18

659 31 0
                                    




DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 18

"Masakit pa ba ang katawan mo?" bakas ang
labis na pag-alala sa mukha ni Dylan habang
nakatitig sa payat na mukha ni Ella. Malaki
ang ibinagsak ng timbang nito. Halatang
hinang-hina na ang katawan pero pilit pa
ring ngumingiti sa kanila para ipakitang
malakas pa siya.
"Salamat sa pagpunta rito, Dylan.
Napakabait ninyo sa akin. H-hindi ko alam
kung paano ko kayo pasalamatan lahat,"
kinuha niya ang panyo at pinahidan ang
tumulong luha. Walang oras sa isang araw
na hindi siya umiiyak nang palihim.
Kahit wala siyang mga magulang ay hindi
siya iniiwan ng mga ito. Sila ang pumupuno
ng pagmamahal na hindi niya naranasan
mula pa noong bata siya.
"Sus! Alam mo namang malapit ka sa akin,
Ella. Kapatid na ang turing ko sa 'yo. Sana...
sana nga, kapatid na lang kita." Tumingin ito
sa malayo. Tila may naalala at bigla na lang
naging malungkot ang mukha.
"S-sana nga, para may kapatid naman ako."
Ngumiti siya rito at hinawakan ang kamay na
nakapatong sa mesa. Hindi man nito sabihin
ay malakas ang pakiramdam niya na may
mabigat itong dinadala.
"Kamusta na pala ang lola mo? Okay na ba
siya?" Noong isang linggo kasi ay sinabi
nitong may sakit ang matanda.
"Okay na siya. Nakapahinga na. Tumaas lang
ang blood pressure niya kaya nahilo.
Pasaway kasi sina tita kaya nagalit," ngumiti
na ito. Minsan sa bahay nila ay pasaway ang
dalawa niyang tita. Akala nga nila ay nilusob
na sila ng mga kaaway dahil ang lakas ng
putukan sa likod-bahay. Iyon pala ay
nagpapractice lang ang mga ito lalo na ang
tita Angel niya.
"Pakisabi na magpagaling siya," pinahidan ni
Ella ang bibig. Kakatapos lang niyang kumain
ng beef steak na naman. Hindi lang niya
alam kung bakit ito lagi ang ini-order ng
binata sa tuwing magkikita sila. Lagi lang
nitong sinasabi na gusto niyang makatikim
ng masarap na beef steak.
"Naku! Pareho lang pala kayo ni lola,
pinapasabi rin niya na magpagaling ka.
Dapat, bisitahin ka nila kahapon kaso nahilo
siya. One week daw na magpahinga sabi ng
doctor niya," napailing na lang si Dylan.
Siguro dahil walang babae sa pamilya nila
kaya gano'n na lang ang pagkasabik nito na
makita si Ella. Nagtatampo nga ang pamilya
niya kay Ann dahil hindi nito kayang
bumisita sa bahay nila.
"Malakas siya. Si lola pa, e astig 'yon, e."
Natawa siya nang maalalang binatukan nito
si Dylan at ang mga anak nang magharutan
sila sa sala noon sa Tagaytay.
"Oo. Let's go? May exam pa ako, e."
Inalalayan siya ni Dylan na tumayo. Ingat na
ingat para hindi madiin ang pagkakahawak
dahil lastime ay nagkapasa si Ella nang
mahawakan niya sa braso nang muntik ng
matumba.
"Salamat," nasa gate na sila.
"Ingat! Pagaling ka, El." Hinalikan siya nito
sa noo.
"Ikaw rin," pumasok na si Ella sa loob ng
gate. Malungkot na nakatingin lang si Dylan.
Awang-awa siya sa dalaga. Kahit sa
paglalakad ay dahan-dahan pa itong
humakbang.
"If only I can save you," bulong niya saka
tumalikod na at lumapit sa parking lot at
sumakay sa ducati.
"Wow! Pati pala ang sikat sa kabilang
campus binibiktima mo rin? Lahat ata ng
kamag-anak ay tumira na sa 'yo, Ella, a."
Pang-iinsulto ng isang babae na nakaharang
sa kaniyang daanan. Apat sila at
nakapamewang pa.
"Wala akong balak na patulan kayo!" Madiin
na sagot ni Ella. Hindi alam ng mga ito ang
kaniyang pinagdadaanan.
"Talaga? Lalaban ka?" Itinulak siya ng isang
payatot kaya napaatras siya ng bahagya.
"Kayong apat! To my office, NOW!"
Napakagat sila ng labi nang makita ang Dean
ng HRM department. Lahat ng teachers ay
pinagsabihan na rin nina Skyler na kung sino
ang makitang mang-away kay Ella ay ma-a-
IR.
Naglakad na si Ella papunta sa classroom
niya. Ito na ang huling araw ng exam nila
para sa second semester ng kaniyang
firstyear. Ilang buwan na rin ang nakalipas
na bahay, paaralan at hospital lang siya.
Lumalabas din minsan pero kapag kasama
na ang magkapatid. Medyo okay na rin sila
nina Yna at Ann.
"Friend, punta tayo sa tree park? Doon mo
na lang hintayin si Swetheart Kevin mo,"
kinikilig na tukso ni Maris habang nakaakbay
si Vince rito.
"Sus! Oo na, hindi mo naman sinabi na kayo
na pala ni Vince?" kunwaring nagtatampong
sumbat niya sa mga ito.
"Ayaw kasing ipaalam ni bhe na sinagot na
niya ako," natatawang sagot ni Vince.
"Hmp! Ang sabihin mo, pakipot lang talaga
si Maris sa 'yo noon."
"Tama ka, El. Pakipot lang, e, super crush
naman ak--Aww! Masakit 'yon bhe, ha."
Reklamo ni Vince nang kurutin sa gilid ni
Maris.
"Shutup ka na lang!" Saway ng dalaga. Ang
ibang makakasalubong ay nakataas ang kilay
sa kanila pero wala silang pakialam. Sadyang
maharot lang talaga si Vince.
"Oo, sabi ko nga! Shutup na lang ako,"
napailing na sagot ni Vince at inakbayan
naman si Maris sala hinalikan sa pisngi.
"Eww! Ang gwapo pero walang taste!"
Nandidiring wika ng babaeng nakasalubong
nila."Sinabi mo pa!" Dagdag ng kasama.
"Mahal ko si MARIS!" malakas na sigaw ni
Vince na ikapula ng mukha ng dalaga pero
ikinainggit naman ng mga babae sa paligid.
"Drop ka na pala sa swimming," nakaupo sila
sa tree park habang umiinom ng zagu.
"Oo, bawal, e."
"Hindi ba masakit? Dapat nagpapahinga ka
na. Ano'ng sabi ni Kevin?" nag-aalalang
tanong ni Maris. Alam na ng buong campus
na magkasintahan sila. Kusang umalis si
Kevin sa pagtuturo pero araw-araw nitong
binabantayan si Ella kahit na rito sa school
campus dahil minsan ay nahihilo ito.
Napatalsik na rin si Bea dahil sa ginawa nito.
Kusang pinatalsik ni Skyler nang malaman
ang tunay na nangyari.
"Tatapusin ko lang itong exam. Hindi naman
masakit, minsan lang. Sanay na rin naman
ako sa injection," sagot ni Ella.
"Injection ba 'yon? Hindi ka ba pinapapasok
sa machine? O 'di kaya ang ulo o buong
katawan mo?" curious na tanong ni Vince.
"Oo, meron din namang gamot na iniinom,
nilalagay sa dila o sa IM pero sa akin ay
subcutaneous chemo ang ginagawa nila."
Dati, once a month a pagki-chemo sa kaniya
pero napansin ng doctor na walang epekto
ito kaya ginawa na nilang twice a week in
one cycle at pinalitan na rin ang gamot at
tinaasan ng dosage.
"Ganun pala 'yon? Bakit nalalagas ang buhok
mo?" Sila lang ang nakakaalam na wig na
ang gamit ng dalaga dahil iilang hibla na
lang ang natira sa buhok nito. Nangingitim
na rin ang gilid ng mga mata. Lagi rin itong
nasusuka. Minsan, gusto na niyang sumuko
pero laging nandiyan si Kevin para sa kaniya.
"Dahil daw iyon sa gamot na ginagamit sa
chemo. Pinapatay nito ang cancer cells at
nadadamay ang lahat ng cells sa katawan
pati na ang hair cells kaya nalalagas,"
nakaramdam siya ng pagkahilo kaya
napahawak sa noo.
"Ella, okey ka lang?" natarantang tanong ni
Maris nang sumuka ito sa harapan nila at
may kasama pang dugo.
"Shit! Ano'ng number ni sir?" Tanong ni
Vince.
"Ayan, pakitingnan na lang sa call register."
Sabay abot ni Maris sa cellphone kay Vince.
Ibinigay ni Kevin ang number nito para
sakaling may emergency o may masamang
mangyari kay Ella.
"M-medyo nahihilo, ako." Mahinang sambit
ni Ella. Biglang nandilim ang paningin niya at
wala na siyang makita.
"ELLA!" Sigaw ni Maris nang inalalayan ang
katawan nito na parang kandilang pa unti-
unting nauupos.
"Shit! Sabihin kausapin mo si Kevin," ibinigay
ng binata ang cellphone at mabilis na
binuhat ang walang malay na katawan ni
Ella. Hindi pa kasi sinasagot ni Kevin ang
tawag.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon