DESTINY'S GAME
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 3
"Mabuti naman dahil naisipan mong umuwi," napasimangot si Ella nang pagpasok niya ay nakaupo si Kevin sa sala habang nanonood ng tv.
"Hindi na sana, e." Bitbit ang bag ay dumiretso siya sa kwarto. Noonng naglayas siya ay iilan lang ang gamit na dala nito dahil sa pagmamadali.
"Ella naman, ba't ba tumitigas na ang ulo mo?" sinundan siya ng binata sa kwarto.
"Dahil wala ka nang bumakambibig kundi may gusto ako kay Skyler. Ganito ako kay Skyler. Mahal ko si Kyler. Sumama na lang ako kay Kyler!" Singhal ng dalaga na ikinatahimik ng binata.
"Nakakasawa na, Kevin! Tapos, kapag sumama ako sa kanila, sasabihin ninyong naninira ako ng relasyon?" Konti na lang ay tutulo na ang mga luha ng dalaga. Mahal niya ang kambal at mahal din niya si Kevin pero sa tuwing lalapit siya sa dalawa ay binibiyan ng kahulugan ng iba.
"Ella," sambit ng binata. Hindi niya alam ang sasabihin dahil tama naman ito.
"Pagod ako. Kailangan kong matulog. Ipagluto na lang kita mamaya, maaga pa naman." Hinayaan na lang ni Kevin na pagsarhan siya ng pinto. Bakas kasi sa mukha nito ang sobrang pagod.
Nakailang oras na ang tulog ni Ella. Hindi niya napansing mag-aalas diyes na ng gabi nang tingnan ang cellphone nito.
Bumangon siya at nagtungo sa banyo para maghilamos.
Pag-open niya ng pinto ay tumayo si Kevin na nakaupo sa sofa.
"Kumain ka na, El." malumanay na sabi ni Kevin habang pinagmamasdan ang mukha ng kakagising lang na dalaga.
"I'm sorry, napasarap ang tulog ko. Hindi na kita naipagluto," paumanhin niya habang naglalakad patungo sa kusina.
"Okey lang, nakapagluto na ako. Let's eat?"
"Hindi ka pa kumakain?"
Napakamot sa batok ang binata. Kanina pa siya nagugutom pero mas hinintay niyang magising si Ella para sabay na silang kumain.
"Sana, nauna ka nang kumain!"
Nagi-guilty siya! Alam niyang mabait si Kevin pero mukhang inaabuso na niya.
"Okey lang, para sabay na tayo." Binuksan niya ang kanin at ulam na nakahanda na sa mesa. Adobong pusit at Alimango.
"Salamat, Kevin." Siya na ang naglagay ng pagkain ng binata sa palto nito.
"Hindi ka na ba galit sa akin?" habang kumakain sila.
"Hindi na! Pasensya na, masama lang talaga ang loob ko kapag sinasabi ninyo na may gusto ako kay Skyler." Noon ay okey pa, pero lahat ng pasensya niya ay may hangganan din.
"Wala ka ba talagang gusto sa kanya?" paninigurado ng binata.
"Wala! Bilang kaibigan lang!" Naiinis na naman na sagot ng dalaga. Wrong timing lang si Kevin dahil may buwanang daloy siya ngayon kaya mainitin ang ulo.
"E, sa akin? Wala ka bang nararamdaman sa akin?" nakayukong wika ng binata na ikinatigil ng dalaga sa pagsubo.
"Bakit? May nararamdaman ka ba para sa akin, Kevin?" tanong ni Ella.
"Paano kung sabihing ko sa 'yong Oo? Mahal kita," kumain na muli si Ella.
"Alam ko na iyan, bilang kapatid at bilang kaibigan." Sanay na siyang ganyan si Kevin.
"Iyan ba ang sa tingin mo?" tanong ng binata.
"Iyan ang sinasabi mo pero iba ang ipinapakita mo," konti na lang ay masisinghalan na naman niya ang binata.
Tumahimik na ito at ipinagpatuloy nila ang pagkain na walang kibuan.
Si Ella na ang nagligpit habang si Kevin ay gumawa ng lesson plan sa sala.
"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ng dalaga nang matapos na sa gawain.
"Hindi pa! Mauna ka na, sa hapon pa ang klase ko," habang nagsusulat at nakatingin sa laptop.
"Sige, goodnight."
Kinaumagahan, maaga pa siyang nagising para ipagluto ang binata bilang pambawi kagabi. Iniwan niya sa ibabaw ng mesa ang nilutong beef steak at pumasok na sa eskwelahan. Hindi niya alam kung anong oras ito natulog kagabi kaya hindi na siya nag-abala pang gisingin si Kevin.
"Ella, sabay na tayo!" Napalingon siya kay Vince. Magkasing-edad lang sila ng binata dahil nagkasakit daw ito noon kaya tumigil sa pag-aaral.
"Kamusta? Absent ka ata kahapon?" tanong niya rito. Close sila kahit na hayagan ang panliligaw ng binata sa kanya.
"Pumunta kani sa Cebu!" Naikwento ng binata na taga-roon ang mother nito.
"Wow! Pasalubong?" biro niya.
"Syempre naman, makalimutan ko ba ang babaeng espesyal sa buhay ko?" saka may kinuha itong maliit na box sa bag.
"Sus," pagbukas niya ay isang pearl na hikaw.
"Wow! Nakakahiya sa 'yo," sabay abot niya pabalik sa binata.
"Ano ka ba? Ang dami ko nang ganyan. Kinuha kasi ng tauhan namin sa dagat. Totoo 'yan," may iilang babae na nakakita sa hawak niya kaya napataas ang kilay ng mga ito.
"Ginagamit lang niya si Vince. Poor talaga!" Mula ulo hanggang paa pa kung tingnan siya ng mga ito.
"Sinabi mo pa!"
"Huwag mo silang intindihin, Ella. Ganyan talaga ang mga taong insecure," nakangiting sabi ng binata habang papasok na sila sa classroom.
"Salamat, Vince. Kaibigan talaga kita," itinago na niya sa bag ang pulang kahita.
"Wala iyon, ikaw pa!" Alam niyang mukhang malabo na maging sila ng dalaga. Mula firstyear pa siya nanliligaw dito pero mukhang wala talaga siyang pag-asa.
Magtatanghali na nang tumunog ang cellphone ni Ella. Mabuti na lang dahil kakatapos lang ng last subject nila. Nakalimutan niyang ilagay sa silent mode ito.
"Hello! Kevin." Mahina niyang sagot dahil baka may makarinig.
"Nasa tambayan ako, punta ka rito, sabay na tayong maglunch." wika nito sa kabilang linya.
"Baka may makakita, 'wag na lang." Tanggi niya.
"Ella naman, andito si Ann."
"Kevin, naman. Kayo na lang. Sige na, bye!" Pinatay na niya ang tawag. Umiiwas na siya dahil minsan ay palagi siyang tinataasan ng kilay ng kambal lalo na ni Yna.
"Sabay na tayong maglunch friend," yaya ni Vince na palabas na.
"Sige, basta sa canteen lang ha." Sagot niya. Nagtitipid kasi siya.
"Sa labas ng school, libre kita."
Wala naman silang pasok sa first subject ngayong hapon kaya naisipan niyang sumama sa binata sa Robinson. Mas pinili nilang magdyip na lang dahil malapit lang naman. Kahit tutol ng binata ay wala rin itong magawa. Sayang daw sa gasolina kapag kotse nito ang gamitin.
"Kapag ikaw ang girlfriend ko ay makakatipid talaga ako."
Pagdating ng alas dos ay bumalik na sila sa school para sa next subject nila.
Papasok na sila sa gate nang makita niyang palabas si Kevin kasama ang iilang estudyante.
"Sir? Saan po kayo pupunta?" malanding tanong ng isang estudyante na mahaba ang buhok hanggang bewang.
"May kukunin lang sa kotse ko, sa labas ko kasi ipinark." Napakunot ang noo niya nang makita si Ella kasama ang kaklase nito.
"Ah, sama sabay po kami sir, sa labas din po kami pupunta." Masayang sabi ng bakla na halatang kinikilig. Nakakulay green na polo shirt si Kevin na bagay dito ang suot dahil medyo hapit sa katawan.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Ella nang magkasalubong ang kanilang mga mata.
"Bilisan mo, Vince, malelate na tayo." Sabay hila sa binata.
"Psh! Ayaw niyang sumabay sa akin pero sa payatot na 'yon, sumama siya!" Bulong ni Kevin.
Pagkatapos ng klase ni Ella ay naisipan niyang tumungo sa canteen.
"Ouch! Kevin ano ba!" Reklamo niya pero tila walang naririnig ang binata. Tuloy-tuloy lang ito sa paghila sa kanya. May iilang nakatingin sa dalawa pero tila walang pakialam ang binata.
Nang maipasok na siya sa tambayan ay isinara nito ang pinto.
"Bakit mo ako dinala rito? Hindi mo ba ako pwedeng kausapin ng matino? Basta-basta ka na lang manghila?" singhal ni Ella.
"Kung kausapin ba kita ng matino, papayag ka? Hindi naman 'di ba?" galit din na sagot ni Kevin.
"Pwede naman tayong mag-usap sa bahay, a." Pabagsak na naupo siya sa couch. Ang binata naman ay nakatayo lang sa kanyang harapan.
"Bakit ka ba sama ng sama sa payatot na iyon?" mataas na ang boses nito.
"Wala kaming pasok at magkaibigan kami!" Nakasalubong na ang kilay ng dalaga. Sasabog na rin ang dibdib nito sa sobrang inis.
"Ikaw nga na halos lahat ng estudyante ay halos makipaglandian ka! Hindi naman ako nagrereklamo, a."
"Teacher ako! Alangan naman hindi ko sila pansinin! Teka lang, nagseselos ka ba?"
"Oo! Nagseselos ako!" diretsahang pahayag ng dalaga.
"Ba't ka maseselos?" nagtatakang tanong ng binata.
"Pakialam mo? Itanong mo sa sarili mo kung bakit?" tumayo siya para lumabas pero napigilan ito ni Kevin sa braso.
"Dahil mahal mo ako, Ella?" nakangising tanong ng binata na ikinapula ng mukha ng dalaga.
"Wala ka na do'n!" singhal niya para pagtakpan ang kahihiyan.
"Ako kasi, naseselos na ako kay Vince. Naiinis ako kapag kasama mo siya palagi. Naiirita ako kapag mas inuuna mo pa siya kesa sa akin,"
"Dahil mahal mo ako? Dahil kaibigan mo ako, tama?" sarcastic na sagot ng dalaga.
"Yes! dahil mahal kita, pero hindi bilang kaibigan. Mahal kita, Ella noon pa. Mahal kita hindi bilang isang kaibigan lang!" Wala na siyang pakialam. Masyado pang bata si Ella pero handa siyang mag-risk para sa dalaga. Hindi niya kayang maghintay ng matagal.
"U-ulitin mo ang sinabi mo, Kevin." nauutal na sabi ng dalaga.
"Mahal kita, mahal na mahal kita, Ella. Alam kong hindi ka pa handa pero ano'ng magagawa ko? Hindi ko na kaya!" Desperadong sagot niya saka niyakap ang dalaga.
"Nasabi mo rin," nakangiting usal ni Ella. Matagal na niyang alam ang nararamdaman ni Kevin pero mahirap mag-assume sa part niya dahil ayaw niyang umasa. Isa pa, naba-bother siya noon sa nararamdaman kay Skyler.
"K-kung mahal mo ako, patunayan mo ." Hamon niya kay Kevin.
Kumalas ang binata saka tinitigan siya sa mga mata. Puno ng pagmamahal at may kislap na sumilay sa mga mata nito.
"Matagal ko nang napatunayan 'di ba?" tumaas ang kilay ni Ella. Alam naman niya ang bagay na iyon.
"Okey!"
Nagulat siya nang hinapit siya sa bewang ni Kevin at walang pakundangang siniil ng mga halik sa labi.
Nanlaki ang kanyang mga mata. Kay Skyler na mga labi ang unang naglapat sa kanya pero noong nalunod siya at tulog siya noon kaya hindi niya matatawag na iyon ang first kiss niya.
Mabilis ang pagtibok ng kanyang puso nang maramdaman ang mainit at malambot na mga labi ng binata. Gusto niyang itulak ito pero hindi niya magawa. Ando'n ang pag-iingat sa paghalik nito. Kahit ang mga tuhod ng dalaga ay sobrang nanghihina at nanlalambot sa halik ni Kevin.
Pakiramdam niya ay may kuryente na dumadaloy sa parehong katawan nila. Mas hinapit siya ng binata nang kusang gumalaw ang kanyang mga labi at sinasabayan ang kilos ng dila ng binata nang makapasok na ito sa kanya.
"Uhmm," ungol niya at napayakap sa leeg ng binata. Bahagya niyang inilapit ang katawan sa mainit na katawan nito. Bago sa kanya ang pakiramdam at sobrang nagustuhan niya. Ngayon lang nila ito ginawa at aaminin niya, nakakaadik ang matamis at mapupulang mga labi ng binata.
"Ella, I love you, Sweetheart." Nang kumalas ang binata at pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang maamong mukha.
"Mahal din kita, Kevin." Pag-amin niya habang nakayapos pa rin sila sa isa't-isa.
"Thank you," maluha-luhang sabi ni Kevin saka mariin na hinalikan siya muli sa mga labi. This time, mas mapusok at mapang-arok pero natigil nang may kumatok sa pinto.
"Marami pa tayong time, Sweetheart." Nakangiting sabi ni Ella nang umungol ang binata bilang pagtanggi nang humiwalay ang kanilang mga labi.A/N:
THE END!
Charot! Mahahaba-haba pang kwento!