“What happened you two?” biglang tanong ni Lolita sa dalawang magkatabi habang kumakain sila ng hapunan. “Barry, are you serious about marrying my daughter? Iyon ang sinabi mo kanina.”
“Hindi po ‘yon totoo. Inaway ko lang talaga siya, nay,” sagot ni Czarina. Napatingin siya kay Barry. Naabutan niya itong nakatingin sa kanya kaya dali niyang nilihis ang paningin dito. “Hindi iyon mangyayari na magpakasal ako sa kanya.”
Katahimikan ang sunod na nangingibabaw habang pinagsaluhan nila ang ulam na natira sa tanghalian. Nang matapos silang kumain, pumasok na agad si Czarina sa kwarto ng mga magulang niya para doon matulog. Dito rin matutulog ang kapatid niya na kasalukuyang naghuhugas ng plato. Medyo maliit ang kwarto kaya siksikan sila doon.
Kinaumagahan, tanghali nang nagising si Czarina. Alas otso ito ng madaling araw. Deretso siyang lumabas ng bahay para magwalis. Sigurado siyang tapos ng magluto ang inay niya para sa umagahan.
“Good morning, Czarina!”
Napalingon si Czarina sa bandang likuran niya kung saan nagmula ang bosses ni Barry. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang naka-half naked ito. Suot nito ang isang jeans na napakadumi ng putik at katawan. Napatingin sa kabuuhan ng lalaki hanggang dumestino ang kanyang paningin sa six pack abs nitong nadudumihan ng putik. His v-line was also shown.
Papalapit si Barry sa dalaga. Napangiti nang makita kung saan ito nakatingin. Tumayo siya sa harapan nito at ginaya ang mukha paitaas para magpantay ang kanilang paningin.
“G-good morning!” balik bati ni Czarina. Nakatingin pa rin siya sa nakakaakit na abs ng lalaki. Nakita na niya ang kabuuhan ni Barry pero hindi niya alam kung bakit ngayon lamang siya parang natatakam nito. May kung anong bagay sa katawan niya na dinidiktahan siyang matakam.
“Eyes up, mi amore,” nakangiting sabi ni Barry. “looks you want to eat my abs.”
Matalim na titig ang pinukol ni Czarina nang ibinaling niya sa mukha ng kaharap ang paningin. “Why you're dirty?”
“I help tay Rosalino to palayan. He said it called araro.” Nag-isip siya nang masiguro na tama ang huling sinabing salita, ngumiti siya ulit sa kaharap nang mapagtanto na tama ito. “Yah. We're doing araro.”
Hindi na sumagot si Czarina sa lalaki. Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa habang nasa gilid niya si Barry. Wala siyang balak na pagtuunan pa ito ng pansin. Made-distract lamang siya nito.
“You don't have something to tell me?” biglang tanong ni Barry. “Like, good job. I already know how to araro. ”
“Good job, Mr. Barry.” Patuloy pa rin si Czarina sa pagwawalis. Even quick look to him, hindi niya ginawa.
Tumayo si Barry sa harapan ng dalaga. Napatigil naman ito sa ginagawa at tumayo ng matuwid. Pinikulan siya nito ng masamang tingin. Ngumiti rin siya dito saka pabiglang humalik sa pisngi. Parang naging yelo ang dalaga sa kinatatayuan sa pagkabigla.
Natatawang umalis roon si Barry nang tinawag sila ni Lolita para mag-umagahan. Pumasok siya sa bahay at dumeretso sa lababo para maghigas ng kamay bago dumeretso sa hapagkainan at umupo roon. May tumabi sa kanya, nilingon niya ito at si Czarina ang nahagilap ang kanyang mga mata. Ibinalik niya ang paningin sa nakalapag sa mesa.
“Nay nagkatay pala kayo ng manok,” ani Czarina. “Buti pumayag si tatay. Ayaw nun kinakatay ang manok niya dahil naaawa siya.”
Naglapag si Lolita ng kanin sa gitna ng mesa. “Wala siyang magagawa.Wala tayong ulam.”
Nakatingin si Barry sa ulam nila. “What is it nay Lolita?” tanong nito na tinuturo ang isang bowl na may lamang ulam. “Is it soup?”
“Sinabawang bisayang manok. Masarap yan, Barry. Lalo na ang sabaw,” sagot ni Lolita na tinatamad nang magsalita ng english. Hirap na hirap na siyang makipag-usap dito.
Dumating si Rosalino, kasama nito si Alfonso. Bagong hugas kamay Ang mga ito galing sa kanilang lababo. Umupo na rin ang mga ito sa upuan na kaharap ng hapagkainan kasunod si Lilith na tumabi sa ate niya. Sabay silang nag-umagahan habang hinihintay nilang tikman ni Barry ang ulam nila.
Naglagay si Barry ng kanin sa plato niya. Sinunod naman niya ang ulam at tinikman ito. Na-impress siya sa lasa ng sabaw. Napantingin siya sa mga kasama niya na kasalukuyang nakatingin sa kanya.
“How‘s the taste, Mr. Barry?” tanong ni Alfonso na nasa gilid ng tinatanong.
“Very impressive!” Nag-thumps-up pa ito. “The taste of soup, it's sweet.”
Napailing-iling si Alfonso. Masaya rin mag-asawa sa sagot ng binata habang palihim na ngumingiti si Czarina. Masaya rin siya dahil sa naging sagot ni Barry. Hindi maarte si Barry it comes sa pagkain. At pinagpapasalamat niya ito dahil kumakain ito kung anong nasa hapagkainan.
Pagkatapos mag-umagahan, lumabas sina Rosalino at Alfonso kasama si Barry. Nagpahinga muna sila bago bumalik sa kanilang trabaho sa basakan. Tatapusin rin ni Alfonso ang ginagawang paglilinis ng kotse. Ang dumi kasi nito. Mukhang napagtripan kagabi dahil punong-puno ng putik ang harapan nito.
Matapos magpahinga bumalik na sila sa trabaho. Lumabas agad si Czarina ng bahay para pagmasdan kung paano mag-araro si Barry. Kung marunog ba talaga ito at hindi takot sa kalabaw nilang nanghahabol ng tao kapag-nagagalit.
“Oh, bakit ka nandito?” Tanong ni Lolita sa anak. Tumayo siya sa gilid into. “Mukhang nagsasaya ka ah. Akala ko ba ayaw mo sa kanya?”
“Ikaw pala, nay. Natatawa lang ako kay Barry. Halata naman kasing nahihirapan siya sa ginagawa niya.” Natatawa siya habang nakatingin kay Barry na nasa gitna ng basakan na nag-aararo. Nakikita niya kung paano ito nahihirapan kapagnababara ang mga paa nito sa putik.
“Ginagawa niya talaga ang lahat para magustuhan mo. Napakabuti niyang tao, nak. Gusto ko siya para sayo,” ani Lolita habang nakatingin sa binata.
Hindi na sumagot pa si Czarina sa ina. Naglaho ang tawa niya at napalitan ng ngiti. Napaisip rin siya sa sinabi ng ina niya. Nawala rin agad ang ngiti niya nang makita niya si Darlene na papalapit kay Barry. May dala itong pitcher na may lamang tubig at tyaka baso. Hindi man niya naririnig ang sinasabi ng kaibigan niya kay Barry pero halata naman na inaalok nito ang lalaki sa dala. Biglang nandilim ang mukha ni Czarina sa hindi alam na kadahilanan.
Tumikhim si Lolita nang makita reaksyon ng anak. Nakangiti siyang iniwan ito ro‘n. “Puntahan mo na nga.”
Hindi alam ni Czarina na dinala na siya ng kanyang mga paa papunta sa dereksyon nina Barry at Darlene. Tinahak niya ang maputik na path papunta sa gitna ng basakan. At pagkalapit niya dito bigla niyang inagaw ang pitcher at tinungga ito. Napakurap-kurap na lamang ang lalaki habang si Darlene hindi makapaniwala sa ginawa ng kaibigan.
“Bakit mo ininom, besh!? Para kay Barry ‘yon!” pasinghal na sabi ni Darlene. “Ano ba naman yan!”
“Nauuhaw ako eh,” sagot ni Czarina. “Kumuha ka nalang ulit, besh.”
Nagmamaktol na umalis si Darlene doon. Pinukulan ni Czarina ng masamang tingin ang binata na pangisi-ngisi ito sa kanya.
“Pretty Czarina. I liked how you get jealous.”. Nakangising sabi ni Barry.
“What? Me, jealous? No, I'm not!” singhal na sabi nito.
“Okay. You're not.”
Nainis si Czarina sa huling sinabi ng binata. Tinalikuran niya ito para sana umalis na doon ng bigla na lamang siyang nahulog sa putik. Napaiyak na lamang siya habang nakalubog a putik.
“My god! Be careful, mi amore!” Daling tinulingan ni Barry ang dalaga pero tinatanggihan nito ang tulong niya. Bigla siya nitong tinulak, egsakto naman ang paghawak niya sa kamay nito kaya nahila niya ito.
Nakalubog silang dalawa sa putik habang nasa ibabaw ni Barry ang dalaga. Nagkatitigan sila sa isa‘t isa. Kalaunan si Czarina ang pumutol sa titigan na ito saka tumayo.
BINABASA MO ANG
CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)
Любовные романыWarning: mature content |R18 Written in tagalog ©️Mischievous12ose 2024 A pure Filipina, Czarina Cristobal, nineteen years old, moved to the city to study ALS and work to support her education when she enters grade 11. Her plan to her futur...