chapter 7

374 12 1
                                    

Gumagala ang paningin ni Barry sa loob ng bahay-kubo nina Czarina. Hindi siya makapaniwala na may ganito palang bahay. Gawa ito sa lumber at ang sahig ay gawa sa kawayan. Kasing laki lang rin ito ng k‘warto niya. Dumako ang pansin niya sa bata na nasa gilid niya na kanina pa titig na titig sa kaniya habang nakangiti. Kasunod sa mga magulang ni Czarina na nasa harapan. May masamang tingin ito sa kaniya.

Kahit ang kanilang kinauupuan hindi nakaligtas sa paningin ni Barry. Gawa lang rin ito sa kawayan. Dumako ang paningin niya kay Czarina nakaupo sa tabi niya. Nakayuko ito na parang ayaw nitong harapin ang mga magulang nito.

“What your name?” nakapamaywang na tanong ng ina ni Czarina sa binata. “Lolita is my name.”

Tumikhim si Barry para mawala ang kaba niya. “Barry Bianchi, Auntie. You can call me Barry.”

“Oh... you can call me tita Lolita.” Tinuro ni Lolita ang nasa tabi niya. “This one my husband, father of Czarina. Call him tito Rosalindo.”

“Are you like my daughter?” usisa ni Rosalino sa binata. “Do you know tuba? You buy me tuba before you can marry my daughter.”

Siniko ni Lolita ang asawa sa tagiliran. Pinagdilatan niya ito para suwayin. Natahimik rin naman ito. Hindi na ito muling nagsalita.

“Tay, nay, amo ko po siya, si sir Barry.” pagpakilala ni Czarina. Tinuro niya ang driver na nasa likuran nila. “Driver rin po siya ni sir Barry.”

“Tawagin n‘yo lang po akong al in short ng Alfonso,” pagpapakilala ng driver. Tumango naman ang mag-asawa.

Dumako ang attention ni Czarina sa kapatid niya na kanina pa niya napansin na nakatingin kay Barry. “Lilith tumigil ka sa kakatingin sa kaniya.”

Dumako ang attention ni Lilith sa ate niya. “Kasi ate ang g‘wapo niya. Jowa mo siya ate Czarina?”

Napatingin si Czarina sa binata. Nagkatagpo ang kanilang mga paningin. Siya rin ang unang lumihis ang paningin saka sinagot ang nag-iisang kapatid. “Hindi! At tyaka ang bata-bata mo pa para masasabi mong ang gwapo niya. Mag-aanim na taong gulang ka palang ah.”

Sumimangot si Lilith. Yumuko ito saka umalis roon. Lumabas ito ng bahay. Nagkatinginan naman ulit sina Barry at Czarina. Pilit na ngiti ang pinakawalan ng binata. Nagtaas lang ng kilay si Czarina saka lumihis ng tingin. Nabigla na lamang ito nang hinila siya ng ina palapit dito.

“Bakit po, nay?” tanong ni Czarina sa ina niya.

“Talaga bang amo mo lang ‘yang apam na iyan?” pabulong na tanong ni Lolita, sumulyap pa ito sa tinutukoy niyang si Barry. “Sabihin mo sa akin ang totoo Czarina. May namamagitan ba sa inyong dalawa?”

Agad na umiling-iling si Czarina. “Wala nay,” sagot nito. Natigil siya sa kakailing nang maalala niya na may gusto sa kaniya ang amo niya. At nakita na niya itong walang saplot ang buong katawan. “T-tama, w-wala pong namamagitan sa amin,” nagdadalawang-isip niyang sabi.

“Anak kita kaya alam kung nagsisinungaling ka.” Dinuro ni Lolita ang mukha ng anak. “Isinuko mo na ba ang bataan?”

Naiilang na si Czarina sa tanong ng ina. Hindi maipinta ang mukha niya na nakatingin dito. “Hindi pa nay!” agad niyang sagot. Napakagat na lamang siya sa kaniyang babang labi nang ma-realize niya ang kaniyang sinabi.

“Hindi pa. Talaga? Ayos-ayusin mo ‘yang hindi mo pa hah!”

Yumuko si Czarina. “Wala po. Hindi yun mangyayari. Hindi ako papatol sa afam. Baka sabihin ng pamilya niya pera lang habol ko sa kaniya.”

Muli sanang tatabi si Czarina sa pag-upo kay Barry nang hinala siya ng ina pabalik sa tabi nito. Nabulabog sila nang may marinig silang sumisigaw sa labas ng bahay. Sa boses pa lamang nito, kilalang-kilala kung sino ang bagong dating. Maliban na lamang sa mga kasama ni Czarina mula Maynila.

“Ang ninang Silya mo. Nakita yata ang pagdating n‘yo,” ani Lolita na kaharap ang anak na si Czarina. “Dito lang kayo, ako na ang lalabas.” Umalis na siya sa harapan ng mga kausap. At hinarap ang kumari niyang dadalaw lamang sa kanila kung may masasagap na chismis.

“Kumare... Nakita ko ang inaanak ko may kasamang Afam,” Entro nito nang magkaharap na sila. “Aba... mukhang ang yaman. May kotse pa at ang g‘wapo. Baka naman paambon ng grasya, mareee...”

Tinapik ni Lolita ang balikat ng kumare niya. “Naku mare, amo ‘yun ng inaanak mo. Naghahanap yata ng mabibiling lupa sa probinsya kaya sumama kay Czarina,” pagdadahilan niya.

“Ganun ba, mare... Hindi pala siya nobyo ng inaanak ko!” Nanlaki pa ang mga mata nito na parang nabigla. Pero sa pangingilos ng katawan halata naman na hindi ito nabigla. Inilapit nito ang bibig sa tainga ni Lolita. “Baka naman mare ireto mo ang anak ko. Sigurado akong magustuhan nun ang anak ko. Mas maganda pa ‘yon kay Czarina,” pabulong nitong sabi.

Mapakla na ngumiti s Lolita. “Sige mare, sasabihin. Mamaya na ulit tayo mag-usap, kailangan kong magluto para sa bisita namin.” Sininyasan niya ang kausap na umalis na. Kumindat pa ito na nagpapahiwatig sa naging usapan nila saka lumisan roon. Napabuntonghininga na lamang siya saka muling pumasok ng bahay. Wala ng tao sa sala slash kainan nila kung saan sila nang-usap-usap kanina. Dumaan si Lilith sa gilid niya. “Nasaan ang ate mo, Lilith?”

Huminto si Lilith at humarap sa ina. “Nasa k‘warto namin po. Kasama niya si kuya Barry.”

Daling nagtungo si Lolita sa k‘wartong sinasabi ng anak. Dalawang kawarto lamang ang naruruon sa bahay nila, ang isa sa kanilang mag-asawa at ang isa sa magkapatid. Magkatabi lamang ang mga kwartong ito.

Nakaupo si Barry sa sahig, nasa gilig siya ng dingding habang nakatingin kay Czarina na naglilinis ng k‘warto. Nakasunod lamang ang kaniyang mga mata sa mga galaw nito. Napatayo siya nang pumasok roon ang ina ng dalaga.

“Sa kwarto ka namin matutulog,” ani Lolita sa anak. Humarap siya kay Barry. “You stay here with your driver.”

“Yes auntie Lolita.” sagot ni Barry.

Ibinalik ni Lolita ang paningin sa anak. “Bilisan mo d‘yan. Lumabas kana agad dito.” Lumabas na siya ng kwarto.

“When will we go back to Manila?” biglang tanong ni Barry.

“I stay here one week,” sagot ni Czarina. Abala pa rin ito sa paglilinis. “Why? You want now? You free to go back to Maynila.”

Lumapit si Barry sa dalaga. “No. I'll stay here too. “Wherever you are, I should be there.”

Nagkibitbalikat lamang si Czarina saka pinagpatuloy ang ginagawa. Tumalikod siya kay Barry nang hindi niya napigilan na mapangiti. Napailing-iling na lamang siya nang maisip niyang ang weird ng nararamdaman niya.

Matapos maglinis si Czarina iniwan niya muna si Barry sa loob ng kwarto para puntahan si manong Alfonso sa likod bahay. Dala-dala parin nito ang maleta ng amo nila at alam rin niya na pagod ito kaya papahingahin n‘ya ito sa k‘warto. Kasama nito ang ama niya kaya sigurado siyang pinapainom nito ngayon ng lambanog. Tama Ang tansya niya. Naabutan niya ang dalawa doon nakaupo sa upuang gawa sa kawayan kaharap ang isang gallon ng lambanog na nakalapag sa mesang gawa rin sa kawayan.

“Ang maganda kong anak!” sigaw ni Rosalino. Tinuro niya si Czarina na papalapit sa kinaruruonan nila. “Ang aahon sa kahirapan namin!”

“Tumigil ka, tay. Nakakahiya ka,” saway ni Czarina sa ama nang nasa malapit na siya nito.  Ipinukol niya ang pansin kay manong Alfonso. “Manong pwede ka na pong pumasok sa kwarto para makapagpahinga.”

“Sige Ms. Czarina.” Tumayo si Alfonso at sabay silang pumasok sa bahay. Nagdadalawang-isip siya na mag-stay sa loob ng kwarto nang malaman niyang kasalo niya ang amo. “Baka sa labas nalang ako magpapahinga, Ms. Czarina. Sa sala n‘yo nalang ako.”

“do‘n kasi tayo kakain maya-maya pagkatapos magluto ni nay,” ani Czarina.

“Stay here, Alfonso. It's okay to me,” sabat ni Barry sa usapan. Nakaupo na ulit ito sa inupuan niya kanina.

“Are you sure, Mr. Barry?” paninigurado ni Alfonso.

“Yes, of course. We can share room. I understand our situation,” he said.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon