17

634 32 0
                                    




DESTINY GAME

by: sha_sha808 Ash Simon

CHAPTER 17

"Saang si Ella?" kakarating lang ni Skyler
kasama ang kakambal. Sakto namang
kakalabas lang ni Kevin sa kwarto. Nagkita
kasi sila sa meeting kanina at sinabi nito ang
nangyari kay Ella kahapon kaya sumama na
ito sa kaniya.
"Nasa loob, nagpapahinga." Tinabig nito si
Kevin saka mabilis na binuksan ang pinto
para makapasok.
"Minsan, sumusobra ka na, Skyler. Kung
ituring mo ako parang hindi tayo
magkapatid, ah." Reklamo ni Kevin nang
sumunod sa kaniya. Si Kyler ay naupo sa tabi
dahil bust sa kakatext kay Yna na hindi muna
makauwi.
"Psh! Alam mo namang bata pa si Ella,
ginalaw mo na?" mahina pero halos
mamugto na ang ugat nito.
"Wala pa namang..." hindi niya kayang ituloy
ang sasabihin.
"Ano? Wala kang idi-deny kahapon. Ni hindi
mo manlang itinama ang sinabi," nagising si
Ella sa ingay ni Skyler.
"Sweetheart, uwi na tayo. Ayoko na rito,"
pakiusap niya. "Mas lalo akong nagkakasakit
kapag nasa hospital ako," tatayo sana siya
peeo pinigilan ito ni Kevin.
"Dito ka lang, magpahinga ka muna.
Hintayin lang natin ang doctor dahil ngayon
daw lalabas ang resulta test mo kahapon,"
pinahiga niya muli ang dalaga.
"Please, ayoko talaga." Pagmamatigas ni Ella
saka muling bumangon.
"DITO KA LANG SABI, H'WAG NG Matigas
ang ulo, Ella." Tumaas na ang boses ni
Kevin. Halos mamatta na siya sa pag-alala
para rito pero lagi na lang ganiyan ang
dalaga. Tumatakas kapag nasa hospital na.
"Sinisigawan mo ba si Ella, Kevin?"
nakasalubong na ang kilay ni Skyler.
Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng
kapatid.
"Hindi naman, matigas kasi ang ulo. Ayaw
magpacheck-up," depensa ni Kevin.
"Oo nga, kailangan mong magpacheck-up,
El. Para rin naman sa 'yo iyan," sang-ayon ni
Kyler at lumapit sa kanila.
"Psh! Pero 'wag naman ninyonv ganyanin si
Ella. Parang hindi kayo bestfriend, a."
Nahiga na lang si Ella muli at kinuha ang
kumot para magtalukbong. Nabibingo siya
sa magkapatid lalo na kay Skyler. Kaya nga
minsan, mas naisin na lang niyang si Dylan
ang kasama kesa sa mga ito dahil hindi siya
makakahinga sa tatlo.
Kapag si Dylan ang kasama niya,
nakakaramdam siya ng kaginhawaan at
kapayapaan. 'Yong tipong safe rin siya. Okay
naman ang kambal pero kapag magkasama
silang tatlo ay nagigipit siya palagi sa away
nila. Sa kanilang lahat, kay Skyler
pinakamalapit ang loob niya pero hindi
naman sila pwedeng magsolo dahil may
asawa na ito at alam niyang mahal nito si
Kim at hindi siya magiging priority ni Skyler
dahil may pamilya na ito, gano'n din si
Kyler.
Mabuti lang si Dylan dahil malaya ito kahit
kasal na kay Ann.
"Haist! Tama na nga. Ang iingay ninyo,"
saway ni Kyler. "Bakit nandito ka sa hospital
room? Dapat sa labas tayo dahil kukuha ka
lang naman ng results," tanong ni Kyler.
"Nalunod kasi siya kanina habang nagsi-
swimming," sagot ni Kevin habang
nakasandal sa dingding na nasa kanan nito
ay ang isang maliit at kulay puting mesa. Si
Skyler ay naupo sa mahabang sofa at
ipinatong ang paa sa center table. May mini
ref, CR at may tv din sa loob ng kwarto.
"Bakit mo hinayaang malunod?" sa sobrang
inis ay tumayo ito at sinapak niya si Kevin.
"Bwesit ka tala--fuck!" Reklamo nito nang
gumanti ang kapatid.
"Lagi ka na lang ganyan, nasanay ka na."
Pikon na wika ni Kevin.
"Ikaw ang nanguna," sagot ni Skyler.
"TAMA NA! KUNG MAG-AWAY KAYO SA
HARAPAN KO, MABUTI PA, LUMABAS NA
KAYO!" Singhal ni Ella na ngayon ay
nakaupo na.
"S-si Kevin talaga ang nauna, El." Depensa ni
Skyler. Tumahimik na si Kevin at naupo sa
tabi ni Kyler.
Magsasalita pa sana siya pero bumukas na
ang pinto at iniluwa ang doctor na may
kasamang dalawang nurse.
"Doc, kamusta na po siya, Tita?" Mabilis na
umayos sila ng upo habang nakatingala sa
doctora na nakatayo sa gilid ni Ella na
nakaharap sa kanila.
"Can I talk to her parents? Pwede ba ninyo
silang tawagan para pumunta rito?"
nagkatitigan ang magkapatid at napatingin
kay Ella.
"W-wala na po akong mga magulang, doc."
Si Ella na ang sumagot na ngayon ay
nakaupo na nakaharap sa doctora at kasama
nitong nurse.
"Ako na lang po ang guardian niya, tita.
Asawa ko po siya... I mean, magiging
asawa." Agad na bawi ni Kevin nang samaan
siya ng tingin ni Skyler.
"Doon din naman 'yon mapupunta," bulong
ni Kevin.
Kinuha nito ang lab. results at malalim na
buntong hininga ang pinakawalan niya.
"Normal naman ang ibang resulta niya pero
nagkaroon lang tayo ng problema sa blood
count niya," pag-uumpisa nito na ikinakunot
ng noo ng tatlo. Si Kevin ay medyo
kinabahan sa narinig. Sa kanilang tatlo ay ito
lang ang mabilis na pumik-up ng mga
bagay-bagay dahil wala kang aasahan kay
Skyler.
"Dahil sa mga signs and symptoms na sinabi
ninyo kahapon, nagsagawa kami ng blood
tests at napag-alaman namin na mababa
ang kaniyang WBC at platelet count kaya
siya nagkakaroon ng bleeding at mga pasa
sa katawan," paliwanag nito sa mga batang
nasa harapan niya.
"A-ano po ba ang gamot kay Ella? Malubha
na po ba?" alam ni Kevin na kapag dugo ang
sakit ay masyadong delikado. May naiisip na
siya pero sa huling sandali ay ayaw niyang
mawalan na pag-asa. Baka sakaling mali lang
ang iniisip niya.
"Medyo malubha na ang sakit niya, hindi na
ito madala sa vitamins o any medications.
Dapat noon pa, nagpa consulta na kayo.
Kung mapapansin ninyo ay lagi na siyang
nagkakapasa at nagkakaroon ng bleeding,"
tumingin ito kay Ella na ngayon ay tahimik
na nakayuko.
"H-hindi po, ngayon lang po siya
nagkakaganyan doc. 'Di ba, Sweetheart?
Ngayon ka lang naman nakaranas ng
ganiyan?" alam ni Kevin sa sarili niya na iba
ang sinasabi ng bibig kesa sa utak niya.
Kilala niya si Ella. Hangga't kaya nitong itago
ang mga bagay-bagay para hindi ito maging
pabigat ay gagawin nito.
Hindi sumagot si Ella. Samu't-saring
emosyon ang nakalukob sa mukha nito.
"Ano po ba ang gamot at pwedeng gawin,
doc?" nakabawi na si Kyler at medyo
pumasok na sa utak nito ang mga sinabi ng
doctor.
"Chemotherapy," malungkot na sagot nito at
ibinigay ang papel sa katabing nurse na
nakatulala kina Skyler at Kyler.
"G-gagaling na po ba siya kaagad? A-ano
po ba talaga ang sakit ni Ella?" ayaw man
niyang marinig pero kailangan lalo na't ang
pinakamamahal niyang babae ang involve
rito.
"Walang guarantee. Hindi ko maipapangako.
Depende sa magiging reaksiyon ng katawan
niya sa igagawang therapy."
"T-teka... M-may sakit po si Ella? Ano po
ang sakit niya tita?" tanong ni Skyler na
ikinainis nina Kyler. Ngayon lang ito
natauhan sa mga pangyayari.
"She has a Leukemia. Acute myelogenous
leukemia," napanganga si Kevin. Tama siya sa
naisip. Napahilamos naman si Ella at
nakatakip sa mukha. Tumayo si Kevin at
lumapit sa kaniya saka naupo sa tabi nito.
"Paano kung hindi maging successful ang
chemo, tita?"mahinang tanong ni Kyler.
"Then... She will undergo sa stem cell
transplant or bone marrow transplant."
"Ano po iyon?" Ani Skyler.
"Treatment for cancer some types of cancer.
Sometimes referred as bone marrow
transplant. It is a procedure that replaces
unhealthy blood-forming cellas with healthy
cells. May dalawang klase ng stem cell
transplant," pag-uumpisa ng doctor.
"Autologous transplant. We get your own
stem cells while in Allogenic transplant, We
get another person's stem cells," paliwanag
ng doctor.
"Ibig sabihin, pwede po kaming magdonate
sa allogenic transplant?" curious na tanong
ni Kevin habang niyayakap si Ella na ngayon
ay tahimik na umiiyak na.
"Yes. Dahil sa ibang tao ito galing pero
dapat ay magmatch din ang bone marrow
nito sa kaniya dahil may certain proteins
tayo sa white blood cell na tinatawag na
human leukocytes antigens. Pero ingat pa
rin tayo, dahil baka hindi sumang-ayon ang
katawan niya sa stem cell transplant."
Pag-eexplain ng doctor.
"S-sino po ang pinakamabuting magdonate
diyan, doc?" ayaw nilang makipagsapalaran
sa ibang tao. As much as possible ay gusto
ni Kevin na sigurado talaga ang lahat para sa
kaligtasan ng kasintahan. Kahit maubos pa
ang savings niya ay okay lang basta para kay
Ella.
"Kamag-anak. But a brother or a sister may
be the best match," mariing sagot ng
doctor.
"W-wala akong kapamilya," malungkot na
sagot ni Ella. Malungkot na nakatingin lang
ang kambal sa kaniya. Hindi rin nila alam ang
gagawin.
"Everything will be alright. Try muna natin
ang chemo," bulong ni Kevin. Pilit na
pinapatatag ang sarilo para sa dalaga.
"N-natatakot ako. Paano kung... kung hindi
maging successful ang chemo?" Puno ng
pangambang tanong ng dalaga habang
nakatingala sa binata.
"Hahanapin natin ang buong pamilya mo,"
determinadong sagot ng binata.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon