chapter 17

285 9 1
                                    

Naabutan ni Czarina ang ina na kausap si Barry sa hapagkainan nila habang tumutulong sa pagbabalat ng kalabasa. Iyon ang uulamin nila sa hapunan. Lumapit siya sa mga ito at humarap kay Barry. May pagtatanong rin itong nakatingin sa kanya.

“May kailangan ka kay Barry, nak?” tanong ni Lolita na tuloy-tuloy pa rin sa ginagawa.

“Hiramin ko muna siya, nay. Magpapasama lang ako sa ilog,” sagot ni Czarina dito.
me to river.” pagsabi nito agad itong umalis roon at deretsong kinuha ang tabo nila na nasa hugasan. Nasa loob na nito ang sabon na gagamitin niya.

Lumabas si Czarina sa bahay habang nakasunod sa kanya si Barry. Bahagya itong tumakbo palapit sa kanya at nilalayan siya nito. Tumingala siya sa mukha nito. Nakatingin pala si Barry sa kanya kaya nagtagpo ang kanilang mga piningin. Ngumiti ito sa kanya na kinakabog ng puso niya. Ang ngiti nito ang nagpakaba sa kanya sa hindi alam kung anong kadahilanan.

Tumikhim na inilayo ni Czarina ang mga mata sa binata. Para siyang nakakaramdam na ng kakaiba para kay Barry. Siguro dahil may nangyari na sa kanila kaya niya ito nararamdaman.

“Are you okay, mi amor?” tanong ni Barry. Nakita niya na nag-iba ang reaksyon ng mukha nito. Parang hindi kumportable sa kanya. “Is there something you want me to do?”

“Stop talking, Barry!” inis na sabi ni Czarina. Naiinis siya hindi sa lalaki kung hindi sa sarili niya. Pakiramdam niya, tinatraydor ng kanyang sarili.

Natahimik naman si Barry at wala siyang balak na magsalita pa hanggat hindi ito sinasabi ni Czarina. Nang nakarating sila sa ilog... Inalalayan pa rin niya itong makaupo sa malapad na bato habang nakalubong ang kalahating katawan sa tubig.

“Doon kana sa malayo,” mando ni Czarina sa binata. Sinunod rin agad siya nito. Dumestansya ito sa kanya.

Nasa kalayuan si Barry habang binabantayan ang dalaga. Medyo makulimlim na ang langit. Uupo sana siya sa nakaumpong na mga bato sa kinatatayuan niya nang biglang sumigaw si Czarina. Sa pag-aaalala, dali niya itong nilapitan.

“Barry, help!” sigaw ni Czarina. Napatayo na siya habang nangingisay sa takot.

“Why? What's happening to you?” nag-aalalang tanong ni Barry.

Tinuro ni Czarina ang kanyang Binti. Hinawi ni Barry ang suot niyang mahabang palda  para tingnan kung anong naruon sa tinuturo niya. Bahagya itong napaurong nang makita ang may kalakihan na linta na nakadikit sa kanyang binta.

“Mi amor, stay still.” Humugot siya ng malakas na buntonghininga saka dahan-dahan na dinampot ang linta.

Nakahalukipkip si Czarina sa leeg ng binata. Ramdam na ramdam niya ang pagkadikit ng lintang nakadikit sa balat niya. Laking probins‘ya siya at palagi siyang naliligo sa ilog, pero takot talaga siya sa linta. Para sa kanya, nakakatakot ang hitsura nito.

Hirap na hirap si Barry sa pagtanggal sa linta. Madulas kasi ito, hirap niyang mahawakan. Nang matanggal niya ito, itinapon niya ulit ito sa tubig.

“Faster, Barry! Get it!”

“It‘s done. Look, already got it,” sagot ni Barry.

Dahan-dahan na dumako ang paningin ni Czarina sa binti niya. Nakahinga siya ng maluwag  nang makitang wala na sa kanyang binti ang linta. Dumako ang paningin niya kay Barry. Saka lamang niya napagtanto na nakayakap na pala siya sa binata. Ngumiti ito sa kanya na kinakurapkurap niya.

Kumabog na naman ang puso ni Czarina. Dali niyang tinulak ang lalaki palayo sa kanya at walang anu-anong bumalik sa pag-upo sa inupuan niya kani-kanina. May pagmamabilis siyang naligo habang pinakiramdaman niya ang binata na nasa kanyang likuran.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon