chapter 16

282 11 2
                                    

Pagkatapos ng tanghalian, papasok na sana si Barry sa kwarto na tinutulugan nang niyaya siya ni Rosalindo na tapusin nila ang pag-aararo. Pumayag rin agad siya. Binigay ni Rosalindo ang gamit niyang pantalon na may putik. Tinanggap niya ito at ipinalit sa pants niyang suot. Gano‘n daw talaga, para hindi maraming labahin na maputik. Isang panlaton lamang ang gagamitin hanggang matapos ang ilang ektaryang lupain na aararuhin.

Tumingin muna si Barry sa dereksyon ng pintuan ng kwarto kung nasaan si Czarina. Hindi ito masama sa tanghalian nila kaya nag-aalala siya dito. Lalo na alam niyang may sakit ito.

“Fast, Barry!” tawag ni Rosalindo na umuna ng lumabas. “Hindi lalabas ang anak ko. May lagnat. Iwan kong anong ginawa mo!”

Daling bumaba si Barry at sumunod kay Rosalindo patungong basakan. Ibinigay nito sa kanya ang lubid ng kalabaw saka ang handle ng araro na hinawakan nito.

“Go!” taboy ni Rosalindo dito. “Putang-ina mo! Parusa ko ‘yan sayo sa ginawa mo sa anak ko!”

Hindi naiintindihan ni Barry ang pinagsasabi ng ama ng minamahal niyang babae. Pero maaaninag naman sa tuno ng boses nito na galit ito. Alam niya na galit ito sa kanya dahil sa ginawa niya kay Czarina.

Biglang lumapit sa kanila si Lolita. “Anong ginagawa mo kay Barry? Hang-over pa ‘yan para paarararuhin mo!” saway niya sa asawa.

“Kaya niya ‘yan. Tingnan mo ‘yang katawan, ang kisig,” ani Rosalindo.

Pinagdilatan ni Lolita ang asawa saka humarap kay Barry at ngumiti. “Stop working, Barry. Go back to you room.”

“It‘s okay, Auntie. I also want to help uncle Rosalindo,” sagot ni Barry.

“No! Stop or else I'll tell Czarina not to forgive you!” banta nito.

Daling binitiwan ni Barry ang handle ng araro at ang lubid ng kalabaw. Lamapit siya kay Lolita habang pinupulot ni Rosalindo ang mga binitiwan niya. Hinila siya ni Lolita papasok ng bahay at dumeretso siya sa kwarto para palitan ang suot niyang pants.

Nang matapos magbihis si Barry, lumabas siya ulit sa kwarto hawak ang maduming pants. Ilalagay niya ito sa labahan. Napatigil siya sa paghakbang nang maabutan niya si Czarina na nakaupo hapagkainan habang kumakain. Nasa kanya ang paningin nito.

“You done eating?” casual na tanong ni Czarina sa binatang nasa kanyang harapan. Mukhang naiilang pa itong nakatingin sa kanya.

“Y-yes.” lumunok si Barry para basain ang lalamunan niyang nanunuyo. “D-do you still in pain?”

“What do you think?” seryosong tanong ni Czarina. Sininyasan niya ang binata na lumapit sa kanya. At sumunod rin naman ito. Pinaupo niya ito sa harapan na upuan. “Feed me,” mando niya.

Ngumiti si Barry at agad na sumunod sa dalaga. Dinampot niya ang kutsara at sinubuan ng kanin ang kaharap kasunod ang fried tilapya. Nararamdaman niya na hindi na galit sa kanya si Czarina. Nang nilunok na nito ang laman ng bibig, susubuan niya sana ito ulit nang magsalita ito.

“Do you really love me, Barry?” seryosong tanong ni Czarina. “I have nothing to offer except myself. Paano mo ako minahal?”

“Love is not limited to material things or what you can offer. It is about acceptance and the desire for each other. You are valuable and admirable in your own way, Czarina. You don't need to offer anything to me other than your true self,” Barry responded. “I love you every part of your being.”

Tumingala si Czarina para maiwasan ang paglaglagan ng kanyang mga luha na namutawi sa kanyang mga mata. Nanubig ito dahil sa sagot ni Barry sa kanya. Hindi lamang dahil na touch siya sa sinabi ni Barry kaya nanubig ang kanyang mga mata, dahil na rin hindi niya alam kung paano sabihin ang mahabang patalastas na gusto niyang sabihin sa sagot niya sa binata. Mahihirapan siyang sabihin sa lenggwaheng english.

“Don‘t cry, mi amor. I don't like seeing you crying because of me.” malungkot na sabi ni Barry.

“No. I'm not crying. Napuwing lang ako,” pagdadahilan ni Czarina. “Come on, feed me again.”

Sumunod si Barry sa utos ni Czarina. Nag-e-enjoy rin siyang pagsilbihan ito. Napapangiti siya nang maisip na may pagka-bossy rin itong babaeng minamahal niya. Pero hindi ito naging dahilan para manawasan ang pagkagusto niya dito. At first, nagustuhan niya ang dalaga dahil sa taglay nitong ganda. Pero nang simula na niya itong nakasama, mas Lalo niya itong nagustuhan dahil sa ugali at pagkatao ni Czarina.

Nang matapos kumain ni Czarina, inalalayan siya ni Barry papasok ng kwarto ng mga magulang niya. Hinayaan na lamang niya, ito rin naman ang dahilan kung bakit siya nilalagnat at masakit ang nasa gitnang hita niya.

“Do you want to go to the hospital?” biglang tanong ni Barry sa dalaga. Nakita niya kasing nahihirapan nito sa paglakad. “I'm just worried that your fever might worsen.”

“Do you think hospital can fix my pekpek na giniba —” hindi masabi ni Czarina na ang salitang gusto niyang sabihin kaya tinuro na lamang niya ang alaga ng binata. “I hate your size!.”

Gustong tumawa ni Barry sa sinabing iyon nj Czarina pero pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili. Baka lalo lang magalit sa kanya si Czarina. Kakabati pa lamang nila tapos gagalitin na naman niya ito. Mas mabuti ng mamatay kung nakakakamatay ang pagpipigil kaysa magalit na naman sa kanya ang dalaga.

“Lumabas kana nga!” pagtataboy ni Czarina. “Faster, Barry! Go away!”

“Just let me know if you need help,” sabi ni Barry saka ito lumabas ng kwarto.

Napangiti na lamang si Czarina habang pinagmasdan ang pintuan na sumira kung saan lumabas si Barry. Nakaupo siya sa nakalatag na banig sa sahig. Bumalik sa isip niya ang sinabi ni Alfonso sa kanya nang mag-usap sila. Iniwan daw ni Barry ang buhay sa Italy para makasama siya. Ganoon daw siya nito kamahal.

Pumasok Lolita sa loob ng kwarto kaya naglaho ang ngiti ng dalaga. Humiga siya sa kinaupuan niya.

“Nakita kong galing dito si Barry... Ayos na pala kayo,” ani Lolita. “Nakikita kong mabuti siyang tao, nak. Kung ano man ang plano mo sa inyong dalawa, susuportahan kita. Basta masaya ka.”

“Salamat, nay.” Ngumiti siya sa ina niya.

“Sige na. Matulog kana. Mukhang puyat ka dahil sa nangyari sa inyong dalawa kagabi,” sabi nito.

“Nay!” saway ni Czarina sa ina.

“Hay naku, Czarina! Hindi mo ako maluluko dahil dumaan rin ako sa ganyan.” Humagikhik ang ina nang maalala niya ang unang talik nilang mag-asawa. “Mas malala pa nangyari sa akin nga eh.” kumunot ang noo niya nang may maalala. “Teka noong unang beses ko, hindi talaga ako makatayo. Bakit ikaw nakakatayo kapa?”

Napangiwi si Czarina. Naiilang siya dahil ito ang kauna-unahan na nag-uusap sila ng kanyang ina ng ganitong paksa. “Kasi nay... Hindi natuloy. Diko kinaya ang laki. Nag-back out ako.”

Lumakas ang hagikhik ni Lolita. “Apam ba naman si Barry.”

“Nay, baka marinig ka ni mang Alfonso! Nakakahiya!” saway niya sa ina.

Tinakpan ni Lolita ang bibig saka umupo sa gild ng anak. “Malaki ba, nak?” tanong niya sa anak. Gusto lang niya itong tuksuin.

“Bahala ka d‘yan, nay,” sabi nito na ipinikit ang kanyang mga mata. Narinig niyang tumawa ang ina niya habang umaalis ito sa tabi niya. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan at ang pagsara nito. Binuksan niya ang kanyang mga mata at iginala ang paningin sa loob ng kwarto. Lumabas nga ang ina niya.

Naalala niya ang huling tanong ng ina niya. Napangiti na lamang siya. Sa isip-isip niya, hindi lang ito malaki, napakatigas rin nito.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon