chapter 32

322 9 1
                                    

Gusto sana bumalik ni Barry sa Manila sa gabing iyon. Pinipigilan lamang sila ni Lolita. Kaya doon na lamang sila nagpalipas ng gabi at kinaumagahan na lamang sila bumalik.

"Ingat kayo hah! Barry find my daughter!" paalala ni Lolita. "Find her!"

Nasa sala sila- nag-uusap. It was five in the morning; Rosalindo and Lilith were still sleeping.

"Yes, nay, I'll make sure to find her," saad ni Barry. Napatingin siya sa pintuan ng kwarto ng mag-asawa. "Tay is still sleep, nay?"

"Ah, oo. Lasing kasi iyon kagabi eh," sagot nito. "Sige na, bumyahe na kayo. Ingat kayo; dahan-dahan lang sa pagpapatakbo."

"Thank you, nay." Barry hugged his mother-in-law. Siya na rin mismo ang unang bumitaw. "We're leaving now, nay."

Tumango lamang si Lolita.

"Let's go, Alfonso," tawag ni Barry sa tinutukoy. Umuna na siyang humakbang palayo, sumunod rin sa kanya ang driver at nagtungo sa sasakyan na iniwan sa tabi ng kalye.

Pabalik na sila ng Manila. Hinilamos ni Barry ang kanyang mga palad. Nasa back seat siya; gustong- gusto na talaga niyang makauwi para humingi ng tulong sa mga utoridad. Palagi parin niyang tinatawagan si Czarina pero hindi pa rin ito sumasagot.

"Mr. Bianchi," tawag ni mang Alfonso sa amo niya. "I know someone who might be able to help us. She might know where ma'am Czarina is."

Nakaramdam ng pag-asa si Barry dahil sa kanyang narinig mula sa driver. "Who, Alfonso? We'll find her, no matter where she is."

"Ma'am Czarina's friend, Aileen," sagot ni mang Alfonso. His eyes were still focused on the road. “Maybe she'll be at school later.”

Kumunot ang noo ni Barry. "Friend? I didn't know Czarina have a friend! But if she's our last pag-asa na makita natin si Czarina, kailangan natin siyang puntahan sa school." Hindi na siya makapaghintay na makausap - kung sino man itong si Aileen. "Bilisan mo pa ang pagmamaniho, Alfonso, kailangan makarating tayo agad!"

Tulad ng utos ng Barry, pinabilisan ni mang Alfonso ang pagpapatakbo.

Hindi mapakali si Barry. Pasalin-salin ang kanyang paningin sa hawak na cellphone at labas ng kotse para tingnan kung nasaan na sila. Sumadal siya sa backseat saka bumuntong-hininga.

It was almost eight in the morning. Tamang-tama ang pagdating nila sa paaralan, nang makita ni mang Alfonso si Aileen. Nasa entrance ito, papasok sa loob.

"Did you-"

"Mr. Bianchi, that girl wearing brown t-shirt in the entrance, that's Aileen!" turo ni mang Alfonso kay Aileen.

Daling lumabas si Barry at tumakbong lumapit sa babaeng tinuturo ni mang Alfonso. Hinawakan niya ang pulsunan nito dahilan ng paghinto nito sa paglalakad at lumingon sa kanya. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito.

"Mr Bianchi, b-bakit po?" utal na tanong ni Aileen.

Where's my wife? I know you know where she is. Please, just tell me."

"I d-don't know where is she, Mr. Bianchi. H-hindi kami nag-uusap simula kahapon," sagot ni Aileen. Sibubukan niyang bawiin ang kamay niya sa kaharap pero lalo lamang itong humigpit sa pagyakap sa kanya. "Please, let me go! May klase pa ako."

Lumapit doon si mang Alfonso. "Sige na, Aileen, sabihin mo na sa amin kung nasaan si ma'am Czarina. Mababaliw na si Mr. Bianchi sa kakahanap sa kanya," saad niya. Nasa likuran siya ng amo niya.

Napakamot na lamang ng ulo si Aileen. Hindi na niya alam kung anong gagawin. Hindi maipinta ang mukha niya habang nagpasalin-salin ang paningin sa dalawang nasa harapan niya.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon