Nakatingala si Czarina sa mansyon na nasa harapan niya. Kakarating lamang nila mula sa resort kung saan sila nagpakasal at nag-honeymoon. Kahit isang beses hindi niya naisip ang ganitong senaryo. Ang titira sa bahay na ito dahil asawa siya ng may-ari.
Kasalukuyang naglalabas si Barry ng mga dala nila mula sa likuran ng kotse nang mapansin niya ang asawa na nakatingala sa bahay nila. Iniwan niya ang kanyang ginagawa, lumapit siya dito saka niyakap ito mula sa likuran.
“Hmm... Why?” nagtatakang tanong ni Czarina sa biglang pagyakap ng asawa sa kanya. “I just noticed, you're always hugging me from back since nagpakasal tayo.”
“I still can't believe that you're my wife now, mi amore.” He kissed her neck.
Ngumiti si Czarina. “Stop it na Barry. Baka saan na naman mapadpad ang kiss na yan.”
“What do you think about having a kid, mi amore?” biglang tanong nito.
Naubo si Czarina sa sinabing iyon ni Barry. Humarap siya dito dahilan ng pagkalas nito mula sa pagkayap sa kanya. Seryoso niya itong tinitigan.
“I‘m just asking, mi amore,” nakangiti nitong sabi. “I want to have kids but I won't force you.”
“I‘m sorry but I'm not ready to have kid. You know I want to study. I can't go to school while pregnant, Barry. I'm sorry.”
“It's okay, we can wait until you're ready," he smiled reassuringly. “Let's head inside...” He turned to Mang Alfonso. "Take care of our things, Alfonso."
“Okay, Mr. Bianchi,” sagot ni mang Alfonso.
Hinawakan ni Barry ang hips ng asawa at sabay silang pumasok sa loob ng bahay. Nang makarating sila sa living room, napahinto na lamang sila nang makita ang isang babae na kumportable na nakaupo sa sofa, may hawak itong wine glass na may laman. Nang makita rin sila nito agad itong tumayo.
Barry was shocked seeing his mom smiling at them. Ang sabi nito, hindi ito makakauwi ng Pilipinas. Kaya ganito na lamang ang pagkagulat niya. Nang makabawi siya, nilapitan niya ito habang naiwan si Czarina sa kinatatayuan. Humalik siya sa pisngi nito.
"You look greater than the last time I saw you," the mother said with a smile, her eyes filled with admiration.
Tumayo ng tuwid si Barry pagkatapos humalik sa pisngi ng ina. “Mom, what brings you here? I thought you won't come.”
“It won't happen. I also want to meet your wife. The wife of my only child,” sagot nito saka tumingin kay Czarina.
Lumingon si Barry sa asawa nang tumingon ang ina niya dito. Sininyasan niya itong lumapit sa kanya, at sumunod rin agad ito. Lumapit ito sa kanya at humawak sa kamay niya.
Hindi makatingin si Czarina ng deretso sa ina ng asawa. Nakayuko siya habang kaharap ito. Pakiramdam niya nanghuhugsa ang bawat tingin nito. Lalo na nang tingnan siya nito mula ulo hanggang paa.
“Mom, meet Czarina, my wife,” pagpapakilala ni Barry. Ramdam niya na humigpit ang kapit ni Czarina sa kanya, kaya hinawakan niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya. “Mi amore, she's my mom.”
“H-hello po, t-tita,” naiilang na bati ni Czarina dito. “H-hoping—”
“Oh... huwag kana magsalita ng english, ija. Nakakaintindi ako ng tagalog,” nakangiting sabi nito. “Anyway, I'm a Barbara Smith. At huwag mo akong tawaging tita, tagawin mo akong mommy. Asawa kana ni Barry kaya dapat mommy na rin itawag mo sa akin.”
Pilit na ngumiti si Czarina sa byenan niya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya iba ang sinasabi at pinapakita ng ngiti nito kaysa nakikita niya sa mga mata nito.
“Ayos ka lang, Czarina? Bakit ka nakatulala sa akin?” nakakunotnoo na tanong ni Barbara sa manugang.
“O-opo m-mommy,” utal-utal niyang sagot. Tumikhim siya para pakalmahin ang sarili. At nagtagumpay naman siya. “Masaya ako na nakilala na rin kita, m-mommy.”
“Me too, Czarina.” Ibinaling nito ang paningin sa anak. “Anyway Barry, Adele is with me. She's just in the room, sleeping.”
Naging blanko ang ekspresyon ng mukha ni Barry dahil sa huling sinabi ng kanyang ina. Tumikhim siya saka humarap sa asawa. “You go first to our room, mi amore,I just want to talk to mom,” he said to her. She nodded and left his side. Barry faced his mother again.
"Son, let me explain," she said, using hand gestures to emphasize her point.
“Why did you bring her here, Mom? You know I don't want to be near that woman. So, why did you bring her here?” he questioned, his voice tinged with frustration and disbelief.
“Pinilit niya ako, son. And you know, I can't say no to her,” sagot ni Barbara. “I‘m sorry, anak.” she made a puppy eyes.
Napasapo na lamang si Barry sa batok habang tinatalikuran ang ina at sumunod kay Czarina sa kanilang kwarto. Nang makapasok siya sa kwarto nila na nasa ikalawang palapag, naabutan niya ito na nagbibihis. Nilapitan niya ito at nang hahawakan sana niya ito sa bawat balikat ngunit bigla siya nitong iniwan roon. Sinundan niya ito hanggang dressing room.
Tumikhim si Barry para kunin ang atensyon ng asawa. “Are you upset with me, mi amore? Please don't put me through this.”
Humarap si Czarina kay Barry. “No, Barry. I‘m just worried that your mom don't like me.”
He booped her nose. “You don't need to worry if she doesn't like you. I am your husband, I am the one who will be with you for the rest of your life, not my mother. Whether my mom approves of you or not, it doesn't matter anymore. Stop overthinking, mi amore.”
Gumaan ang nararamdaman ni Czarina. Naglaho ang pag-aalala sa puso niya dahil sa sinabi ng asawa. Napakaswerte niya talaga kay Barry. Package deal na ito.
Tumikhim si Barry. “I have something to say you, Czarina, ” seryoso niyang sabi. “You heard mom, said name Adele, right?”
Nakakunot-noo na tumango si Czarina. Nagtataka na lamang siya dahil bigla na lamang itong naging seryoso. Is it because if that woman named Adele? Kaano-ano ba niya ito bakit kailangan na maging seryoso si Barry...
“Mi amore, please don't leave me alone with that woman, she's so flirtatious. I'm afraid she might try to flirt with me,” his plea sincere and sounded like a child seeking reassurance.
Dumilim ang mukha ni Czarina. “Are you scared of her attracting you because you might be attracted to her too? Am I right, Barry?”
“No.” Umiling-iling si Barry, hindi sang-ayon sa sinabi ni Czarina. “I'm certain Adele won't be able to tempt me. My worry is about you, mi amore. You might jump to conclusions right away. You might not even give me a chance to explain if you see something you don't like. I'm just scared, mi amore, because I know mom, she has a plan. She wants to put our love to the test.”
Umamo ang reaksyon ni Czarina. Yumakap siya sa asawa saka halik sa labi nito. Napakurap-kurap na lamang si Barry. Hindi niya inasahan ang ginawa na iyon ni Czarina. Humawak siya sa baywang nito. Nakabawi siya sa pagkabigla, dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang magkalapat parin ang kanilang mga labi.
Si Czarina ang unang bumitaw sa halikan nila. Yumakap siya ulit sa lalaki. Her head was on her chest. Naririnig niya ang lakas ng kabog ng puso nito. Para itong kinakabahan o na-excite sa halik nilang iyon.
“Mi amore, I admit that every time you kiss me, or kiss me back, I still feel the excitement as our lips touch. It's like a spark igniting between us, a moment that I never want to end,” he said with a heartfelt smile.
“I love you, Barry,” pabulong na sabi ni Czarina. Hindi niya kayang magbigkas ng mga matatamis na mga salita dahil sa pagiging hindi maalam niya sa english, kaya sa yakap na lamang niya ito pinaramdam. Umaasa siya na sana maramdaman ni Barry ang gusto niyang iparating sa puso nito.
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)
Любовные романыWarning: mature content |R18 Written in tagalog ©️Mischievous12ose 2024 A pure Filipina, Czarina Cristobal, nineteen years old, moved to the city to study ALS and work to support her education when she enters grade 11. Her plan to her futur...