chapter 15

310 10 0
                                    

“Good morning,” bati ni Alfonso na kakauwi lamang. Naabutan niya ang amo na kayakap si Czarina. Mukhang masaya ito. “What‘s happening, Mr. Barry?”

Napabitaw si Barry sa pagyakap sa dalaga. Nilapitan niya si Alfonso at kinalog niya ito sa balikat sa subrang saya. “We‘re getting married, Alfonso!”

“Finally, mr. Barry, Lahat ng ginawa mo nagbunga rin!” sabi nito sa kasiyahan. Para na lamang siyang naging yelo sa kinatatayuan nang ma-realize ang sinabi. “Pasok lang ako sa kwarto,” dagdag nito habang tinuturo ang kwarto kung saan sila tumutuloy ng amo niya. Nasa kay Czarina ang kanyang paningin. Iniwan niya ang dalawa roon.

Walang expression na makikita sa mukha ni Czarina habang nakatitig kay Barry. Nakakunotnoo naman ang lalaki sa kanya na parang nagtataka. Magsasalita na sana siya nang maunahan siya nito.

“Why you look at me like that?” tanong ni Barry. “What Alfonso told you?”

“Tell me the truth, Barry... you done something to make me closer to you?” walang paligoy-ligoy na tanong ni Czarina. Iyon ang naging dating sa kanya, tungkol sa sinabi ni Alfonso.

Namutla si Barry sa naging tanong ni Czarina. Wala siyang balak na magsinungaling dito pero para sa kanya, hindi pa sana ito ang tamang oras. Pero wala na siyang magagawa. He needs to tell the truth. Mukhang binuking na rin siya ni Alfonso.

“Why you didn't speaking!? Tell me the truth, Mr. Bianchi!” galit na singhal ni Czarina. Narinig siya ng kanyang mga magulang kaya lumabas ang mga ito sa kwarto. “You playing me! How dare you!” dagdag na singhal nito sabay sampal sa kaharap.

Inawat ni Lolita ang anak. Hindi niya alam kung anong nangyayari, bakit galit ang anak niya.

Kung gaano kasaya si Barry nang pumayag si Czarina na pakasalan siya, ganoon din ang kalungkutan na makikita sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang dalaga sa kamay. He wanted to speak but there is no words came from his mouth.

“Why you can't talk?! I'm asking you!” nanggagalaiti na si Czarina sa galit.

“I-im sorry,” utal na entro ni Barry. Yumuko siya saka muling nagsalita. “D-during our second encounter, men were chasing you. That was my plan. I hired men to scare you.” Natahimik siya. Para siyang nawalan ng lakas-loob para ipagpatuloy ang gusto pa niyang sabihin. Nang itinaas niya ang kanyang paningin kay Czarina at nakitang nanubig ang mga mata nito saka lamang siya nagkaroon ng panibagong lakas ng loob para ipagpatuloy ang sasabihin. “But that's it. Just to scare you. I don't have plans to hurt you. I just did to get closer to you. I like you so much, Czarina.”

Hindi nakapagsalita si Czarina sa mga sinabi ng kaharap. Hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ni Barry sa kanya. Para lamang siyang pinaglaruan nito. Hindi niya napigilan ang mga luha niya na kanina pa gustong kumawala.

Barry quickly wiped the tears off Czarina's cheeks using his palms. He didn't care if she slapped him again. He didn't want to see her crying because of him.

“Bumalik kana kung saan ka galing, Mr. Bianchi,” malumanay na sabi ni Czarina na kinakunotnoo ni Barry. Halatang hindi siya into naintindihan. “I said, go back to your country or wherever you came from! Pinaglaruan mo ako! Ginawa mo akong tanga! Anong klaseng tao ka!?” Hindi na niya kayang maging kalmado. Sa ginawa ng lalaki sa kanya deserve niyang magalit dito ng husto.

Akmang yayakapin sana ni Barry ang dalaga pero tinulak siya nito. Pero pinagsiksikan pa rin siya ang kanyang sarili hanggang sa nagtagumpay siya. Yakap-yakap niya si Czarina habang pinipilit pa rin nitong makawala sa kanya.

“Bitiwan mo ako, Barry!” umiiyak na singhal ni Czarina. “I hate you! You just playing me!”

“I‘m sorry. Forgive me, please...” Yakap niya ito ng mahigpit. “Let me show you how genuine my feelings are for you.”

Hindi nanlaban pa si Czarina. Kahit anong gawin niya naman para pakawalan siya ni Barry, hindi siya nito bibitawan. Hinayaan na lamang siya na yakap siya nito. Pero hinding-hindi niya hahayaan na mahulog siya sa mga salita nito. Para sa kanya, sapat na ang nagawa nito para makita ang tunay nitong ugali.

“Please, please... Forgive me,” he begged. “I‘ll promise not to hurt you anymore. Just give me one chance, Czarina.”

“I don't know if I can trust you again, Barry.” Naguguluhan si Czarina. Sinasabi ng puso niya na naniniwala ito sa lalaki. Wala itong balak na saktan siya, at hindi siya nito sasaktan. Pero kabaliktaran naman ang nasa sinasabi ng isip niya. “Hindi ko alam kung mahal mo ba talaga ako o pinaglalaruan mo lang.”

Walang plano si Barry na bitiwan ang dalaga hanggat hindi siya nito napapatawad. Hindi siya papayag na sasapit ang tanghalian na galit pa rin ito sa kanya.

“Mr. Bianchi, please... let me go.” walang buhay na pakiusap ni Czarina.

Napailing-iling si Barry, pahiwatig na hindi niya gagawin ang gusto ng kayakap. “I‘m sorry but I won't.”

“Give me space to think about the chance that you want for us.”

Nang marinig ni Barry ang sinabing iyon ni Czarina, dahan-dahan niya itong pinakawalan. Mula sa pagkayuko, dahan-dahan niyang tiningnan ang mukha ng kaharap. Sinuri niya kung anong reaksyon nito. At nang makita Ang Galit sa mga mata nito, napayuko siyang muli.
He can't bear to see her face filled with anger towards him.

Tumalikod si Czarina sa binata at pumasok sa kwarto ng mga magulang. Umupo siya sa isang sulok ng kanyang kinaruruonan. Gusto niyang umiyak nang umiyak para mailabas ang sakit at galit sa puso niya. Pero hindi niya ito magawa dahil pumasok rin ang kanyang mga magulang roon. Hindi niya kayang umiyak sa harapan ng mga ito dahil lamang sa isang lalaki.

Napalingon si Alfonso sa dereksyon ng pintuan nang bumukas ito. Dali niyang nilapitan Ang amo niyang kakapasok pa lamang. “Mr. Bianchi, I'm sorry for not being careful earlier. I even mentioned what you were hiding. I had no intention of causing trouble between you and Ms. Czarina. I just really wasn't careful.” Paghingi ng tawad niya habang kaharap ang amo.

“It's okay, Alfonso,” tipid na sagot nito.

Alam ni Alfonso na galit sa kanya ang amo niya. Nilagpasan siya nito at umupo sa gilid ng kwarto, sa tapat ng maleta. Hindi na lamang siya muling nagsalita. Lumabas siya ng kwarto at dumeretso sa isa pangkwarto. Kumatok siya roon. Pinagbuksan naman agad siya ni Lolita na nakakunotnoo habang may matutulis na titig sa kanya.

“Anong kailangan mo? Magpapaalam na ba kayong umalis?” galit na tanong ni Lolita.

“Pwede bang makausap ko si ms. Czarina, Lolita?” balik tanong ni Alfonso. “Ako ang dahilan kung bakit siya galit kay Barry kaya dapat ko itong ayusin. Pakisabi naman sa kanya na hihintayin ko siya sa likod bahay. May sasabihin ako sa kanya.”

Tumango si Lolita at walang sabi-sabing isinira ang pintuan. Lumapit siya sa anak niya na nasa sulok ng kwarto, nagmumukmok. Umupo siya sa harapan nito. “Gusto ka daw makausap ni Alfonso. Meron daw siyang importanting sasabihin sayo.” Tumikhim muna siya bago pinagpatuloy ang sasabihin. “Makinig ka muna sa kanya bago ka magdesisyon para sa inyong dalawa ni Barry. Sa nakikita ko, mukhang mahal na mahal ka naman ng apam na iyon,” sabi niya bago tumayo at lumipat sa pwesto ng asawa niyang nakahiga sa sahig.

Walang balak si Czarina na puntahan si Alfonso sa likod bahay tulad ng sinabi ng ina niya. Hindi niya hahayaan na paglaruan ulit ni Barry ang damdamin niya. Sigurado siya na inutisan nito si Alfonso para kausapin siya.

Sa curiosity, biglang tumayo siya sa kinatatayuan. Parang may sariling buhay ang mga paa niya at naglakad ito papunta sa likod bahay kung saan naghihintay sa kanya si Alfonso. Pagdating niya doon, naroon na ito at mukhang hinihintay nga siya. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa harapan nito.

Nakatayo si Czarina nang matuwid habang kaharap si Alfonso. “Ano bang gusto mong sabihin, mang Alfonso?” tanong niya. “Sabihin mo na po. May trangkaso ako. Kailanan ko ng pahinga.”

Nagsimulang magsalita si Alfonso. Habang nakikinig si Czarina dito, hindi siya makapaniwala na magagawa ni Barry ang mga iyon para sa kanya. Dahil sa pagmamahal nito sa kanya.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon