7

616 21 0
                                    



DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 7

"Ba't nandito ka Ann?" tanong ni Kevin nang
pagpasok nila ay nasa loob ng tambayan si
Ann na nakaupo at nanonood ng tv.
"Wala akong pasok!" Nakasimangot na sagot
ng dalaga.
"Kevin, bakit mo ba ako dinala rito? Baka
may makapansin." Reklamo ni Ella.
"Wala 'yan." Ang tambayan nila ay nasa tabi
ng Dean's office at may secret na pintuan
palusot sa Dean's office. Tapos sa Deans
office, may sikretong pintuan naman
papasok sa CR ng mga babae. Kapag
gustong pumunta ni Ella sa tambayan ay sa
Cr siya dumadaan dahil may susi naman
siya.
Sina Kyler ang nakaisip niyan lastyear dahil
gusto nilang pumuslit papunta sa tambayan.
May pinto rin kasi sa mga boys. Wala
namang problema dahil hindi na ginagamit
ang Dean's Office dahil inilipat na sa second
floor ang opisina.
"Sweetheart, ilagay mo na 'yong ice cream
cake sa ref, baka matunaw."
"Sige, mamaya na lang natin kainin." Bitbit
ang cake ay nagtungo si Ella sa mini kitchen
at inilagay ang cake.
"Wala ka bang pasok?" tanong ulit ni Kevin.
"Storbo ba ako sa inyo?" nakataas ang kilay
ni Ann.
"Inggit ka? Ba't 'di mo na lang kaya patulan
ang asawa mo?" nakalolokong ngiti ni Kevin.
"Kapag mapantayan na niya ang favourite
kong bida sa wattpad saka ko na siya
papatulan!" Ipinatong ni Yna ang dalawang
paa sa maliit na mesa na nasa harapan niya.
"Mabait naman si Dylan, e. At mayaman pa,"
sabat ni Ella nang makabalik.
"So? Yaman lang pala ang habol mo sa
lalaki, Ella?" sarcastic na tanong ni Yna at
nakataas pa ang kilay.
"H-hindi naman, sabi mo kasi, pang
wattpad. Nakikita ko naman si Dylan na
pwedeng maging fictional character, e."
Sagot ni Ella. Nalulungkot siya kapag isipin
ng iba na mukhang pera siya dahil mahirap
lang.
"Ba't hindi na lang kaya ikaw at si Kyler
tapos si Yna at Dylan para hindi na ako
nadamay?"
"Ann!" Saway ni Kevin.
"Psh! Sorry, nadala lang. Kayo na pala!"
Puna niya. Napansin kasi niya kanina ang
pagtawag ni Kevin ng 'Sweetheart' kay Ella.
"Alam na ba ng kambal na kayo na?"
"Hindi pa, pwede bang ilihim na lang muna
natin ito, Ann?" pakiusap ni Ella nang
makaupo sa harapan niya. Si Kevin naman ay
kinuha ang remote control at inilipat ang
channel saka naupo sa tabi ng kasintahan.
"Dinamay pa ninyo ako sa kalokohan ninyo!"
"Aaminin naman namin, e. Hindi pa sa
ngayon. Baka kasi paalisin nila si Ella sa
condo ko. Alam mo na, masyadong
protective si Skyler." Naiinis na sagot ni
Kevin.
"E kasi nga, dating may gusto siya kay Ella!"
Napasimangot siya nang maalala ang
nangyari noon sa Batangas na mas inuna pa
ni Skyler si Ella kesa sa asawa niya.
"Move on na tayo! Matagal na iyon, Ann.
Kamusta kayo ni Dylan?" pag-iiba ni Kevin.
"Mag-asawa pa rin. Pero friends kami,
mabait naman si Dylan." Wala siyang
problema rito. Maliban na lang kung
malaman ng lahat na siya ang secret wife
nito.
"Mag-aala una na, hindi ka pa ba aalis?"
tanong ni Kevin.
"Ikaw, Kevin! Nakakahalata na ako sa 'yo, ha.
Pinapalayas mo na ba ako?"
"Hindi, a. Malayo pa kasi ang school mo
rito. Baka malate ka!" Lumipat kasi si Ann
ng paaralan noong mag thirdyear na siya at
si Dylan naman ay sa fourthyear pa rin dahil
tumigil ito sa pag-aaral noon bilang
pagrebelde sa mga magulang.
"Ayoko, wala naman akong kakilala roon, e.
Bakit ba tumigil si Kimkim sa pag-aaral,
dapat magkaklase na kami, e." Tumigil din si
Kim dahil nagkaroon ng sakit ang triplets
kaya mas pinili niyang personal na alagaan
muna ang mga ito dahil makahintay naman
ang pag-aaral.
Biglang tumunog ang cellphone niya.
Nang makitang si Dylan ay agad niyang
sinagot.
"Dylan? Saan ka na?" habang kinakausap
niya ito ay may ipinakita si Kevin na pictures
kay Ella. Kagabi kasi ay kinunan niya ito ng
stolen shots habang nagluluto ng dinner
nila.
"Nasa labas ka na? Siguraduhin mo lang na
hindi ka nila makilala ha. Baka kasi
makahanap ako ng kaaway kapag malaman
nila," napailing si Kevin nang marinig ang
mga pinagsasabi ni Ann.
"Sige, na. Labas na ako. Bye!" Paalam niya
sa kausap.
"Alis na ako, nando'n na si Dylan sa labas."
Paalam niya at kinuha ang shoulder bag na
nasa sofa.
Labas masok siya sa campus dahil kilala
naman siya ng guard at kinausap na rin ni
Kim na hayaan siyang makapasok.
Paglabas niya ay may iilang estudyante na
nakatingin sa kanya. Ang iba ay mga dating
kaklase pa niya.
"Tuwang-tuwa ang mga bruha!" bulong niya.
Sa halip na malungkot dahil lumipat siya
noon ay naging masaya pa ang mga ito.
Dali-dali siyang lumabas ng gate dahil
mukhang nagmamadali ang binata. Sakto
namang nasa tapat talaga ng main gate
nakaparada ang BMW ng asawa kaya dali-
dali niyang binuksan ang pinto sa frontseat
pero nagulat siya nang may babaeng
nakaupo na rito.
"Sa likod ka na kang Ann," pakiusap ni
Dylan.
"FINE!" Malakas na isinara niya ang pinto.
Wala siyang pakialam kung mabingi ang
babae dahil napansin niyang sobrang iksi ng
palda nito. Nasisilip na nga niya ang panty
nito kanina.
Nang makasakay na siya ay agad pinaandar
ni Dylan ang sasakyan. Kinuha ni Ann ang
cellphone at nagbasa ng mga updates ng
stories na nasa library niya.
"Babe, salamat pala rito, ha." Malanding
sabi ng babae kaya napasulyap si Ann dito.
Napansin niyang may hawak itong iphone.
"Wala 'yun, babe. Basta ikaw," napataas ang
kilay ni Ann. Sanay na siya sa ganyang
diskarte ng asawa. Labas sa ilong ang mga
sinasabi nito kaya ipinagpatuloy niya ang
pagbabasa.
"Talaga? Ang yaman mo talaga, hindi ako
nagkamali na maging boyfriend kita."
Nagbabasa si Ann pero hindi pumapasok sa
isipan niya ang binabasa dahil sa matinis na
boses ng babae.
"Siguro, maswerte itong maid mo sayo,
noh? Lagi mo rin ba siyang binibigyan ng
gifts?" Biglang kumulo ang dugo ni Ann sa
narinig. Dagdagan pa nang tumawa si Dylan
ng malakas.
"Excuse me? Are you referring to me?"
sabay turo ni Ann sa sarili.
"Ay! Englisera ang maid mo, babe. Yes!"
"Psh! Andito ba tayo sa school mo, Trish."
Wika ni Dylan. Nasa Libertad lang ang
School nito.
"Salamat, babe. Hindi ka ba bababa?
Ipapakilala kita sa friends ko. Tiyak maiinggit
sila sa akin!" Pagmamalaki ng babae.
"May pasok pa ako, babe. Sige na,
nagmamadali ako. Tawagan na lang kita
mamaya." Bumaba na siya at kumaway pa
habang papalayo sila ni Dylan.
"How was she?" tanong ni Dylan.
"Social climber!" Direct to the point na
sagot ni Ann. Hindi na mawala ang pagkulo
ng dugo niya.
Dahil traffic pa ay kinuha ng binata ang
cellphone at tinanggal ang simcard at
itinapon sa maliit na basurahan katabi ng
brake.
"Psh!" Hindi na bago kay Ann ang ganitong
sitwasyon pero ang nakakabwesit sa kan'ya
ay ang mapagkamalang personal assistant
nito.
"Nextweek pala may party sa bahay. Utang
na loob, dumalo ka na." Ilang beses niya
itong inaaya pero hindi niya mapilit ang
dalaga.
"Ayaw mo no'n? Makakadiskarte ka sa iba?"
wala siyang pakialam kay Dylan basta 'wag
din siyang pakialam ng binata. Iyon ang
pangunahing rule nila.
"Hinahanap ka na nina mommy." Tumigil ito
sa pagmamaneho.
"Wala ako sa mood dumalo ng party. Ang
boring!" Napailing na lang si Dylan sa turan
nito.
"Umayos ka naman sa loob ng campus,
napagkamalan ka tuloy na loner.
Makipagkaibigan ka rin kaya sa mga kaklase
mo, hindi 'yung nasa tree park ka lang palagi
at nagbabasa ng wattpad mo na 'yan!"
Suhestiyon ng binata.
"Pakialam mo? Ba't alam mong lagi akong
nasa tree park? Binabantayan mo ba ako?"
nakataas ang kilay ni Ann.
"Paano kita hindi makita, e nasa harapan ka
talaga ng tambayan namin pumupwesto?"
May tambayan din kasi sila sa tree park
maliban sa second floor ng building nila.
Pinagawa noon ng lolo Lee ni Dylan.
"Sige na, alis na ako. Baka may makakita pa
sa akin," bumaba na ang dalaga. Dalawang
kanto ang layo mula rito ang school nila.
"Ingat! H'wag kang magbasa habang
naglalakad, baka mabundol ka!" Paalala ni
Dylan nang buksan niya ang bintana. Wala
naman kasing masyadong tao dahil hindi ito
main road.
"Salamat sa paalala. Hindi naman ako tanga!"
Nakasimangot na sagot ni Ann.
"Wala 'yun, asawa kita, e." Nakangiting
sagot ni Dylan at isinarado na ang bintana.
Kung may dapat man siyang ipasalamat, iyon
ay dahil naging magkaibigan sila ng asawa
at wala itong pakialam sa buhay niya lalo na
sa mga kalokohan niya bilang binata.
Hanggang ngayon, wala ring nakakaalam na
mag-asawa sila sa loob ng kanilang
paaralan.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon