chapter 26

263 11 2
                                    

Czarina was preparing herself. Pupunta siya sa paaralan na papasukan niya para magpa-enroll. Her husband was waiting for her in the garage. Lumabas siya ng kuwarto na naka-jeans at simpleng t-shirt lamang. Kahit nakapangasawa siya ng mayaman, wala siyang balak na magpakamayaman na rin.

Pagbaba niya sa second floor naabutan niya sina Barbara at Adele sa living room, nag-uusap ang mga ito. Hindi siya napansin ng mga ito kaya hindi na niya lamang enistorbo ang mga ito. Dumeretso siya sa kung saan naghihintay si Barry.

Dalawang araw na ang lumipas simula nang magkasagutan ang mag-ina. Laking pasalamat ni Czarina dahil hindi ito nauwi sa tampuhan.

“Oh, where comes my wife!” Barry opened the door in the front seat. Nginitian siya ng asawa saka pumasok sa loob ng sasakyan. Muling sinirado ni Barry pintuan ang kotse kasunod pumasok sa driver seat.

"Are you okay, mi amore?" tanong ni Barry nang makita ang asawa na parang hindi mapakali habang nagsusuot ng seatbelt.

Dumako ang paningin ni Czarina sa nagtanong. "Yah, in just nervous. Maybe I'm just excited."

Hinawakan ni Barry ang kamay ni Czarina na nakalapag sa lap nito. "I'm always at your back if you need anything." Hinalikan niya ang noo ng asawa saka binitiwan ang kamay nito. Eni-start niya ang kotse saka ito pinausad.

Ngumiti si Czarina habang nakatitig sa mukha ni Barry. Biglang naglaho ang kaba niya. Inayos niya ang kanyang pag-upo, tuwid siyang umupo habang nakatingin sa harap ng kotseng sinasakyan. Pakiramdam niya gumaan ang lahat sa buhay niya dahil sa kanyang asawa.

Pagdating sa paaralan kung saan magpapa-enroll si Czarina, ipinark ni Barry ang kotse sa parking area. Magkasabay silang pumasok sa school at nang nasa entrance pa lamang sila, nakaramdam ng ilang si Czarina dahil pinagtitinginan sila ng mga estudyante. Napakagat na lamang siya sa kanyang babang labi.

Naramdaman ni Barry ang ilang na naramdaman ni Czarina. Hinawakan niya ito sa palad kaya ito tumingin sa kanya. Nginitian niya. "It's okay. They are just jealous of me."

Czarina smiled. "Why? Why are they jealous of you?"

"Because I'm with you," he replied.

Lumaki ang ngiti sa labi ni Czarina. Napailing-iling na lamang siya. She forgot her awkward she felt.

Lumapit sila sa table na mayroong nakapaksil sa unahan na 'first step to enroll', humingi si Czarina ng enrollment form sa nakabantay doon. Hindi naman siya nahirapan dahil sa paaralan na ito siya nakapag-aral ng ALS.

Nakasunod lamang si Barry sa asawa habang inaasikaso nito ang pagpapa-enroll. Para siyang buntot nito. Pakiramdam niya na napagkakamalan na siyang bodyguard dahil palagi siyang nasa likuran ng asawa. At kapagsiksikan, pinuprotektahan niya ito na hindi masagi ng ibang mga estudyante.

They were on the registrar. Humarap si Czarina sa asawa niya habang hawak ang ledger at ibang papel na proved na enrolled na siya. Nakangiti niya itong pinakita dito.

"What is that?" curious na tanong ni Barry.

"I am enrolled!" masayang sagot nito.

"Congratulations!" bati niya. "I'm so proud of you, mi amore!"

"Hindi pa ito graduation hah, enrolled palang," natatawang sabi ni Czarina. "I mean-"

"I understand you, mi amore," he clipped her words. "It's still an achievement. We should celebrate it! Let's having lunch date?" Tumingin siya sa suot na rolex na relo. "It's already 12: 23, mi amore."

"let's go! Let's have dinner date!"

Pinagsaklop ni Barry ang kanilang mga kamay at sabay silang lumabas ng paaralan. Wala nang naging pakialam si Czarina kung pinagtitingnan sila ng maraming tao. Dumeretso sila sa parking area. Binuksan ni Barry ang pintuan ng kotse sa front seat at pumasok roon ang asawa bago siya pumasok sa driver seat. Pinatakbo niya ang sasakyan papunta sa isang exclusive restaurant.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon