chapter 20

286 13 1
                                    

"Nandito na pala ang mga dala namin," anunsyo ni Sherlyn. Nakatingin siya sa limang katulong na nagsisidatingan at may dala ang mga ito. "Pasens'yan na kayo, nahuli ng dating."

"Mare, sana hindi nalang kayo nag-abala," nahihiyang sabi ni Lolita habang nakatingin rin sa mga bagong dating. Dumako ang paningin niya sa anak niyang papalapit sa kinaruruonan nila. Kasama nito si Barry.

"Hindi pwede, mare, pamanhikan 'to. Dapat lang talaga kaming magdala," sagot ni Sherlyn.

Sabay-sabay napatayo silang napatayo nang tumayo sa kanilang harapan sina Czarina at Barry. Parehong curious ang mga ito sa naging kalabasa ng pag-uusap ng dalawa.

"Anong plano n'yo?" tanong ni Shayne na nasa gilid ng kanyang ina. Ang lahat ay naghihintay kung anong sagot ng dalawa sa tanong niya.

Barry smiled. "We're getting married!" masigla niyang sagot. Ganoon rin ang naramdaman ng mga naghihintay sa sagot.

"Oh my god! Congratulations, fratello! Finally, you are getting married!" masayang bati ni Shayne.

"Yes! Finally, Czarina agreed to marry me after she finishes college!" masayang sabi rin ni Barry.

Biglang tumahimik. Naudlot ang kasiyahan ng bawat pamilya. Nagsialisan ang mga ito roon at pumasok ng bahay. Naguguluhan naman ang dalawa na naiwan. Napatingin na lamang sila sa isa't isa.

"What's happening to them?" tanong ni Czarina sa kaharap. "They are happy then not again."

"Maybe they're hungry," paghuhula ni Barry.

"I don't believe they're hungry," ani Czarina.

Naintindihan ni Barry ang kanilang mga pamilya. Hindi ito sang-ayon na pagkatapos ng college pa sila magpapakasal. Even him, nakaramdam rin siya ng konting kalungkutan. Maghihintay lang naman siya sa dalaga ng halos limang taon bago niya ito matawag na asawa.

Napakaiksi ng pasensya ni Barry. Pero kung para kay Czarina, maghihintay siya. Kung para kay Czarina, hahabaan niya.

"Siguro. Halika na nga!" Hinila ni Czarina ang lalaki papasok ng bahay.

Pagpasok nila nakahanda na ang mga pagkain sa lamisa. Sinaway ni Czarina ang kapatid na bahagyang tumatalon-talon sa gilid ng mesa habang nakatingin sa mga pagkain na naruruon. Sumunod rin naman ito.

Dumaan ang ina niya sa kanyang gilid na may hawak na mga plato. Makikipag-usap sana siya dito pero hindi siya nito pinansin. Kumunot ang noo niya. Pakiramdam niya may tampo ang ina sa kanya.

"Mi amore, what's wrong?" tanong ni Barry.

Humarap siya sa binata. "They are mad at me." Nanubig ang mga mata.

Niyakap ni Barry ang dalaga. Nagpaubaya na lamang rin ito sa kanya. "It's okay. We can talk to them about it. You don't need to worry."

Nasa harap na ng hapagkainan ang lahat maliban sa kanila at ng mga katulong. Nagsimulang kumain ang mga ito na hindi sila niyaya. Nagkukwentuhan pa ang mga ito habang nagtatawanan.

Dumestans'ya si Czarina sa yumayakap sa kanya. Humakbang siya ng ilang beses papalapit sa mesa. "Okay na, kayo na magdesisyon kung kailan n'yo kami ipapakasal. Pero sa isang kondisyon, mag-aaral pa rin ako."

Natahimik ang mga nagtatawanan. Tumigil rin ang mga ito sa pagsubo sa bawat sarili nila. Pero maliban kay Lilith na sarap na sarap sa chicken joy na kinakain.

Tumikhim si Lolita. "Sigurado kana, nak? Baka magbago na naman ang pasya mo kapag nakapag-schedule na ng date ng kasal."

"O baka hindi siya sisipot sa kasal kasi napilitan lang siya," sabat ni Sherlyn.

"Tama ka, mare," sang-ayon naman ni Lolita. "Huwag nalang kayong magpakasal kung napipilitan ka lang, nak." Sinubuan niya ulit ang sarili.

"Hindi. Talagang buo na ang pasya ko, nay." Humarap siya kay Barry na nasa kanyang bandang likuan. "Let's get married, Barry. When ever you want."

Barry was shocked. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Czarina. Lumapit siya dito at hinawakan niya ang kamay nito. "A-are you sure, mi amore? We can marry anytime?"

"Yes, Barry. Kahit kailan at kahit saan," sagot ni Czarina. Nagsimulang tumulo ang mga luha niya.

Tumayo si Sherlyn at may binigay ito kay Barry. "Go ahead! Put it on her finger."

Tinanggap ito ni Barry at kumakabog ang puso niya nang lumuhod siya sa harapan ng babaeng gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda. Napatakip si Czarina ng bibig gamit ang kanyang mg palad habang nasa kay Barry ang paningin.

"M-mi amore, w-will you say yes and become my forever love?" nautal-utal na tanong ni Barry.

Napatingin si Czarina sa hawak ni Barry. Nanubig nag kanyang mga mata nang makita ang diamond ring. Shape heart ang bato nito sa gitna.

Barry cleared his throat. "Mi amore, will you marry me?" balik tanong niya. Sa pagkakataon na ito hindi na siya nauutal.

Sunod-sunod ang mga luha ni Czarina. Nanginginig ang kamay niya habang inilahad niya ito sa harapan ng binata. "Yes, I'll marry you, Barry!"

Isinuot ni Barry ang singsing na ibinigay ni Sherlyn sa daliri ng dalaga. Pagkatapos tumayo siya at deretso niyang hinalikan si Czarina sa labi. Dali ring tinakpan ni Lolita ang mga mata ng anak niyang si Lilith na nasa tabi niya.

"Nay, kunin mo ang kamay mo. Hindi naman ako nakatingin sa halikan nila ate at kuya Barry eh. Sa pagkain ako nakatingin," reklamo ni Lilith.

"Paano mo nalaman na naghalikan sila kung hindi ka nakatingin?" tanong ni Lolita sa anak.

"Nakita ko sa tv nila ate Darlene. Kapag niyaya ng lalaki ang babae ng kasal maghahalikan sila pagkatapos," sagot niya.

Napabuntonghininga na lamang si Lolita na inalis ang kamay niya sa mga mata ng anak. Tulad ng sabi nito, kahit isang sulyap hindi nito ginawa. Abalang-abala ito sa kinakain.

Bumalik ang tingin ni Lolita sa panganay niyang anak. Nanubig ang kanyang mga mata nang makita kung gaano kasaya ang anak niya.

"Next week na ang kasalan!" anunsyo ni Sherlyn.

"Teka mare, kaya ba next week? Baka 'di kayanin sa araw," pag-aalala ni Lolita.

Dumako ang paningin ni Sherlyn sa kumare niya. "Ofcourse mare, kayang-kaya 'yan ng pera." Kumindat pa siya.

"Tatawagan ko ang organizer ng wedding ni cris. Excuse me," ani Shayne. Tumayo siya saka lumabas ng bahay.

Tumayo na si Rosalindo at inawat ang naghahalikan sa kanyang harapan. "Tama na 'yan. Yung anak ko, Barry, baka maubos mo ang labi niya." Marahas niyang inilayo ang anak sa lalaki at pumagitna siya sa dalawa.

"Ano bang ginagawa mo, Rosalindo?" naiinis na tanong ni Lolita. Tinuro pa niya ang asawa.

"Inaawat ko sila," sagot ni Rosalindo. "Nakita mo naman na minumukbang niya ang anak natin. Baka akalain ng apam na ito na easy to get tong anak natin."

"Ikakasal na nga sila," sagot nito. "At tyaka hindi mo alam ang mga nangyayari kaya tumahimik ka!"

Umalis si Rosalindo sa gitna ng mag-fiance. Yumakap naman ang mga ito ulit sa isa't isa. Natatawa na lamang si Czarina habang nakikita niya ang ama niyang nakakunot ang noo.

Niyakap ng mahigpit ni Czarina ang future husband niya. Tumikhim si Sherlyn dahilan ng pagbitiw nila sa isa't isa. Napangiti si Czarina nang hinalikan ni Barry ang likuran ng kanyang palad.

"Kumain na muna kayo," Sherlyn suggested. "Mamaya na 'yang lambingan kapag-wala na kami." Humahighik pa ito.

Pinagsaklop ni Czarina at Barry ang kanilang mga kamay at sabay na umupo sa harap ng hapagkainan. Nilagyan ni Barry ang plato ni Czarina ng kanin, kasunod ang ulam. Hindi naman mapigilan ni Czarina ang ngiti niya habang nakasunod ang paningin niya sa ginagawa ni Barry. Napaka-romantic ito para sa kanya. Umaasa siya na sana hindi ito magbago kung mag-aasawa na sila.

"You want more, mi amore?" tanong ni Barry.

"No, tama na ito," sagot ni Czarina.

Ngumiti lamang si Barry sa sagot ng katabi. Naglagay na rin siya ng makakain sa plato niya. Nagsimula silang kumain na nakasaklop ang kanilang mga palad na parang hindi mahiwalay.

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon