chapter 9

308 11 1
                                    

Halatang nalasing si Barry sa lambanog. Inalalayan ito ni Czarina paakyat ng bahay at papasok ng k'warto. Pulang-pula ang mukha ng lalaki habang nakatitig sa kaniya at hindi nawawaksi ang ngisi nito. Naiilang na si Czarina kaya sinasadya na lamang niyang ituon ang paningin sa kawalan.

Pagpasok nila sa kuwarto... bahagyang marahas na napahiga si Barry sa sahig dahilan ng pagyanig ng buong bahay. Napatigil na lamang sa paghinga si Czarina dahil sa takot na baka masira ang bahay nila. Nakahinga siya ng maluwag nang tumigil na ang pagyanig at walang masamang nangyari.

Hinila ni Barry ang kamay ni Czarina dahilan ng pagkayakap ng babae sa kaniya. He laughed. "Your father told me that we need to get married soon. What do you think about it?"

Napakurap-kurap si Czarina. "Kasal? No... We're not fall in love with each other." Tatayo na sana siya nang niyakap siya ng mahigpit sa binata. "What you doing?"

"Hugging you," casual na sagot nito. Ngumisi ito sabay siksik ng mukha sa leeg ng dalaga.

Nakikiliti si Czarina sa ginawa ng lalaki. Lalo nang maramdaman niya ang labi nito sa kaniyang balat. Napapakagat-labi na lamang siya.

"Por d'yos porsanto!"

Napabalikwas ng bangon si Czarina nang marinig ang sigaw ng nanay niya sa labas ng kwarto. Nakabukas lang kasi ang pintuan kaya sila nakita nito. Lumapit agad siya dito at hinarap ang galit into.

"Czarina ano 'yong Nakita ko?" galit na tanong ng ina. "Tapatin mo nga ako, may nangyari na ba sa inyo ng apam na iyan?! Isinuko mo na ba ang bataan?!"

Kumunot ang noo ni Czarina. Hindi siya komportable sa tanong ng ina. "Hindi pa nay."

"Anong hindi pa? So ibig sabihin ibibigay mo talaga. Akala ko ba amo mo lang yang lalaki na iyan?!"

"Ibig kong sabihin, nay... Walang nangyari sa amin. Lasing lang po talaga siya kaya niya ako nagawang yakapin." malumanay na sabi ni Czarina. "At tyaka hindi 'yon mangyayari, nay... na ibigay ko ang bataan sa kaniya kasi hindi naman niya hinihingi."

Napalo na lamang ni Lolita ang anak sa puwetan sa inis dahil sa sinabi nito. Kasunod pinikot niya ang tainga nito. "Sa kwarto ka namin matutulog mamayang gabi hah! Babantayan kita."

Napatango-tango na lamang si Czarina nang bitiwan ng ina niya ang kaniyang tainga. Napalingon siya kay Barry na nasa loob ng kwarto saka muling itinuon ang paningin sa ina. Tinuro ng dalawang daliri ng ina ang mga mata nito kasunod ang kaniya saka umalis roon. Ibig sabihin... babantayan siya nito.

Nang hindi na makita ang ina, lumingon siya kay Barry. Napaisip siya sa mga naging sagot niya sa ina. Kung hihingin ba niya ang bataan ko, ibibigay ko talaga? Tanong ng munti niyang isip.

"Ms. Czarina anong iniisip mo d'yan?" tanong ni Alfonso na kanina pa nakatayo sa gilid ng dalaga. "Gwapo ba si Mr. Bianchi?"

Lumingon si Czarina sa pinanggalingan ng boses. Napakagat siya ng babang labi habang nakangiti sa kaniya si Alfonso. Wala siyang masagot sa mga tanong nito. Naging blanko siya tanong ng kaniyang isip.

"Ms. Czarina..."

"Ah manong alfonso, and'yan ka pala," mapakla siyang ngumisi. "Pasok na po kayo sa kwarto para makapagpahinga," sabi niya saka umalis roon. Nakaramdam siya ng kahihiyan sa sarili sa nasa isip niya.

Nagtungo si Czarina sa likod bahay para magwalis. Iwan ba niya bakit gumugulo sa isip niya ang tungkol sa naging conversation nila ng ina niya. At kung bakit ganoon nalang ang mga sagot niya dito.

Natigilan siya sa pagwawalis nang may nakita siyang babae sa 'di kalayuan. Papunta ito sa bahay nila. Base sa postura nito nakilala niya agad ito. Ito ang kababata niyang anak ng ninang Silya at ninong Rodolfo niya. Napangiti na lamang siya habang hinihintay ang paglapit sa kaniya ng kaibigan.

"Czarina beshy!" sigaw ni Darlene. Yumakap ito sa kaibigan. "Grabe gumanda ka sa Maynila."

"Ikaw nga eh, lalong gumanda," balik puri ni Czarina.

Bumitaw si Darlene sa pagyakap kay Czarina. "Kumusta ang pag-aaral mo sa manila?" tanong nito.

"Nakapasa ako," pabulong na sagot ni Czarina. Ayaw niyang marinig ng mga magulang niya ang balitang ito. Gusto niyang gawing surprise ito sa kanila. "Sa susunod na pasukan mag-aaral na ako ng grade 11."

Sumimangot si Darlene. Halatang hindi masaya sa sagot ni Czarina. "Ganun ba. Masaya ako para sayo." Hinawakan niya ang kamay ng kaharap. "Beshy... nakita kita kanina pagdating n'yo. Nakita kong may kasama ka, pwede mo ba akong ipakilala sa kanila?"

"Sige. Ipakilala kita sa amo ko." agarang sagot ni Czarina. "Bago iyon, kumusta ang pag-aaral mo dito?"

"Maayos lang. First year college na ako sa susunod na pasukan," pagmamayabang nitong sagot. "Ahmn... Palagay mo magugustuhan ba ako ng amo mo?" pag-iba ng paksa nito.

"Oo naman, maganda ka!" nakangiting sagot ni Czarina.

Totoo rin naman na maganda si Darlene. Maputi ito, straight na straight ang buhok na gawang salon, matangkad rin, matangos ang ilong at bilungan ang mukha. Para sa mga ka-edad nila, si Darlene ang pinakamaganda sa barangay nila.

Nawala ang ngiti ni Czarina habang nakatingin kay Darlene na masaya at excited na makilala si Barry. Pumasok sa isip niya ang tanong na 'what if magustuhan ni Barry ang kaibigan?'. Nagdadalawang-isip na tuloy siyang ipakilala ito sa binata.

"Sige na beshy... Ipakilala mo na ako sa amo mo,"

"Ahmn... kasi Darlene... natutulog si sir Barry. Mamaya ipakilala kita sa kaniya." ani Czarina.

May paghihinayang sa naging reaksyon ni Darlene. Nag-makeup pa naman ito at nagsuot ng maiksing short saka spaghetti tapos hindi niya makakaharap ang binata. Para sa kaniya, hindi iyon p'wede. Kailangan niyang makilala si Barry sa ganitong ayos niya.

"Balik ka-"

Hindi natapos ang sasabihin ni Czarina nang iniwanan siya ng kaibigan sa kinatatayuan at deretso itong nagtungo sa bahay nila. Daling niyang sinundan si Darlene na kasalukuyan nang papasok ng bahay. Hinawakan niya niya ito sa pulsunan, napalingon naman ito sa kaniya na nakakunot ang noo.

"Saan ka pupunta, Darlene?" tanong ni Czarina.

"Sa loob. Pumapasok naman ako anytime dito. Hindi ba ako pwede dito ngayon?" balik tanong nito.

Bago pa nakasagot, dumating si Lolita sa kanilang gilid. "Ba't ka nandito Darlene? Anong sadya mo dito?"

Ngumisi si Darlene na humarap kay Lolita. "Nabalitaan ko kasing dumating si Czarina kaya ako nandito. Kukumustahin ko lang po siya ante." Humawak pa ito sa braso ni Czarina.

Dumako ang paningin ni Lolita sa anak. "Ganun ba," Ani nito na nasa kay Czarina ang tingin. "Pasok ka. Maupo ka muna dito sa loob."

Umupo si Darlene sa upuan na gawa sa kawayan habang kung saan-saan napapadpad ang paningin. Para siyang may hinahanap na hindi niya makita. Tumabi si Czarina sa kaniya na may ideya kung sino ang hinahanap ng kaibigan.

"Ayos ka lang ba, Darlene?" tanong ni Lolita habang nakatayo sa gilid ng dalawa.

"Oo ante," sagot nito na naglilikot pa rin ang mga mata.

"Sige maiwan ko na muna kayo d'yan," ani Lolita saka umalis sa harapan ng dalawang dalaga. Dumeretso siya sa kusina.

Walang kibuan ang dalawa na naiwan. Hindi nalang rin inisturbo ni Czarina ang kaibigan. Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan sa k'warto kung nasaan si Barry. At lumabas ito dito. Napatayo na lamang si Darlene nang makita ang binata. Puno ng paghanga ang reaksyon para sa lalaki.

Lumapit si Barry kay Czarina, humawak ito sa pulsunan ng dalaga saka hila nito kaya ito nasubsob sa kanyang dibdib. Daling umayos ng tayo si Czarina saka harap sa kaibigan. Mag-e-explain sana siya sa ginawang iyon ni Barry pero nang makita na ganoon parin ang ekspresyon sa mukha nito- humahanga sa binata. Hindi na lamang siya nagsalita. Para namang hindi nito nakita ang pagsubsob niya sa dibdib ni Barry.

"Hi, I'm Darlene Delgado," pagpapakilala ni Darlene. Kumaway pa siya sa binata. Dumilim na lamang ang mukha niya nang hindi siya pinansin nito at hinila si Czarina papasok ng kwarto.

"Sir Barry what you doing?" hinila ni Czarina ang kamay niya na hawak ng lalaki kaya siya nakawala dito.

Tumikhim si Alfonso na nakaupo sa isang sulok saka tumayo at walang sabi-sabing lumabas ng kwarto.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon