"Huwag mo na akong kukunin mama lunch, dito nalang ako kakain sa cafeteria," bilin ni Czarina sa kanyang asawa. Nasa loob sila ng sasakyan.
"I can still come here in lunch time and accompany you at the restaurant you want to eat," Barry suggested.
"It's okay, tapusin mo na lamang ang works mo." Humalik siya sa lips ng asawa saka siya lumabas ng kotse. Ngumiti pa siya sa asawa saka tumalikod at pumasok sa paaralan.
Mula nang umuwi si Barry, napapansin niyang palaging malungkot at may malalim na iniisip si Czarina. Kapagtinatanong niya, sinasagot lamang siya nito ng 'ayos lang'. Kahit alam niya na may tinatago ang asawa, nirerespeto parin niya ang desisyon nitong hindi magtapat sa kanya.
He trust his wife. At alam niyang mahal siya nito.
Sinundan niya ng tingin si Czarina. Nang tuluyan na itong makapasok, pinaandar na niya ulit ang sasakyan at umalis doon.
Binantayan lamang ni Czarina na umalis ang sasakyan ni Barry. At nang makita na wala na ito sa pinarkingan, lumabas siya ulit. Nakita niya si Aileen doon; lumapit siya dito.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Aileen. "Nag-message ka sa akin kanina na hindi tayo papasok... Ano ba ang gagawin natin dito sa labas?"
"Basta samahan mo na lamang ako," sagot ni Czarina habang hinihila niya ang kaibigan papunta sa gilid ng kalsada. Pumara siya dito ng taxi na masasakyan. May huminto sa kanilang harapan at sumakay sila dito.
"Saan tayo, ma'am?" tanong ng driver.
"Sa Emergency hospital," sagot ni Czarina dito.
"Anong gagawin natin do'n, Czar?" nakakunotnoo na tanong ni Aileen.
"May kukunin lang akong result. Samahan mo ako hah... Kahit sa lobby ka nalang maghintay sa akin," sagot nito.
"Wala na akong magagawa nga eh. Nandito na tayo sa loob ng taxi," naiinis nitong sabi. "Absent tayo sa morning."
"Sorry na Ai..." she pleased.
"Tulad ng sabi ko, wala na akong magagawa," nakangiting sabi ni Aileen. Agad rin itong naglaho ng makita niya ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan. "Don't worry, maayos lang ang result nun."
"Sana lang talaga."
Malapit lamang ang hospital sa paaralan nila. Huminto ang taxi sa tapat ng hospital. Nagbigay muna ng pasahe si Czarina saka lumabas.
"Dito ka nalang sa lobby, Ai. Ako na ang papasok," saad ni Czarina. "Gusto bang sumama?"
"Hah- oh sige, dito nalang ako," sagot ni Aileen. Tumalikod na ang kaibigan niya at naglakad papasok sa hospital. Nakasunod na lamang ang paningin niya dito.
Hindi mapakali si Aileen habang hinihintay ang paglabas ni Czarina. Halos thirty minutes na pero hindi pa ito lumalabas. Gustong-gusto na niya itong sundan sa loob. Panay tingin siya sa loob hanggang sa nilapitan siya ng guard.
"Ma'am, may problema ba? Napansin kong hindi ka mapakali?" tanong nito.
"Iyong friend ko kasi, guard, kanina pa, hindi pa bumabalik," sagot ni Aileen. Accidentally, napalingon siya sa loob ng hospital at akma na nakita niya si Czarina. Umiiyak ito habang halos pa-ekis ang paglalakad.
"Siya ba kaibigan mo?"
Hindi sinagot ni Aileen ang guard, patakbo niyang nilapitan ang kaibigan. Hindi siya nagtanong dito, bagkus kinuha niya ang papel na hawak nito at tiningnan. Napayakap na lamang siya kay Czarina sa natuklasan.
"It's okay, czar, magiging maayos rin ang lahat," pagpapatahan niya dito.
"Tulungan mo ako, Ai, ayaw kong umuwi sa bahay. Wala akong mukhang maihaharap sa asawa ko," umiiyak nitong pagmamakaawa.
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)
RomanceWarning: mature content |R18 Written in tagalog ©️Mischievous12ose 2024 A pure Filipina, Czarina Cristobal, nineteen years old, moved to the city to study ALS and work to support her education when she enters grade 11. Her plan to her futur...