chapter 22

271 12 0
                                    

"Wake up, mi amore."

Nagising si Czarina dahil sa bumubulong sa kanya. She opened her eyes, seeing Barry's face in view. May matamis itong ngiti sa kanya na kinakunotnoo niya.

"Good morning," bati ni Barry, may matamis parin siyang ngiti habang niya ito sa buhok saka humalik sa labi. Nakaupo siya sa kanang gilid ng kama. "Good morning again," bati niya ulit pagkatatapos pakawalan ang labi ng asawa.

Kumurapkurap si Czarina. "G-good morning." Biglang kumabog ang puso niya. Honeymoon kasi ang nasa isip niya. Iniisip niya na baka sisingilin na siya nito dahil tinulugan niya ito kagabi.

"Our breakfast is ready," sabi ni Barry sabay turo sa table na nasa gilid nito. May mga foods na nakalapag roon. "Come on, I'll feed you.."

Bumangon si Czarina mula sa pagkahiga. Sinubuan siya ng pancake ni Barry. Nakangiti siyang ibinuka ang bibig. At hindi niya namalayan na namumula na pala ang pisngi niya dahil sa kilig. Ito ang kauna-unahan na sinubuan siya ng isang lalaki. For her, it's very romantic.

"You're blushing, mi amore," panunundyo ni Barry. "You look so cute when you're blushing. I like it."

Daling hinawakan ni Czarina ang bawat pisngi niya. Tinatampal-tampal niya ito na lalo nitong kinapula. Natawa na lamang si Barry sa kanyang ginagawa kaya siya tumigil sa kakatampal sa pisngi at madilim na tumitig sa tumatawa.

"You really so cute, mi amore!" he still laughing.

"What's funny?" matigas niyang bigkas sa bawat salita.

Tumikhim si Barry. "Nothing." he became serious. Sinubuan niya ulit ang asawa, sa pagkakataon na ito, hatdog naman.

May kumatok sa pintuan. Tumayo si Barry at pinagbuksan kung sino ang nasa labas. Si Alfonso ang naabutan niya na nakatayo sa harapan ng pinto.

"I'm sorry if I disturbed you, Mr. Bianchi, Ms. Czarina's parents are asking to inform you that they are going home. Lolita mentioned that
Rosalindo needs to drink his lambanog to calm down."

"I'll tell Czarina first, wait," he said. Lumapit siya ulit sa kama kung nasaan ang kanyang asawa. "Mi amore, Alfonso is outside. He might have something to tell you."

Tumayo si Czarina at humakbang papunta sa pintuan. Naabutan niya si Alfonso roon, nakatayo at hinigintay siya. "Bakit po mang Alfonso?"

"Ang mga magulang mo ms. Czarina, gusto nang umuwi," sagot ni mang Alfonso. "Ihahatid ko ba sila?"

"Nasaan sila mang Alfonso? Kakausapin ko muna sila," ani Czarina.

"Nasa kanilang kwarto pa sila... nag-iimpaki," sagot nito. "Samahan na kita sa kanila, ms. Czarina."

Lumabas ng kwarto si Czarina. Wala siyang pakialam kung bagong gising siya. Nasa isang floor lang naman sila ng kanyang pamilya.

Pagdating nila sa kwarto ng kaniyang mga magulang, naabutan nila na bukas ang pinto nito habang abala sa pag-iimpaki ang ina.

"Ate Czarina!" tawag ni Lilith na palapit sa kapatid saka yumakap ito dito. "Ayaw ko pang umuwi ate pero sila nay at tay uuwi na."

"Bakit ayaw mo pang-umuwi?" tanong ni Lolita sa anak.

"Kasi ang sarap dito matulog, nay. Ang ginaw ng aircon tapos ang ganda pa ng kwarto," sagot ni Lilith. Itinuon niya ang pansin sa ate niyang yakap-yakap parin niya. "Pagawa tayo ng ganito ni kuya Barry, ate Czarina. Mayaman naman siya diba..."

"Nakakahiya sa kanya, Lilith," nakangiwing sagot ni Czarina habang nakatingin sa kapatid. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa ina niya. "Uuwi na kayo, nay? Mag-stay muna kayo dito ng ilang araw. Sayang ang binayad ni Barry eh. Baka isipin niya, sinasayang natin ang pera niya."

CAPTURED BY BARRY BIANCHI (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon