na, nahihiya pa ako." Kampante
siyang makipag-usap dito. Katulad niya,
working student din si Maris. Maganda ito
at mahinhin pero medyo loner dahil nga
puro libro ang inaatupag. Silang dalawa lang
ang nag-uusap dahil makarelate siya rito.
"Ako rin, nahihiya ako." Napangito siya, at
least, hindi siya nag-iisa.
"Wow! Nagsama ang dalawang Poorita!"
Nakapamewang ang tatlong kaklase nila na
puro naka two piece.
Gustong matawa ni Ella nang mapansing
nakalabas pa ang pubic hair ng isa. Ang isa
naman ay kita na ang itinatago nitong kweba
sa nipis ng kulay dilaw na bikini.
"Magsi-swimming lesson tayo, baka isuot
ninyo, e, leggings?" Napasimangot si Ella sa
sinabi ng nakalabas ang pubic hair.
"Oo nga, lalo na itong si Poor Maris! Walang
katawan na ilalabas kaya mag long sleeves
pa hahaha." Ang lakas ng tawanan nila na
nagpakulo ng dugo ni Ella.
"Mas pipiliin ko pang mag leggings habang
nakaswimming kesa naman, makikita ng iba
ang madamo kong kweba! Kapag pumasok
ata ang boyfriend mo diyan, kailangan
niyang magdala ng mapa. Sa taas pa naman
ng talahib, e, malamang mawawala siya."
Balik insulto niya. Hindi niya ugaling
pumatol pero sa tingin niya ay sumusobra
na ang mga ito. Matatanggap niya ang
pang-iinsulto ng iba sa kanya pero hinding-
hindi niya hahayaang insultuhin ng ibang tao
ang mga itinuturing niyang kaibigan.
"Aba! Ang kapal mong dukha ka, ha!"
Namula na ito sa galit dahil may mga kaklase
silang lalaki na nakarinig at nagtawanan pa
sa sinabi ni Ella.
"Makapal talaga ang mukha ko! Kasing kapal
ng pubic hair mo! Putsa! Mayaman ka?
Shaver lang hindi mo pa kayang mabili?"
Tumayo ang dalaga at nakapamewang na
humarap sa kanilang tatlo. Tumayo rin si
Maris at hinawakan siya sa siko.
"Friend, tama na! H'wag na natin silang
pansinin." Pakiusap niMaris.
"Hindi, e. Porke't mahirap lang kami
ganyanin na ninyo kami? Wala ba kaming
karapatang mag-aral dito? Kayo lang ba ang
kayang ipasa ang mga exams at magkaroon
ng diploma? Bakit hindi ninyo kayang i-
shave muna ang mahahabang damo sa
kweba ninyo bago kayo mang-insulto sa
amin?"
Puno na siya! Mula pa noong highschool sila
ay siya na ang pinagdidiskitahan ng mga ito
kahit na wala naman talaga siyang
ginagawang masama.
"Ow, lumalaban ka na, ha! Sino ba ang
ipinagmamalaki mo? Ang mga lalaking
inaagaw mo sa kasintahan nila? Ikaw nga
pala si Ella, ang maninira ng relasyon ng
iba!" Pang-iinsulto ng isa nilang kasama na
wala manlang ka bukol-bukol sa dibdib.
"Isa ka pang patag ka! Ang lakas mong
mang-insulto, nipple lang naman 'yang
tinatakpan ng bra mo!" Napakagat si Maris
sa sinabi ni Ella. Napatakip naman ang babae
sa dibdib at halos hindi makapaniwala sa
narinig. Ngayon lang sila nainsulto ng
ganito.
"Ang kapal ng mukha mo! Kakalbuhin talaga
kita!"
Susugurin na sana nila si Ella pero narinig
nila ang malakas na pagpito ni Kevin na
papalapit sa kanila.
"What's going on here?" Ma otoridad na
tanong ng binata na ikinataranta nila pero
kalmado lang si Ella.
"N-nothing! Inuutusan lang po namin ang
dalawang poorita na magbihis na dahil
magsisimula na ang swimming lesson,"
napataas ang kilay ni Ella nang biglang
umamo ang mga mukha ng mga ito.
"Sige na, magbihis na kayo, Maris at Ella."
Utos ni Kevin.
Tumayo na sila at pumunta sa shower room.
Black palda shorts ang isinuot niya. Simple
lang para disente raw tingnan sabi ni Kevin.
Ito kasi ang pumili ng isusuot niya. Dalawa
ang tinuturuan ng binata. Psychology
subject at swimming lesson dahil kulang pa
sila ng swimming instructor.
Dati pa namang nagsi-swimming ang binata
at may proper training ito noon.
Pansamantala lang naman habang
naghahanap pa ang school admins.
"Pareho pala tayo ng swimsuit na isusuot,"
nang lumabas si Maris.
"Oo nga, e. Magkaibigan talaga tayo."
Natatawang sagot ni Ella.
Lumabas na sila. May iilang napataas ang
kilay sa suot nila pero wala silang pakialam.
"Ano pa ba ang maasahan natin sa kanila?"
"Guys, since firstday ninyo sa swimming,
sino ang marunong nang lumangoy? Kindly
raise your right hand."
Halos lahat sila ay nagtaas ng kamay
maliban kay Ella.
Matapos nilang mag warm-up (Forward
lunge, Standing T's) at kung anu pang
pinaggawa ni Kevin sa kanila ay pinapila na
sila ng binata nakaharap sa pool para
pagbaba ay kaniya-kaniya na sila ng pwesto.
"Okey! Lahat kayo ay bumaba na maliban
kay Ella."
(A/N: Nakalimutan ko na naman apelyido ni
Ella hahaha)
"Whaaat?" halos pasigaw na sabi ng isang
naka-dilaw na kaaway ni Ella kanina.
"Any problem with that?" tanong ni Kevin sa
estudyante.
"No, sir." Napayuko na ito at sumunod sa
mga kaibigang bumaba sa pool.
"Lahat kayo, humawak sa gilid ng pool at
magbigay ng 20 breathe out sa tubig as
exercise sa lungs ninyo." Utos ni Kevin na
sinunod naman nila. Naka-swimming lesson
na ang mga ito noong higschool pa sila kaya
madali lang silang turuan. Ang iba ay no
need na nga.
"Ano'ng gagawin ko rito?" Mahinang tanong
ni Ella habang nakatayo sa gilid ni Kevin.
"Wala! Manood sa kanila. Mag- observe ka
sa gagawin nila," sagot nito.
"Bakit hindi mo pa ako isama sa kanila?
Paano ako niyan matuto?" napasimangot
ang dalaga.
"Ang hirap mong turuan sa swimming. Baka
mahalata nila na concern ako sa 'yo kapag
nasa ilalim ka na ng tubig."
Ilang beses na niya itong tinuruang
lumangoy pero buhat nang malunod ito
noon sa Batangas ay takot na ang dalaga sa
tubig lalo na sa dagat.
"Paano ako makakapasa niyan?"
Ayaw naman niyang may papaboran si Kevin.
"You should overcome your fear in water,
first. Tuturuan kita."
May swimming pool sa baba ng condo nila
kaya roon na lang sila magpa-practice ni
Ella.
Systematic desensitization or graduated
exposure therapy ang balak niyang i-apply
sa dalaga para ma overcome nito ang
hydrophobia niya o matatakutin sa tubig
dahil sa masamang karanasan nito pagdating
sa tubig.
"Thanks you, sir." Gusto niyang yakapin ang
kasintahan pero hindi pwede kaya naisipan
niyang mamaya na lang kapag nasa bahay na
sila.
"You're always welcome, Sweetheart."
Mahinang sambit ni Kevin na sila lang ang
nakakarinig.