chapter 30

272 12 1
                                    

Habang kinukunan ng CT scan, hindi naman napipigilan ang kaba ni Czarina. Pagkatapos siyang kunan, nakaalalay sa kanya ang katulong pabalik sa kwarto. Doon na lamang nila hintayin ang resulta.

Pinauwi niya si mang Alfonso para kunin ang card na iniwan sa kanya ni Barry. Kailangan nilang bayaran ang bill para makalabas na sila pagkatapos makuha ang result ng CT scan and ang finding ng doktor.

"Ma'am Czarina, bibili muna ako sa labas ng makakain natin," saad ng katulong.

"May pera kaba?" tanong ni Czarina na nakaupo sa sofa. Wala na itong iniindang sakit. "Wala kasi akong pera dito."

"Oo, ma'am. Binigyan ako ni mang Alfonso," sagot nito na nasa harapan ng amo.

"Sige," anito.

Lumbas na ng kwarto ang katulong. Ilang minuto, may pumasok na Doctor, si Dr. isang general practitioner. Napatayo agad si Czarina nang makita niya ito.

"Magandang hapon, dok!" bati ni Czarina dito.

"Good afternoon," balik bati ng doktor. "Dala ko na ang result ng CT scan mo, mrs." Ipinakita nito ang tinutukoy na hawak. "Umupo nalang po kayo, itatalakay ko ito sayo."

Bumalik sa pag-upo si Czarina sa sofa. At hinintay na muling magsalita ang doktor.

"According to your CT scan result, may nakitang mga abdormalidad sa iyong pelvic na posibleng may endometriosis ka," walang paligoy-ligoy na sabi nito. "Lahat ng symptoms ng isang babae na mayroong endometriosis ay nakita rin namin sayo."

Kumunot ang noo ni Czarina. "Endomentriosis? A-ano ito, dok?" kinakabahan niyang tanong.

"Iyan ay isang kondisyon kung saan ang tissue na katulad ng lining ng matris ay lumalaki sa labas ng matris. Pwede itong sanhi ng pananakit sa pelvic area lalo na sa panahon ng regla," mahabang paliwanag ng doktor.

"May kailangan po bang gawin, dok?"

"Para masigurado natin ang diagnosis mo, I recommend to you, na magpa-laparoscopy surgery, ka, ito ang pinakatiyak na paraan." saad ng doktor. "After ng laparoscopy surgery mo, pwede na po kayong makalabas at balikan mo nalang ang result this coming friday."

"Naiintindihan ko, dok," tipid na sagot nito. "Dok, paano kung may endometriosis ako, may masama po ba yung dulot sa akin?"

Tumikhim ang doktor. "Ang sakit na ito ay hindi naman nakakamatay, pero maaaring magdulot ito ng ibang complication, tulad ng cyst sa ovarian, problema sa pantog at bituka. Lastly, pwedeng magdulot ito ng problema sa pagbubuntis," sagot nito. "Sige, Mrs, may pasyente."

"S-sige, dok. Salamat," saad ni Czarina.

Lumabas ang doktor at naiwan si Czarina sa loob ng kwarto. Nakatulala na lamang siya sa kawalan habang iniisip ang huling sinabi ng doktor sa kanya.

Bumukas ulit ang pintuan at pumasok roon si mang Alfonso. Lumapit agad ito sa kanya.

"Maam Czarina, heto na ang pinapakuha mo sa akin." Inabot ni mang Alfonso ang black card sa amo.

Czarina didn't utor any words. Tinanggap niya ang card habang wala sa sarili.

Bumalik na ang katulong na may dalang pagkain. Nilapag niya sa mesang nasa gitna ng mga sofa. Hinanda niya ito roon, alam niyang nagugutom na ang ma'am niya.

"Dang, mukhang masarap yang binili mo ah," ani mang Alfonso sa katulong.

Humagikhik si Dang. "Mukha nga, nabili ko lang sa labas," sagot nito. "Ma'am, kain po kayo. Wala pa po kayong kain."

Walang imik si Czarina kahit na naririnig niya ang pagtawag ni Dang sa kanya. Nagtataka na rin ang dalawang kasama niya sa kwarto sa kanya.

Hindi nalang rin kumain sina mang Alfonso at Dang.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon