chapter 27

260 10 1
                                    

"Barry, Adele has a fever!" anunsyo ni Barbara habang papalapit ito sa pagdating ng mag-asawa. Kakapasok pa lamang ng mga ito sa pintuan.

"What happened to her, mom? Is she needs a doctor?" Nag-alalang tanong ni Barry. Ayaw niyang lumapit sa babaeng iyon pero ayaw rin niyang may mangyari itong masama. "Where is she now?"

"She needs a doctor? Yes, but she doesn't want to go to the hospital," Barbara replied. "She's in the room right now."

Humarap si Barry sa asawa. Nag-puppy eyes siya dito. Ngumiti si Czarina saka tumango. Hinawakan niya ang kamay nito at sabay nilang inakyat ang kuwarto kung nasaan si Adele. Nasa likuran rin nila si Barbara.

Pagpasok nila sa kuwarto, naabutan nila si Adele na umiiyak habang nakahiga sa kama at nasa ilalim ng kumot. Nilapitan nila ito.

"Adele, Barry is here. He wants to talk to you," Barbara said. "Adele, baby... Barry wants to take you to the hospital."

Lumabas ang ulo ni Adele sa loob ng kumot. Nakangiti ito pero nang makita nito si Czarina, bigla na lamang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. "I don't want to see that woman! Come out, Czarina! I feel like I'm getting sick because of you!" Singhal nito kay Czarina.

Mapaklang ngumiti si Czarina. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Adele. Tumalikod siya at aakmang hahakbang na sana siya papunta sa pintuan para lumabas- doon lamang niya namalayan na nakahawak pa rin pala sa kanya si Barry.

"Where are you going?" tanong ni Barry. "If you're leaving, I'm leaving too."

Ngumiti siya sa kanyang asawa. "Magbibihis lang ako. Promise, babalik ako dito," pagkatapos sabihin, dumako ang paningin niya kay Adele bago siya tuluyan na umalis roon.

Walang nagawa si Barry kung hindi sundan ng tingin ang asawa. Nang nakalabas na ito saka lamang niya ibinalik ang paningin kay Adele na hindi maipinta ang mukha. Halatang may dinadamdam ito masakit sa katawan.

"I'll just talk to Czarina. I'll just ask for forgiveness for what Adele did." Wala pang sumagot kay Barbara patakbo na itong nagtungo sa pintuan at dumeretso sa kuwarto ng mag-asawa kung nasaan si Czarina. Hindi na siya nagpaalam, deretso siyang pumasok.

Nabigla si Czarina sa pagpasok ng kanyang mother in law sa kanilang kwarto. Hinarap niya agad ito.

"Czarina, pasensya kana kay Adele," entro ni Barbara. "Minsan talaga pangit ang ugali niya lalo na kapag pagdating kay Barry. May gusto kasi siya sa anak ko pero 'yong anak ko, ayaw sa kanya."

"Ayos lang po. Naiintindihan ko," malumanay na sagot ni Czarina. "At may sakit siya kaya dapat ko talaga siyang pagpasensyahan." Humawak si Barbara sa kanyang kamay at dumako naman doon ang kanyang paningin. Kasunod ibinalik niya ang paningin sa mukha nito.

"Napakabait mo talaga. Naintindihan ko na kung bakit mahal na mahal ka ng anak ko," ani Barbara.

Nagulantang sila nang marinig nila si Barry na parang nagagalit. Dali silang lumabas at bumalik kung nasaan sina Adele at Barry.
Naabutan nila si Adele na nakakulambaba kay Barry at pinipilit nitong halikan ang lalaki. At habang si Barry naman ay pilit na winawaksi ito sa leeg niya.

"What are you doing, Adele?!" sigaw ni Barbara. Dali siyang lumapit sa dalawa at inawat si Adele pero hindi nakikinig sa kanya.

Nandilim ang paningin ni Czarina habang nanunuod sa eksena na nangyayari. Mula sa gitna ng pintuan na kinatayuan, malalaking hakbang siyang lumapit dito. Buong lakas niyang hinila ang buhok ni Adele at malutong na sampal sa mukha ang pinatikim niya dito.

Bumitiw si Adele kay Barry. Susugurin niya sana si Czarina buti na lamang napigilan siya ni Barry. Binaliktan nito ang kanyang mga kamay na kinangiwi niya habang may mapaklang ngiti.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon