1

1.7K 37 3
                                    



Hi.  Kung mapapansin ninyo, iba ang format kasi copypaste na po ito from Facebook kaya hindi siya maayos yung spacing... gawa nga nang nareport.

DESTINY GAME

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1

A/N:
This story ay hindi edited. Ahmmmm...
Straight to the point: walang space after
punctuations and mali pa ang paglagay ng
punctuations. Mali ang tamang paggamit
ng: nang at ng. Nag-uumpisa pa lang akong
magsulat. Aayusin ko ito. Just give me time.
Mga 2020. Hehehe. Seryoso ako. Ang dami
ko na kasing nagawa kaya nahihirapan ma
akong mag-edit. Capitalization, small letter ang noun etc.


"Kamusta ang klase?" habang kumakain
silang dalawa. Ilang taon na silang
nagsasama sa unit ni Kevin kaya masasabing
kampante na ang dalawa sa isa't-isa.
"Okey lang," bahagyang napasulyap ang
dalaga kay Kevin habang umiinom ng tubig.
Gusto niya sanang magluto pero may dala
na itong pagkain kaya bukas nalang.
"Binubully ka pa rin ba nila?" tanong ni
Kevin. Madalas niyang napapansin na may
iilang kaklase itong pinagtatawanan ang
dalaga. Hindi naman niya kayang
ipagtanggol dahil bawal makialam ang guro
sa personal na buhay ng estudyante. Isa pa,
hindi alam ng lahat na sa iisang unit lang sila
ng dalaga nakatira. Hanggang ngayon ay
sikreto pa rin ang tungkol sa kanilang
pagsasama. Tanging ang magbarkad lang
ang nakakaalam tungkol sa kanilang
pagsasama.
"Hindi na. Sanay naman ako e." Kinuha niya
ang bandihadong may kanin at nilagyan ang
plato niya.
"Gusto mo, Kev?"
"No, busog na 'ko. Kumain ka ng marami,
ang payat mo na." Napapansin niyang
nangangayat na ang katawan nito dahil sa
on and off na sakit.
"Ganito talaga kapag sexy," biro niya.
Masyadong health conscious kasi ang binata
pagdating sa kanya.
"Tsss, bukas pala, maaga ka pang gumising
ha. May pupuntahan tayo," sabi ng binata.
"Okey, dadalawin mo na naman ba siya?"
tanong ni Ella.
"Yupz, alam mo namang importante siya sa
akin." Sagot ni Kevin.
"Okey," matapos nilang magdinner ay si Ella
na ang nagligpit ng pinagkainan nila.
Nauna na siyang natulog dahil pagod siya sa
kanilang ginawa sa P.E. Secondyear college
na siya sa Westbridge University na
pinagtuturuan ni Kevin. Naabutan pa nga
niya si Ann. Si Yna naman ay nasa fourthyear
college na dahil tumigil ito sa pag-aaral
noong nabuntis ito.
Hindi pa rin niya maiwasan na taasan siya ng
kilay ni Yna dahil sa nangyari noon pero
minsan friends din sila.
Kakapasok lang ni Kevin nitong first sem
dahil malakas ang kapit sa may-ari ng
paaralan. Isang psychology teacher at
nagtuturo rin sa P.E. Dating varsity ng
basketball at swimming ang binata kaya
madali lang sa kanya ang P.E.
Si Kevin ay busy sa paggawa ng lesson plan
sa labas. Napasulyap siya sa kwarto ng
dalaga. Patay na ang ilaw nito. Halata
namang pagod na pagod ang dalaga nang
dumating dahil exercise ang pinagawa niya
sa mga ito kanina.
Napabuntong hininga siya. Bata palang sila
noon ay mahal na niya ang dalaga. Mahal
niya hindi bilang kapatid o kaibigan. Alam
niyang higit pa roon ang nararamdaman niya
pero natatakot siyang aminin dahil baka
mag-iba ang pagtingin nito sa kanya.
Kinabukasan, maaga pa silang nag-almusal
at tumungo sa sementeryo pero bago iyan
ay dumaan muna sila sa libertad para bumili
ng dalawang bulaklak.
Pagdating nila sa sementeryo ay dumiretso
muna sila sa kanyang ina.
"Siguro, masaya ang mommy mo ngayon."
Napatingin siya sa dalaga na nakatingin sa
lapida.
"Paano mo nasabi?" habang sinisindihan ni
Kevin ang kandila.
"Mabait ka kasing bata," nakangiting tugon
ni Ella. Wala siyang masabi sa pag-uugali
nito. Hindi ito ang tipo ng lalaking
basagolero katulad ng mga kapatid.
"Psh! Gwapo pa," napataas ang kilay ng
dalaga. Kunwari ay hindi siya naniniwala rito.
"Mabuti nalang dahil hindi inilihim ng
mommy Sunshine mo ang tungkol sa tunay
mong pagkatao," natigilan si Kevin. Sa totoo
lang, may mga times na nahihiya na siya sa
mag-asawa pero hindi naman nila
ipinaramdam na iba siya. Kung ano ang
meron ang kambal ay meron din siya.
"Mabait sila, at napakaswerte ko dahil sila
ang umampon sa akin." Seryosong sabi niya.
Maliban sa mabait ay mapagmahal pa ang
mga ito kaya malaki ang pasasalamat niya sa
Panginoon.
"Wala ka bang balita sa father mo? I mean
wala ka bang balak na hanapin siya?" tanong
ni Ella.
"Hayaan mo na siya. Kung babalik siya, edi
bumalik. Hindi rin naman niya ata alam na
may anak siya rito sa Pinas, e." Napatingin si
Ella sa kanya. Kahit hindi man nito sabihin ay
alam niyang sa kaibuturan ng puso nito ay
nais nito makilala ang tunay na ama.
Malungkot na sumindi rin siya ng kandila.
"Let's go?" Inilahad ni kevin ang kamay niya.
"Pwede ba tayong dumaan sa puntod ng
nanay ko?" tanong ng dalaga. Ilang buwan
na rin nang huli niyang dinalaw ang kanyang
ina.
"Sige," sumakay sila muli para pumunta
North cemetery. Doon kasi nakalibing ang
nanay ni Ella.
Pareho lang sila na wala nang mga magulang
pero ang pagkakaiba, buhay pa ang ama ni
Kevin pero hindi lang nito nakikita.
Pagkatapos nilang magsindi ng kandila na
binili nila sa labas bago pumasok ay naisipan
nilang dumaan muna sa pinakamalapit na
fastfood.
Pagpasok nila ay si Kevin na ang pumila at
sa pinakadulong bakante na mesa naman
pumwesto ang dalaga.
May iilang costumer naman na nakatingin sa
kanila lalo na ang mga kababaihan.
"Kumain ka ng marami. Lagi ka nalang
kasing sakitin,"
"Opo, kuya." Natatawa niyang sabi na
ikinatahimik ng binata. Medyo masakit sa
kanya ang mga banat ni Ella.
'Ayoko ng kuya, Ella." Tumigil ang dalaga sa
pagngiti nang mapansin na seryoso si Kevin.
Katahimikan ang namayani sa kanila habang
kumakain. Hindi rin alam ng dalaga kung
paano iapproach ito dahil nakasalubong ang
mga kilay habang kumakain.
Napatingin siya sa cellphone nang biglang
tumunog. Napangiti siya nang makitang si
Skyler ang caller.
"Hello. Napatawag ka Skyler?" Nakangiti
niyang bati habang ang isang kamay ay
nilalaro ang carbonara gamit ang tinidor.
Si Kevin ay tahimik na nakikinig lang at
nakatingin sa masayang mukha ng dalaga.
"Talaga? Kailan kayo uuwi? Pasalubong
namin ni Kevin ha," nasa Europe ang mag-
asawang Skyler at Kim na nagcecelebrate ng
wedding anniversary.
"Kahit ano, basta galing sa puso."
Napahigpit ang hawak ni Kevin sa kutsara.
Nang hindi matiis ay nilagok niya ang isang
basong puno ng coke. Mula noon ay
nagseselos siya kay Skyler.
Sa kanilang tatlo ay mas close si Ella kay
Skyler kesa sa kanya. Matagal nang naisip ni
Kevin na may lihim itong pagtingin sa
kapatid mula pa noong bata sila.
"Sige, bye. Ingat kayo ng mga bata ha,"
genuine ang mga ngiti nito na mas
ikinadurog ng kanyang puso.
"Kevin, tayo ang susundo kina Skyler ha. Sa
Monday na raw sila uuwi ni Kim," masayang
wika ng dalaga.
"Tapatin mo nga ako Ella. Mahal mo ba si
Skyler? Hanggang ngayon ay umaasa ka pa
rin ba sa kanya?" hindi na niya kayang
pigilan ang sarili. Mabuti nalang dahil iilan
lang silang costumer at malayo pa ang table
na may tao.
"A-ano ba ang pinagsasabi mo Kevin?"
nagtatakang tanong ni Ella dahil wala siyang
alam sa sinasabi ng binata.
"Mahal mo Skyler, hindi bilang kaibigan
lang, higit pa roon diba?"
"Pinagsasabi mo? Ganoon na ba kababa ang
tingin mo sa akin? Oo, mahal ko si Skyler
pero hanggang kaibigan lang. Wala akong
balak na sirain ang pamilya nila dahil hindi
ako ganoon," nagsibagsakan na ang mga
luha niya na ikinatigil ng binata.
"I-i'm sorry, hindi ko sinasadya Ella. N-
nadala lang ako," nataranta niyang sabi pero
tumayo ang dalaga at pinahidan ang mga
luha.
"Wala akong magagawa kung ganyan ang
iniisip mo sa 'kin. Alam ko namang malaki
ang utang na loob ko sainyong magkapatid
lalo na sa 'yo. K-kung nakakasagabal ako
sainyo, aalis nalang ako. Huwag kang mag-
alala, babayaran kita kapag kaya ko na,"
dali-dali siyang naglakad palabas.
"Ella, hindi iyon ang ibig kong sabihin."
Habol ni Kevin subalit mabilis na nakasakay
na ito sa taxi na nakaparada sa labas ng fastfood.

Destinys GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon