26

840 32 0
                                    



DESTINY'S GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

A/N:
Bago ko simulan ang chapter na ito, nais ko lang sabihin na ang ideyang ito ay galing sa inyong mga readers ko. Sa mga comments ninyo. Wala namang nagsuggest pero diyan ako kumuha ng idea. Sana magkatugma at pakalusot. Hahaha.

CHAPTER 26

"Sweetheart, okay ka lang? May kailangan ka?" tanong ni Kevin habang nasa likuran ni Ella na nakahawak sa wheel chair niya.
"I'm fine. Hindi lang ako makapaniwala na isa akong Villafuerte," nakangiting tugon ni Ella. Nasa veranda sila ngayon. Nakatingin si Ella sa malawak na hardin ng lolo't lola.
"Ako nga rin, e. Sina mommy pala talaga ang tunay na mga magulang mo. Grabe noh? Nagkapalit pa tayo. Ikaw pala talaga ang tunay na mayaman," masayang wika ni Kevin. Hindi niya lubos maisip na asawa na niya ang batang kinupkop at inaruga.
"Sus! Villafuerte ka rin dahil asawa na kita,"masayang sagot niya at nakatingalang lumingon kay Kevin. "Pero Kevin, salamat. Salamat dahil kahit na mahirap ako, sakitin at lampa, minahal mo pa rin ako." Taos pusong pasasalamat ni Ella. Kahit ganun ang nangyari sa kaniya, hindi siya pinabayaan ng Panginoon dahil nagpadala pa rin ito ng mga taong tutulong sa kaniya. Tanging confirmation na lang ng driver ang hinihintay nila para mapatunayan kung kina Baron nga ang mansion na pinuntahan nila sa Tagaytay. May mga impormasyon na sina Ian pero witness na lang ang kulang.
"Ako ang dapat na magpasalamat dahil minahal mo ako sa kabila ng pagiging over protective ko," niyakap siya ni Kevin mula sa likuran at hinalikan sa batok. "I will always love you, Ella. Kahit na ikaw pa ang pinakamasakitin, lampa at selosa, hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo."
"Me too. Mahal na mahal din kita, Sweetheart."
"Erika, dahan-dahan lang." Sigaw ni Skyler paakyat sa hagdan.
"Lyn, ingat!" Nag-uunahan ang dalawang cute na batang tumatakbo papunta sa veranda.
"T-tita!" Bulalas ni Erika sabay punta sa harap ni Ella.
"Ay, kalbo." wika ni Erika habang nakatingala kay Ella.
"akit alang uhok?" tanong ni Lyn. Medyo bulol pa itong magsalita.
"Para mas lalong maging maganda ang buhok ni tita Ella," sagot ni Kim na bitbit si Sky. Si Skyler naman ay buhat sina Blue at Black.
"Mami, gushto ko rin po kalbo?"
"Erika! Huwag pasaway. Dito ka kay daddy," saway ni Kim.
"Hon, ikaw na lang sa dalawa. Huwag mong ilapit si Erika sa akin," pakiusap ni Skyler.
"Ayaw! Daddy," sabay takbo ni Erika sa ama at gustong magpakalong pero wala nang space dahil hawak din nito ang dalawang kapatid.
"Haist... Umayos nga kayong kambal. Kapag umiyak ang bunso ninyo, hindi na ako tatabing matulog sa inyo." Pagbabanta niya. Kagabi kasi ay nangulit ang dalawang bata kaya imbes na maka score siya kay Kim ay wala. Sa gitna pa nilang mag-asawang tumabi ang kambal.
" De... De..." sambit ni Sky saka humawak sa dede ng ina. Hands-on mom si Kim at nagpapa breastmilk siya sa asawa.
"Ubos na! Ipagtimpla kita." Kahit hawak sina Blue at Black ay tumayo siya.
"Akin na nga ang dalawang cute kong pamangkin," pagboboluntaryo ni Kevin.
"Mabuti naman at naisip mo 'yan. Kanina ko pa nga hinihintay, e." Pagsisinuplado ni Skyler.
"Akin na si Blue," masayang sabi ni Ella.
"Huwag na, sis. Baka mapano ka pa. Si Kevin na lang," inabot na ni Skyler ang anak pero umiyak si Blue.
"Kay tito ka muna. Magtitimpla lang ako ng gatas ninyo," napipikon na sabi ni Skyler.
"De... De..." Paiyak na si Sky.
"Huwag na, hon. I-breastmilk ko na lang sila." Wika ni Kim.
"Huwag! Akin na si Blue. Basta Black, tahimik ka lang kay tito Kevin, ha." pakiusap ni Skyler. Inosenteng nakatingala lang ang bata sa kanya.
Bitbit si Blue ay bumaba na siya para ipagtimpla ng gatas ang tatlo.
"Sana, makakagawa rin tayo ng babies." Ngingiti-ngiti na sambit ni Kevin.
"Sus... Darating din kayo diyan. Kapag magiging okay na si Ella," sabat ni Kim habang nakatalikod sa kanila. Pinapadede na niya si Sky.
"Sana nga," puno ng pag-asa na wika ni Ella. Ngayong nahanap na niya ang pamilya, ayaw niyang pakawala ang pagkakataong makasama ang mga ito. Binigyan siya ng Diyos ng lakas ng loob para lumaban at mabuhay. Kung dati ay sa tingin niya patapon na ang buhay, iba na ngayon. Gusto pa niyang makapiling ang mga ito.
"Hala... Kimmy, magagalit na naman si Skyler kapag makita niyang pinapadede mo si Sky."
"Masakit na ang dibdib ko. Ano'ng gusto niya? Magka breast cancer ako?" Kapag kasi nanay ka na, alam mong nagugutom na ang anak mo dahil sumasakit na ang dibdib mo kapag hindi maipalabas ang gatas.
"Breast milk is the best milk for babies up to two years 'ika nga." Nakaramdam si Ella ng inggit. Gusto rin niyang magka baby na sila ni Kevin at bumuo ng pamilya pero hindi pa pwede. Natatakot din siya na baka madamay ang bata sa sakit niya.
"Putiks! Bumaba lang ako saglit, pinadede mo na?" nakasalubong ang mga kilay ni Skyler. Kasunod nito ang dalawang yaya ng mga bata.
"Akin na nga 'yang batang 'yan." Kinuha niya si Sky.
"De... De... Mommy!" Todo iyak ni Sky. Kapag galit ito ay nakapagsalita ng maayos at diretso.
"Walang dede!" Saway niya. Napakunot ang noo ni Sky na nakatingin sa ama. Nang ma-realize na galit ang ama, tumahimik na siya pero nakasalubong ang kilay.
"Ya... Ya..." sabay lahad ng kamay sa dalawang yaya na tila ayaw magpabuhat sa ama.
"Doon ka sa yaya mo." Ibinigay ni Skyler ang bata sa isang yaya.
Sina Erika at Lyn ay tumakbo pababa ng hagdan nang makitang kakapasok lang nina Kyler kasama ang dalawang anak.
"Sir, bumaba raw muna kayo, nandito na ang detective." Saad ng kakaakyat lang na katulong.
Itinulak ni Kevin ang wheel chair saka sa elevator dumaan.
Pagbaba ay nasa sitting room nakaupo ang lahat ng pamilya. Magmula kay Ryan, Ian, sa triplets at mga asawa ng mga ito. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa hardin kasama ang mga yaya.
"Ikaw pala ang dating driver ng mansion na pinuntahan nina Kevin sa Tagaytay. Ano ba ang pangalan ng amo mo?" diretsahang tanong ni Ryan sa lalakin kaharap. Magkasing-edad lang sila ni Ian. Maayos naman manamit at medyo mataba rin.
"Si sir Baron Angeles, po." Sagot nito.
Tumayo si Ryan sa narinig.
"Lintik! Sabi ko na nga ba, e. Papatayin ko talaga ang animal na iyon!" Nanginginig na sa galit si Ryan.
"Patay na siya, Ryan." Paalala ni Hannah saka hinila ang asawa para maupo muli.
"Kahit na. Pahamak talaga ang hayop na iyon!" Parang papatay na nang tao ang itsura ni Ryan.
"Ano pa ang alam mo tungkol kay Baron? May pamilya pa ba siya? Papatayin ko rin ang anak niya kung meron pa!" Naikuyom ni Ian ang kamao. Pilit na pinapakalma ang sarili pero anak na niya ang pinag-usapan dito.
"Asawa po niya si Madam Trexie. May anak sila pero anak ito ni Madam sa ibang lalaki." Pag-uumpisa ng driver.
"Alam namin iyon, malandi talaga ang hipon na iyon!" Napasulyap sila kay Hannah dahil ngayon lang ito hindi naging kalmado. Galit siya sa dating karibal kay Ryan.
"Pero ang hindi alam ni Madam ay may ibang anak na babae si sir sa labas. Kay maa'm Veronica Santillan.(A/N: Hindi ko alam kung may naibigay na akong apelyido ni Vern hahaha)
"Veronica? Ang tomboy na dating leader ng Sorority?" bulalas ni Ryan.
"Oo. Aksidenteng may nangyari sa kanila ni maa'm Vern at nagbunga iyon ng babae," lahat sila ay napatingin kay Yna na namumutla.
"I-ibig mong s-sabihin, sa... Sa lola Vern ko?" tanong ni Yna.
"Opo." Napabuga sila ng hangin. Si Vern ang matalik na kaibigan ng lola ni Dylan. Kaya nagawa ang kasunduan nila noon ni Dylan pero hindi nila inakalang si Baron ang ama ng ipinagbubuntis ni Veronica na tunay na ina ni Yna.
Napahilot sa sintido si Ryan. Masyadong nagulat sila sa nalaman.
"Ang sabi po ninyo, kilala mo ang sa litratong ito?" tanong ni Kevin habang pinakita ang litrato ng ina kasama ang umampon kay Ella.
"Ah... Matalik na magkaibigan ang dalawa. Sina Lucita at Marci. Nang malaman ni Madam Trexie na dalawang buwang buntis si Marci ay pinalayas niya ito," salaysay ng lalaki. Lahat sila ay tahimik lang na nakikinig. (A/N: Hindi ako sure kung may names dati ang mga ina nila. Hehehe. Makakalimutin akoooo. Pasensya.)
"Ano ang rason niya para palayasin ang katulong maliban sa buntis ito?" naguguluhang tanong ni Sunshine.
"Dahil nalaman niyang si sir Baron ang ama ng batang nasa sinapupunan nito." Napahampas si Ryan sa mesa.
"Lintik! Sigurado ka ba sa mga pinagsasabi mo?" pasigaw na tanong ni Ryan. Napahilamos naman si Kevin sa mukha pero mahigpit na hinawakan ni Ella ang mga kamay niya.
"Opo. Paalam ni Marci kay Madam Trexie ay pupunta sa Boracay dahil may sakit ang tiya niya pero ang totoo, sa Baguio siya namalagi kasama si sir Baron. Ako pa nga po ang naghatid at sundo sa kanila roon," siguradong sagot ng driver.
"Pero ang alam ko, maraming lalaki si Marci. Halos lahat ay foreigner," wika ni Sunshine.
"Opo. Pero magmula nang malaki na ang tinatanggap mula kay sir Baron ay tumigil na ito sa panlalaki. Gusto raw kasing magkaroon ng lalaking anak ni sir dahil babae ang anak nito kay maa'm Veronica. Sa katunayan, nasa lastwill and testament nito na paghatian ng dalawang anak ang ari-ariang naipundar niya. Hinahanap na ng abogado nito ang anak nina Veronica at Marci."
"Ibig sabihin... A-anak ako ni... Ni Baron. Siya ang tunay kong ama. Ang lalaking sumira sa pamilyang kumupkop at nag-aruga sa akin," tumulo na ang mga luha ni Kevin.
"I-i'm sorry. H-hindi ko sinasadya. W-wala akong alam sa lahat," nagulat sila nang tumayo ito at lumuhod sa harapan ng lahat.
"S-sweetheart, huwag mong gawin 'to." Umiiyak na sabi ni Ella habang nakahawak sa balikat ng asawang nasa harapan lang niya.
"Kung h-hindi dahil sa tunay kong ama, h-hindi sana ito nangyari sa i-inyong pamilya... S-sana, nakasama pa ninyo ng matagal ang tunay na anak ninyo... P-pasensya na po," pinahidan niya ang mga luha. "S-sana... Siya ang kasama ninyo at hindi ako. Sana, mapatawad po ninyo ako."
"Anak," umiiyak na lumapit si Sunshine kay Kevin at hinawakan ito sa balikat para tumayo.
"M-mommy," tanging nasambit niya nang yakapin siya ng kinagisnang ina.
"Kahit na hindi kita tunay na anak... Kahit na hindi ka galing sa sinapupunan ko, t-tandaan mo, ako pa rin ang nanay mo..." kumalas si Sunshine sa pagkakayakap saka hinawakan ito sa magkabilang pisngi.
"Galing ka rito," sabay hawak sa dibdib. "Sa puso ko..." lalong umiyak si Kevin. Ang swerte niya sa mga Villafuerte.
"Hey, bro! Kakambal ka namin sa hapag-kainan at sa harap ni Bro!" Nakangiting wika ni Skyler.
Lumapit si Hannah kay Kevin at tinapik ang apo sa balikat.
"Huwag mo nang isipin iyon. Ang importante apo, pinalaki ka namin ng maayos. Mabuti at mabait kang bata," mahigpit na niyakap ito ni Kevin.
"Salamat po, lola."
"Haist! Ano pa nga ba ang magagawa namin, nadali mo na ang apo ko." Napailing na lang si Ryan. Ang pagkupkop kay Ella ay isang malaking patunay na may busilak na puso si Kevin. Hindi man sa kanila ang dugong dumadaloy sa katawan nito, pero ugaling Villafuerte naman ang taglay ng puso nito.
"Ibig sabihin, tito ko si Kevin? May kamag-anak pa pala ako sa mother side?" sambit ni Yna. Magkapatid ang nanay niya at si Kevin sa ama.

A/N:
Si Ann at Kevin dapat para tuluyan nang MAWASAK ang KEVANN (Hehehe). Kaso naalala ko, si Yna pala ang ampon dito hahaha.
Ayan na ang request ninyo sa ama ni Kevin. Wala naman talagang ama si Kevin dito. Kaso, makulit kayo. Hahaha.😀💜💚❤💗💖
Thank you, guys. Mwuah.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon