Epilogue

452 12 4
                                    

Nasa loob sila ng sasakyan. Sina Czarina at Barry ay nasa likuran na upuan habang si mang Alfonso ang nagmamaniho at ang bata ay nasa passenger seat. Tahimik sila hanggang parating ng mansyon.

Agad na lumabas si Czarina ng sasakyan, at tinulungan niya ang bata na lumabas sa passenger seat. Hawak niya ang kamay nito habang papasok sila sa loob ng kabahayan. Kahit isang sulyap kay Barry hindi niya ginawa. Nahihiya siya dito.

"Mi amore, please... Don't treat me like that..." Nakasunod si Barry sa asawa niya. "Pwede ba nating pag-usapan ang mga nangyari. Mayroon lang akong gustong clarify."

Tinawag ni Czarina ang katulong, nang lumapit ito sa kanya, pinalinisan niya ang bata na hawak. Sumunod rin naman agad ito sa kanya. Kasunod humarap siya kay Barry.

Barry smiled at his wife. His smile showed how happy he was that Czarina listened to him.

Humakbang si Czarina ng isang beses palapit kay Barry habang nakayuko. "Alam kung naguguluhan ka. Alam kung nagdadalawang-isip ka dahil sa sinabi ko sayo kani-kanina. Kung makapag-isip kana ng Tama at naisipan mong iwan ako, ayos lang sa akin."

Kumunot ang noo ni Barry. "What are you talking about? Hindi kita iiwan. I won't do that." he held her hand gently. "Nothing and no one can change how much I love you. I'll be with you forever. It doesn't matter if we can't have kids, that's no reason to leave."

"Barry..." she whispered, tears streaming down her face. "Aren't you ever tired of me? I mean, I can't give you the family you deserve, why don't you just leave me?"

"If I leave you, it's not love, mi amore," he said in his sweetest voice.

"Hindi mo ako iiwan?"

Tumango si Barry kasunod ang isang ngiti na nagpapahiwatig ng isang pangako. Napangiti na rin si Czarina. Walang lumabas sa kanyang bibig; nakangiti lamang siya.

"About the kid, what are we going to do with her?" tanong ni Barry nang maisip nito ang dinala nilang bata na kasalukuyang pinapaliguan ng katulong.

"I w-want to adopt her," sagot ni Czarina. "kung papayag ka."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Barry. "Of course, if that's what you want, I'll process her adoption papers."

"Thank you." Niyakap niya ang asawa sa kasiyahan.

Being in love with the right person at the right time is one of the most delightful experiences a person can have, and Czarina is very fortunate to be one of those who have experienced it.

DUMADAMPI sa balat nila ang sinag ng araw na nanggaling sa bukas na glass window. Nakatitig si Czarina sa mukha ng asawa niyang natutulog pa. It was eight in the morning. Pinaglandas niya ang kanyang daliri mula sa ilong nito patungong labi.

Nagising si Barry, ang magandang mukha ng asawa ang sumalubong ng kanyang paningin; nakaupo sa gilid niya. Hinaplos niya ang mukha nito sabay upo sa kama.

"Good morning," bati ni Czarina.

"Good morning, mi amore," balik bati niya. "Have you been awake for a while??"

"Nope. Kakagising ko lang rin." sagot nito.

Humalik si Barry sa noo ng asawa kasunod sa tangkay ng ilong papunta sa labi. It was just a peck kiss.

Two years passed. It's her graduation day. She planned to study college but in the next school year pa. Gusto niyang makasama muna ang kanyang mag-ama sa pagpunta ng Italya.

"Nay, tay!" tawag ng anak nilang babae na nasa labas ng pintuan. "Pwede ba akong pumasok?"

"Oo, nak, pumasok ka," sagot ni Czarina.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon