chapter 8

324 12 0
                                    

“Eat Barry. Eat.”

Napakurap-kurap si Barry habang nasa harap ng hapagkainan. Tumango siya kay Lolita saka muli niyang itinuon ang pansin sa pagkain na nasa harapan nila. First time niyang makakita ng ganitong ulam except sa tuyo. Nagsimula nang maglagay ng pagkain ang mga kasama niya sa harap ng hapagkainan. Pero siya nakatanga pa rin.

“Mr. Barry, that's bamboo shoots. Here in Philippines it can cook, we called it ginataang puso ng kawayan,” bulong ni manong Alfonso sa amo.

“Take it, take it Barry. So masarap.” ani Rosalindo.

“Take?” Nakakunotnoo si Lolita.

“Tikman niya,” casual na sagot nito. Naglagay ito ng kanin sa plato.

“Taste hindi take,” pasinghal na pagtatama ni Lolita. “Nangangamoy lambanog ka lang.” Itinuon niya ang pansin kay Barry. “Eat now Barry.”

Hindi na nakatiis si Czarina sa reaksyon ng amo niya na parang walang balak lagyan ang Plato nito. Siya na mismo ang gumawa. Nagsandok siya ng kanin at nilagay niya ito sa plato ng binata kasunod ay ang gulay at isang tuyo. Mapaklang ngumiti si Barry sa kanya, nginusuhan lang rin niya ito saka sininyasan na kumain na.

Hawak ang kutsara, dahan-dahan na kumuha siya sa gulay na laman ng plato niya. Sinubo niya ito at nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa lasa nito. Hindi niya inasahan ang lasa.

“Are you okay, Mr. Bianchi?” nag-aalalang tanong ni manong Alfonso. “If you can't —”

Minuya ni Barry ang nasa loob ng bibig at nilunok. “Ahmn... I like the taste!” sabi nito. “Like what uncle Rosalindo said, so masarap.” Nag-thumps up pa ito saka muling sinubuan ang sarili.

Napangiti si Czarina na sinimulan na ring kumain. Nakampanti siya dahil nagustuhan ni Barry ang pagkain nila. Nag-aalala kasi siya na baka hindi nito magustuhan, wala pa naman silang sapat na pera pambili ng pansosyal na pagkain na pasok sa panlasa ng mayayaman. 

“Good you like it.” Nag-thumps up na rin si Rosalindo. “After eating we going to back of house. We drink lambanog.”

Napailing-iling na lamang si Czarina dahil sa sinabi ng kaniyang ama. Hindi talaga buo ang araw nito kapag hindi nakakainom. Kahit may trabaho ito sa palayan palagi pa rin itong may dalang gallon ng lambanog. Hindi rin naman nila ito napagbababawalan dahil kahit na lasinggero ang kanilang ama never naman sila nitong ginutom o sinaktan dahil sa kalasingan.

“Lambangog?” nakakunot ang noo ni Barry habang iniisip ang bagay na iyon. Nagpatuloy pa rin siya sa pagkain.

“It‘s a beer for poor like me,” sagot ni Rosalindo.

“Oh... Liquor.” Barry said as he understands what Rosalindo mean.

“Yes! Likor!” Pumapalakpak pa ito. “Buti nakuha mo ang ibig kong sabihin.”

“Stop talking while eating. Finish our lunch before talk,” saway ni Lolita.

Naging abala sa pagkain ang lahat. Kumagat si Barry sa tuyong ulam. Pasok naman sa panlasa niya kahit na maalat ito. Wala siyang naging reklamo. Ginusto niyang sumama sa dalaga kaya paninindigan niya ito. Ayaw rin niyang parang nababaliw sa pag-iisip dito habang magkalayo sila kagaya sa nangyari sa kanya sa Italy. 

Naging tahimik silang kumakain. Naiwan ang mga babae sa loob ng bahay pagkatapos ng tanghalian. Dinala ni Rosalindo sina Barry at Alfonso sa likod bahay para uminom ng lambanog. Binigay ni Rosalindo ang unang tagay kay Barry. Tinanggap naman ito ng binata. Halos Hindi maipinta ang mukha niya nang matikman ang lasa ng lambanog pero kahit na hindi niya ito gusto pinilit niya itong inumin. Pulang-pula ang mukha niya na kinaalala ni Alfonso.

“Are you okay, Mr. Bianchi?” Tanong ni Alfonso sa amo.

Isinauli ni Barry ang baso kay Rosalindo saka nagsalita. “I‘m okay, Alfonso. Don't worry, it's just a lambangog. It won't kill me right?”

“Hindi naman, Mr. Bianchi,” sagot nito.

“Stop okay-okay mister Banchi. Ito para sayo Alfonso.” Inabot ni Rosalindo ang basong may laman ng alak kay Alfonso. “Inom tayo hanggat buhay pa ang atay!” natatawang sigaw nito.

Tinanggap ni Alfonso ang baso at tinungga ang laman. Naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang kapula ang mukha ng amo nang makainom ito. Dahil pala sa subrang asim. P‘wedeng-p‘wede na itong ilagay sa kilawin.

Ibinalik ni Alfonso ang baso na wala nang laman. Wala na siyang balak pang-uminom. Tatayo na sana siya para makatakas sa sunod na tagay ni Rosalindo pero biglang hinawakan ni Barry ang pulsunan niya. Kaya hindi siya nakaalis roon.

Nilagyan na naman ni Rosalindo ang baso at sa pagkakataon na ito... siya mismo ang uminom nito. Walang kahit gusot sa mukha, halatang sanay uminom ng ganoon kaasim na lambanog.

“Barry you like my daughter right?” Entro na tanong ni Alfonso. “Do you want my daughter to marry? Because if not— did you see our riber? There's a crocodile there— hindi pa sila nakakain ng apam. I drown you in river if you hurt my Czarina.”

Lumunok si Barry. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa banta na iyon ni Rosalindo. “I will marry your daughter, sir!” agarang sabi nito.

Tumayo si Rosalindo saka tinapik ang binata sa balikat. “Good. Good. I will call you son-in-law!” masayang sabi nito. “We celebrate! We celebrate!” Naglagay ulit siya ng lambanog sa baso saka tinungga. Tumagay ulit siya saka binigay kay Barry.

Hindi makatanggi si Barry sa ama ng babaeng gusto niya. Infact, kahit saglit sa isip niya hindi niya pagsisisihan na sumama siya kay Czarina. Nakilala niya ang pamilya nito. Lalo na ang ama nito na mababakas sa trato nito sa kaniya na gustong-gusto siya para sa anak.

Walang pagdadalawang-isip na ininom ni Barry ang alak na nasa hawak niyang baso. Naluha na tuloy siya sa subrang asim. Malakas ang tolerance niya sa alak pero sa lambanog ni Rosalindo panigurado siya na hindi na niya kakayanin kung mayroong isang tagay pa.

“Pareng Rosalindo!”

Napalingon silang tatlo sa bandang kanan nila nang marinig ang sigaw na iyon. Lumapit ang lalaking bagong dating at tumabi ito ng upo kay Rosalindo pero nasa kay Barry ang paningin nito. Halata sa reaksyon ng mukha nito na manghang-mangha sa kagwapuhan na taglay ng banyaga.

“Paring Rodolfo, anong sadya natin? Bakit nandito ka? Mamayang gabi pa ang usapan natin na inuman ah,” ani Rosalinda sa kumpare niyang bagong dating.

Itinuon ni Rodolfo ang pansin sa kumpare niya. “Sabi kasi ng asawa kong si Silya na may apam daw kayong bisita.” Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ni Rosalindo. “Baka naman pare... Ireto mo ang anak ko sa kaniya.”

Itinampal ni Rosalindo ang palad sa mesa dahil sa pagkabigla sa sinabi ng kumapare niya. “Abay hindi pwede, pari... Ikakasal na sila ni Czarina. Son-in-law ko na ngayon si Barry.”

Pekeng ngumiti si Rodolfo. “Ganun ba pare... Kung ganun hindi na pala dapat ireto ang anak ko sa kaniya.”

“Tama.” Binigay ni Rosalindo ang baso sa kumpare niya. “Uminom ka nalang, pare,” sabi nito habang nilalagyan ng alak ang basong kasalukuyang hawak ni Rodolfo.

Pagkatapos inumin ang laman ng hawak na baso ni Rodolfo, tumayo ito saka nagpaalam na umalis. Hinayaan rin nila itong makaalis. Iyon lang talaga ang sadya nito dito, ipapareto ang anak sa bisitang banyaga.

Dumating si Czarina sa pinag-iinuman ng tatlo. Laking pasasalamat ni Alfonso sa pagdating ng dalaga dahil naligtas siya sa lambanog ng ama nito. Sa kaniya pa naman ang susunod na tagay.

“Tay tama na ‘yan,” awat ni Czarina. “Hindi sila sanay sa lambanog mo.”

“Buti nagpunta ka dito, Ms. Czarina,” pabulong na sabi ni Alfonso. “Halos mamatay-matay na kami sa asim ng lambanog ng tatay mo.”

“Pasensya na manong Alfonso. Nadamay kapa sa kalukuhan ng tatay ko.”

Dumako ang paningin ni Czarina kay Barry. Kitang-kita niya ang pulang-pula nitong mukha. Dali niya itong nilapitan at hinawakan sa balikat. Tumingala naman ito sa kaniya saka ngumisi dahilan na inilayo niya ang kaniyang mga mata dito. Hindi siya sanay sa ganoon na ngiti ng binata.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon