DESTINY'S GAME
by: sha_sha0808 Ash Simon
EPILOGUE
Unedited...
"Okay ka lang, hon?" bulong ni Ryan sa asawa habang nakaupo sa wheel chair.
"Oo. Okay lang ako, hon." Nakangiting tugon niya habang nakatingin sa baba. Nasa veranda sila habang nakatingin sa mga apo at apo sa tuhod na naghahabulan sa baba. Kaarawan niya ngayon kaya kumpleto ang pamilya.
"Parang kailan lang, hinahanap pa kita noon. Hindi ko pa alam na may anak tayong si Ian," tumabi si Ryan sa asawa at inakbayan ito. "Pero ngayon, ang lalaki na ng mga apo natin. May mga anak na nga. Mga binata't dalaga na. Sino ang mag-aakalang makabuo tayo ng isang masayang pamilya?" hinawakan niya ang kanang kamay ni Hannah at dinala sa mga labi. Ilang dekada na ang nakalipas pero heto sila, magkasama at mahal pa rin ang isa't isa. Sa edad na nubenta mahigit ay bakas ang kasiyahan at pagiging kuntento sa buhay. Walang pinagsisisihan at walang pinanghihinayangan.
"Thank you, hon. Sa pagiging mabuting asawa sa akin, sa pagtiis ng ugali ko... Sa pagiging bipolar ko at higit sa lahat, sa walang humpay na pagmamahal mo sa akin, kay Ian at sa mga apo natin." Masuyo niyang hinaplos ang mapuputing buhok nito at hinalikan.
"Salamat din, Ryan. Kasi... Hindi mo kami pinabayaan. Naging responsable kang ama at lolo sa pamilya natin. Salamat sa walang sawang pagpapatawa at pagsumikap para mabuhay kaming pamilya mo. Hindi ko makakaya ang lahat ng ito kung wala ka... Kung wala ka na padre de pamilya ng ating pamilya." Tumingala si Hannah sa asawa. Ito ang lalaking minahal niya. Hindi man naging perpekto ang buhay mag-asawa nila pero naging kuntento naman sila at masaya. "Salamat sa pagiging matibay bilang haligi ng ating tahanan," maluha-luhang wika ni Hannah.
"Salamat dahil hindi ka rin napundi bilang ilaw ng ating tahanan. Tara na, pasok na tayo sa loob. Baka mahamugan ka pa," sabay tulak ng wheel chair ni Hannah papunta sa kwarto nila.
"M-mabigat ako, Ryan." Nag-aalalang wika ni Hannah. Hindi na siya makatayo. Tanging si Ryan na lang ang umaalalay sa kaniya kapag lumipat sa wheel chair at kama.
"Malakas pa ako. Kaya ko pa... Hangga't may natitira pa akong lakas, hindi ako magsasawang pasanin o buhatin ka." Binuhat na niya ang asawa na parang bagong kasal at inihiga sa kama.
"R-ryan," tumulo ang mga luha ni Hannah habang nakipagtitigan sa asawa.
"Huwag kang umiyak, Hannah." pinahidan nito ang mga luha ng asawa gamit ang mga daliri.
"Alam mong ayaw na ayaw kong makitang u-umiiyak ka..." mahinang sawat niya saka hinagkan ito sa noo.
"M-masaya lang ako. H-hindi ko akalaing napaka-swerte ko sa 'yo." hinaplos niya ang gwapo at maamong mukha ng lalaking una at huli niyang mamahalin.
"Iinom ka na ng gamot mo, s-sandali. Kukunin ko lang, hon." Tatayo na sana ito pero pinigilan siya ni Hannah sa mga kamay. Nagkatitigan sila at mayamaya pa ay unti-unting ngumiti sa isa't isa.
"Kantahan mo na lang ako ng paborito natin," pakiusap ni Hannah.
"Ga... G-ganun ba?" napipiyok na tanong ni Ryan. Tumango lang si Hannah.
"N-nahihirapan ka na ba, Honey?" nagkatitigan sila ng ilang sandali at ngumiti si Hannah sa kaniya.
"Kapag magkasama tayo, lahat gumagaan. Kahit kailan ay hindi ko inisip na nahirapan ako," nahiga sa tabi si Ryan at isinandal sa balikat ang ulo ni Hannah.Kung tayo ay matanda na..
Sana'y di tayo magbago
Kailan man...
Nasaan may ito ang pangarap ko...Pag-uumpisa ni Ryan habang hinahaplos ang mapuputing buhok ng asawa. Ito pa rin ang Hannah na kinababaliwan niya. Sa paglipas ng panahon, mas lalo niyang minahal ito.
Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin..
Hmmmmm....
Hanggang sa pagtanda natin...
Nagtatanong lang sa iyo
Ako pa kaya'y iibigin mo
Kung maputi na nag buhok ko?Niyakap niya ang asawa ng mahigpit at hinagkan sa pisngi. Hindi man nito sabihin pero ito ang kaniyang paraan para ipahatid na nagawa niya ang nasa kanta kahit na matanda na sila. Walang ibang babaeng makakapantay sa kaniyang asawa.
Pagdating ng araw ang yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap ng nakaraan sa'tin.
Ang nakalipas ay ibabalik natin
Hmmmmmm...Naramdaman niyang ngumiti si Hannah at gumanti sa mga yakap niya. Alam nilang pareho lang silang bumabalik sa nakaraan. Naalala niya noong kabataan pa nila. Lago niyang kinakantahan si Hannah ng ganito at hindi niya akalaing aabot sila sa puntong ito ng kanilang buhay.
"M-matutulog na ako, Honey..." Tumingala si Hannah at luhaang nakangiti sa asawa. Luhang dulot ng labis na kaligayahan. Walang makakatumbas sa kasiyahang nararamdaman dahil gabi-gabi, bago niya ipikit ang mga mata ay ang boses ng asawang kumakanta ang naririnig.
"H-huwag kang umiyak," pakiusap ni Hannah. Umiwas si Ryan ng tingin. Tumingala sa kisame. Kilala niya si Ryan. Alam niyang siya lang ang buhay nito. Pareho lang silang kumukuha ng lakas sa isa't isa.
"H-hindi ako iiyak, pa... p-pangako." Nahihirapang tugon ni Ryan.
"I-ipagpatuloy mo na ang pagkanta,hon." nahihirapang utos niya. Kanina pa siya nanghihina. Ayaw lang niya ipahalata dahil ayaw niyang makaabala sa lahat. Kanina pa rin siya nahihirapang huminga at alam niyang ilang sandali, minuto o segundo na lang ay bibigay na ang kaniyang katawan.
Ipinilig niya at isiniksik ang ulo sa dibdib ni Ryan hanggang sa marinig at maramdaman niya ang pagtibok ng puso nito. Sa huling pagkakataon ay naging isa ang pintig at isinisigaw ng kanilang mga puso. Ang kanilang mg pangalan.