chapter 4

397 13 1
                                    

Itinulak ni Czarina ang lalaki dahilan na nagkaroon sila ng destansya sa isa't isa. Tumikhim siya habang nakatingin sa bandang kaliwa nila. Hindi niya kayang makipagharap-harapan kay Barry. Bahagya siyang lumingon dito, dali rin niyang inilihis ang kaniyang paningin nang malaman niyang nakatingin ito sa kaniya.

Tumikhim si Barry para kunin ang attention ng dalaga. Nagawa rin naman niya ito. Naiilang na ipinukol nito ang paningin sa kaniya.

"W-why you like m-me?" utal-utal na tanong ni Czarina.

"I don't know. I just felt my heart beat for you." sagot ni Barry. Humakbang siya ng isang beses palapit sa dalaga. Tumitig siya dito na kalaunan inilayo rin niya. "Just do what I ask you to do. I will help you when it comes to money."

"I - susundin ko lahat ng gusto mo." Kung ang pagiging katulong niya ang pinag-uusapan nila, sigurado siyang susundin niya ang amo niya.

Ngumisi si Barry. "Good. Now, go to the dining table and eat."

Sumunod si Czarina sa amo niya. Lumabas siya ng kwarto at dumeretso sa dining table. Pagdating niya doon nakahanda na ang hapagkainan. Umupo siya sa isang upuan, bumuntonghininga saka nagsimulang kumain. Naalala niya ang kaniyang pamilya sa probinsya. Nakukonsensya siya dahil sa mga pagkain na nasa kaniyang harapan habang ang mga ito- sigurado siya na hindi pa nakatikim ang mga ito ng ganitong mga pagkain.

Humihingos-hingos siya habang sinusubuan ang sarili. Kung hindi lamang talaga kailangan niyang kumayod hindi niya iiwan ang mga ito. Namimis na niya ang bunso nilang kapatid.

"Are you okay," biglang sulpot ni Barry sa harapan ng hapagkainan.

Daling pinunasan ni Czarina ang mga luha niya sa pagdating ng binata. Tumabi ito sa katabing inuupuan niya. Napatigil na rin siya sa pagkain habang pinakiramdaman ang mga galaw ni Barry.

"Why are you crying?" nag-aalalang tanong nito.

"No crying. Just dust go to my eyes," sagot ni Czarina.

Naglagay si Barry ng pagkain sa kaniyang plato. Pasulyap-sulyap siya sa dalagang katabi habang sinusubuan ang sarili. Hindi niya napigalan ang sarili na humarap dito at pinunasan ang mga luha nito gamit ang kaniyang mga daliri. Naramdaman niya ang pagka-freeze ng katawan nito dahil sa kaniyang ginawa.

"What you doing?" namumula ang pisngi niyang tanong. Hindi niya alam kung anong dahilan. Kinikilig ba siya o nahihiya.

"Those pretty eyes of yours don't deserve to cry. Do you have a problem? Is this about your husband?" Alam naman niya na walang asawa si Czarina, sinakyan lamang niya ang sinabi nitong may asawa na ito noong una nilang interaction sa isa't isa. Pinaimbestigahan niya ito.

"Ahmn... I don't have husband. I just missed my family," she said.

"Oh!" he acted surprised. "I got it. Let's eat."

Tumango si Czarina saka bumalik sa pagkain. Nakatingin pa rin siya sa kaniya si Barry pero kalaunan kumain na rin ito. Nang matapos silang kumain nagpaalam si Czarina na magpunta sa paaralan. Ito ang araw na malalaman niya ang resulta kung nakapasa ba siya at makapag-aral siya ng senior high. Pinayagan naman siya ni Barry at pinahatid na siya nito sa driver.

Pagkarating ni Czarina sa paaralan, ganoon na lamang ang hiya niya nang pagtinginan siya ng mga estudyante. Nakasakay siya sa Lamborghini, ene-expect na niyang mangyayari ito. Dali siyang lumayo sa sasakyan at pumasok sa paaralan. Nagtungo agad siya sa room kung saan ang klase nila. Buti wala pa ang guro na magdadala ng resulta ng exam. Pumasok siya dito at umupo siya sa palagi niyang inuupuan na upuan. Nasa pinakahulihan ito.

"Ang ganda mo ngayon, Czarina?" puri ni Dave. Tumabi pa ito sa kaniya para puriin siya. "Bagay sayo ang suot mong dress."

Napatingin si Czarina sa sarili niya. Nakasuot siya ng midi dress. Karaniwang sinusuot niya, pants at T-shirt. Ito ang kauna-unahang nagsuot siya ng ganito. Hindi man kumportable, wala siyang magagawa, walang pants at T-shirt sa dressing room.

"Good morning, class," Buti ng guro na bagong dating.

"Good morning, ma'am," balik bati ng mga estudyante.

"Nasa akin na ang result ng axam n'yo," panimula ng guro na nagsimulang kabahan si Czarina. "At ang resulta ay... Lahat kayo pumasa!"

Napaiyak si Czarina sa saya. Hindi siya makapaniwala na makapag-aral na siya ng senior high school. May nag-abot sa kaniya ng panyo at si Dave ito. Tinanggap niya ito saka pinunasan ang luha niya.

"I'm so happy na nakapasa kayong lahat. Kung gusto n'yo pa rin na dito kayo mag-aral, pumunta lang kayo sa registrar. Good luck sa senior high school journey n'yo. Puwede na kayong lumabas." ani ng guro.

Sabay lumabas si Czarina at Dave. Nang nasa entrance na sila ng paaralan, lumapit kay Czarina ang driver ni Barry. Nagpaalam siya kay Dave saka naglakad palapit sa sasakyan. Napakunot-noo na lamang siya nang biglang bumaba ang bintana ng sasakyan sa backseat. Nagtama ang paningin nila ng lalaking naruroon. Napatulis ng tingin nito sa kaniya, halatang galit.

"Czarina, ang panyo ko," ani Dave na hindi napansin ng dalaga ang paglapit nito sa kaniya. Nasa bandang likuran niya ito. "Sino siya Czarina, sugar daddy mo?"

Daling humarap si Czarina kay Dave at inabot niya ang panyo na hawak. Hindi niya ito napansin kanina na hawak-hawak niya pa rin ito. Hindi na niya ito sinagot. Dali siyang pumasok sa backseat ng sasakyan.

Pinatakbo agad ng driver ang sasakyan pabalik sa mansion. Tahimik ang dalawa na nasa likuran, kalaunan pinatay ni Barry ang katahimikan na iyon.

"Why you didn't answer your friend's question?" matigas na tanong ni Barry. "Or is he really your friend?"

"He is my classmate," nakayukong sagot ni Czarina. Bakit ba siya nagagalit sa akin? nalilito tanong ng kaniyang isip.

"Then why you didn't answer his question?" muling tanong nito. “Next time he will ask you, tell him yes, I'm your sugar daddy, mi amore." Sumandal siya sa backrest saka ipinikit ang mga mata.

Aangal pa sana si Czarina sa sinabi na iyon ni Barry pero nang makita niyang nakapikit ang mga mata ng binata, hindi niya naituloy ang sasabihin niya. Tumahimik na lamang siya habang nakasimangot.

Pagdating nila sa mansion. Umunang pumasok si Barry. Halatang galit pa rin ito. Sumunod si Czarina at agad siyang pumasok sa k'warto niya. Humiga siya sa kama habang iniisip ang huling sinabi ni Barry sa kaniya nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok dito ang lalaking kaniyang iniisip. Daling napaupo sa kinahigaan habang papalapit ang binata sa kaniya.

"You really don't understand, do you!? You just really let me be!" galit na sabi ni Barry habang papalapit siya kay Czarina.

Tumayo na si Czarina nang tumayo ang lalaki sa harapan niya. "I can't understand!" nakakunot-noong sabi niya.

"Nagseselos ako!" slang niyang singhal dito.

Napakurap-kurap si Czarina sa sinabing iyon ni Barry. Hindi niya alam kung anong itutugon. Hinawakan siya sa baywang ng lalaki at hinila palapit sa kaniya. Napalunok na lamang siya ng ilang dagkal na lamang ang layo ng kanilang mga mukha.

Dumako ang paningin ni Barry sa labi ng dalaga. Ang malalambot nitong labi ang nagpatukso sa kaniya na halikan ito. Ipinikit ni Czarina ang mga mata nang dahan-dahan nitong itinapat ang labi nito sa kaniya. Napasinghap siya nang maglapat na ang mga ito.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon