21

682 29 0
                                    



DESTINY'S GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 21

Pabalik na ang magkasintahan sa Maynila. Habang malalim na nag-iisip si Ella.
"Ihatid muna kita sa bahay nina Kim, doon ka muna sa kanila."
"Saan ka pupunta?" tanong ng dalaga. Pinagmamasdan lang niya ang magandang tanawin sa paliko-likong daan. Pinatay din ni Kevin ay aircon para buksan ang bintana dahil masarap langhapin ang preskong hangin.
"Sa bahay. Dumating na kasi sina mommy," tipid na sagot ni Kevin.
"P-pwede bang sumama?"
"No. Masyado ka nang pagod. Magpahinga ka muna, okay?" ang totoo, ayaw niyang isama si Ella dahil tatanungin niya ang kaniyang mga magulang sa tunay niyang pagkatao. Masyadong palaisipan sa kaniya ang lahat kung paano nagkakilala ang mga magulang nila ng dalaga dahil ang pagkakaalam niya, katulong ang nanay niya ng mga Montenegro noon.
"Sige. Pero pwede bang sa condo na lang ako?"
"Hindi pwede. Wala ako roon kaya kailangang may bantay ka," walang magawa ang dalaga kundi ang sumang-ayon dito.
"Gano'n na ba ako ka inutil? Hindi ko na ba kayang mag-isa?" malungkot na tanong ni Ella pero pasalaysay ito para sa sarili niya.
"Sweetheart naman, h'wag mong isipin iyan. Alam mo namang mahalaga ka sa akin. Ayoko lang na may mangyaring masama sa 'yo," hinawakan ng binata ang kaliwang kamay ng dalaga habang ang isang kamay ay nagda-drive.
"Thank you, Sweetheart. H-hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag wala ka," nanlulumo namang saad ni Ella.
"Just because we're destined to be together," isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Ella. Mahal niya si Kevin at ito ang lalaking nagbibigay ng lakas-loob sa kaniya. Kung wala ito, malamang matagal na siyang nalagutan ng hininga.
Kevin was the greatest gift from God para sa kaniya. Ang totoo, hindi na kaya ng katawan niya. Alam niyang ilang buwan o araw na lang ay mawawala na siya.
Pinagmasdan niyang mabuti ang maamong mukha ng binata. Mula sa kilay, matangos na ilong, mapupulang mga labi at halos lahat. Gusto niyang kabisaduhin ang mukha nito para kahit na nakapikit siya ay makikita parin niya sa kaniyang panaginip. Ang mga ngiti, pagsimangot at ang mukha nito kapag ipahiwatig sa kaniya na mahal siya nito.
"Maganda ba ang tanawing nakikita mo para pagnanasa ang ipinapahiwatig ng mga mata mo?" napayuko siya nang mapansing tumaas ang sulok ng isang labi nito.
"Hmp! Hindi naman masyado," kunwaring pagsisinuplada niya.
"Sus! Deny mo pa e ang dami namang gustong mag-explore sa tanawing ito pero ikaw lang ang malayang makalibot at maka touch?" isang nakakalokong ngiti ang ibinigay ni Kevin nang humarap ito sa kaniya. Palabas na sila sa Cavite.
"Ang kapal mo! Madami na kaya!" Naiinis na sagot niya nang maalala naman niya si Bea. Hindi talaga niya matatanggap na iyon ang unang naka-ulayaw ni Kevin.
"Napasimangot ka naman, may naalala ka ba?" pag-alalang tanong nito.
"Iyong lintik na malanding nakaunang tour sa magandang tanawing pagmamay-ari ko!" Natanggal ang lahat ng sakit niya sa naalala.
"Sorry."
"Sorry mo mukha mo!" Alam niyang hindi na tama ang inaakto niya pero hindi lang talaga niya mapipigilan ang sarili. Nagseselos siya sa tuwing ma-i-imagine ang ginagawa ni Bea kay Kevin... Nagseselos siya sa tuwing pumasok sa balintataw ang paghalik, paghawak at pagkikipagtalik ni Bea sa kasintahan.
"Wala na si Bea, nasa U.S na. Umalis siya matapos pagbantaan ni Skyler na ire-reject ang business proposal ng daddy nito," pagbibigay impormasyon ni Kevin.
"Edi mabuti! Hindi 'yong ipinagsisiksikan niya ang mga bagay na hindi naman para sa kaniya!" Nasira na ang mood niya. Si Bea lang ang makakatanggal ng sakit na nararamdaman niya.
"Halatang nagseselos ka, Swetheart. Ang cute mo," todo ngiti na sambit ni Kevin.
"Mabuti naman at aware ka? Kapag mamatay ako at makipagbalikan ka sa bruhang 'yon, mumultuhin kita! Babalikan ko talaga kayo lalo ka na!" Pagbabanta ni Ella. Seryoso talaga siya. Kung papayag ang Panginoon na bababa siya sa lupa, gagawin niya.
"Edi, kapag mangyari iyon, lagi akong makipagkita kay Bea para lagi mo akong mumultuhin." Biro ni Kevin.
"Kapal mo!" Kahit siya ay napangiti rin.
"Sus! Basta para sa 'yo, lahat ay gagawin ko. Magkasama lang tayo," serysosong saad ng binata.
Pagkatapos niyang ihatid si Ella kina Skyler ay nagtungo na siya sa mansion ng kaniyang mga magulang. Marami silang bahay pero noong napilitan si Ian na magpatayo na rin ng bahay sa Makati sa loob ng villa ng kaniyang ama ay ibinenta nito ang pinatayong bahay noon.
Pagdating niya ay nandoon din sina Yna at Kyler.
"Bakit nandito ka? Nasaan na si Ella?" tanong ni Kyler habang kalong si Keana. Si Kean naman ay naglalaro sa sahig kasama ang triplets nina Skyler.
"Nasa bahay nina Skyler. Nandito pala 'yang tatlong batang 'yan. Kaya pala hindi ko nakita kanina," nagmamadali kasi siya kaya wala na siyang time para kamustahin ang mga pamangkin.
"Oo. Kinuha nina mommy kahapon dahil namimiss na raw nila. Ayaw naman nina Erika at Lyn dahil maki-Skyler ang dalawang iyon," napiling si Kevin. Napangiti siya sa tuwing makikita si Skyler na halos hindi makakilos kapag kasama ang panganay na kambal.
"Bless na kayo kay tito, dali!" Utos ni Yna sa mga bata.
Inilahad ni Kevin ang kanang kamay. Kahit na hindi pa gaanong nagsasalita ang triplets ay makakaintindi na ang mga ito.
"Mabuti naman hijo at napadpad ka rito. Namiss ka na ni mommy!" Napangiti si Kevin nang makitang pababa si Sunshine sa hagdan.
"Mom!" Sinalubong niya ito at niyakap.
"Ghad! Pumayat ata ang baby namin?" hinawakan siya nito sa mukha na tila sinusuri.
"Busy lang po, mom."
"Kay Ella ba?" napakunot ang noo niya sa tanong ni Sunshine.
"Paano ko nalaman? Sinabi na sa akin ng mga kapatid mo. Sana dinala mo siya rito," excited na sabi ni Sunshine. Hanggang ngayon ay wala pang babaeng dinadala at ipinapakilala si Kevin sa kanila.
"My sakit po siya, mom. Where's dad?"
"Nasa Parañaque, nakipagkita kay lola Patch mo. May importante raw na pag-usapan," naupo silasa harapan nina Yna. Si Kyler ay nasa dining room dahil nagtitimpla ng gatas.
"Mom, may itatanong ako. Tungkol sa nanay ko," pag-uumpisa niya habang nakatingin sa triplets na naglalaro ng kotse-kotse sa sahig.
"What is it, son?"
"Bago namatay ang nanay ko, doon lang ba siya nagtrabaho sa bahay nina lola Samantha?"
"Bakit ko naitanong?"
"Just answer it, mom."
"Noong umuwi ako sa bahay, nandoon na ang nanay mo. Ang sabi nina mommy, nagtungo ito sa Boracay at doon niya nakilala ang dad mo na isang Amerikano. Pero hindi naman ako sure dahil mukha ka namang Korean. Pagkatapos ka niyang ipinanganak ay namatay na rin siya dahil sa matagal na palang may sakit sa puso ang nanay mo," masinsinang nakikinig lang si Kevin sa ina.
"Bago nabuntis si nanay, nasa inyo na siya nagtatrabaho?" usisa niya. Wala na siyang pakialam sa tunay niyang ama. May naririnig na rin siyang maraming lalaki ito noon at kadalasan ay foreigners pero wala na siyang pakialam doon. Ang importante ay binuhay siya nito at napunta siya sa mabuting pamilya at iyon ang ipinasasalamat niya.
"Hindi ko alam. Noong buntis pa kasi ay hindi ako umuwi sa bahay dahil hindi alam nina mommy na ipinagbubuntis ko na kayo. Pero ang pagkakatanda ko, dalawang buwang buntis ata ako noon nang huling uwi ko dahil hindi pa halata ang tiyan ko pero wala pa naman ang nanay mo sa bahay. Bakit?"
"Ibig sabihin, buntis na ang nanay ko noong nagtrabaho siya sainyo?"
"Yes. Sabay lang kasi kaming nanganak pero ilang buwan na akong buntis pero wala pa siya sa bahay. May problema ba, Kevin?" nagtatakang tanong ni Sunshine sa anak.
"Wala po, mom. Na-curious lang ako. Salamat po sa pagkupkop sa akin. Mahal po kita kahit na hindi kita tunay na ina," napataas ang kilay ni Kyler habang bitbit ang dalawang bote ng dede.
"Ano na naman ang kadramahan 'yan?" Inabot niya ito kay Yna na ngayon ay kalong na si Keana.
"Wala!" Pagsisinuplado ni Kevin.
"Jug... jug... jug..." wika ni Blue habang hinahampas hampas ang kulay asul na laruang kotse. Marami na kasi ang nalalaman nilang bigkasin na mga salita.
"Hay, ang cute ng triplets. Ikaw Kevin, kailan kaya namin makikita ang apo namin sa iyo?" makikita ang katuwaan sa mukha ni Sunshine habang nakatingin sa tatlong apo na naglalaro. Ang cute ng mga ito dahil kamukhang-kamukha ni Skyler.
"Kapag magaling na po si Ella, mom." Puno ng pag-asang sagot ni Kevin.
"Tot... tot... tot.." ani Black na solong naglalaro ng itim na kotse. Medyo malayo ito sa dalawang kapatid at halatang nais na mapag-isa.
"Jer... jer... jer..." lahat sila ay napatingin kay Sky na tuwang-tuwang naglalaro ng kulay puting kotse. Nang maramdamang may nakamasid sa kaniya ay inosente itong tumingala sa kanila.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon